Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Kabanata 901 - Kabanata 910

Lahat ng Kabanata ng The Three Little Guardian Angels: Kabanata 901 - Kabanata 910

2769 Kabanata

Kabanata 902

Hindi tinapos ni Nolan ang sinabi niya.Inayos ni Maisie ang lahat ng files at nagdududang tumaas ang mga kilay. “Kailangan natin makahanap ng ebidensya na gustong patayin ni Maizie si Katrina.”Kahit na pinaghihinalaan nila si Maizie, hindi nila kayang patunayan nang walang ebidensya na binayaran ni Maizie si Gideon.Nagsalita si Quincy, “Sa oras na malaman natin kung saan galing ang pera sa account ni Gideon, baka makakuha tayo ng sagot.”Samantala, sa mga Boucher…Nang sinabi ni Maizie kay Elder Master Boucher na lalaki ang magiging anak niya, natuwa si Richard at sinabihan ang buong pamilya na magsalo-salo sa hapunan. Nagdagdag pa siya ng ilang putahe para sa babysitter.Patagong natuwa si Maizie sa sobra-sobrang pagmamahal ni Richard sa great-grandson nito na dinadala niya.Tiningnan niya si Francisco na tahimik at seryoso ang ekspresyon. Kung tatanggapin siya ni Richard dahil sa baby, hindi niya kailangan isipin kung masaya ba si Francisco o hindi. Magpapakasal siya at mag
Magbasa pa

Kabanata 903

“Dad, hindi na kailangan hintayin na ipanganak ang bata. Pwede tayong kumuha ng sample ngayon.”“Mrs….Mrs. Boucher, hindi maganda sa bata ang pagkuha ng sample.” Namutla si Maizie. Ayaw na ayaw niya kay Christina na sa simula pa lang ay sinusubukan na siyang pigilan. Bakit hindi na lang mamatay ang matandang babae na ‘to?Hindi nagbago ang ekspresyon ni Christina. “Huwag ka mag-alala. Hahanap tayo ng expert at hindi yun masakit para sa baby o at para sa iyo.”“Pero—-”“Ms. Hannigan, hindi ba’t kay Francisco naman ang anak mo? Bakit ka nag-aalinlangan? Kung gusto mong maging parte ng pamilya, kailangan mong pangalagaan ang pangalan ng pamilya, tama?”Nagpupumilit si Christina, at halos bumigay na si Maizie sa sobrang kaba.Maswerte siya at pumagitna si Richard at sinabing, “Tama na, lumalamig na ang pagkain. Ubusin na natin.”Nakahinga nang maluwag si Maizie, pero nag-aalala pa rin siya at naging alerto pa rin. Tiningnan niya ulit si Christina at saka kinagat ang labi. Isang bant
Magbasa pa

Kabanata 904

Nagulat si Barbara at matagal na hindi nakapagsalita.Tinapos niya ang panonood sa video, at nagsalubong ang mga kilay niya. Nanghingi si Katrina ng $8,000,000 kay Maizie, at ang mas nakakagulat pa ay alam ni Katrina na hindi kay Francisco ang batang dala-dala ni Maizie.Anong motibo ni Maizie?Pagkatapos ng mahabang sandali, nakapalumbabang nag-isip si Barbara. “Noong nakaraang araw ay nakita ko si Maizie na may kasamang lalaki na hindi ko pa nakikita noon.”“Kailan yun?”“Yung araw bago maaksidente si Katrina,” Pag-alala ni Barbara. “Hinatid siya ng lalaking yun sa cade, at parang mayroon silang relasyon.”Buntis si Maizie pero pinipilit niyang kay Francisco ang baby. Halatang alam ni Katrina na hindi totoo yun, kaya ginamit niya ang sikreto na yun para i-blackmail si Maizie sa halagang $8,000,000.Naningkit ang mga mata ni Maisie. “Sa tingin ko ay plano ni Maizie na magsinungaling sa mga Boucher, sinusubukan niyang makapasok sa pamilya gamit ang baby niya.“Napakatuso niya k
Magbasa pa

Kabanata 905

‘Paano niya nalaman?’Namutla na parang papel si Maizie.Patay na si Katrina. Paano niya nalaman na nakipagkita siya sa kaniya? Hindi, hindi siya dapat mataranta.Kapag may nakaalam, wala na siyang magagawa pa. Nagsimula siyang maiyak. “Oo, inaamin kong nakipagkita ako kay Katrina. Alam mong baliw siya sa tungkol sa tatay mo. Pinilit niya akong kunin ang singsing. Ginawa ko yun dahil wala na akong ibang pagpipilian, pero hindi ko yun binigay sa kaniya. Binalik ko yun. Francisco, maniwala ka sa akin.”Nakinig si Francisco sa paliwanag ni Maizie pero hindi bumigay. Umiiyak nang peke si Maizie habang hinihila ang braso niya. “Francisco, hindi ko sinadyang gawin yun.”Hinila ni Francisco ang braso niya mula sa pagkakahawak ni Maizie at tumawa. “Hindi ka mamamatay kung titigil ka sa pagsisinungaling.Huminto sa pag-iyak si Maizie at tinitigan si Francisco.Tinulak siya ni Francisco gamit ang isang daliri. “Hindi sa akin ang baby na dala-dala mo, tama?”“Francisco, bakit mo ako pinag
Magbasa pa

Kabanata 906

“Minahal ba kita?” Pinutol ni Francisco ang sinasabi ni Maizie. Malamig ang kaniyang ekspresyon habang sarkastikong sinasabi, “Nilagyan mo ng gamot ang iniinom ko noong nasa bar tayo. Kahit na mayroon man talaga akong ginawa sa iyo nang gabing yun, paano mo maipapaliwanag na ang pagkabuntis mo pagkatapos lang ng kalahating buwan? Sa tingin mo ba ay tanga ako?”Unti-unting nawawala ang kulay ng mukha ni Maizie. Kahit na mayroon siyang nagawa tungkol sa pagbubuntis, hindi niya maloloko ang mga mas attentive na tao.Nagulat si Samantha. “A-anong ibig sabihin nito?”Nang magsasalita na sana si Maizie, sumagot si Francisco. “Noong nakaraang buwan, nagkita kami sa bar. Ininom ko ang inumin na binigay niya sa akin, at nagising ako sa hotel katabi siya kinabukasan.”Tumawa si Francisco at saka nagpatuloy. “Noong una, akala ko ay may nangyari sa, pero wala pang isang buwan ay nilapitan na agad ng mga Hannigan si lolo. Sinabi nila sa kaniya na buntis si Maizie, at gusto nilang pakasalan ko s
Magbasa pa

Kabanata 907

Pumunta si Maisie sa ospital kasama ni Samantha at Francisco.Lumabas ang doktor sa emergency room. Lumapit si Elder Master Boucher para tanungin ang kondisyon ng baby, pero umiling ang doktor.“Pasensya na. Sinubukan namin lahat ng makakaya namin.”Natahimik ang lahat.Tumalikod si Richard at binigyan ng sampal sa pisngi si Francisco. Sa lakas ng sampal ay umalingawngaw ito sa buong corridor, nagulat ang lahat.“Masaya ka na bang wala na ang baby?”Hinihintay ni Richard ang bata. Lalo na at dugo ito ng mga Boucher. Kahit na hindi maganda ang reputasyon ng nanay ng baby, inosente ang baby.Hindi niya inaasahan na mawawala ang baby bago pa man ito ipanganak.Dahan-dahang lumilitaw ang bakas ng sampal sa pisngi ni Francisco. Hinawakan niya ang pisngi niya at sinabing, “Ano naman? Hindi akin ang baby na yun.”“Ikaw…”“Mr. Boucher!” Lumapit si Samantha at tumayo sa harapan ni Francisco. Pakiramdam niya ay responsibilidad niyang protektahan ang anak. “Inosente ang baby, pero kaila
Magbasa pa

Kabanata 908

Nang makita ang kakaibang ekspresyon sa mukha nina Eugene at Samantha, nagdesisyon siyang paypayan pa ang apoy at pinasa ang lahat ng sisi kay Maisie. “Alam ni Mrs. Goldmann na si Katrina ang karelasyon ni Mr. Boucher. Si Mrs. Goldmann ang gumawa ng pekeng singsing para kay Katrina, kaya hindi niyo ba naiisip na si Mrs. Goldmann din ang isa sa mga taong naging dahilan kung bakit naghiwalay ang mga magulang ni Francisco?”Natahimik ang ward. Puno ng kabaliwan at ngiti ang mga mata ni Maizie habang nagsasalita.Tinitigan niya si Maisie na para bang gusto niya itong makita na maging daga sa kalsada na sinisigawan ng lahat.Tumalikod ang lahat at tiningnan si Maisie. Tensyunado ang paligid. Walang sinabi si Maisie, ngunit mayroong bakas ng simpatya sa mga mata niya. Hindi siya naaawa kay Maizie. Naaawa lang siya sa batang hindi naipanganak at ginamit ni Maizie para lang mapasa ang sisi sa kaniya.“Wala kaming galit sa isa’t-isa.” Mariin na sagot ni Maisie. “Kung magseselos ako na may g
Magbasa pa

Kabanata 909

Pagkatapos magsalita ni Francisco, nilabas niya ang phone niya, nilakasan ang volume nito at binato ang phone sa kama.Nang marinig ang recording sa loob ng ward, mula sa pamumutla ay naging kulay berde bago ulit namutla ang mukha ni Maizie.Sa pagkataranta, tinapon niya ang phone sa sahig at sumigaw, “Hindi ako yan. Siya yun! Kagagawan niya to!”Lumapit si Eugene bago pa makakilos si Elder Master Boucher at sumigaw, “Ang lakas ng loob mong kunin ang singsing ko!?”‘Hindi lang yun, pero balak niyang ibigay kay Katrina ang singsing!?’Malamig na suminghal si Katrina at sinabing, “Naging magnanakaw ka na bago ka pa maging daughter-in-law ng mga Boucher. Paano mo nagawang nakawin ang singsing?”‘Bakit ganito ang nangyari? Paano nakuha ni Francisco ang video ng pakikipagkita ko kay Katrina?’Ngayon lang naintindihan ni Maizie kung bakit siguradong-sigurado si Francisco na hindi siya ang tatay ng bata, at alam nitong kinuha niya ang singsing.Mayroong sumagi sa isipan niya, at nangi
Magbasa pa

Kabanata 910

Nagtanong si Yael. “Anong nangyayari?”Sumagot si Officer Zaleski, “Nandito kami para imbestigahan ang naging aksidente ni Katrina. Nakakuha kami ng ilang ebidensya, at nalaman namin na may kinalaman si Ms. Hannigan sa aksidente.”Kinakabahang umiling si Maizie, “Hindi…hindi ako yun..”Tiningnan siya ni Officer Zaleski at tinanong, “Kilala mo ba si Gideon, Ms. Hannigan?”Naningkit ang mga mata ni Helios. “Gideon…isa siya sa mga tauhan ni Tony, tama?”Tumango si Officer Zaleski. Sinabi niya sa kanila na si Gideon ang pumatay kay Katrina sa nangyaring car accident. Sinabi niya rin na nakatanggap si Gideon ng $500,000 sa bank account niya pagkatapos ng aksidente.Ang remittance account na ginamit ay ang hindi na-frozen na account na pinasa ni Tony kay Maizie.May sinabi si Elder Master Boucher kay Officer Zaleski at pinayagan itong dalhin si Maizie.Namutla ang mukha ni Samantha, napatakip siya ng bibig. “H…hindi ko akalain na ganito ang mangyayari.”Noong una, may simpatya pa si
Magbasa pa

Kabanata 911

Sinundan ni Maisie si Nolan papunta sa presinto para follow-up sa kaso. Sinabi niya rin na gusto niyang makita si Maizie.Inutusan ni Officer Zaleski ang isang officer para dalhin si Maisie sa isa sa mga interrogation rooms. Hindi nagtagal, isang babaeng officer ang nagdala kay Maizie na nakaposas ang mga kamay.Maputla at magulo ang mukha niya, at wala na ang sigla na mayroon siya dati. Kasing gulo ng dayami ang hindi nakasuklay niyang buhok. Nawala na rin ang dating maliwanag at maganda niyang itsura.Tiningnan niya nang masama si Maisie at suminghal. “Wow, nandito ka ba para pagtawanan ako?”Umupo nang tuwid si Maisie at mahinahong nagpaliwanag, “Kailangan mo bang gawing masama lahat ng tao sa paligid mo?”Hindi sumagot si Maizie habang tinititigan ni Maisie. “Wala akong gagawin laban sa iyo maliban na lang kung ikaw unang lumagpas sa linya. Pero bukod sa mga bagay na nagawa ko sa iyo, hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang galit mo.”‘Naiintindihan ko ang galit na m
Magbasa pa
PREV
1
...
8990919293
...
277
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status