Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 851 - Chapter 860

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 851 - Chapter 860

2769 Chapters

Kabanata 852

Nagtatakang tumitig ang bartender sa kaniya, pero hindi naglakas loob na magsalita.Tumawa si Barbara. “Alam ko. Hindi siguro masaya na bigla na lang maging tatay.”Nilapag ng bartender ang bote sa bar, at agad naman yun ininom ni Francisco.Kahit na isang taong may mataas na alcohol tolerance ay hindi kakayaning uminom nang ganiyang karaming whiskey.Nang makitang umiinom ng marami si Francisco, nagsalita si Barbara. “Mr. Boucher, magdahan-dahan ka diyan. Kapag may lumapit sa iyong chick, mahihirapan akong magpaliwanag kay Maisie. Sa kaniya itong club.”Lasing na si Francisco, pero nagulat siya. “Kanino?”Nag-alinlangan si Barbara. “Hindi mo ba alam na si Maisie ang may-ari ng Glitz?”Nagtanong si Francisco, “Hindi ba’t ang pinsan ko ang may-ari?”Napanganga si Barbara.Biglang tumawa si Francisco. “Hindi mo alam?”Hindi nagsalita si Barbara. Ang akala niya ay si Maisie na ang may hawak ng club. Bakit bigla itong naging kay Helios?”Pagkatapos ng kalahating oras…Sumandal
Read more

Kabanata 853

Hindi payat si Barbara bagkus ay seksi ang kaniyang katawan, kaya hindi masiyadong natakpan ng tuwalya ang katawan niya.Mayroon siyang napansin, tumalikod at tinitigan sa mga mata si Helios.Sa sobrang gulat ay napahawak si Barbara sa tuwalyang malapit ng dumulas. “Ah!”Agad na tumalikod si Helios. “Pasensya na! Hindi ko alam na…” Napalunok siya at nagpasalamat na nakatalikod siya kay Barbara.Hindi sa wala pa siyang nakitang babaeng aktres sa isang shower scene sa buong filming career niya, at mayroon siyang interaksyon sa mga aktres habang nakasuot sila ng bikini, pero hindi siya kailanman nagkaroon ng malaswang ideya tungkol sa kanila.Pero mayroon siyang naramdaman sa ‘insidenteng’ ‘to!Binalot ni Barbara ang sarili sa tuwalya. Pulang-pula ang kaniyang mukha dahil sa labis na hiya. “Mayroon ka bang kailangan, Mr. Boucher?”Hindi na lumingon si Helios, inabot na lang niya ang bag kay Barbara. “Ako na ang humihingi ng dispensa para kay Francisco. Uniform lang ang mayroon kami
Read more

Kabanata 854

Nang muling isailalim sa trial ang kaso, gusto niyang makubunsi ang mga Salvadore na inosente siya at wala siyang pakialam kung gaganti sila.Hinatid siya pauwi ni Helios. Lumabas siya at pumasok sa kaniyang apartment building nang hindi lumilingon.Pagkapasok sa apartment building at pagsakay sa elevator, tumalikod siya. Nandoon pa rin ang kotse. Uminit ang pakiramdam niya, naisip niyang gusto nitong makita na makauwi siya nang ligtas.Nang dumating ang elevator sa kaniyang floor, lumabas siya at nakita ang isang babae na nakatayo sa hallway. Si Katrina yun, kaya naman nagulat si Barbara. “Bakit ka nandito?”Nakasandal si Katrina sa pader, makapal ang makeup nito at may hawak na sigarilyo. “Bakit hindi kita pwedeng puntahan?”Hindi umimik si Barbara.Bumuga ng usok si Katrina at tiningnan siya. “Half-sister mo ako. Minalas lang ako kasi ayaw umamin ng tatay ko na sa kaniya ako. Pinwersa mo ako sa posisyon na ‘to. Hindi mo ba naiintindihan ang problema ko?”Kumunot ang noo ni Ba
Read more

Kabanata 855

“Galit ako sa iyo, at galit ako sa mga Chase. Gusto kong maghiganti, sa tulong ni Eugene o Peter, pero bakit…”Hinawakan ni Katrina ang braso ni Barbara at tuluyan nang nawala sa sarili, “Bakit napakalupit ni Ian sa akin? May nangyari sa amin, alam mo ba? Pero ginamit lang niya ako. Binuksan niya ang Glitz at malupit pa rin ang trato sa akin dahil sa iyo. Hinayaan niya ang mga tauhan niya na saktan ako, pero bakit hindi ikaw!?”Sumakit ang braso ni Barbara dahil sa hawak ni Katrina. Mayroon naman biglang dumating at tinulak si Katrina. Nawalan siya ng balanse at bumagsak sa sahig.Tiningnan ni Barbara si Helios na biglang dumating sa tabi niya. “Nandito ka pa rin!?”Sumagot si Helios, “Nakita ko siya kanina sa baba, kaya nagpunta ako dito.”Aalis na sana siya nang sumilip siya sa taas at may nakita sa bintana, kaya hindi siya umalis. Hindi niya alam kung bakit.Tumayo si Katrina at nagsimulang tumawa. “Yelena, magaling ka talaga. Naakit mo rin si Mr. Boucher.”“Manahimik ka!” Pi
Read more

Kabanata 856

Nagulat si Helios at naguguluhang pinagmasdan si Barbara.Lasing na si Barbara habang nagsasalita, “Dahil alam kong karelasyon ni Katrina ang tito mo. Gusto kong maghiganti sa kaniya, kaya nilantad ko ang scandal nilang dalawa ng tito mo. At saka, ako ang naglabas ng balita tungkol sa nanay mo tungkol sa gem-hunting event.”“Ganoon pala,” Sagot ni Helios.Kung hindi nilantad ni Barbara ang scandal, hindi lang siya, kung pati ang buong pamilya Boucher ay hindi malalaman na mayroon pa lang tinatagong babae si Eugene.Nagtanong ulit si Barbara, “Ako ang dahilan kung bakit nag-divorce ang tito at tita mo. Hindi ka ba galit sa akin?”Tumawa na lang si Helios. “Lasing ka na.”“Helios…” Biglang lumapit si Barbara kay Helios. Tila biglang luminaw ang kaninang malabo niyang mga mata.Tinitigan siya ni Helios nang hindi lumalayo. Ayaw niyang lumalapit sa mga lasing, pero hindi ganun kasama para sa kaniya ang amoy ng alak kay Barbara.Pagkatapos ng maikling sandali, ngumiti si Barbara at
Read more

Kabanata 857

Hindi alam ni Maisie kung kailan yun nangyari, pero si Nolan na lang ang laman ng mga mata niya bago pa naman niya yun mapagtanto.Pagkatapos maghanda ng almusal ni Nolan, nakapalumbaba si Maisie habang puno ng pagmamahal na pinagmamasdan ang mister, “Honey, pagkatapos ng kooperasyon ko sa iyo kagabi at kaninang umaga, hindi ba dapat ay pumayag ka na?”Nilagay ni Nolan ang sunny side up sa plato ni Maisie at sumagot, “Pag-iisipan ko.”Binaba ni Maisie ang mga kamay at tumayo nang diretso. “Ano? Kailangan mo pa rin bang pag-isipan yun?”“Hmm?” Tumaas ang mga kilay ni Nolan at nilapag ang baso ng mainit na gatas sa mesa. “Depende sa magiging performance mo sa mga susunod na araw. Kung masaya ako, baka pumayag ako.”Para gumana ang plano niya, walang nagawa si Maisie kung hindi magngitngit at tumango.Habang pinagmamasdan ang nakasimangot na itsura ni Maisie, nagtanong si Nolan. “Hindi ka ba nagseselos na magso-shoot ng ganoong endorsement ang mister mo kasama ang ibang lalaki?”“S
Read more

Kabanata 858

Gumawa sila ng ingay sa internet gamit ang “HeliosxNolan” noong nasa Winston lsland. Ngayong sabay silang lumabas sa publiko, lahat ng fans nila ay excited.Habang nakapamulsa, sinabi ni Helios, “Akala ko ay hindi ka papayag.”Sinulyapan siya ni Nolan at sumagot, “Sa totoo lang, gusto ko talagang humindi.”Pagkatapos nito, nagpunta muna sila sa lobby.Tumawa si Helios at sumunod sa kaniya.Napakaraming fans ang nasa labas ng Soul, dahilan para lumabas din ang mga empleyado ng mga stores sa labas at sumali sa kasiyahan.“Narinig kong may inimbitang movie star ang Soul Jewelry para mag-shoot ng endorsement. Ang galing no?”“Hindi lang movie star. Nakalimutan na ba si Mr. Goldmann? May-ari ng Soul Jewelry ang misis niya. Nakakainggit sila. Hindi na nakapagtataka kung bakit ang lago ng negosyo nila.”Naghihintay sa kanila sina Kennedy at shooting crew sa lobby. Nang makita ni Maisie na sabay silang dumating, nanlaki ang mga mata niya.‘What a coincidence! Parang nabasa nila ang in
Read more

Kabanata 859

Nagpunta sila sa isang corridor na walang tao. Sinandal siya ni Nolan sa pader, lumapit sa kaniya at saka hinalikan siya nang malalim sa mga labi. “Mukhang masayang-masaya ka, huh? Zee, gusto mo pa rin bang ulitin ang ganito sa susunod?”Hinihingal si Maisie. Malabo ang mga mata niya habang nakasimangot na sinasabi, “Hindi. Hindi ko na uulitin ‘to.”‘Ang sama niya. Alam niya kung paano samantalahin ang pagkakataon para ma-bully ako. Pero gusto ko ‘to.”Hinaplos ni Nolan ang mga mata ni Maisie at tumawa. “Ngayong masaya ka na, ako naman, tama?”Kahit na alam niya ang pinaparating ni Nolan, hindi pa rin niya mapigilang mahiya. “Huwag ngayon.”Lumapit si Nolan at bumulong sa tainga niya. “Mamayang gabi?”Niyakap ni Maisie ang leeg ni Nolan, tinitigan niya ito sa mata, at nginitian. “Dahil cooperative ka ngayon, ako na ang bahala mamayang gabi.”Tumawa si Nolan at hinalikan ang mga kilay ni Maisie. “Kung ganoon, aasahan ko yan.”…#HeliosxNolan’s endorsement##Mr. Goldmann, Helio
Read more

Kabanata 860

Pareho nilang nabalitaan na nabuntis si Maizie, at gusto ni Elder Master Boucher na pakasalan siya ni Francisco. Nagsimula ng mag-ikot-ikot si Maizie at magyabang na magiging miyembro na siya ng mga Boucher. Hindi lang siya bumalik at nakatira na ulit sa mga Hannigan, pero ang mga taong nangutya sa kaniya dati ay nagsimula na siyang palibutan at magpakitang-tao.Pumalatak ang dila ni Ryleigh at sinabing, “Akala ko naman kung sino. Ikaw pala. Ang babaeng ginamit ang baby niya para makapasok sa isang prestihiyosong pamilya.”Hindi nagbigay ng bayolenteng reaksyon si Maizie sa sarkastikong komento ni Ryleigh katulad ng madalas niyang gawin noon. Simula nang mapalayas siya sa mga Hannigan, nagbago na siya. Naging mahinahon na siya.Hinimas niya ang flat niyang tiyan at ngumiti. “Oo, tama ka. Kahit na ginamit ko ang baby ko, hindi mo maitatanggi na apo siya ng mga Boucher. Mahal na mahal siya ni Elder Master Boucher. Malapit na kaming maging pamilya. Hindi ba dapat ay tawagin mo na akong
Read more

Kabanata 861

Nakatanggap si Nolan ng tawag mula sa tatay niya, sinabihan siya nitong dalhin si Maisie sa family estate para magsalu-salo sa birthday niya, at walang sigla naman siyang pumayag.Pagkatapos ibaba ang tawag, nagdilim nang bahagya ang ekspresyon niya.“Hindi ko na-celebrate ang birthday ko nitong mga nagdaang taon. Tinanong nga ako ni Maisie tungkol doon noong nakaraang araw, pero sobrang busy niya ngayon, nakalimutan na niya siguro yun.’Kinagabihan, sinundo ni Maisie ang mga bata sa school nang maaga pagkatapos umalis ng trabaho.Sumakay sina Daisie at Colton sa kotse at agad na nagtanong, “Mommy, malapit na ba ang birthday ni Daddy?”Nagulat si Maisie. “Paano mo nalaman?”Tumawa si Daisie. “Si lolo ang nagsabi sa amin.”Sinilip ni Maisie ang rearview mirror at hindi napigilang tumawa. “Oo, malapit na ang birthday ng daddy niyo. May naisip na ba kayong regalo na gusto niyong ibigay sa daddy niyo?”Nag-isip nang malalim si Daisie.Binuka ni Colton ang mga kamay. “Hay, parang l
Read more
PREV
1
...
8485868788
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status