Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Kabanata 841 - Kabanata 850

Lahat ng Kabanata ng The Three Little Guardian Angels: Kabanata 841 - Kabanata 850

2769 Kabanata

Kabanata 842

Nang oras na yun, naramdaman niyang bumagsak ang mundo niya, at nahirapan siyang huminga.Nang gabing yon, walang pumunta para iligtas siya. Naging isa siyang "makasalanan" at nahulog mula sa langit papuntang impyerno.Bumuntong hininga si Maisie. "Alam niyang may nangyari sa'yo, pero noong ikalawang araw niya lang nalaman na ikaw ang nasa private room noong araw na yun. Kaya… wala siyang lakas ng loob na harapin ka. Alam niya ang tingin mo sa kaniya, at alam din niya na galit ka sa kaniya."Nakatulala na nakaupo si Barbara sa couch. Parang may butas ang kaniyang pusa."Hindi niya magawa na harapin ka, kaya kinakausap ka lang niya sa phone. Alam niyang gusto mong gumanti, kaya tinulungan ka niya kay Katrina. Tumulong siya sa'yo bilang estranghero, at yun lang ang magagawa niya para sa'yo."Inikot ni Maisie ang ulo niya para tingnan si Barbara. "Nasa isa siyang undercover mission noon. Alam niya na noon pa ang nangyayari sa pagitan nina Tony at Peter. Nilapitan ka niya para imbesti
Magbasa pa

Kabanata 843

Sumandal si Maisie sa balikat niya at pinulupot ang kaniyang braso kay Nolan. "Sorry, darling. Mali ako.""Mali ka? Anong ginawa mong mali?" Walang emosyon na sagot ni Nolan, habang hinahayaan si Maisie na yakapin siya."Hindi… hindi dapat ako umuwi ng gabing gabi, at hindi ko dapat hinahayaan na hintayin ako ng asawa ko sa bahay ng nag-iisa." Bulong ni Maisie sa tainga niya. Nangungusap ang kaniyang mata, at kaakit-akit siyang tingnan.Pero, nanatiling kalmado si Nolan at walang emosyon. Walang ekspresyon sa kaniyang mukha, at parang walang epekto sa kaniya ang ginagawa ni Maisie.Nang hahalikan na sana siya ni Maisie, iniwas niya ang kaniyang ulo. Pinisil niya ang pisngi ni Maisie at nabubugnot na sinabing, "Zee, hindi mo pwedeng asahan na patatawarin kita pagkatapos mong ibigay sarili mo sa akin sa tuwing magkakamali ka."Ito ang unang beses na nakaramdam ng pagkatalo si Maisie.Tinulak siya palayo ni Nolan, tumayo, at naglakad palayo.Sinundan siya ni Maisie at tinanong, "Sa
Magbasa pa

Kabanata 844

Nang makita na natahimik si Maisie, sumubo ng isang karne sa kaniyang bibig at nakangiting sinabi, "Alam mo ba na mayroong kilala bilang 'the best husband material' sa siyudad nang nakaraan? Alam mo ba sino nagsimula nun?"Nagtataka siyang tiningnan ni Maisie.Tumawa si Louis at nagpatuloy. "Si Mr. Goldmann. Ilang babae pa nga ang humihiling na mahalin sila at kahumalingan ng kanilang mga kasintahan katulad ng paghuhumaling ni Mr. Goldmann sa misis niya."Nilagay ni Maisie ang kamay niya sa kaniyang noo at nahihiyang ngumiti. "Talaga ba?""Oo. Hindi pagmamalabis ang pagsabi na si Mr. Goldmann ang pinaka kanais-nais na lalaki sa Bassburgh. Lahat ng socialite sa Bassburgh ay hinihiling na makipag divorce na siya sa lalong madaling panahon. Bilang pinsan mo at fiance ng best friend mo, kailangan kong ipaalala sa'yo na kailangan mong mag ingat."Umupo ng maayos si Maisie at sumagot, "Ano? Sino sa tingin nila ang karapat-dapat para sa asawa ko?"Hindi maaaring hahayaan niya lang ang g
Magbasa pa

Kabanata 845

Huminga ng malalim si Nolan, mabilis ang tibok ng kaniyang puso.Hinubad niya ang kaniyang tie at binato yun sa desk. Habang pinipigilan ang sarili niya, sinabi ni Maisie, "Alam kong mali ako, alam ko na hindi ko dapat tinago yun sa'yo. Hindi mo pa rin ba ako kakausapin?"Napuno ng hagulgol ang boses niya habang tumutulo ang luha pababa sa kaniyang pisngi.Tumigil si Nolan sa harap niya, at hindi mabasa ni Maisie ang ekspresyon niya.“Gusto kong asahan mo ako, hindi ipagsa walang bahala.”“Hindi kita ipinagsa walang bahala…” Nagmamakaawa siyang tiningnan ni Maisie.“Talaga?” Tanong niya. Nilagay niya ang kanyang kamay sa desk at lumapit kay Maisie. “Nag desisyon kang mag-isa nang hindi man lang nagsasabi sa akin. Asawa mo pa rin ba ako?”Inunat ni Maisie ang kamay niya at pinulupot kay Nolan. Hindi siya tinulak palayo ni Nolan at hinayaan siyang yumakap sa kaniya.Habang puno ng pag iyak ang boses niya, sinabi niya na, “Pasensya na. Ayaw ko umasa sa’yo na ayusin lahat. Oo, ako
Magbasa pa

Kabanata 846

Inunat ni Maisie ang braso niya, pinulupot yun sa leeg ni Nolan, at biglang malakas na tumawa. "Nolan, may sinabi ako sa'yo na sikreto noong nawala ang memorya mo."Tinitigan siya ni Nolan. "At ano yun?"Basa ang pilikmata niya dahil sa luha, at hinalikan niya si Nolan. "Mahal na mahal kita, Nolan Goldmann."Nalaman niya na mas minahal niya pa si Nolan kaysa noong nakaraang taon, mula noong sinakripisyo niya ang buhay niya para harangan ang bala na para sa kaniya. Nagulat si Nolan. Pinikit niya ang mata niya at hinawakan ang likod ng ulo ni Maisie para palalimin ang halik.…Bumalik si Ryleigh sa opisina mula sa classroom, at halos lahat ng estudyante na nakikita niya sa daan ay tinatawag siyang "Mrs. Lucas" sa halip na "Ms. Hill" kapag nakasalubong siya.'Alam ng buong academy na fiancee ako ni Louis!'Nagmamadali siyang bumalik sa opisina at nakita ang maraming pagkain sa kaniyang desk mula sa Michelin-starred restaurant.Ilang professor ang naiinggit siyang tiningnan. "Ms
Magbasa pa

Kabanata 847

Inubos ni Ryleigh ang lahat ng pagkain at nag iwan ng maraming dumi at sauce sa kaniyang bibig, na sumisira sa image niya. Gumagalaw pa rin ang bibig niya habang gumagawa ng malakas na tunog ng pagnguya na para bang isa siyang maliit na hamster.Bahagyang naningkit ang mata ni Louis.Inubos niya ang pagkain at inumin pagkatapos ay dumighay. "Buhay na ako ulit."Naglabas ng tissue si Louis at pinunasan ang mantsa ng mantika sa gilid ng labi ni Ryleigh. "Tsk, hindi mo ba kayang kumain na parang matanda? May mga dumi ka sa paligid ng labi mo."Halata namang nandidiri siya, pero iba ang ginagawa niya sa kaniyang sinasabi.Inagaw ni Ryleigh ang tissue sa kamay niya. "Nandidiri ka ba sa table manners ko? Pero wala kang magagawa. Kung hindi mo gusto, pwede kang bumalik kay Ms. Mayweather, 'yung elegante mong ex-girlfriend."Inangat ni Louis ang kilay niya. "Palagi mo siyang binabanggit, nagseselos ka ba sa kaniya?"Tumayo si Ryleigh at ngumiti. "Hindi ko gustong magselos sa iba."Nagl
Magbasa pa

Kabanata 848

"Magiging maayos ang lahat hangga't nandoon si Helios. Wala kang gagawin bilang isa sa mga shareholder. Kapag may pangyayari lang na hindi niya kayang ayusin, katulad na lang ng nagwawalang customer, doon ka na lalapit at ayusin yun sa tamang paraan."Nag isip ng matagal si Saydie. "Alam ko lang kung paano mambugbog ng tao."Minasahe ni Maisie ang noo niya. "Pwede ka lang manakit kapag sila ang nag-umpusa. Kung hindi, magkaka-problema ka."Tumango si Saydie.Kinaway ni Maisie ang kamay niya. "Pero subukan mo pa rin na huwag magpapasok ng magugulo na bisita sa loob, at…"Seryoso niyang tiningnan si Saydie. "Humanap ka ng kaibigan. Huwag kang palaging mag-isa. Wala ka na sa Metropolis, kaya may karapatan ka na makipagkilala sa iba."Nagulat si Saydie. Mahigpit na nakasara ang labi niya, at hindi siya nagsalita.Lumapit sa kaniya si Maisie at tinapik ang balikat niya. "Inutusan ka ni Strix na umalis sa madilim na buhay para sa kapakanan mo. Bata ka pa, at hindi mo dapat isuko ang b
Magbasa pa

Kabanata 849

Pabagsak na ibinaba ni Richard ang tasa at seryosong sinabi. "Pinagpapaliwanag tayo ni Nathaniel Hannigan. Kung totoo man ito, at ang batang dinadala ni Maizie Haniggan ay mula nga sa Boucher, kailangan nating ipakasal si Francisco sa kaniya."Narinig ni Francisco ang sinabi ng lolo niya sa kaniyang tatay na gusto niyang ipakasal siya kay Maizie mula sa taas at nagmadali siyang bumaba para hindi sumang-ayon. "Gusto niyong pakasalan ko si Maizie Hannigan? Bakit ko gagawin? Hindi ko siya papakasalan!"Galit siyang itinuro ni Richard. "Hindi ba't dahil ito sa gulong ginawa mo? Buntis siya ngayon sa anak mo!"Nagulat si Francisco. "Anong anak?""Ikaw! Ang lakas ng loob mong magpanggap sa harapan ko? Francisco Boucher, anong natutunan mo sa ilang taon mula nang iwan kita sa training camp? Isa sa inyo ay ama, habang ang isa naman ay anak. Kayong dalawa ay iisang hulma. Pareho kayong sa pakikipagrelasyon sa kung sinong babae, hindi ba?""At hindi niyo man lang ginagawang mag ingat kapag
Magbasa pa

Kabanata 850

Nang makita na mukhang ayaw ni Kennedy pag-usapan ang tungkol doon, hindi na siya pinilit ni Maisie at inabot sa kaniya ang proposal na nasa desk. "Noong nakaraan ay lumabas bilang on-screen couple sina Xyla Mayweather at Nathan Hayes para sa isang advertising endorsement. Maganda ang naging epekto nun, kaya nag-isip ako. Pwede tayo kumuha ng sikat na on-screen couple para mag shoot ng commercial para sa Soul couple jewelry series."Kinuha ni Kennedy ang proposal kay Maisie at tiningnan yun. "Sikat na on-screen couple?"Ngumiti si Maisie. "Isa rin commercial marketing method ang celebrity pairing. Kapag kumuha tayo ng on-screen couple na sikat ngayon sa internet para i-endorse and Soul's couple jewelry series, hindi lang basta mangyayari ang hiling ng mga fans kundi makakatulong pa yun sa marketing ng Soul.""Magandang ideya 'yan." Tumango si Kennedy, pagkatapos ay nag-isip at sinabi na, "Pero wala gaanong on-screen couple na sikat ngayon sa internet.""Hindi ba't mayroon tayo noon
Magbasa pa

Kabanata 851

Tinaas ni Nolan ang kamay at hinawakan ang kamay ni Maisie, saka niya ito sinubuan ng pagkain habang nakatingin sa mukha nito. “Mayroon ka bang kailangan?”Sumimangot si Maisie. “Bakit ganiyan ang tingin mo sa akin?” Kahit na ba mayroon nga talaga siyang kailangan.Suminghal si Nolan. “Kailan ka pa naging magalang sa akin?”Sumandal si Maisie, ilang pulgada ang layo ng pula niyang mga labi sa mga labi ni Nolan, napaka-inosenteng tingnan ng kaniyang mukha. “Dear, gusto ng couple na magiging spokespersons ng jewelry ko. Ano sa tingin mo?”Tinitigan siya ni Nolan. “Bakit mo ako tinatanong?”Tumikom ang bibig ni Maisie at saka pinulupot ang mga braso sa leeg ni Nolan. “Gusto kitang makausap kasi ayaw kong magalit ka tungkol dun.”Pinisil ni Nolan ang baba ni Maisie habang nakatitig pa rin sa mukha nito. “Bakit ako magagalit?”Nagpaawa ang mga mata ni Maisie, “Kasi dalawang lalaki yung couple.”Naningkit ang mga mata ni Nolan at napagtantong mayroong mali, pero hindi niya maintindih
Magbasa pa
PREV
1
...
8384858687
...
277
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status