Share

Kabanata 843

Sumandal si Maisie sa balikat niya at pinulupot ang kaniyang braso kay Nolan. "Sorry, darling. Mali ako."

"Mali ka? Anong ginawa mong mali?" Walang emosyon na sagot ni Nolan, habang hinahayaan si Maisie na yakapin siya.

"Hindi… hindi dapat ako umuwi ng gabing gabi, at hindi ko dapat hinahayaan na hintayin ako ng asawa ko sa bahay ng nag-iisa." Bulong ni Maisie sa tainga niya. Nangungusap ang kaniyang mata, at kaakit-akit siyang tingnan.

Pero, nanatiling kalmado si Nolan at walang emosyon. Walang ekspresyon sa kaniyang mukha, at parang walang epekto sa kaniya ang ginagawa ni Maisie.

Nang hahalikan na sana siya ni Maisie, iniwas niya ang kaniyang ulo. Pinisil niya ang pisngi ni Maisie at nabubugnot na sinabing, "Zee, hindi mo pwedeng asahan na patatawarin kita pagkatapos mong ibigay sarili mo sa akin sa tuwing magkakamali ka."

Ito ang unang beses na nakaramdam ng pagkatalo si Maisie.

Tinulak siya palayo ni Nolan, tumayo, at naglakad palayo.

Sinundan siya ni Maisie at tinanong, "Sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status