Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 821 - Chapter 830

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 821 - Chapter 830

2769 Chapters

Kabanata 822

Tinabi ni Nolan ang kaniyang phone at tumawa, “Wala akong ideya na si Nathaniel, ang may-ari ng isang chain enterprise ay may kaugnayan sa mga higher-up. Mukhang masiyado ko siyang minaliit.”“Mga Hannigan? Kasama din sila doon?” Tumayo nang tuwid si Yael at lumingon kay Nolan.“Hindi ako sigurado kay Nathaniel, pero sa anak niya, oo,” Sagot ni Nolan sabay hampas ng bola. “Kilala mo ba si Tony?”Mahinahong sumagot si Yael, “Local tyrant sa Asperia si Tony. Siya ang boss ng lahat ng club sa Asperia, at pwede mo na rin sabihin na boss din siya ni Peter. Noong sinugod ni Michael ang club ni Peter, parang alam ni Tony ang tungkol doon, kaya humanap siya ng taong papalit sa kaniya.”Naningkit ang mga mata ni Nolan. “Kung ganoon, siya ang papalit sa mga Chase?”Tumango si Yael. “Tama. Baka si Tony ang papalit sa posisyon ni Caleb kapag pumanaw na siya. Mukhang alam ni Tony na mayroong mali sa kargamento. Paano niya kaya nalaman ang plano natin?”Bahagyang nagdilim ang mukha ni Nolan. “
Read more

Kabanata 823

Lumilitaw ang mga ugat sa leeg ng lalaking may tattoo habang nagngangalit ang mga ngipin. Para bang alam na niya ang susunod nitong gagawin, kaya pinigilan siya ni Saydie. “Huwag. Tiisin mo lang nang kaunti.”Nang makita ng lalaking may tattoo ang matapang na ekspresyon sa mukha ng lalaki, sinabi niya, “Hah, bakit ganiyan ang mukha mo? Gusto mo ba akong kagatin?”Nilapitan niya ang lalaki, pero nakatingin siya kay Saydie. Tinulak niya ang lalaking naka-buzz cut, dahilan para mawalan ito ng balanse at matumba sa lupa.“Ikaw…”Gusto siyang sugurin ng naka-buzz cut na lalaki, pero dalawa pang tao ang lumapit at pinahiga siya sa lupa.Humithit ng sigarilyo ang lalaking may tattoo at binugahan ng usok ang mukha ni Saydie. Naningkit ang mga mata ni Saydie at walang ekspresyong tinitigan ang lalaki.“Wala akong ideya na magre-recruit ng babae si Gerald. Pambihira ito,” Sabi ng lalaki sabay ngumiti na parang manyak. Tinaas niya ang kamay at hinaplos ang pisngi ni Saydie bago nagpatuloy s
Read more

Kabanata 824

Lumingon si Saydie sa mga tauhan ni Gerald at nagtanong, “Paano sila?”Sumagot si Quincy, “Nakidnap din sila, kaya sa tingin ko made-detain lang sila ng sampu hanggang labinlimang araw dahil sa pakikipag-away.”Wala ng sinabi pa si Saydie.Sa Bassburgh…Nagpunta sina Maisie at Nolan sa police station pagkatapos matanggap ang message. Nang makarating sila doon, kalalabas lang nina Saydie at Quincy ng interrogation room.“Saydie!” Nilapitan siya agad ni Maisie. “Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?”Umiling si Saydie.Napanganga si Quincy.‘Hello? Nandito din ako! Hindi ba dapat ay mag-alala ka rin sa akin?’Hinawakan ni Maisie ang balikat ni Saydie at bumuntong-hininga. Ngumiti siya at sinabing, “Mabuti naman. Sa totoo lang, nang malaman kong nakidnap ka, akala ko… pero sobrang saya ko na nakabalik ka sa akin.”Yumuko si Saydie. Kahit na naantig ang puso niya dahil mayroong tao na nag-aalala para sa kaniya, hindi niya alam kung paano ipapakita ang nararamdaman niya.Nagpunta sa s
Read more

Kabanata 825

”Mukhang sa mga kamay mo masisira ang mga Boucher. 30 taon ng hawak ni Yael ang posisyon na yun. Sa tingin mo ba ay oras na para may pumalit sa kaniya tulad ni Michael?”Tumawa si Helios at sumagot, “So? Gagamitin mo ba ako para pwersahin ang tatay ko na umalis sa posisyon?”Ngumiti si Tony pero walang sinagot.Napakagat ng labi si Barbara at sinabing, “Ikaw ang nasa likod ng aksidente na nangyari sa tito ko.”Sumandal si Tony sa couch at sumagot, “Ang totoo, nakakaawa siya. Mayroon siyang narinig na hindi niya dapat marinig sa Glitz Club at nahuli siya.”Sumama ang mukha ni Barbara. Katulad ng inaasahan niya, hindi “aksidente” lang ang pagkamatay ng tito niya.“Sayang lang at walang anak na lalaki ang mga Chase,” Pagpapatuloy ni Tony habang pinagmamasdan si Barbara. “Wala kang magagawa dahil babae ka. Hindi ka parte ng mga Chase dahil magpapakasal ka din balang-araw.”“Bakit hindi pwedeng umupo ang isang babae sa posisyon na yun?” Kalmadong tanong ni Barbara. “Huwag mong maliit
Read more

Kabanata 826

”Paano mo ako mapapatigil sa pag-aalala?” Pulang-pula ang mga mata ni Christina. “Anak natin yun! Ayaw ko ng maulit ang nangyari sa Winston Island!”“Sa tingin mo ba ay gusto ko yung mangyari?” Umangat ang ulo ni Yael at nanatiling kalmado. “Ako ang target nila. Ibabalik ko nang buo si Helios.”Nagulat si Christina. “Anong ibig mong sabihin na ikaw ang target nila?”Walang sinagot si Yael.“Posible bang…” Tila mayroong naalalang tao si Christina, pero hindi siya naglakas-loob na banggitin nang malakas ang pangalan na yun.‘Posible bang si Tristan yun? Imposible. Hindi ito gagawin ni Tristan.’“Anong posible?” Tinitigan siya ni Yael pero tinikom niya ang bibig at walang sinabi.Tila nabasa naman siya ni Yael at seryosong sinabi, “Masiyado kang nag-iisip. May kinalaman ito sa politika.”Bahagyang namutla ang mukha ni Christina. “Alam mo kung sino ang nasa isip ko—”Tumayo si Yael at naglakad palabas. “Huwag ka masiyadong mag-isip. Magiging ayos lang si Helios.”Pinigilan siya n
Read more

Kabanata 827

”Barbara Chase.”Kilala ng waiter kung sino si Barbara. Magalang itong ngumiti. “Wala rito si Ms. Chase.”Kumunot ang noo ni Maisie. “Hindi pa siya pumupunta dito?”Agad na sumagot ang waiter, “Opo, malalaman namin kung nandito siya.”‘Mukhang hindi naman siya nagsisinungaling.’Nagpalinga-linga si Maisie sa lobby.‘Wala dito si Barbara, at nakapatay ang phone niya, kung ganoon, nasaan siya?’Lumabas ng elevator ang manager at saka inutusan ang mga empleyado na linisin ang private room sa itaas. Tumalikod siya, nakita si Maisie, at nagulat.Lumapit ang waiter sa manager at nag-report, “Hinahanap niya si Ms. Chase.”“Ms. Chase?” Tiningnan ng manager si Maisie bago lumapit sa kanila. “Hindi pa pumupunta dito ngayong araw si Ms. Chase. Pwede ko bang malaman kung bakit niyo siya hinahanap?”Mahinahong sumagot si Maisie, “Hindi ko siya matawagan, at hindi siya sumasagot sa mga messages ko, kaya naisip kong baka nandito siya.”Nagulat ang manager. “Hindi niyo siya maatwagan?”Tum
Read more

Kabanata 828

“Kayo ba ang may-ari ng Glitz Club?”Dahan-dahang nagsalita ang lalaki. “Oo. At kaibigan ka ni Elle. Narinig ko na ang tungkol sa iyo, Mrs. Goldmann.”Nagulat si Maisie.‘Tinawag niyang Elle si Barbara. Mukhang malapit sila sa isa’t-isa, pero sinasabi ni Barbara na hindi pa sila nagkikita.’Binaba ni Maisie ang tingin. “Dahil alam mo na kung sino ako, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Hinahanap ko siya. Baka nasa panganib siya, kaya nagsuspetya akong—-”Pinagdikit ng lalaki ang mga kamay at nilapat yun sa mesa. “Nagsususpetya kang kami yun, tama ba?”Hindi sumagot si Maisie.Seryosong nagpatuloy sa pagsasalita ang lalaki, “Sasaktan ko ang sinuman sa mundo, kahit sino pa bukod kay Elle. Hindi ko siya hinayaang mangialam kay Zhivkov para sa kapakanan niya. Kung hindi ako nagkakamali, nasa panganib nga siya ngayon,”Inangat ni Maisie ang tingin at tinitigan ang lalaki. “Hawak mo ba si Ms. Zalensky?”Hindi niya yun itinanggi. “Oo, kinulong ko siya.”‘Tama nga…’Tila mayroong n
Read more

Kabanata 829

Huminto si Barbara sa ginagawa niya.‘Isang tinidor lang at dalawang lunchbox ang binigay nila sa amin?’Binaba ni Helios ang lunchbox. “Hayaan mo na. Kaya kong mabuhay ngayong gabi nang hindi kinakain ito.”Hindi nag-alinlangan si Barbara sa pagputol ng tinidor niya at pagbibigay ng itaas na parte kay Helios. “Magtiis na lang tayo.”Tiningnan siya ni Helios at kinuha ang tinidor.Miserable silang kumaing dalawa gamit ang kalahating tinidor.…Umulan nang malakas ng gabing yun, at malabo ang mga ilaw sa paligid dahil sa hamog na dulot ng ulan.Tanging ang mainit na floor lamp na nasa tabi ng desk lang ang bukas sa study. Pagkatapos mapakinggan ang investigation report ni Quincy, sinara ni Nolan ang hawak na dokumento. “Anong sinabi ni Mr. Boucher?”Sumagot si Quincy, “Balak ni Mr. Boucher na bumaba sa posisyon niya at gamitin yun bilang kapalit para maligtas ang anak niya. Pero, sa tingin ko ay sobrang delikado nun. Walang kasiguraduhan na pakakawalan nila si Helios kahit na t
Read more

Kabanata 830

“Anak ni Peter Zhivkov.”Sandaling natulala si Quincy matapos marinig ang sinabi ni Maisie at mas lalo siyang naguluhan. “Anak ni Peter… Anong klaseng impormasyon yun?”Mayroong inaalala si Nolan.Tumayo nang diretso si Maisie at pinatong ang mga siko sa mga balikat ni Nolan. “Minsan siyang pinakilala ni Peter sa maraming may-ari ng malalaking negosyo para ma-nurture at i-promote ang anak niya. Pero, hindi alam ng karamihan na kahit na mukhang walang silbi ang anak ni Peter, marami siyang nalamang sikreto.”Hindi makapaniwala si Quincy. “Ibig sabihin, importanteng tao sa circle ang batang yun, tama ba?”Tuso talaga si Peter. Alam niyang hindi siya pakakawalan ng mga taong nasa likod niya pagkatapos niyang magkamali sa paghawak ng kargamento, kaya tumakas siya.Para naman sa anak niyang si Jaeger Zhivkov, isa lang siyang anak ng mayaman na alam kung paano mabuhay nang marangya. Hindi siya banta sa mga taong yun.Kahit na gusto nilang gamitin si Jaeger para bantaan si Peter, kaila
Read more

Kabanata 831

"Ikaw…"Narinig ng bodyguard naka-itim ang gulo at pumunta agad doon. "Anong problema?"Sumagot ang guard, "Sinasadya ng taong 'to na gumawa ng gulo rito."Buong pag-uusap ay kalmado lang si Helios. "Hindi ako gumagawa ng gulo. Pero sadyang may heartburn si Ms. Chase ngayon. Sinasabi mo ba sa akin na ayaw ni Mr. Grant na bigyan siya ng gamot?"Tiningnan ng bodyguard si Helios, nilabas ang phone niya, at tumawag. Sabi niya sa guard, "Pumunta ka sa malapit na pharmacy tapos bumili ka ng gamot sa heartburn. Ibigay mo muna lahat ng kailangan nila."Natulala ang guard.Pero naisip niya na nagtatrabaho lang siya, kailangan niya lang talaga sumunod sa utos.Lumakad si Helios sa tabi ni Barbara, nag-squat, at tinulungan si Barbara tumayo. "Ayos ka lang?"Sobrang sakit ng nararamdaman ni Barbara na hindi siya makatayo nang tuwid o makapagsalita, at ilang tulo ng pawis ang dumampi sa pisngi niya.Sampung minuto ang nakalipas, dala na ng guard ang gamot at naghanda ng maligamgam
Read more
PREV
1
...
8182838485
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status