Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 801 - Chapter 810

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 801 - Chapter 810

2769 Chapters

Kabanata 802

Naiilang na napahawak si Maisie sa noo niya at tumingin kay Madam Nera. Halatang siya lang ang nakakaalam ng nangyayari, at walang ideya si Madam Nera.Saka niya tiningnan si Christina na mukhang hindi apektado nang makita si Tristan. Siya talaga ang lady of the house ng isang kilalang pamilya.…Bumalik si Maisie sa kumpanya niya at nang pumasok siya sa opisina ay nakita niya si Nolan na nakatayo sa harapan ng bintana.Nagliwanag ang mga mata nito. “Welcome back.”Tumakbo si Maisie papunta sa mga braso nito. “Niyaya akong mag-tsaa ni Madam Nera. Nandoon din si Mr. Knowles.”Tinaas ni Nolan ang kamay at hinawakan ang bunbunan ni Maisie. “Alam ko.”Tiningala siya ni Maisie. “Nakasalubong din namin sina Mr. at Mrs. Boucher. Nagkita silang tatlo, at naiilang ako habang nakaupo don.”Tumawa si Nolan. “Ang kumplikado siguro ng sitwasyon na yun.”Tumawa si Maisie. “Hindi naman. Nabanggit ka nila at tinanong kung bakit wala ka dun. Sabi ni Mr. Knowles, magkita-kita raw tayo kapag may
Read more

Kabanata 803

Inangat ni Nolan ang baba ni Maisie at tinitigan ang mapupula nitong mga labi. “Hindi na kailangan yun. Hindi siya nagpunta sa Zlokova para sa atin, pero medyo nakakainis ang matandang yun. Mas mabuting minimum lang ang contact natin sa kaniya.”“Nandito ba siya para—” Bago pa niya matapos ang sasabihin, nahihiyang ngumiti si Nolan. “Hindi rin dahil sa mga Boucher.”“Kung ganoon, ano?”Tinakpan ni Nolan ang mga mata ni Maisie. “Mayroong Knowles na batang lalaki sa class nina Daisie at Colton, naalala mo ba siya?”Nagulat si Maisie. “Ang batang yun?”Tumayo nang tuwid si Nolan. “Anak siya ng pamangkin ni Tristan, ang batang Mr. Knowles.”Nagulat si Maisie.Ang batang yun ang pinakabatang Mr. Knowles. “Pero bakit siya sa Zlokova nag-aaral?”Naglakad si Nolan papunta sa gilid. “Mas ligtas sigurong malayo sa pamilya.”Sa hotel….Nang magising si Francisco, sobrang sakit ng ulo niya, at malabo ang kaniyang pag-iisip.Nang makita niya ang hubad na babaeng nakahiga sa tabi niya, na
Read more

Kabanata 804

Walang nagawa si Maizie kung hindi ang umatras para makaabante. Sa gayon, hindi siya masiyadong halata.Nilabas ni Francisco ang lahat ng pera sa wallet niya at hinagis yun sa kama. “Ito lahat ng mayroon ako. Wala na akong maibibigay sa iyo.”Nanigas si Maizie dahil napahiya siya, “Ano…anong tingin mo sa akin?”“Ano sa tingin mo?” Binutones ni Francisco ang kaniyang coat. “Sinakyan mo ako habang wala akong malay. Ikaw ang gumawa nito sa sarili mo. Sa tingin mo ba ay maikakasal ka sa pamilya Boucher kapag may nangyari sa atin? Haha.”Umalis si Francisco nang hindi lumilingon at binagsak ang pinto.Tiningnan ni Maizie ang lahat ng pera sa kama at binato ang unan. “Maghintay ka lang, Francisco Boucher!”Umuwi si Francisco at nakita si Eugene na umiinom ng tsaa habang nagbabasa ng dyaryo. Nakita niyang hindi siya binati ni Francisco, kaya malakas niyang binagsak ang tasa sa mesa. “Nasaan ka kagabi?”“Nalasing ako at natulog sa bahay ng kaibigan ko.” Umakyat si Francisco nang hindi s
Read more

Kabanata 805

Kalmado ang tono ni Barbara. “Sumagot ka na lang, pinakalat mo ba o hindi?”“Ano naman kung pinakalat ko nga?” Pumasok si Katrina sa building at naghanap ng susi sa kaniyang bag. “Patay na ang tiyuhin mo, pero sinusubukan yun itago ng pamilya mo sa publiko. Bakit ko hahayaan na mangyari yun?”Nagsalita si Barbara, “Hah, may kinalaman ka ba sa aksidenteng nangyari sa tito ko?”Kumunot ang noo ni Katrina. “Yelena, tigilan mo ang kalokohan mo. Bakit ako mangingialam sa pagkamatay ng tiyuhin mo? Pinaparusahan ng diyos ang mga Chase at iniisa-isa kayo. Paano ko naging kasalanan yun?”Tumawa si Barbara. “Paano ko malalaman na plano niyo ito ni Peter Zhivkov?”Lumabas ng elevator si Katrina pero napahinto siya nang marinig yun. “Anong pinaparating mo?”“Tanungin mo si Mr. Zhivkov.”Binaba ni Barbara ang tawag bago pa siya makasagot.Nakatayo si Katrina sa labas ng kaniyang pinto, at nagsimulang sumakit ang ulo niya. Masama ang kutob niya.Sa Glitz Club….Nakaupo si Barbara sa isang
Read more

Kabanata 806

Natigilan si Maisie. Napalingon siya sa gilid niya at hindi napigilang matawa.Kinuha ni Ryleigh ang baso ng juice sa mesa at uminom. “Gusto niya akong magsuot ng costume. Hindi ako fan ng cosplay. Sandali. Posible bang mahilig siya sa cosplay?”Sa panahon ngayon, sikat ang cosplay sa mga kabataan, at karamihan sa mga kalalakihan ng bansa nila ay tanggap ang mga female cosplayers.Tumikhim si Maisie at hindi mapigilang mapangiti. “Sa tingin ko, baka maging magaling kang cosplayer.”“Manahimik ka,” Sagot ni Ryleigh.Nagpunta si Maisie sa restroom. Nang tumayo siya sa harapan ng lababo, naghugas ng kamay at naglabas ng lipstick para ilagay sa kaniyang mga labi, isang babae ang lumabas sa cubicle.Sa salamin, ang babaeng lumabas sa cubicle ay walang iba kung hindi si Mrs. Boucher.Hindi inaasahan ni Christina na makita si Maisie sa restroom. Walang ekspresyon sa kaniyang mukha. Naglakad siya papunta sa lababo at binaba ang kaniyang purse.“Mukhang nakatadhana lagi tayong magkita,
Read more

Kabanata 807

Hindi alam ni Maisie kung ano ang sasabihin. Pinakawalan niya si Ryleigh, tumalikod at naglakad papunta sa kotse.Habang hinahatid niya si Ryleigh pabalik sa academy, nagtanong si Ryleigh tungkol sa lalaki kanina, “Zee, kilala mo ba yung lalaking nakita natin kanina?”“Hindi masiyado,” Sagot ni Maisie. Nakatutok ang tingin niya sa kalsada at saka nagpatuloy, “Partner siya ni Mr. Topaz, at nakilala ko siya dahil kay Madam Nera.”Doon lang naintindihan ni Ryleigh. “Ganoon pala. Kaya pala nararamdaman ko yung confidence ng lalaking yun. Businessman pala siya. Bakit ang bait niya sa iyo? Gusto ka pa niyang imbitahing kumain. Pwede kayang….”Huminto siya ng ilang segundo, lumingon kay Maisie at sinabing, “Nagustuhan ka ng anak niya, at gusto ka niyang maging daughter-in-law?”Natigilan si Maisie at hindi alam kung matatawa o maiiyak. “Alam mo ba ang sinasabi mo, Ryleigh? Kilala niya si Nolan at alam niyang asawa ako ni Nolan, kaya bakit naman niya gugustuhin na maging daughter-in-law
Read more

Kabanata 808

”Alam mo ba ang relasyon ni Ms. Chase at ng boss natin? Bakit alagang-alaga niya si Ms. Chase?”“Huwag kang magtanong ng mga hindi mo dapat itanong. Nakalimutan mo na ba ang nangyari noong nakaraan? Yung lalaking kursunada ni Meg noong nakaraan ay kaibigan ni Ms. Chase. Noong lumabas si Ms. Chase at sinabihan si Meg na lumayo sa kaibigan niya, hindi natuwa si Meg. Nagreklamo siya sa boss natin. Inutusan ng boss ang mga tauhan niya para sampalin sa mukha si Meg at sinabihan siyang huwag mangialam.”Dinala ng dalawang babae si Barbara sa isang room na mayroong antique decorations. Mayroong isang wall furnace. Kulay pula ang pader at puno ng biblical scrolls.Nilapag nila si Barbara sa kama at sinara ang pinto bago sila lumabas.…Walang alam ang netizens sa nangyari kay Barbara, kaya madali silang namanipula. Abala si Michael sa problema ng pamilya niya, kaya wala siyang oras para ayusin ang nangyayari sa internet.Kaya naman, lumitaw sa Google Trends ang pangalang “Barbara.”Haba
Read more

Kabanata 809

”Huwag! Huwag kang pumasok!” Kinakabahang sigaw ni Maisie.Mas lumalim ang ngiti sa mukha ni Nolan.Pagkatapos ng ilang sandali, bumukas ang pinto. Nakabihis na ng maid’s outfit si Maisie nang lumabas siya sa dressing room, hiyang-hiya.“Sigurado akong sinadya mo ito. Tingnan mo itong costume…”Maikli ang dress, at fluffy ang lacy hem nito. Mababa ang W-shaped collar, dahilan para makita nang tuluyan ang maputi niyang balat. Mas kitang-kita ang kurba ng baywang niya dahil sa waistline ng dress, at sa pares ng itim na stockings na suot niya, napakaganda at seksi niyang tingnan.Noong una, gusto lang siyang makita ni Nolan na nakasuot ng maid’s outfit. Hindi niya inakalang napakaganda ni Maisie habang suot yun.Dagdag pa dito, para siyang tupang dapat katayin dahil sa nahihiya at kabado niyang ekspresyon.Nagtaas-baba ang adam’s apple sa kaniyang lalamunan, at napuno ng pagnanasa ang kaniyang mga mata.Nakikita ni Maisie ang iniisip ni Nolan sa mga mata nito. Nang tatakbo na sana
Read more

Kabanata 810

Kinuha ni Barbara ang USB drive. Tinitigan niya si Maisie at sinabing, “Ikaw…”Naupo si Maisie sa harapan niya at pinutol ang sinasabi niya, “Anong magagawa mo nang mag-isa? Alam kong alam mo ang nangyayari sa pamilya mo, at wala kang kalaban-laban ngayon. Kahit na gusto mong magpaliwanag, sa tingin mo ba ay maniniwala sa iyo ang mga taong yun kung wala kang ebidensya?”Kumunot ang noo ni Barbara. Pagkatapos ng ilang sandali, bumuntong-hininga siya. “Hindi pa rin nalalaman ang dahilan ng pagkamatay ng tito ko. Mayroong ibang bagay na inaasikaso ang tatay ko, kaya wala siyang magawa. Ang totoo, hindi ko talaga alam ang gagawin.”Inangat niya ang ulo para tingnan si Maisie, puno ng pasasalamat ang mga mata niya. “Hindi ko akalain na tutulungan mo ako nang sobra-sobra.”Yumuko si Maisie. Ang totoo, hindi niya rin alam kung bakit gusto niyang tulungan si Barbara. Marahil sigurado nakikita niya ang sarili niya dati kay Barbara.Ngumiti siya at sumagot, “Magkaibigan tayo, tama? Kapag ma
Read more

Kabanata 811

Mayroong naisip si Barbara bago sumakay ng kotse, lumingon siya at humarap sa camera. “Hindi ko alam kung anong klaseng prinsipyo ang mayroon kayo ngayong ako ang tinuturo niyo. Ako naman ang biktima ng insidenteng ito, hindi ba? Ako dapat ang namatay noon kung hindi ako lumaban at nagpumiglas. Wala akong ginawang mali kung hindi ang ipaglaban ang buhay ko. Hindi ko kailangan ng simpatya niyo, pero hindi ko hahayaan na siraan niyo ako.#Tinanggap ni Barbara Chase ang Appeal ng mga Salvadores# ito ang lumitaw sa bawat trending article sa listahan ng internet, at lahat ng litrato ng eksena ay pinost ng mga reporters sa internet.Sa oras na ito, dalawang grupo ng mga netizens na may magkaibang pananaw ang nabuo sa internet, at nagdedebate at nagsasagutan sila. Karamihan sa mga babae ay pinagtanggol si Barbara at sinagot ang mga komento ng ibang netizens na nagsasabing “‘’yan ang nararapat sa mga babaeng nauunang mang-akit ng mga lalaki.”Bilang resulta, isang article at poll ang lumaba
Read more
PREV
1
...
7980818283
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status