Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 791 - Chapter 800

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 791 - Chapter 800

2769 Chapters

Kabanata 792

Magalang na sumagot si Peter. "Salamat sa pag intindi mo, Mr. Boucher."Pagkatapos nun, lumingon siya sa dalawang injured na malakas na lalaki at inutos, "Dalhin niyo ang malanding babae na 'yan sa boss ng Glitz Club. Sabihin niyo na turuan siya ng leksyon.""Pasensya na, Mr. Zhivkov. Parang awa mo na, hindi ko na yun gagawin ulit! Please!" Hinawakan ng dalawang lalaki si Katrina patayo sa sahig at hinila siya palabas ng kwarto.Pagkatapos nun, dinala ni Peter ang mga tauhan niya at umalis na sa private room.Biglang lumitaw sa labas ng kwarto sina Nolan at Quincy. Nagdilim ang mukha niya nang makita ang kalat sa private room at ang natatakot na si Maisie, na nakatayo sa harap.Naglakad siya papunta kay Maisie at niyakap siya. Mahigpit niyang pinapagaan ang loob ni Maisie sa kaniyang yakap, lumingon siya kay Yael at sinabing, "Salamat sa tulong mo, Tito Boucher."Pinatigil siya ni Yael sa pagtaas ng kamay niya at sinabing, "Wala yun. Sana ay hindi mo kalimutan ang mga bagay na pi
Read more

Kabanata 793

Matagal na siyang ginugulo ng bagay na 'to. Pero, nakalimutan niya yun at naalala lang niya nang makita niya si Yael.Hinawakan ni Nolan ang pisngi niya at tumawa. "Huwag ka na magpaligoy ligoy, Zee.""Hindi…" Hinawakan ni Maisie ang pulsuhan ni Nolan. "Nakita ko si Mrs. Boucher na nakipagkita sa isang lalaki. Kilala rin ni Madam Nera ang lalaki. Si Tristan Knowles."May bigla siyang naalala at dinagdag, "Sabi ni Madam Nera nandito siya para magtrabaho kasama ang Eastwood Enterprise sa isang overseas project."Kumpanya ni Anthony ang Eastwood Enterprise.Binalik siya ni Nolan sa kama at tumayo. Habang tinatanggal niya ang butones ng kaniyang damit, sabi niya, "Tristan, huh?"Humiga si Maisie sa kama at sumagot, "Oo. Ayon ang sabi sa akin ni Madam Nera."Hinubad niya ang kaniyang shirt, lumantad ang kaniyang matipunong katawan. Tinanggal niya ang belt niya, at maluwag na nasa bewang niya ang kaniyang pants.Bigla niyang binuhat si Maisie, at nagulat siya."Anong ginagawa mo?" T
Read more

Kabanata 794

Mabagal na binaba ni Maisie ang ulo niya.Ngayon niya lang naintindihan ang pagbabago sa ugali ni Mrs. Boucher matapos niyang malaman na asawa siya ni Nolan nang magkasalubong sila sa Golden Garden Theater.Kung tutuusin, asawa siya ni Nolan. Hindi kailanman nakalimutan ni Yael si Natasha. Walang asawa sa mundo na kayang tiisin na may ibang babaeng iniisip ang mister nila.Mayroon lang siyang hindi maintindihan. Anong mayroon sa pagitan nina Mrs. Boucher at Tristan?'Tristan Knowles, Natasha Knowles…'Mukhang napagdikit na ni Maisie ang mga tuldok at nagtanong, "Natasha Knowles ang pangalan ng mom mo… Ibig sabihin siya ay…"Diretso lang ang tingin ni Nolan sa kaniya at seryosong sinabi, "May dalawang malaking pamilya sa Yaramoor, ang Knowles, at ang Hathaway. Eleven years ago, si Rick Knowles, pinakamatandang apo ng Knowles ay kinasal sa prinsesa ng Yaramoor, kaya ang Knowles ngayon ay kamag-anak ng royal family."Bahagyang nag iba ang mukha ni Nolan nang sabihin niya ang tungko
Read more

Kabanata 795

"Sabihin mo sa akin, please." Pagpupumilit ni Maisie habang sinisiko ang braso niya.Tumawa si Nolan at sumagot, "Sa 23 ng October."Kumurap si Maisie. "Hindi ba't sunod na buwan na yun?"Tumigil siya sandali bago sabiging, "Hindi pa kita nakakasama ng winter noon. Punta tayo ng Coralia ngayong winter para manood ng niyebe. Magni-niyebe sa katapusan ng october sa Coralia, at alam ko may natural ski resort doon. Isama ba natin si Colton and Daisie—"Bago pa man siya matapos magsalita, tahimik na lumapit sa kaniya si Nolan, hinarap ang mukha niya, at hinalikan siya sa labi.Nagaatubili niyang binitawan si Maisie matapos ang ilang sandali. Habang hinahaplos ng daliri niya ang gilid ng labi ni Maisie, sinabi niya, "Huwag kang mag alala. Kasama mo na ako lagi tuwing winter mula ngayon."Nasa City ng Saint Page ng Morwich siya noon nagpalipas ng winter sa loob ng tatlong taon. Puti ang niyebe kapag winter, at wala si Nolan sa tabi niya sa loob ng 1,095 na madilim na gabi.Ganoon din s
Read more

Kabanata 796

Nagmula sa mayamang pamilya ang asawa ni Peter at siya ang babae na legal na kinasal kay Zhivkova. Ang isang malupit na lalaking tulad ni Peter na hindi malabas ang galit niya sa kaniyang asawa, kaya natural lang na ang kabit ang magdudusa.Kumuha si Barbara ng tasa ng kape at uminom doon, pero wala siyang ekspresyon.Tiningnan siya ni Maisie. "Pinagsisisihan mo ba yun?"Ilang saglit siyang natulala at tumitig sa kape na nasa tasa. "Hindi ako nagsisisi. Nalulungkot ako para sa kaniya.""Nalungkot din ako noon para sa dalawang tao." Kinuha ni Maisie ang pen aa mesa at pinaglaruan yun. "Minsan iniisip ko kung pagsisisihan ba nila yun kung alam nila kung anong mangyayari sa kanila sa dulo."Tumawa si Barbara. "Ang dalawang binabanggit mo bang tao ay yung mga babae na may gusto kay Mr. Goldmann.Aksidenteng dumulas ang pen sa kamay ni Maisie. Agad niya itong tinakpan gamit ang kaniyang palad para hindi ito mahulog papunta sa sahig."Kailangan mo ba talagang diretsahin?" Hiyang hiya
Read more

Kabanata 797

Hinatid ng waiter si Nolan sa courtyard. Nakaupo ang isang lalaki sa gilid ng outdoor cafe sa balkonahe.Lumingon ang lalaki nang makarinig ng taong naglalakad, at tiningnan niya si Nolan. "Talagang pinuntahan ako ni Mr. Goldmann, isang karangalan.""Iniisip ko na na baka so tito Topaz ang nagbigay sayo ng contact information ko." Hinila ni Nolan ang upuan at dahan-dahang umupo kaharap ng lalaki.Tinawag ni Tristan ang waiter. "May gusto ka ba inumin?"Malamig siyang sumagot, "Kahit ano na lang."Sinabi ni Tristan sa waiter, "Bigyan mo pa kami ng isang cup ng Blue Mountain."Tumango ang waiter."Si Anthony talaga ang nagbigay sa akin ng contact information mo. Kahit ganun, tito mo pa rin ako.""Tito?" Tinaas ni Nolan ang tingin niya at walang ekspresyon. "Hindi pa rin tinatanggap ng mga Goldmann ang totoong kamag-anak ka nila."Suminghal si Tristan. "Sinisisi mo pa rin kami sa nangyari sa mom mo. Trinato ng tama ng mga Knowles ang nanay mo, kahit na hindi naman namin siya kadu
Read more

Kabanata 798

Tumigil si Nolan sa paghakbang, lumingon, at lalong nanlamig ang tingin.Kinuha ni Tristan ang kape niya. "Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, doon din nag aaral ang great-nephew ko."…Ang na-hospital na si Katrina ay hindi pa rin makakain. Habang tinitingnan ang namamaga at naiiba niyang mukha, hinagis niya ang salamin sa sahig.Naglakad si Maizie sa pinto ng ward at kumatok muna.Tiningnan siya ni Katrina. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito?"Hindi maayos ang relasyon niya kay Maizie, at ayaw niya rin na maging kaibigan si Maizie. Sinabi lang niya na magkakampi sina Barbara at Mrs. Goldmann."Pumunta ako para makita ka." Huminto si Maizie sa kama at tiningnan siya ng maayos. "Wala talagang awa si Mr. Zhivkov."Bahagyang nanginig si Katrina, at makikita ang gulatbsa mata niya. "Ikaw…"'Paano niya nalaman ang relasyon ko kay Mr. Zhivkov?'Hindi nagulat si Maizie sa naging reaksyon niya. "Ms. Zalensky, isa kang babaeng walang background. Mahirap para sa'yo na makaligtas sa ganoo
Read more

Kabanata 799

Mukhang nainsulto si Maizie. "Hindi mo nga magagawang mahumaling sa'yo si Helios kahit na ikaw pa mismo ang lumapit sa kaniya. Ayaw ko pumunta sa isang wool at babalik na may kaunting nagupit, kaya si Francisco ang tamang pipiliin."'Nakalasa na ako ng pagkatalo kay Helios. Hindi siya makukuha ng isang babae, isa siyang walang emosyon na monk, at hindi marunong maging romantic. Kaya ayaw ko umasa kay Helios. Mawawala na sa akin ang lahat kapag natalo pa ulit ako ngayon.'Pero may pagkakataon pa ako kung may Francisco ako pupunta. Tiningnan ko ang background ni Francisco. Kahit na isa siyang good-for-nothing na mapaglaro, hindi siya nakipag usap sa kahit na sinong babae muna ng bumalik siya galing sa training camp noon.'Kaya kailangan kong bawasan ang peligro sa pagpili ko kay Francisco. At saka, isa siya sa batang tagapagmana ng mga Boucher, kaya wala rin namang maiiba kung sa kaniya ako ikakasal. Makukuha ko pa rin ang gusto ko sa huli.Biglang binuksan ni Katrina ang drawer at k
Read more

Kabanata 800

Inagaw ni Nolan ang kubyertos palayo kay Maisie, binaba sa mesa, at binuhat si Maisie. "Makakakain ka rin mamaya.""Nolan Goldman!" Walang nagawa ang pagpupumiglas niya.…Mausok ang gabi, nakakabingi ang music sa bar, kumikinang ang ilaw sa dilim, ang mga babae sa stage ay sumasayaw sa pole habang ang mga fashionable na babae at lalaki ay umiinom sa booth sa baba ng stage.Si Francisco at ilan niyang kaibigan ay pumunta sa bar para uminom at maglibang. Pero, walang nakaupong babae sa tabi niya, kaya mag-isa siyang umiinom.Ngumisi ang isa sa kanila. "Young Master Boucher, gusto mo ba kunan ka namin ng bargirl?"Kinaway ni Francisco ang kamay niya at nilagay ang braso niya sa kanto sa likod ng couch. "Hindi, hindi ako interesado mapalapit sa kahit sinong babae.""Yo, Young Master Boucher, mukhang nagbago ka na. Ikaw ang nagpapakilala ng babae aa amin noon kapag iinom tayo.""Oo. Tumigil ka na ba sa pagiging playboy mula ng bumalik ka galing sa training camp?"Kinuha ni Francis
Read more

Kabanata 801

Nahihiyang ngumiti si Maisie pero walang sinabi.Tumawa si Tristan, “Kahit na hindi mo kami ipakilala, malalaman ko din na siya si Mrs. Goldmann.”Saka siya lumingon kay Maisie. “Kakakita ko pa lang kay Mr. Goldmann noong nakaraang araw sa golf course.”Huminto si Maisie bago ngumiti. “Talaga? Hindi niya yun nabanggit sa akin.”Bumuntong-hininga si Madam Nera. “Kapatid niya si Natasha, ang nanay ni Mr. Goldmann. Ngayon ko lang nalaman.”Sumingit si Tristan, “Sasama ang loob niya na hindi ko agad sinabi sa kaniya. Ilang taon na ako sa Yaramoor. Si Natasha ang hindi nagbanggit nun.”Tumango si Madam Nera.Tiningnan ni Tristan si Maisie. “Magkita ulit tayo kapag available na si Mr. Goldmann.”Kumibot ang mga mata ni Maisie, pero nanatili siyang nakangiti at magalang na sumagot, “Huwag kayong mag-alala, Mr. Knowles. Sasabihin ko kay Nolan.”Kinuha niya ang tsaa at yumuko. Sinabi sa kaniya ni Nolan ang tungkol sa nanay nito at sa mga Knowles. Hindi naging masaya ang buhay ng nanay
Read more
PREV
1
...
7879808182
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status