"Sabihin mo sa akin, please." Pagpupumilit ni Maisie habang sinisiko ang braso niya.Tumawa si Nolan at sumagot, "Sa 23 ng October."Kumurap si Maisie. "Hindi ba't sunod na buwan na yun?"Tumigil siya sandali bago sabiging, "Hindi pa kita nakakasama ng winter noon. Punta tayo ng Coralia ngayong winter para manood ng niyebe. Magni-niyebe sa katapusan ng october sa Coralia, at alam ko may natural ski resort doon. Isama ba natin si Colton and Daisie—"Bago pa man siya matapos magsalita, tahimik na lumapit sa kaniya si Nolan, hinarap ang mukha niya, at hinalikan siya sa labi.Nagaatubili niyang binitawan si Maisie matapos ang ilang sandali. Habang hinahaplos ng daliri niya ang gilid ng labi ni Maisie, sinabi niya, "Huwag kang mag alala. Kasama mo na ako lagi tuwing winter mula ngayon."Nasa City ng Saint Page ng Morwich siya noon nagpalipas ng winter sa loob ng tatlong taon. Puti ang niyebe kapag winter, at wala si Nolan sa tabi niya sa loob ng 1,095 na madilim na gabi.Ganoon din s
Nagmula sa mayamang pamilya ang asawa ni Peter at siya ang babae na legal na kinasal kay Zhivkova. Ang isang malupit na lalaking tulad ni Peter na hindi malabas ang galit niya sa kaniyang asawa, kaya natural lang na ang kabit ang magdudusa.Kumuha si Barbara ng tasa ng kape at uminom doon, pero wala siyang ekspresyon.Tiningnan siya ni Maisie. "Pinagsisisihan mo ba yun?"Ilang saglit siyang natulala at tumitig sa kape na nasa tasa. "Hindi ako nagsisisi. Nalulungkot ako para sa kaniya.""Nalungkot din ako noon para sa dalawang tao." Kinuha ni Maisie ang pen aa mesa at pinaglaruan yun. "Minsan iniisip ko kung pagsisisihan ba nila yun kung alam nila kung anong mangyayari sa kanila sa dulo."Tumawa si Barbara. "Ang dalawang binabanggit mo bang tao ay yung mga babae na may gusto kay Mr. Goldmann.Aksidenteng dumulas ang pen sa kamay ni Maisie. Agad niya itong tinakpan gamit ang kaniyang palad para hindi ito mahulog papunta sa sahig."Kailangan mo ba talagang diretsahin?" Hiyang hiya
Hinatid ng waiter si Nolan sa courtyard. Nakaupo ang isang lalaki sa gilid ng outdoor cafe sa balkonahe.Lumingon ang lalaki nang makarinig ng taong naglalakad, at tiningnan niya si Nolan. "Talagang pinuntahan ako ni Mr. Goldmann, isang karangalan.""Iniisip ko na na baka so tito Topaz ang nagbigay sayo ng contact information ko." Hinila ni Nolan ang upuan at dahan-dahang umupo kaharap ng lalaki.Tinawag ni Tristan ang waiter. "May gusto ka ba inumin?"Malamig siyang sumagot, "Kahit ano na lang."Sinabi ni Tristan sa waiter, "Bigyan mo pa kami ng isang cup ng Blue Mountain."Tumango ang waiter."Si Anthony talaga ang nagbigay sa akin ng contact information mo. Kahit ganun, tito mo pa rin ako.""Tito?" Tinaas ni Nolan ang tingin niya at walang ekspresyon. "Hindi pa rin tinatanggap ng mga Goldmann ang totoong kamag-anak ka nila."Suminghal si Tristan. "Sinisisi mo pa rin kami sa nangyari sa mom mo. Trinato ng tama ng mga Knowles ang nanay mo, kahit na hindi naman namin siya kadu
Tumigil si Nolan sa paghakbang, lumingon, at lalong nanlamig ang tingin.Kinuha ni Tristan ang kape niya. "Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, doon din nag aaral ang great-nephew ko."…Ang na-hospital na si Katrina ay hindi pa rin makakain. Habang tinitingnan ang namamaga at naiiba niyang mukha, hinagis niya ang salamin sa sahig.Naglakad si Maizie sa pinto ng ward at kumatok muna.Tiningnan siya ni Katrina. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito?"Hindi maayos ang relasyon niya kay Maizie, at ayaw niya rin na maging kaibigan si Maizie. Sinabi lang niya na magkakampi sina Barbara at Mrs. Goldmann."Pumunta ako para makita ka." Huminto si Maizie sa kama at tiningnan siya ng maayos. "Wala talagang awa si Mr. Zhivkov."Bahagyang nanginig si Katrina, at makikita ang gulatbsa mata niya. "Ikaw…"'Paano niya nalaman ang relasyon ko kay Mr. Zhivkov?'Hindi nagulat si Maizie sa naging reaksyon niya. "Ms. Zalensky, isa kang babaeng walang background. Mahirap para sa'yo na makaligtas sa ganoo
Mukhang nainsulto si Maizie. "Hindi mo nga magagawang mahumaling sa'yo si Helios kahit na ikaw pa mismo ang lumapit sa kaniya. Ayaw ko pumunta sa isang wool at babalik na may kaunting nagupit, kaya si Francisco ang tamang pipiliin."'Nakalasa na ako ng pagkatalo kay Helios. Hindi siya makukuha ng isang babae, isa siyang walang emosyon na monk, at hindi marunong maging romantic. Kaya ayaw ko umasa kay Helios. Mawawala na sa akin ang lahat kapag natalo pa ulit ako ngayon.'Pero may pagkakataon pa ako kung may Francisco ako pupunta. Tiningnan ko ang background ni Francisco. Kahit na isa siyang good-for-nothing na mapaglaro, hindi siya nakipag usap sa kahit na sinong babae muna ng bumalik siya galing sa training camp noon.'Kaya kailangan kong bawasan ang peligro sa pagpili ko kay Francisco. At saka, isa siya sa batang tagapagmana ng mga Boucher, kaya wala rin namang maiiba kung sa kaniya ako ikakasal. Makukuha ko pa rin ang gusto ko sa huli.Biglang binuksan ni Katrina ang drawer at k
Inagaw ni Nolan ang kubyertos palayo kay Maisie, binaba sa mesa, at binuhat si Maisie. "Makakakain ka rin mamaya.""Nolan Goldman!" Walang nagawa ang pagpupumiglas niya.…Mausok ang gabi, nakakabingi ang music sa bar, kumikinang ang ilaw sa dilim, ang mga babae sa stage ay sumasayaw sa pole habang ang mga fashionable na babae at lalaki ay umiinom sa booth sa baba ng stage.Si Francisco at ilan niyang kaibigan ay pumunta sa bar para uminom at maglibang. Pero, walang nakaupong babae sa tabi niya, kaya mag-isa siyang umiinom.Ngumisi ang isa sa kanila. "Young Master Boucher, gusto mo ba kunan ka namin ng bargirl?"Kinaway ni Francisco ang kamay niya at nilagay ang braso niya sa kanto sa likod ng couch. "Hindi, hindi ako interesado mapalapit sa kahit sinong babae.""Yo, Young Master Boucher, mukhang nagbago ka na. Ikaw ang nagpapakilala ng babae aa amin noon kapag iinom tayo.""Oo. Tumigil ka na ba sa pagiging playboy mula ng bumalik ka galing sa training camp?"Kinuha ni Francis
Nahihiyang ngumiti si Maisie pero walang sinabi.Tumawa si Tristan, “Kahit na hindi mo kami ipakilala, malalaman ko din na siya si Mrs. Goldmann.”Saka siya lumingon kay Maisie. “Kakakita ko pa lang kay Mr. Goldmann noong nakaraang araw sa golf course.”Huminto si Maisie bago ngumiti. “Talaga? Hindi niya yun nabanggit sa akin.”Bumuntong-hininga si Madam Nera. “Kapatid niya si Natasha, ang nanay ni Mr. Goldmann. Ngayon ko lang nalaman.”Sumingit si Tristan, “Sasama ang loob niya na hindi ko agad sinabi sa kaniya. Ilang taon na ako sa Yaramoor. Si Natasha ang hindi nagbanggit nun.”Tumango si Madam Nera.Tiningnan ni Tristan si Maisie. “Magkita ulit tayo kapag available na si Mr. Goldmann.”Kumibot ang mga mata ni Maisie, pero nanatili siyang nakangiti at magalang na sumagot, “Huwag kayong mag-alala, Mr. Knowles. Sasabihin ko kay Nolan.”Kinuha niya ang tsaa at yumuko. Sinabi sa kaniya ni Nolan ang tungkol sa nanay nito at sa mga Knowles. Hindi naging masaya ang buhay ng nanay
Naiilang na napahawak si Maisie sa noo niya at tumingin kay Madam Nera. Halatang siya lang ang nakakaalam ng nangyayari, at walang ideya si Madam Nera.Saka niya tiningnan si Christina na mukhang hindi apektado nang makita si Tristan. Siya talaga ang lady of the house ng isang kilalang pamilya.…Bumalik si Maisie sa kumpanya niya at nang pumasok siya sa opisina ay nakita niya si Nolan na nakatayo sa harapan ng bintana.Nagliwanag ang mga mata nito. “Welcome back.”Tumakbo si Maisie papunta sa mga braso nito. “Niyaya akong mag-tsaa ni Madam Nera. Nandoon din si Mr. Knowles.”Tinaas ni Nolan ang kamay at hinawakan ang bunbunan ni Maisie. “Alam ko.”Tiningala siya ni Maisie. “Nakasalubong din namin sina Mr. at Mrs. Boucher. Nagkita silang tatlo, at naiilang ako habang nakaupo don.”Tumawa si Nolan. “Ang kumplikado siguro ng sitwasyon na yun.”Tumawa si Maisie. “Hindi naman. Nabanggit ka nila at tinanong kung bakit wala ka dun. Sabi ni Mr. Knowles, magkita-kita raw tayo kapag may
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini
Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na
Sa oras na ‘yon, biglang pumasok ang butler sa loob bahay. “Sir, may nagsabi na nakita nila si Master Nick sa bayan.”Tumayo si Arthur. “Sigurado ka ba?” Nakabalik na si Nick.“Oo, nasa Winslet Manor.”Galit na hinaplos ni Arthur ang mesa nang marinig na pumunta si Nick sa Winslet Manor. “Pumunta siya doon pagbalik niya mismo. Hindi ba niya kinikilala bilang Wickam ang sarili niya?”Kinakabahan si Martha at gusto lang na makauwi ang anak niya. “Honey, dahil nakabalik na siya, gagamitin natin siya para ipalit kay Noel. Siya ang pinakamatanda sa pamilya, hindi ba? Importante ang buhay Noel!”Kumunot si Arthur at nagkuyom ang kamao.Hindi nagtagal pagkatapos non, dumating si Nick at Mahina sa garden. Nang makita ni Arthur na nakabalik na sila, nagulat siya. “Akala ko wala kang plano na bumalik?”Mukhang kalmado si Nick. “Kung hindi ako babalik, sisisihin mo ako kapag walang naiwan na tagapagmana ang Wickam. Hindi ko pwedeng akuin ang responsibilidad na ‘yon.”Natigil si Arthur at
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo