Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Kabanata 781 - Kabanata 790

Lahat ng Kabanata ng The Three Little Guardian Angels: Kabanata 781 - Kabanata 790

2769 Kabanata

Kabanata 782

Umupo si Barbara at nag-order ng latte. "Pumunta ba si Katrina para sayo?"Sumang-ayon si Maisie. "Nasa Bassburgh pa rin siya, parang iniiwasan niya ang mapansin ng iba. Baka may nalaman siya kaya pumunta siya para sa akin."Ngumiti si Barbara. "Ako yung hinahanap niya.""Hinahanap ka niya?" Napatigil si Maisie.Natanggap na ni Barbara ang kape sa waiter at uminom. "Blinock ni Dad yung number niya, at talagang humiwalay na ang mga Chase sa kaniya. Tulad nito, wala siyang choice kundi magtanong kung nasaan ako.""At sinasadya mong iwasan siya?" May naisip si Maisie.'Natakot ang mga Chase dati kay Katrina dahil sa video. Ngayon na nabura na ang video, hindi na mauuto ang mga Chase. Natural lang na hindi na siya pinansyal na suportahan ng mga Chase.'Talagang si Katrina lang ang anak sa labas na nagbigay kahihiyan sa mga Chase. Isa pa, ang ginawa ni Katrina dati kay Barbara ay kinagalit na ng mga Chase. Ngayon na wala ng ebidensya si Katrina para takutin sila at iniwan na r
Magbasa pa

Kabanata 783

Nag-isip ng ilang sandali si Barbara, at tumingin sa mga taong nagkukumpulan sa harap ng bahay niya. "Okay sige, istorbohin muna kita ngayon."Hinatid ni Maisie pabalik si Barbara sa Goldmann mansion.Si Mr. Cheshire, ang butler, dinidiligan ang mga halaman sa courtyard. Tinigil niya agad ang ginagawa at tumayo nang makita na dumating si Maisie. "Ma'am, bumalik na po kayo?"Tumango si Maisie at sinabi kay Mr. Cheshire, "Ito si Barbara Chase, anak ng mga Chase. Dito muna siya titira, kaya ibibigay ko na sayo ang responsibilidad na ayusin ang mga kailangan niya."Ngumiti si Mr. Cheshire at tumango. "Okay, mag-uutos na ako para linisan guest room ngayon."Pumasok sa mansion sina Maisis at Barbara. Nilapitan niya si Maisid at tinanong, "Saan kayo umuuwi ni Mr. Goldmann kung hindi kayo nakatira dito?""Sa Blue Bay villa kami nakatira."Ngumisi si Barbara. "Wow, siguradong ang saya niyong dalawa, huh? Talagang iniwan niyo ang mga anak niyo sa bahay at iniisip niyo lang na mamuh
Magbasa pa

Kabanata 784

Pinisil ni Nolan ang baba niya. "Nag-aalala ka ba kay Daisie?"Bumalik na si Maisie sa reyalidad. Kahit nakabalik na ang memorya ni Nolan at sinabi niya na naaalala niya ang lahat ng nangyari matapos ang kaniyang amnesia, dalat alam niya…Hinawakan ni Maisie ang kamay niya. "Lumalaki na si Daisie ngayon, sa tingin ko… paturuan na natin siya kay Saydie ng ilang self-defense techniques."Hinaplos ni Nolan ang ulo niya. "Ayos lang yun sa akin. Pag pinayagan natin na magkaroon ng bagong skill si Daisie maiiwasan niyang masaktan siya sa future. "At siya nga pala," may naalala si Maisie, "Pinatuloy ko muna ang kaibigan ko sa Goldmann mansion sa ngayon lang naman.""Yung kaibigan bang sinasabi mo ay yung anak ng mga Chase?" Naningkit ang mata ni Nolan.Tumango si Maisie. Alam niya na sinabi na ni Alfred kay Nolan ang tungkol doon. "Ayos lang naman sayo, 'di ba?"Pinunasan ni Nolan ang ilang oil stains sa sulok ng mga labi ni Maisie gamit ng daliri niya at binabaan ang kanyang
Magbasa pa

Kabanata 785

Nanginig si Mrs. Salvadore. "Ikaw…"Lumapit ngayon si Katrina kay Maisie. "Mrs. Goldmann, itong usapan ay sa pagitan namin ni Yelena. Sa tingin mo ba masyado ka ng nakisawsaw?"Sinagot siya ni Maisie na may ngiti sa mukha, "Ms. Zalensky, dahil ang lakas ng loob mong dalhin dito sa kumpanya ko itong bagay na ito, kaya malakas din ang loob ko na makialam. At saka, Ms. Zalensky, 'di ba ikaw ang nakakaalam sino talaga ang may kasalanan sa nangyari kay Chase dati?"Nagbago ang ekspresyon ni Katrina sa gulat habang namamangha siyang nakatitig kay Maisie.'Sinabi rin ni Barbara ang tungkol don!?'Ang alam niya ay hindi alam ni Maisie ang totoong nangyari kay Barbara dati, kaya sinadya niyang dalhin dito si Mrs. Salvadore—para ipaniwala sa kaniya na mamamatay tao si Barbara.Pero, sa hindi inaasahan…'Pero sa totoong nangyari sa insidente, kahit na alam ni Barbara ang tungkol doon, wala na ngayon ang video, at patay na ngayon ang tao. Kahit na maghihinala siya na ako ang suspect
Magbasa pa

Kabanata 786

Nagulat si Katrina.Hindi nagpakita ng kahit anong ekspresyon si Barbara. "Ayos lang, wala na akong pakialam. Kung gusto mong takutin ako, sige."Tumalikod siya. "Hindi ko alam kung matatakot ba ang mga Chase sa pagbabanta mo."Umalis si Barbara. Tumalikod si Maisid para tingnan sila at nagpahatid sila kay Kennedy.Nagngalit ang ngipin ni Katrina. "Huwag kayong umalis!"Nakatayo si Barbara at nakasandal sa railing ng corridor at nakatingin sa bintana.Nilapitan siya ni Maisie. "Parang maapektuhan talaga nang malala ang pamilya mo pag lumabas yun, no?"Naalala niya na sinabi na ni Barbara dati na susuko na ang Dad niya, at papalit na doon ang tito niya pag nangyari yun.Ang dating video na mayroon si Katrina ay maaaring maging banta sa sikreto ng mga Chase. Kung walang sikreto, malamang hindi siya papansinin ng mga Chase.Matagal ng nagtataka si Maisie bakit laging nagagalit si Katrina kay Barbara at sinisisi siya.Matapos makita ang mga nangyari ngayon, naintindi
Magbasa pa

Kabanata 787

Napahinto si Quincy.Ngayon na sinabi na yun ni Nolan, nasanay kasi si Quincy na tawagin si Maisie na 'Ms. Vanderbilt. Pero dahil wala namang pakialam si Nolan sa mga tawag, ngayon niya lang yun naisip. Huli na ba?Tiningnan siya ni Nolan, kaya tumango si Quincy. "Oo, inutusan ako ni Mrs. Goldmann na magpadala ng tao na magbabantay kay Katrina. Siya nga pala, naaalala mo ba si Katrina?"Siguro ay nabalik na nga ni Nolan ang memorya niya pero hindi sugurado si Quincy kung naaalala niya si Katrina.Kalmado si Nolan at walang pakialam. "Kabit ni Eugene?"Kinamot ni Quincy ang ulo niya. "Nagtatago pa rin ang babae na yun sa Bassburgh, at tinulungan mo pa nga si Mrs. Van— Mrs. Goldmann na i-hack ang phone niya at kunin ang mga video. Bumalik siya ulit, siguro may plano na naman siya."Tahimik si Nolan.Malabo niyang naaalala ang nangyari. Nanghingi si Maisie ng tulong sa kaniya para tulungan si Ms. Chase.Kalmado niyang sinabi, "Sige."Tumango si Quincy, at lumabas na sa
Magbasa pa

Kabanata 788

Walang impluwensya at kapangyarihan si Katrina. At kung hindi dahil sa proteksyon ni Eugene, magiging madali para sa mga Chase na balikan siya.Si Mr. Zhivkov ang akmang tao para gawin yun.Pumasok ang isang waiter at bumulong sa tainga ni Mr. Zhivkov.Tumigil siya sa pagsisindi ng sigarilyo at napakunot. "Sino?""Hindi ako sigurado, pero mukha silang makapangyarihan at nagtanong para makita ka." Sabi ng waiter.Narinig yun ni Katrina at namutla siya.'Isang makapangyarihan ang gustong makita si Mr. Zhivkov? Sino?'Nilagay ni Mr. Zhivkov ang sigarilyo niya sa ashtray, tumayo, at sinundan ang waiter palabas.Hindi napigilan ni Katrina ang mapakuyom ng kamao.Ilang bodyguard na mga nakaitim ang nakatayo sa labas ng unang VIP room. Mayroong sinabi ang waiter sa isa sa kanila, at binuksan nila ang pinto.Naging alerto si Mr. Zhivkov pero iniisip niya na magulo ang backing ng Glitz, hindi siya gumawa ng eksena at kalamado na pumasok.Madilim ang kwarto. Malawak ang balikat ng lal
Magbasa pa

Kabanata 789

At isa pa, umaasa si Mr. Zhivkov sa pamilya ng father-in-law niya. Hindi pwedeng malaman ng asawa niya ang tungkol sa kaniyang affair.Sabi niya, "May isang salita naman ako. Babae lang siya sa club. Hindi ko siya papakialaman sa problema niya sa mga Chases." At umalis na siya.Pumasok si Quincy, at nagbukas ang ilaw sa loob ng kwarto.Tinanggal ni Maisie ang kaniyang mask, bumalik sa couch, umupo sa tabi ni Nolan, at makulit na kumindat. "Hindi ko naisip na makakasama ni Katrina si Peter Zhivkov, na may problema sa mga Chases. Sa tingin mo ba pe-personalin niya 'to dahil sa pagbabanta sa kaniya?"Tinagilid ni Nolan ang ulo niya, tiningnan si Maisie, at tumawa. "Hindi yun pagbabanta."Sabi ni Quincy, "Huwag ka mag-alala, ma'am. Fake identity naman ang ginamit natin. Panigurado na iisipin ni Peter na pinadala tayo ng mga Chases."Wala sa lugar kung makikisali si Nolan sa problema ng mga Chase dahil wala naman siyang kinalaman doon, at isa rin siyang businessman katulad ni Peter.
Magbasa pa

Kabanata 790

Tumango si Quincy. "Hindi yun kwarto ni Mr. Zhivkov. Mukhang kilala ng tao sa kabilang kwarto."Naningkit si Nolan at sinabi matapos ang ilang sandali, "Mukhang may nakakaalam na nandito ako ngayong gabi."Niyakap niya si Maisie, at hinalikan ang noo niya. "Hintayin ako rito. Huwag ka lumabas, okay?"Nagdalawang isip si Maisie bago tumango. "Bumalik ka agad."Ngumiti siya at umalis kasama si Quincy.Mag-isang nakaupo si Maisie sa kwarto kasama ang ilang bodyguard. Tumawag si Barbara at nagtanong, "Nasa Glitz ka ba?""Oo, nakita ko si Peter Zhivkov, ang lalaking kasama ni Katrina."Matagal na napatahimik si Barbara, at sinabi, "Kilala ko si Peter. Pinasara ng dad ko ang spa niya noon. Kaya sinusubukan ni Katrina na si Peter ang gumawa ng maduduming trabaho.""Nangako siya na hindi niya tutulungan si Katrina." Sumandal si Maisie sa couch. "Mahigpit ang tali ng asawa niya sa kaniya, kaya panigurado na hindi niya gugustuhin na galitin ang mga Chase dahil sa karelasyon niya.""Nari
Magbasa pa

Kabanata 791

Malakas ang naging tunog ng pagkabasag ng bote. Natumba ang matipunong lalaki sa sahig at tinakpan ang dumudugo niyang sugat sa ulo.Nagulat ang ibang tao sa matapang na aksyon niya, at wala sa kanila ang gustong lumapit sa kaniya.Nagmura ng malakas si Peter at sumigaw, "Anong ginagawa niyong mga talunan kayo? Babae lang siya. Hawakan niyo!"Si Maisie ang naunang gumalaw. Kahit na kaya niyang pabagsakin ang dalawa o tatlo sa kanila, mayroong walo na matitira.Nakasuot siya ng pares ng stilettos. Pagkatapos ng ilang sandali, nakaramdam siya ng pagod, at puno ang sahig ng bubog.Nakakita ng pagkakataon ang lalaki at sinugod siya, at tinulak siya sa couch. Tiniklop ni Maisie ang tuhod niya at nagbigay ng malakas na sipa, at bumagsak ang lalaki na nakabaluktot, iniinda ang sakit ng ari niya.Dalawang malakas na lalaki ang humawak sa kaniya at diniin siya sa couch. Sinigaw ni Peter ang utos niya, "Tanggalin niyo ang maskara niya!"Pinapanood ni Katrina ang pagtanggal nila sa maskara
Magbasa pa
PREV
1
...
7778798081
...
277
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status