Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 761 - Chapter 770

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 761 - Chapter 770

2769 Chapters

Kabanata 762

Para sa middle-aged na lalaki ay nasa katwiran yun. “Mr. Quintin, hindi maliit na halaga ang $15,000,000.”Gayunpaman, hindi siya pinansin ni Quintin at pinanlisikan ng mata si Nolan. “Nagtataka ako. Dahil kaya mong maglabas ng $15,000,000, bakit hindi mo na lang i-transfer ng diretso ang pera imbes na gawin pang cash yun?”Kumibot ang mga talukap ni Nolan. “Sinabi ko sa iyo na magbabayad ako ng $15,000,000 in cash, at pumayag ka, hindi ba?”Mayroon biglang naisip si Quintin at agad na nagdilim ang ekspresyon. “Gumagawa ka ng paraan para magkaroon ka ng oras?”Hindi yun inamin o tinanggi ni Nolan.Sa sandaling ito, isang tao mula sa labas ang nagmamadaling pumasok at sumigaw, “Mr. Quintin!”Nilapitan niya si Quintin at mayroong binulong sa tainga nito. Hinampas naman ni Quintin ang wine glass sa sahig.“Inisahan mo ulit ako!”Hinarangan ng mga tauhan ni Quintin ang exit.Nasa bathing area ng fifth floor sina Helios at Nolan at hindi sila makakatakas kahit anong gawin nila.Ka
Read more

Kabanata 763

Pumasok na ang mga pulis sa pinto sa sandaling ito, at ang mga nakarinig nito ay tumakas, habang ang mga nabaril naman ay natumba at nahuli. Ilang minutong magulo ang eksena.Nakadapa si Quintin sa sahig, nakadetena at nakaposas na dinala ng dalawang pulis.Malabo mo ang paningin ni Nolan, at naririnig niya ang mahinang pagtawag sa kaniya.‘Parang si Helios yun, at…’“Nolan!” Humahagulgol si Maisie, lumuhod siya sa tabi nito, at niyakap si Nolan habang tumutulo ang mga luha sa duguan nitong pisngi.Nakita ni Nolan si Maisie na umiiyak sa harapan niya. Ginalaw niya ang mga labi bago tuluyang nawalan ng malay.Binuhat si Nolan papunta sa ambulansya at dinala sa ospital. Nasa tabi niya lang si Maisie, hawak-hawak ang kaniyang kamay na palamig nang palamig.Naglagay ang doktor ng mask sa mukha ni Nolan para bigyan siya ng supply ng oxygen at nag-perform ng cardiopulmonary resuscitation sa kaniya.Pagkarating sa ospital, isang grupo ng mga staff members ang nagmamadaling lumapit sa
Read more

Kabanata 764

Apat na araw ng nasa coma si Nolan nang magpadala si Nicholas ng private jet sa Winston Island para ilipat siya sa Bassburgh hospital.Nagpaiwan si Quincy sa isla para asikasuhin ang mga developers at si Quintin. Malinaw na sobra-sobra ang galit ni Nicholas sa nangyari.At dahil sa natamong injuries ni Helios, ginawa ni Yael ang lahat para tanggalin ang upper management ng Winston Island jurisdiction.Pinasara ang lahat ng mga negosyo sa Winston Island na may kinalaman sa violent crime at investment frauds. Kahit ang mga director ng development companies ay kinailangan na iwanan ang kanilang mga kanang-kamay para protektahan ang kanilang mga reputasyon habang sinusubukan nilang putulin ang anumang ugnayan sa anumang hot spring business na pagmamay-ari ni Quintin.Lihim din silang nagsumite ng listahan ng mga kasabwat ni Quintin at mga ebidensya ng iligal na mga gawaing kinasasangkutan niya sa mga nagdaang taon.Kahit na hindi mapapasok ng mga Goldmann at Boucher ang Winston Island
Read more

Kabanata 765

Hindi kailanman nagustuhan ng mga elders ng mga Boucher si Nolan bilang bata, at pati na rin ang lolo ni Helios.Gayunpaman, alam ni Helios na dahil nakilala niya si Nolan noong bata pa sila, nalaman niya kung anong klaseng tao ang gusto niyang maging, anong buhay ang gusto niyang makamit, at kung paano niya pipiliin ang landas na hindi niya kailanman pagsisisihan.Saka niya dinagdag, “Hindi ako magiging si Helios na kilala niyo ngayon kung hindi ko nakilala noon si Nolan.”Malamig at istrikto ang ekspresyon ni Richard. Tumayo siya at umalis nang masama ang itsura.Hinarap ni Yael ang anak, tinaas ang kamay at hinawakan ang balikat nito. “Gawin mo kung anong gusto mo.”Nanigas si Helios sa kinatatayuan niya at napaangat ng tingin. “Dad…”Mas humigpit ang hawak ni Yael sa balikat ng anak bago niya ito bawiin, tumalikod at umakyat.Naglakad si Helios palabas ng villa habang si Francisco naman ay nakasandal sa pader, habang nakahalukipkip. “Helios, tinuring kitang idol ko simula pa
Read more

Kabanata 766

Bago pa makagalaw si Maisie, magaang dumampi ang hinlalaki ni Nolan sa kaniyang daliri.Tumawa si Ryleigh at nanginig ang mga balikat. “Hindi ako nagsinungaling. Gising na si Mr. Goldmann!”Tumayo si Maisie, naupo sa gilid ng kama, at yumuko para tingnan si Nolan. Hinawakan niya ang mukha nito habang umiiyak dahil sa tuwa. “Nolan, nararamdaman mo ito, tama? Naririnig mo rin ako?”Pero pagkatapos ng ilang minuto, hindi sumagot si Nolan, at hindi ito nagising.Gayunpaman, magandang bagay na mayroon na siyang malay.Kinagabihan, sa club…Dinala ni Francisco si Helios palabas ng kwarto. Maraming ininom si Helios at lasing na ito.“Hels, hindi ka umiinom, bumibili ka lang ng alak.”Tinulungan niya si Helios na magsuot ng shades at cap, pagkatapos ay chineck niya ang kaniyang mga bulsa at mayroong napansin. “Nahulog ko ang wallet ko. Hintayin mo ako dito, huwag kang umalis.”Sumandal si Helios sa pader, yumuko at tinukod ang mga kamay sa tuhod. Kailangan niyang sumuka, pero walang l
Read more

Kabanata 767

Umalis si Meg kasama ng iba.Nakahinga nang maluwag si Helios at napakamot sa noo. “Salamat sa tulong mo.”Nagpalinga-linga si Barbara. “Hindi ka ba natatakot na may makakilala sa iyo? Mag-isa kang pumunta dito?”“Kasama ko ang pinsan ko.”Agad na dumating si Francisco nang sabihin yun ni Helios.“Hels, hindi ba’t sinabi ko sa iyo na huwag ka aalis?” Nahanap na rin siya ni Francisco, saka napalingon kay Barbara. “Sino ka?”Natahimik si Barbara.Nagpaliwanag si Helios, “Siya si Barbara Chase ng pamilya Chase.”“Ms. Chase, Oh. ikaw ba…” Tinuro siya ni Francisco pero hindi niya alam kung paano yun sasabihin.Hindi niya kilala si Barbara, pero narinig niya na ang tungkol kay Ms. Chase.Ngumiti si Barbara pero walang sinabi. Saka siya nagpaalala, “Artista si Mr. Boucher. Kapag nakita siya dito sa Glitz, sasabog ang tsismis bukas sa Bassburgh. Kailangan niyong maging maingat.”Ngumiti si Helios. “Yes, ma’am.”Umalis si Barbara kasama ang kaniyang mga bodyguards.Naguguluhan si F
Read more

Kabanata 768

Hindi pa rin umaalis ang sasakyang nakaparada sa tabi. Pinanood ni Helios ang eksena at naging kumplikado ang nararamdaman.Masiyado siyang naging pabaya.Nagtanong si Francisco, “Hels, aalis ba tayo?”Paglipas ng isang linggo, sa Soul Jewelry…“Tito Kennedy, bakit hindi muna kayo magpahinga nang mas matagal?” Nakita ni Maisie na nasa opisina na agad si Kennedy at nag-aalala sa injury nito.Tinaas ni Kennedy ang braso at ngumiti. “Halos balik na ito sa normal ngayon. Ayos lang ako, huwag kang mag-alala.”Sabay silang lumabas ng elevator ni Maisie nang tanungin siya ni Kennedy tungkol sa nangyari sa kanila sa Winston Island.Alam ng media ang nangyari doon dahil sobrang nakakagulat yun, pero hindi nabanggit na muntik ng mamatay sina Helios at Nolan.Hindi rin yun inanunsyo ng mga Boucher at Goldmann at palihim lang yun inayos dahil magkakaroon lang ng problema kapag inanunsyo nila ang tungkol dun.Yumuko siya at ngumiti, “Nandoon lang kami para magbakasyon. Ginawa lang ang inve
Read more

Kabanata 769

Naupo si Maisie sa couch at nagbasa ng magazine.Sinuot ni Ryleigh ang isang dress at lumabas. Nagmukha siyang matanda dahil sa kulay, kaya umiling si Maisie.Nagbihis ulit siya, pero masiyadong mapusyaw ang kulay ng damit. Hindi bagay sa kaniya.Ilang beses nagpalit si Ryleigh, pero bawat bihis ay umiiling si Maisie. Sinabi niya sa shopkeeper na ibigay kay Ryleigh ang isa sa mga nakita niya kanina at pinabalik si Ryleigh sa fitting room.Mas maganda ito kaysa sa mga nauna.Pagkatapos ng ilan pang pagbibihis, sumandal na sa pader si Ryleigh, pagod na pagod. “Zee, mamamatay na ako sa pagbibihis.”Nag-isip si Maisie habang nakahawak sa baba at saka tinuro ang suot ng shopkeeper. “Subukan mo ang isa na yan.”“Isa pa?”Pagod na si Ryleigh.Tumango si Maisie.Kailangan na naman pumasok ni Ryleigh.Tumayo si Maisie at lumapit nang lumabas si Ryleigh.Light green ang suot niyang dress na mayroong puting embroidery, at ang kwelyo nito ay velvet lace. Bagay na bagay ang fresh color
Read more

Kabanata 770

Umalis sina Ryleigh at Maisie sa salon, napansin ni Maisie na nakayuko si Ryleigh at parang walang lakas, kaya hinawakan niya ito sa likod at tinapik ito. “Tumayo ka nang maayos, maging confident ka.”Hindi alam ni Ryleigh kung matatawa ba siya o maiiyak. “Pupunta lang ako ng interview. Kailangan ba ito?”Seryosong sumagot si Maisie, “Siyempre, isipin mo. Karamihan sa mga professors sa music academy ay mga bata pa. Kailangan mong mag-pokus sa presentation mo. Hindi ka pwedeng pumunta sa interview nang hindi nagseseryoso.”Naisip ni Ryleigh na tama nga ang sinabi ni Maisie, kaya tumango siya. “Tama ka. Tatayo na ako nang tuwid.”Tumawa si Maisie at tinusok ang baywang ni Ryleigh. “Mas gawin mong natural.”Iniwasan ito ni Ryleigh at tinakpan ang kaniyang baywang. Hindi natuwa si Maisie, kaya kiniliti niya si Ryleigh.Tumawa sila nang malakas, hindi pinapansin ang mga tingin ng mga dumadaan.Sa Ospital….Pumasok si Helios sa kwarto ni Nolan, nilagay niya ang dala niyang bulaklak s
Read more

Kabanata 771

Sa ikatlong beses, nagkusa si Helios na hanapin siya sa Soul Jewelry gamit ang dahilan ng pagrerenta ng alahas para sa isang cooperation. Ang tanging layunin lang niya ay ma-stress si Nolan, at talaga ngang nagtagumpay siyang gawin yun.Pagkatapos, tinawagan siya ng pinsan niya at sinabing nakagat ng isang pit viper ang isang babaeng nagngangalang Maisie at sinabihan siya nitong dalhin si Professor Leonhardt sa training camp.Nang dumating siya sa training camp, sigurado siyang seryoso si Nolan sa relasyon nito kay Maisie matapos niyang makita ang labis nitong pag-aalala.Gayunpaman, nang maging infected ng virus si Nolan, tumanggi itong sabihin sa kahit kaninuman ang tungkol sa infection niya at pinilit na makipag-divorce kay Maisie. Alam ni Helios na ayaw lang ni Nolan na masaktan si Maisie. Mahal na mahal niya pa rin ito.Pagkatapos ng lahat, hindi si Nolan ang klase ng taong sumusuko sa kalagitnaan ng isang bagay na naramdaman niyang siyang tama. Pero, kapag kailangan niyang su
Read more
PREV
1
...
7576777879
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status