Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 751 - Chapter 760

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 751 - Chapter 760

2769 Chapters

Kabanata 752

Pinatong ni Maisie ang baba sa isang kamay. “Paano kung hindi yan tungkol sa kumpanya?”Umangat ang tingin ni Nolan at sandaling tinitigan si Maisie.Binaba ni Quincy ang tawag at tumawag ulit.Sinagot yun ni Nolan. “Ano yun?”“Mr. Goldmann, bakit natagalan kayo? Pinapasabog ng paparazzi ang phone ko!”Naningkit ang mga mata ni Nolan. “Bakit ka nila tinatawagan?”“Nakikipag-collaborate ba kayo kay Mr. Boucher sa isang investment? Tinatanong yun ng media.” Pagkatapos nito, bumulong si Quincy, “Ang sabi niyo ay nasa honeymoon kayo, pero bakit kayo pumapasok sa isang investment project? Gusto niyong magkaroon ng hot spring resort?”Nagsalubong ang mga kilay ni Nolan at biglang tiningnan si Maisie na ngayon ay kumakain. “Anong sinasabi ng media?”“Sabi nila ay inimbita niyo si Mr. Boucher sa Winston Island para sa isang hot spring investment project at close daw kayo ni Mr. Boucher. Dahil sa inyo ay tumanggi siyang magtrabaho.”Mahinang nag-okay si Nolan, saka tumaas ang kilay at
Read more

Kabanata 753

Magkaibigan sina Helios at Nolan, at dahil usap-usapan sa internet na nasa Winston Island silang dalawa,patunay yun na malalim ang pagkakaibigan nila.Ang pagtanggi niya sa trabaho para tulungan ang kaibigan niya ay aani ng suporta mula sa kaniyang mga fans, at hindi madaling makakalapit ang negatibong mga balita.Kung hindi masaya ang mga advertisers, kahit na may lakas sila ng loob na pagtsismisan si Nolan, hindi sila gagawa ng gulo dahil sa kapangyarihan at financial status ni Nolan at Blackgold sa business world.Matagal na nakatayo doon si Helios bago niya tiningnan ang kape sa mesa. "Kilala ko siya, hindi niya ako tutulungan nang walang dahilan kung hindi ako nanghihingi ng tulong."Yumuko si Nina. "Pasensya na, Hels. Kinausap ako ni Mrs. Goldmann."Sumimsim ng kape si Helios at ngumiti. "Alam ko ng may kinalaman siya dito."Ngumiti si Nina. "Umaasa si Mrs. Goldmann na magkaroon kayo ng mas maayos na relasyon ni Mr. Goldmann."…Naglakad-lakad si Ryleigh sa hospital park.
Read more

Kabanata 754

Kinamayan ni Joe ang kamay nito bilang paggalang. “Joe Watson.”“Ikaw pala si Joe Watson.”“Kilala mo ako?” Naningkit ang mga mata ni Joe.Naguluhan si Ryleigh at lumapit kay Louis para magtanong, “Paano mo nakilala si Joe?”Tumingin sa kaniya si Louis. “Sa picture.”Napatigil si Ryleigh at matagal bago nakasagot. “Ano? Binigay sa iyo ni dad ang litratong yun?”Ngumiti si Louis. “Walang mali sa pagbigay niya ng litrato ng fiancee ko sa akin.”“Ikaw…”Tahimik silang pinagmasdan ni Joe at ngumiti. “Pupuntahan ko ang lola ko.”“Naka-admit ang lola mo?” Hindi pinansin ni Ryleigh si Louis at tumingin kay Joe.Nagliyab ang mga mata ni Louis.Tumango si Joe. “Tumatanda na siya ngayon at naka-admit siya dahil masiyadong mataas ang presyon ng dugo niya. Inaalagaan siya ng mom ko. Kailangan ko siyang bisitahin.”Pinanood siyang umalis ni Ryleigh. Tinakpan ni Louis ang mga mata nito para harangan ang paningin. “Ayaw mo ba siyang makitang umalis?”Sinampal ni Ryleigh ang kamay niya at
Read more

Kabanata 755

Hinawakan ni Louis ang balikat niya, “Wala kang tiwala sa sarili mo?” Mahina siyang tinulak ni Ryleigh. “Hindi ko kaya…”Lumapit ang matanda. “Gusto mo bang subukan na tumugtog?”Nagulat si Ryleigh at saka kinaway ang kamay. “Sir, I…”Tumawa ang matanda. “Ayos lang, subukan mo lang. Wala akong sasabihin kahit na hindi maganda ang tunog.”Tinulak siya ni Louis. Lumingon siya rito bago kunin ang viola.Maraming taon na siyang hindi humawak ng anumang musical instrument, at nang hawakan niya ito, napakatindi ng naramdaman niya. Pamilyar ang pakiramdam na yun.Hindi umalis si Ryleigh sa kinatatayuan niya, at ang mga taong naglalakad sa park ay napalingon sa kanila.Pinakalma ni Ryleigh ang sarili at nagsimulang tumugtog. Marahil sa labis na kaba, isang matining na tunog ang nagawa niya.Nanigas siya habang nanginginig ang kaniyang kamay.Mahinahon siyang ginabayan ng matanda, “Ayos lang yan, huwag kang kabahan. Isipin mong practice lang ito.”Binitawan ni Ryleigh ang kaniyang m
Read more

Kabanata 756

Pinisil ni Ryleigh ang pisngi at tiningnan si Louis. “Hindi ako nananaginip, ano? S-siya talaga ang idol ko?”Pinisil ni Louis ang kabila niyang pisngi at nagtanong, “Masakit ba?”Tumango si Ryleigh at sumagot, “Oo! Sobra!”Gayunpaman, hindi bumitaw si Louis. “Tama. Maswerte ka. Pagkatapos ng lahat, hindi ito isang bagay na nangyayari lang sa normal na araw.”Tinitigan siya ni Ryleigh. Natagalan bago siya bumalik sa sarili. Inalis niya ang kamay nito na nasa kaniyang pisngi at sinabing, “Sinadya mo ito!”Tumaas ang mga kilay ni Louis at nagtanong, “Anong sinadya ko?”Dinuro siya ni Ryleigh, “Lecturer ka sa Royal Academy of Music, siyempre, kilala mo si Mr. Nixon!”Hinawi ni Louis ang nakaturong daliri ni Ryleigh sa kaniya at sinabing, “Kahit na alam ko, hindi ibig sabihin nun ay plinano ko ito. At saka, ikaw ang nagpunta dito dahil may nakita kang matanda na tumutugtog ng viola. Kinumbinsi lang kitang subukan. Si Mr. Nixon ang nagsabi na magaling ka at pinuri ka niya. Hindi ba’t
Read more

Kabanata 757

Nanigas ang ngiti ni Nina. Hindi niya alam, pero nakaramdam siya ng simpatya para kay Nolan.Nakangiting lumabas ng sasakyan sina Nolan at Helios, pero madilim ang ekspresyon nila nang bumalik.Tiningnan sila ni Nina at nagtanong, “Anong problema? Bigo ba ang negotiation?”Tiningnan ni Nolan si Helios at malamig na suminghal. “May isang tangang hindi talaga bagay sa negosyo. Kung hindi dahil sa akin, nahulog na sana siya sa patibong ng iba.”Lumingon sa kaniya si Helios at sumagot, “Kung patibong yun, anong pakialam mo? Wala kang pakialam dun.”“Tama ka.” Humalukipkip si Nolan. “Lalo na, hindi ko naman ito pera.”Mabigat ang tapak ni Helios sa accelerator at agad na umalis sa lugar.Nang makabalik sila sa hotel, hinagis ni Helios ang susi kay Nina at bumalik sa sariling kwarto nang hindi lumilingon.Lumingon si Nina kay Maisie at sinabing, “Mrs. Goldmann, kailangan kong i-check si Helios.”Tumango si Maisie.Si Nolan na nakatayo sa tabi ni Maisie ay ngumisi. “Matanda na siya,
Read more

Kabanata 758

Tumango si Nina. “Kailangang pasalamatan ni Helios si Mr. Goldmann tungkol dito. Matagal ng nagtatrabaho sa entertainment industry si Helios, kaya wala siyang karanasan sa negosyo. Kung hindi dahil kay Mr. Goldmann, baka nabiktima na siya ng scam. Gusto ng kabilang party na mag-invest si Helios ng $7,500,000. Pero, walang makukuhang kita si Helios sa simula, at kahit ang kontrata ay kaduda-duda.”Habang umiinom ng juice, mahinahong nagsalita si Maisie, “Ang hot spring tourism ng Winston Island ay isang malaking piraso ng pie, at maraming naaakit na negosyante para pumunta dito at mag-invest. Ang mga matatagal ng negosyante ay hindi agad kakagat. Aaksyon lang sila depende sa sitwasyon dahil isa itong malaking investment. Pero, iba si Helios. Katulad ng sinabi mo, wala siyang karanasan sa negosyo, at sa tingin ko yun ang dahilan kaya siya ang target nila.”Dahil may lakas sila ng loob na humingi ng $7,500,000 kay Helios bilang investor, malinaw na peperahan nila si Helios.Kung talaga
Read more

Kabanata 759

Biglang tumunog ang bell.Tumayo si Nolan at nagpunta sa living room. Binuksan niya ang pinto, at nakatayo si Nina sa labas. Tila natataranta ito habang nagtatanong, "Mr. Goldmann, pwede niyo… bang tawagan si Helios? Hindi ko siya matawagan simula nang lumabas siya kanina."Naningkit ang mga mata ni Nolan at nagtanong, "Kailan siya lumabas?"Maputla ang mukha ni Nina habang sumasagot, "Mga 9:00 a.m. Ang sabi niya ay kailangan niyang lumabas nang mag-isa. Tinawagan ko siya, pero hindi nagko-connect.""Hindi mo matawagan si Helios?" Isang boses ang narinig.Si Maisie. Lumabas siya ng kwarto nang marinig niya ang usapan nina Nina at Nolan.Natatarantang tumango si Nina. "Oo. Nag-aalala ako… baka hinanap niya ang mga taong yun. Lalo na at nasa Winston Island tayo, at hindi pa rin siya nakakabalik simula kanina."Sinubukan tawagan ni Nolan si Helios, pero nalaman niyang nakapatay ang phone nito.Habang nakakunot ang noo, nagtanong siya, "Ang lalaking yun, seryoso ba siya?"
Read more

Kabanata 760

Lumapit ang middle-aged na lalaki sa lalaing yun. Nag-bow siya at sinabing, “Quintin, nandito na siya.”Habang may kagat-kagat na sigarilyo, humithit muna si Quintin at binuga ang usok na humarang sa kaniyang mga mata. Naningkit ang mga mata niya at tiningnan si Nolan. “Kung kailan iniisip ko kung kailan kayo pupuntahang dalawa, kayo mismo ang lumapit sa akin.”Ngumiti si Nolan at nagtanong, “Nasaan ang kaibigan ko?”Tiningnan ni Quintin ang middle-aged na lalaki. Matapos matanggap ang senyas, sinabihan niya ang mga tauhan na ilabas si Helios.Dinala si Helios sa tabi ni Nolan. Lumingon si Nolan para i-check siya. Bukod sa ilang pasa sa mukha, ayos naman ito, at may mga kamay pa rin.“Mainit ang ulo ng kaibigan mong artista. Ayaw niya kaming kausapin nang maayos, kaya tinuruan na lang namin siya ng leksyon.” Sabi ni Quintin sabay kuha ng baso para ubusin ang natitirang wine.Habang nakangiti, sinabi ni Nolan, “Magiging problema kung aksidente mong nasira ang mukha niya.”“Hmph!
Read more

Kabanata 761

Nakakatukso ang $15,000,000.Sino ang hindi matutukso sa ganoon kalaking halaga ng pera?Ginawa itong lahat ni Quintin para sa pera. Maaaring nawalan nga siya ng $7,500,000 sa proseso, pero sulit ang lahat kung $15,000,000 ang babalik sa kaniya.Kinuha ni Nolan ang cell phone niya, tinawagan si Quincy, at inutusan na sabihan ang bangko na ihanda ang $15,000,000 na cash.Alam ni Quincy na siguradong mayroong nangyari kay Nolan, kaya nagpadala siya ng mga tauhan sa Winston Island habang pinapahanda sa bangko ang pera.Nasa tabi ni Nolan si Quincy habang kausap niya si Quincy sa phone. Nang makitang hindi siya nito iniisahan, nakangisi niyang sinabi, “Handa kang magbigay ng $15,000,000 na parang wala lang. Iba ka talaga, ano? Oo nga pala, hindi ko pa natatanong ang pangalan mo.”Ngumiti si Nolan. “Taga-Bassburgh ako, at mayroon akong kumpanya doon. Pwede mo akong tawaging Mr. Yates.”“Mr. Yates. Pasensya na sa manners ko.” Lumingon si Quintin sa middle-aged na lalaki at sinabing, “
Read more
PREV
1
...
7475767778
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status