Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 741 - Chapter 750

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 741 - Chapter 750

2769 Chapters

Kabanata 742

Bumagsak ang mukha ni Ryleigh, at malakas siyang tumikhim. "Sino…Sino naman ang sisilip sa'yo kapag gumagamit ka ng banyo? Wala ka yata sa katinuan. At isa pa, wala namang dapat tingnan sa'yo.""Sinong nakakaalam kung gusto mo akong pagsamantalahan o hindi?" Matamlay na sagot ni Louis.Tinuro ni Ryleigh ang sarili niya. "Ako? Gustong pagsamantalahan ka?"Ngumisi siya na para bang yun ang pinaka nakakatawang biro na narinig niya sa mundo at sinabing, "Kung gusto ko talagang pagsamantalahan ka, eh di sana—"Inangat ni Louis ang kilat niya at pinatigil siya, "Eh di sana ay ano?"Sumagot si Ryleigh habang tumitikhim, "Bakit ko sasabihin sa'yo?"Walang sinabi pabalik si Louis. Nang makita niya ang IV drip sa bote ay halos ubos na, pinindot niya ang service bell.Pumasok ang nurse. Hinila niya ang karayom sa likod ng kamay ni Louis at mahinanon na sinabing, 'Sir, kailangan niyo kumuha ng anti-inflammatory injection bukas at sa susunod din na araw."Tumango siya.Umalis ang nurse dal
Read more

Kabanata 743

Umusbong ang pag-aalala at takot ni Nolan sa kaniyang kalamnan at napuno nun ang puso niya. Parang naranasan niya ang ganitong pakiramdam noon.Mayroong masamang nangyari, at biglang nawala si Maisie sa paningin niya.Nilagay ni Nolan ang kamay niya sa kaniyang bulsa, at doon niya napagtanto na hindi niya dinala ang phone nila.Binigay ni Helios ang phone niya at sinabing, "Pwede mong gamitin 'tong sa akin."Hindi yun tinanggihan ni Nolan. Ang una niyang kailangan na gawin ay hanapin si Maisie, kaya wala siyang pakialam sa ibang bagay ngayon. Pero, hindi niya maalala ang phone number ni Maisie sa ganoong ka-importanteng pagkakataon.Humigpit ang hawak niya sa phone, at bumakat ang ugat niya sa likod ng kaniyang kamay.Phone number… 'Anong nangyayari? Nasa isip ko 'yun, pero ano nga ulit ang number niya?'Nang makita ni Helios ang daliri ni Nolan na nalilito sa dialing button at hindi niya pa rin nalalagay ang phone number, binuksan niya ang contact list para sa kaniya at sinab
Read more

Kabanata 744

Ito ang unang beses na sinapak ni Helios si Nolan sa harapan ni Maisie, at ito rin ang unang beses na nawala ang pagiging kalmado ni Helios sa harap ng kahit sino.Puno ng emosyon na tiningnan ni Helios si Nolan at sinabing, "Tatlong taon ko 'tong hinintay nang sinabi mo na ibibigay mo siya sa akin sa harapan niya."Napatigil si Nolan.Humakbang palapit si Helios at hinawakan sa kwelyo si Nolan. "Magkasama tayong lumaki mula pagkabata, kaya dapat kilala mo ako. Kung gusto ko talaga siyang kunin sa'yo, sa tingin mo ba mayroon kang laban sa akin?"Walang sinabi si Nolan.Niluwagan ni Maisie ang kamao niya at huminga ng malalim. "Mr. Boucher, pakawalan mo siya. Mayroon akong sasabihin sa kaniya."Binitawan ni Helios si Nolan. Yumuko siya para kunin ang mask sa sahig, pinagpag ang ilang lupa sa shirt niya, tumalikod, at umalis.Kalmado na tumingin si Maisie kay Nolan at sinabing, "Mayroon akong contact number ni Helios dahil nang mayroon siyang pini-film na pelikula, isa siyang guar
Read more

Kabanata 745

Saglit na natahimik si Morgan bago sinabing, "Oh sige. Bahala ka. Gawin mo ang gusto mong gawin."Pagkatapos niyang ibaba ang tawag, binalik ni Helios kay Nina ang phone.Tiningnan siya ni Nina at tinanong, "Mayroong malaking reputasyon si Mr. Wallace sa entertainment industry. Kahit ang mga top-tier celebrities ay hindi magawang humindi sa kaniya. Kung tatanggihan mo siya, hindi ba niya—""Huwag ka mag-alala. Ipapaliwanag ko rin naman sa kaniya sa susunod. At saka, paubos na rin ang oras na binigay sa akin ng mga Boucher. Hindi ko pwede asahan ang mga naabot ko sa entertainment industry para kumbinsihin ang pamilya ko."Kung gusto ni Helios na humiwalay sa pamilya, kailangan niya muna ang pagtanggap ng lolo niya. Sa madaling salita, kailangan niya ng investment project sa Winston Island.Samantala, binato ni Maisie ang unan at kumot sa sahig. Tumingin siya kay Nolan at sinabing, "Diyan ka matutulog ngayong gabi."Pagkatapos nun, tumalikod siya at sinara ang pinto.Medyo mabagal
Read more

Kabanata 746

Si Nina na nakaupo sa tabi ni Maisie ay sinadyang ibahin ang usapan para maibsan ang bigat ng paligid sa private room. "Hindi ako nakapunta sa hot springs kahapon, kaya bakit hindi tayo pumunta mamayang gabi?"Kalmadong kinuha ni Helios ang chopsticks niya at naglagay ng sushi sa plato sa harapan niya, habang si Nolan ay kumuha ng tasa ng tsaa at uminom doon.Tinitigan ni Nina si Maisie, na mukhang kalmado at walang pakialam, gamit ang nakakaawa at inosente niyang tingin na para bang nanghihingi siya ng tulong.Inangat ni Maisie ang tingin niya at tiningnan sila, tapos ay lumingon kay Nolan. "Nolan, naaalala mo pa ba yung pangako mo sa akin kagabi?"Napatigil si Nolan habang umiinom ng tsaa, labag sa loob niyang binaba ang teacup, at tinitigan si Helios.Naningkit ang mata ni Helios.Matapos ang ilang sandali ay mayroong dalawang pilit na salita ang lumabas sa labi ni Nolan. "Pasensya na."Parang nag-aalangan ang tunog niya.Hindi man lang inangat ni Helios ang ulo niya. "Hindi
Read more

Kabanata 747

Nang makitang siya na mapagbantay at lumalaban sa kanyang sarili, tumawa si Xyla at nagpaliwanag ng elegante at magaling, "Hindi mo kailangang matakot sa akin, Ms. Hill. Hindi naman kita sasaktan. Nandito lang ako para kausapin ka.Umuulan pa rin sa labas, at walang kilos ang atmosphere sa kwarto ng ilang sandali habang matamlay ang talukap ni Ryleigh. "Gusto mong iwan ko si Louis, ano? Huwag ka mag-alala, hindi ko siya kukunin sa'yo kapag hindi na natuloy ang engagement namin."'Sa halip na maghintay ng ibang tao na lumapit sa akin at gumawa ng iresponsableng desisyon sa hinaharap, mabuti pang diretsahin ko na lang siya.'Matagal siyang tiningnan ni Xyla, yumuko siya, at tumawa. "Inisip ko 'yan bago ako bumalik ng Zlokova."Tumingin siya sa labas ng bintana, at makikita ang lungkot sa mata niya. "Anim na taon magkarelasyon, at naisip ko na kahit na nakipaghiwalay siya sa akin, mayroon pa rin akong oportunidad na manatili sa tabi niya pagbalik ko ng Zlokova."Saglit na nagulat si
Read more

Kabanata 748

Nagdalawang isip ng tatlong segundo si Ryleigh, tapos ay mabilis niyang binuksan ang pinto at tiningnan si Louis. "Oo."Sa Winston Island…Apat na tao ang nakaupo sa sasakyan at ini-enjoy ang tanawin sa kalsada. Puno ng cherry blossoms ang roadside, at para itong nakapantay sa abot tanaw, na muntik na lumabo dahil sa kulay ng langit at dagat na parang iisang nakahalo.Nagbago ang tanawin at naging iba nang pumasok ang sasakyan sa underwater tunnel at dumaan sa underwater platform.Maraming sasakyan at bus ang puno ng turista na naka parada sa parking slot sa observation deck, at maraming turista ang nakatayo sa tapat ng observation deck para tingnan ang malinaw na tanawin ng tubig dagat.Naka parada ang sasakyan sa parking lane, at lumabas si Maisie at Nina sa sasakyan at naglakad patungo sa observation platform.Ang Winston Island's underwater tunnel ay kilala bilang pinakamalaki at pinakamahal na ginawang proyekto ng Zlokova. Ito lang ang tanging tunnel na pinapayagan ang mga p
Read more

Kabanata 749

Hindi nagtagal ay nakita ni Maisie ang iniisip niya. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi maganda ang impresyon ni Nolan kay Helios. "Halata naman na ikaw ang gumagawa ng gulo kahit saan, at malakas pa ang loob mo na sisihin ang iba!?"Sinara ni Nolan ang labi ni Maisie gamit ang labi niya, at ginamit ni Maisie ang sumbrero para takpan ang mukha nila sa takot na mayroong makakita.Nagawa niyang halikan si Maisie at hindi niya mapigilan na magbigay ng matagumpay na ngisi. Pagkatapos ay binaon niya ang ulo niya sa leeg ni Maisie. "Zee, kailan ba tayo magkakaroon ng pagkakataon na tayong dalawa lang? Ayaw ko na dalhin ang dalawang third wheel na yun sa atin, at…"Tinaas ni Maisie ang kilay niya. "At?"Mukha siyang na-agrabyado habang dinidikit ang katawan niya kay Maisie. "Hindi mo ako pinapayagan na tumabi sa'yo kapag gabi."Nanginig si Maisie, tumingin sa kaliwa at kanan, at agad na tinulak palayo ang balikat ni Nolan. "Huwag kang maging katawa-tawa. Ang daming tao dito."Ngum
Read more

Kabanata 750

Mukhang marahas at kaakit akit si Nolan sa oras na yun. Nakuha ng katawan niya ang tingin ni Maisie na parang magnet, at hindi niya alam kung saan siya titingin.…Binuhat ni Nolan si Maisie pabalik ng kwarto. Matamlay na nakasandal si Maisie sa dibdib ni Nolan, ang basa niyang buhok ay nakaipit sa kaniyang leeg, at ang lalo siyang naging kaakit akit dahil sa kulay ng kaniyang mukha.Nang maibaba niya si Maisie sa couch, tinulak siya palayo ni Maisie gamit ang kaniyang paa, umakyat sa kabilang banda, at humiga.Pumunta si Nolan sa banyo, kumuha ng towel, umupo sa gilid ng couch, at sinimulan na patuyuin ang buhok niya habang paos na tumatawa. "Galit ka na naman."Dumaing si Maisie at hindi siya pinansin. Mapagpasensya niyang pinupunasan ang buhok ni Maisie para sa kaniya. "Sinong nagsabi sa'yo na pagmukhain akong tanga?"Tumalikod si Maisie, nakapangalumbaba, at nanlilisik siyang tiningnan. "Sinasabi mo ba na kasalanan ko?"Tumawa siya. "Hindi."Habang hinahaplos ni Nolan ang
Read more

Kabanata 751

Naupo si Nina sa tapat ni Maisie. “Pasensya na sa abala, Mrs. Goldmann.”“Hindi,” Ngumiti si Maisie. “Hindi ito abala. Hindi ako nagpunta rito para dito, kailangan ko ng tulong mo.”Hindi ito naintindihan ni Nina. “Anong kailangan niyo sa akin?”Ngumiti si Maisie. “Pagmukhain silang couple.”Hindi nakapagsalita si Nina.“Huwag kang mag-alala, ang ibig kong sabihin, dahil magkasamang lumaki sina Helios at Nolan, maganda kung magiging mas malapit sila dahil dito.”Saka niya dinagdag, “Nakikita mo kung paano sila mag-interact. Kahit na inaasar nila ang isa’t-isa, sa tingin ko naman ay pareho nilang inaalala ang isa’t-isa.”Naintindihan yun ni Nina. Matagal na siyang nasa tabi ni Helios at alam niyang kahit na maraming kilalang tao si Helios, iilan lang ang malapit nitong mga kaibigan.Alam niya na sila Helios at Nolan ang pinakamatagal na magkakilala. Kahit na bihira lang silang mag-usap, kapag may mangyari kay Nolan, siguradong tutulong si Helios.Naisip niyang magiging mahirap
Read more
PREV
1
...
7374757677
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status