Pinatong ni Maisie ang baba sa isang kamay. “Paano kung hindi yan tungkol sa kumpanya?”Umangat ang tingin ni Nolan at sandaling tinitigan si Maisie.Binaba ni Quincy ang tawag at tumawag ulit.Sinagot yun ni Nolan. “Ano yun?”“Mr. Goldmann, bakit natagalan kayo? Pinapasabog ng paparazzi ang phone ko!”Naningkit ang mga mata ni Nolan. “Bakit ka nila tinatawagan?”“Nakikipag-collaborate ba kayo kay Mr. Boucher sa isang investment? Tinatanong yun ng media.” Pagkatapos nito, bumulong si Quincy, “Ang sabi niyo ay nasa honeymoon kayo, pero bakit kayo pumapasok sa isang investment project? Gusto niyong magkaroon ng hot spring resort?”Nagsalubong ang mga kilay ni Nolan at biglang tiningnan si Maisie na ngayon ay kumakain. “Anong sinasabi ng media?”“Sabi nila ay inimbita niyo si Mr. Boucher sa Winston Island para sa isang hot spring investment project at close daw kayo ni Mr. Boucher. Dahil sa inyo ay tumanggi siyang magtrabaho.”Mahinang nag-okay si Nolan, saka tumaas ang kilay at
Magkaibigan sina Helios at Nolan, at dahil usap-usapan sa internet na nasa Winston Island silang dalawa,patunay yun na malalim ang pagkakaibigan nila.Ang pagtanggi niya sa trabaho para tulungan ang kaibigan niya ay aani ng suporta mula sa kaniyang mga fans, at hindi madaling makakalapit ang negatibong mga balita.Kung hindi masaya ang mga advertisers, kahit na may lakas sila ng loob na pagtsismisan si Nolan, hindi sila gagawa ng gulo dahil sa kapangyarihan at financial status ni Nolan at Blackgold sa business world.Matagal na nakatayo doon si Helios bago niya tiningnan ang kape sa mesa. "Kilala ko siya, hindi niya ako tutulungan nang walang dahilan kung hindi ako nanghihingi ng tulong."Yumuko si Nina. "Pasensya na, Hels. Kinausap ako ni Mrs. Goldmann."Sumimsim ng kape si Helios at ngumiti. "Alam ko ng may kinalaman siya dito."Ngumiti si Nina. "Umaasa si Mrs. Goldmann na magkaroon kayo ng mas maayos na relasyon ni Mr. Goldmann."…Naglakad-lakad si Ryleigh sa hospital park.
Kinamayan ni Joe ang kamay nito bilang paggalang. “Joe Watson.”“Ikaw pala si Joe Watson.”“Kilala mo ako?” Naningkit ang mga mata ni Joe.Naguluhan si Ryleigh at lumapit kay Louis para magtanong, “Paano mo nakilala si Joe?”Tumingin sa kaniya si Louis. “Sa picture.”Napatigil si Ryleigh at matagal bago nakasagot. “Ano? Binigay sa iyo ni dad ang litratong yun?”Ngumiti si Louis. “Walang mali sa pagbigay niya ng litrato ng fiancee ko sa akin.”“Ikaw…”Tahimik silang pinagmasdan ni Joe at ngumiti. “Pupuntahan ko ang lola ko.”“Naka-admit ang lola mo?” Hindi pinansin ni Ryleigh si Louis at tumingin kay Joe.Nagliyab ang mga mata ni Louis.Tumango si Joe. “Tumatanda na siya ngayon at naka-admit siya dahil masiyadong mataas ang presyon ng dugo niya. Inaalagaan siya ng mom ko. Kailangan ko siyang bisitahin.”Pinanood siyang umalis ni Ryleigh. Tinakpan ni Louis ang mga mata nito para harangan ang paningin. “Ayaw mo ba siyang makitang umalis?”Sinampal ni Ryleigh ang kamay niya at
Hinawakan ni Louis ang balikat niya, “Wala kang tiwala sa sarili mo?” Mahina siyang tinulak ni Ryleigh. “Hindi ko kaya…”Lumapit ang matanda. “Gusto mo bang subukan na tumugtog?”Nagulat si Ryleigh at saka kinaway ang kamay. “Sir, I…”Tumawa ang matanda. “Ayos lang, subukan mo lang. Wala akong sasabihin kahit na hindi maganda ang tunog.”Tinulak siya ni Louis. Lumingon siya rito bago kunin ang viola.Maraming taon na siyang hindi humawak ng anumang musical instrument, at nang hawakan niya ito, napakatindi ng naramdaman niya. Pamilyar ang pakiramdam na yun.Hindi umalis si Ryleigh sa kinatatayuan niya, at ang mga taong naglalakad sa park ay napalingon sa kanila.Pinakalma ni Ryleigh ang sarili at nagsimulang tumugtog. Marahil sa labis na kaba, isang matining na tunog ang nagawa niya.Nanigas siya habang nanginginig ang kaniyang kamay.Mahinahon siyang ginabayan ng matanda, “Ayos lang yan, huwag kang kabahan. Isipin mong practice lang ito.”Binitawan ni Ryleigh ang kaniyang m
Pinisil ni Ryleigh ang pisngi at tiningnan si Louis. “Hindi ako nananaginip, ano? S-siya talaga ang idol ko?”Pinisil ni Louis ang kabila niyang pisngi at nagtanong, “Masakit ba?”Tumango si Ryleigh at sumagot, “Oo! Sobra!”Gayunpaman, hindi bumitaw si Louis. “Tama. Maswerte ka. Pagkatapos ng lahat, hindi ito isang bagay na nangyayari lang sa normal na araw.”Tinitigan siya ni Ryleigh. Natagalan bago siya bumalik sa sarili. Inalis niya ang kamay nito na nasa kaniyang pisngi at sinabing, “Sinadya mo ito!”Tumaas ang mga kilay ni Louis at nagtanong, “Anong sinadya ko?”Dinuro siya ni Ryleigh, “Lecturer ka sa Royal Academy of Music, siyempre, kilala mo si Mr. Nixon!”Hinawi ni Louis ang nakaturong daliri ni Ryleigh sa kaniya at sinabing, “Kahit na alam ko, hindi ibig sabihin nun ay plinano ko ito. At saka, ikaw ang nagpunta dito dahil may nakita kang matanda na tumutugtog ng viola. Kinumbinsi lang kitang subukan. Si Mr. Nixon ang nagsabi na magaling ka at pinuri ka niya. Hindi ba’t
Nanigas ang ngiti ni Nina. Hindi niya alam, pero nakaramdam siya ng simpatya para kay Nolan.Nakangiting lumabas ng sasakyan sina Nolan at Helios, pero madilim ang ekspresyon nila nang bumalik.Tiningnan sila ni Nina at nagtanong, “Anong problema? Bigo ba ang negotiation?”Tiningnan ni Nolan si Helios at malamig na suminghal. “May isang tangang hindi talaga bagay sa negosyo. Kung hindi dahil sa akin, nahulog na sana siya sa patibong ng iba.”Lumingon sa kaniya si Helios at sumagot, “Kung patibong yun, anong pakialam mo? Wala kang pakialam dun.”“Tama ka.” Humalukipkip si Nolan. “Lalo na, hindi ko naman ito pera.”Mabigat ang tapak ni Helios sa accelerator at agad na umalis sa lugar.Nang makabalik sila sa hotel, hinagis ni Helios ang susi kay Nina at bumalik sa sariling kwarto nang hindi lumilingon.Lumingon si Nina kay Maisie at sinabing, “Mrs. Goldmann, kailangan kong i-check si Helios.”Tumango si Maisie.Si Nolan na nakatayo sa tabi ni Maisie ay ngumisi. “Matanda na siya,
Tumango si Nina. “Kailangang pasalamatan ni Helios si Mr. Goldmann tungkol dito. Matagal ng nagtatrabaho sa entertainment industry si Helios, kaya wala siyang karanasan sa negosyo. Kung hindi dahil kay Mr. Goldmann, baka nabiktima na siya ng scam. Gusto ng kabilang party na mag-invest si Helios ng $7,500,000. Pero, walang makukuhang kita si Helios sa simula, at kahit ang kontrata ay kaduda-duda.”Habang umiinom ng juice, mahinahong nagsalita si Maisie, “Ang hot spring tourism ng Winston Island ay isang malaking piraso ng pie, at maraming naaakit na negosyante para pumunta dito at mag-invest. Ang mga matatagal ng negosyante ay hindi agad kakagat. Aaksyon lang sila depende sa sitwasyon dahil isa itong malaking investment. Pero, iba si Helios. Katulad ng sinabi mo, wala siyang karanasan sa negosyo, at sa tingin ko yun ang dahilan kaya siya ang target nila.”Dahil may lakas sila ng loob na humingi ng $7,500,000 kay Helios bilang investor, malinaw na peperahan nila si Helios.Kung talaga
Biglang tumunog ang bell.Tumayo si Nolan at nagpunta sa living room. Binuksan niya ang pinto, at nakatayo si Nina sa labas. Tila natataranta ito habang nagtatanong, "Mr. Goldmann, pwede niyo… bang tawagan si Helios? Hindi ko siya matawagan simula nang lumabas siya kanina."Naningkit ang mga mata ni Nolan at nagtanong, "Kailan siya lumabas?"Maputla ang mukha ni Nina habang sumasagot, "Mga 9:00 a.m. Ang sabi niya ay kailangan niyang lumabas nang mag-isa. Tinawagan ko siya, pero hindi nagko-connect.""Hindi mo matawagan si Helios?" Isang boses ang narinig.Si Maisie. Lumabas siya ng kwarto nang marinig niya ang usapan nina Nina at Nolan.Natatarantang tumango si Nina. "Oo. Nag-aalala ako… baka hinanap niya ang mga taong yun. Lalo na at nasa Winston Island tayo, at hindi pa rin siya nakakabalik simula kanina."Sinubukan tawagan ni Nolan si Helios, pero nalaman niyang nakapatay ang phone nito.Habang nakakunot ang noo, nagtanong siya, "Ang lalaking yun, seryoso ba siya?"
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,