Hindi kailanman nagustuhan ng mga elders ng mga Boucher si Nolan bilang bata, at pati na rin ang lolo ni Helios.Gayunpaman, alam ni Helios na dahil nakilala niya si Nolan noong bata pa sila, nalaman niya kung anong klaseng tao ang gusto niyang maging, anong buhay ang gusto niyang makamit, at kung paano niya pipiliin ang landas na hindi niya kailanman pagsisisihan.Saka niya dinagdag, “Hindi ako magiging si Helios na kilala niyo ngayon kung hindi ko nakilala noon si Nolan.”Malamig at istrikto ang ekspresyon ni Richard. Tumayo siya at umalis nang masama ang itsura.Hinarap ni Yael ang anak, tinaas ang kamay at hinawakan ang balikat nito. “Gawin mo kung anong gusto mo.”Nanigas si Helios sa kinatatayuan niya at napaangat ng tingin. “Dad…”Mas humigpit ang hawak ni Yael sa balikat ng anak bago niya ito bawiin, tumalikod at umakyat.Naglakad si Helios palabas ng villa habang si Francisco naman ay nakasandal sa pader, habang nakahalukipkip. “Helios, tinuring kitang idol ko simula pa
Bago pa makagalaw si Maisie, magaang dumampi ang hinlalaki ni Nolan sa kaniyang daliri.Tumawa si Ryleigh at nanginig ang mga balikat. “Hindi ako nagsinungaling. Gising na si Mr. Goldmann!”Tumayo si Maisie, naupo sa gilid ng kama, at yumuko para tingnan si Nolan. Hinawakan niya ang mukha nito habang umiiyak dahil sa tuwa. “Nolan, nararamdaman mo ito, tama? Naririnig mo rin ako?”Pero pagkatapos ng ilang minuto, hindi sumagot si Nolan, at hindi ito nagising.Gayunpaman, magandang bagay na mayroon na siyang malay.Kinagabihan, sa club…Dinala ni Francisco si Helios palabas ng kwarto. Maraming ininom si Helios at lasing na ito.“Hels, hindi ka umiinom, bumibili ka lang ng alak.”Tinulungan niya si Helios na magsuot ng shades at cap, pagkatapos ay chineck niya ang kaniyang mga bulsa at mayroong napansin. “Nahulog ko ang wallet ko. Hintayin mo ako dito, huwag kang umalis.”Sumandal si Helios sa pader, yumuko at tinukod ang mga kamay sa tuhod. Kailangan niyang sumuka, pero walang l
Umalis si Meg kasama ng iba.Nakahinga nang maluwag si Helios at napakamot sa noo. “Salamat sa tulong mo.”Nagpalinga-linga si Barbara. “Hindi ka ba natatakot na may makakilala sa iyo? Mag-isa kang pumunta dito?”“Kasama ko ang pinsan ko.”Agad na dumating si Francisco nang sabihin yun ni Helios.“Hels, hindi ba’t sinabi ko sa iyo na huwag ka aalis?” Nahanap na rin siya ni Francisco, saka napalingon kay Barbara. “Sino ka?”Natahimik si Barbara.Nagpaliwanag si Helios, “Siya si Barbara Chase ng pamilya Chase.”“Ms. Chase, Oh. ikaw ba…” Tinuro siya ni Francisco pero hindi niya alam kung paano yun sasabihin.Hindi niya kilala si Barbara, pero narinig niya na ang tungkol kay Ms. Chase.Ngumiti si Barbara pero walang sinabi. Saka siya nagpaalala, “Artista si Mr. Boucher. Kapag nakita siya dito sa Glitz, sasabog ang tsismis bukas sa Bassburgh. Kailangan niyong maging maingat.”Ngumiti si Helios. “Yes, ma’am.”Umalis si Barbara kasama ang kaniyang mga bodyguards.Naguguluhan si F
Hindi pa rin umaalis ang sasakyang nakaparada sa tabi. Pinanood ni Helios ang eksena at naging kumplikado ang nararamdaman.Masiyado siyang naging pabaya.Nagtanong si Francisco, “Hels, aalis ba tayo?”Paglipas ng isang linggo, sa Soul Jewelry…“Tito Kennedy, bakit hindi muna kayo magpahinga nang mas matagal?” Nakita ni Maisie na nasa opisina na agad si Kennedy at nag-aalala sa injury nito.Tinaas ni Kennedy ang braso at ngumiti. “Halos balik na ito sa normal ngayon. Ayos lang ako, huwag kang mag-alala.”Sabay silang lumabas ng elevator ni Maisie nang tanungin siya ni Kennedy tungkol sa nangyari sa kanila sa Winston Island.Alam ng media ang nangyari doon dahil sobrang nakakagulat yun, pero hindi nabanggit na muntik ng mamatay sina Helios at Nolan.Hindi rin yun inanunsyo ng mga Boucher at Goldmann at palihim lang yun inayos dahil magkakaroon lang ng problema kapag inanunsyo nila ang tungkol dun.Yumuko siya at ngumiti, “Nandoon lang kami para magbakasyon. Ginawa lang ang inve
Naupo si Maisie sa couch at nagbasa ng magazine.Sinuot ni Ryleigh ang isang dress at lumabas. Nagmukha siyang matanda dahil sa kulay, kaya umiling si Maisie.Nagbihis ulit siya, pero masiyadong mapusyaw ang kulay ng damit. Hindi bagay sa kaniya.Ilang beses nagpalit si Ryleigh, pero bawat bihis ay umiiling si Maisie. Sinabi niya sa shopkeeper na ibigay kay Ryleigh ang isa sa mga nakita niya kanina at pinabalik si Ryleigh sa fitting room.Mas maganda ito kaysa sa mga nauna.Pagkatapos ng ilan pang pagbibihis, sumandal na sa pader si Ryleigh, pagod na pagod. “Zee, mamamatay na ako sa pagbibihis.”Nag-isip si Maisie habang nakahawak sa baba at saka tinuro ang suot ng shopkeeper. “Subukan mo ang isa na yan.”“Isa pa?”Pagod na si Ryleigh.Tumango si Maisie.Kailangan na naman pumasok ni Ryleigh.Tumayo si Maisie at lumapit nang lumabas si Ryleigh.Light green ang suot niyang dress na mayroong puting embroidery, at ang kwelyo nito ay velvet lace. Bagay na bagay ang fresh color
Umalis sina Ryleigh at Maisie sa salon, napansin ni Maisie na nakayuko si Ryleigh at parang walang lakas, kaya hinawakan niya ito sa likod at tinapik ito. “Tumayo ka nang maayos, maging confident ka.”Hindi alam ni Ryleigh kung matatawa ba siya o maiiyak. “Pupunta lang ako ng interview. Kailangan ba ito?”Seryosong sumagot si Maisie, “Siyempre, isipin mo. Karamihan sa mga professors sa music academy ay mga bata pa. Kailangan mong mag-pokus sa presentation mo. Hindi ka pwedeng pumunta sa interview nang hindi nagseseryoso.”Naisip ni Ryleigh na tama nga ang sinabi ni Maisie, kaya tumango siya. “Tama ka. Tatayo na ako nang tuwid.”Tumawa si Maisie at tinusok ang baywang ni Ryleigh. “Mas gawin mong natural.”Iniwasan ito ni Ryleigh at tinakpan ang kaniyang baywang. Hindi natuwa si Maisie, kaya kiniliti niya si Ryleigh.Tumawa sila nang malakas, hindi pinapansin ang mga tingin ng mga dumadaan.Sa Ospital….Pumasok si Helios sa kwarto ni Nolan, nilagay niya ang dala niyang bulaklak s
Sa ikatlong beses, nagkusa si Helios na hanapin siya sa Soul Jewelry gamit ang dahilan ng pagrerenta ng alahas para sa isang cooperation. Ang tanging layunin lang niya ay ma-stress si Nolan, at talaga ngang nagtagumpay siyang gawin yun.Pagkatapos, tinawagan siya ng pinsan niya at sinabing nakagat ng isang pit viper ang isang babaeng nagngangalang Maisie at sinabihan siya nitong dalhin si Professor Leonhardt sa training camp.Nang dumating siya sa training camp, sigurado siyang seryoso si Nolan sa relasyon nito kay Maisie matapos niyang makita ang labis nitong pag-aalala.Gayunpaman, nang maging infected ng virus si Nolan, tumanggi itong sabihin sa kahit kaninuman ang tungkol sa infection niya at pinilit na makipag-divorce kay Maisie. Alam ni Helios na ayaw lang ni Nolan na masaktan si Maisie. Mahal na mahal niya pa rin ito.Pagkatapos ng lahat, hindi si Nolan ang klase ng taong sumusuko sa kalagitnaan ng isang bagay na naramdaman niyang siyang tama. Pero, kapag kailangan niyang su
Wala sa kanila ang nakasuot ng professional attire. Maayos ang lahat ng suot nila at sharp tingnan.Sinuot ni Ryleigh ang kaniyang light green custom-made dress. Parang totoo ang flower pattern sa gilid ng dress niya, at mayroong string ng perlas na nakatahi sa lace ng kaniyang kwelyo.Ang buhok niyang hanggang balikat ay nakatali sa isang flower braid, kaya naman kitang-kita ang mukha niya. Light lang ang suot niyang make up, elegante, classy at mahinhin ang kaniyang dating.Napalingon ang mga taong nasa labas kay Ryleigh, dahilan para hindi siya maging komportable. Yumuko siya at bumulong, “Mukha ba akong wirdo, Zee?”Tinapik ni Maisie ang balikat niya at sumagot, “Magtiwala ka sa sarili mo, okay?”Kinuha ni Ryleigh ang number niya at nagpunta sa gilid para hintayin ang pagtawag sa kaniya. Habang mas padami nang padami ang taong pumapasok sa interview, mas lalo siyang hindi napapakali.Nang makita ni Maisie ang nakakuyom na mga kamao sa mga hita ni Ryleigh, mayroon siyang naisi
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,