Nanginig si Mrs. Salvadore. "Ikaw…"Lumapit ngayon si Katrina kay Maisie. "Mrs. Goldmann, itong usapan ay sa pagitan namin ni Yelena. Sa tingin mo ba masyado ka ng nakisawsaw?"Sinagot siya ni Maisie na may ngiti sa mukha, "Ms. Zalensky, dahil ang lakas ng loob mong dalhin dito sa kumpanya ko itong bagay na ito, kaya malakas din ang loob ko na makialam. At saka, Ms. Zalensky, 'di ba ikaw ang nakakaalam sino talaga ang may kasalanan sa nangyari kay Chase dati?"Nagbago ang ekspresyon ni Katrina sa gulat habang namamangha siyang nakatitig kay Maisie.'Sinabi rin ni Barbara ang tungkol don!?'Ang alam niya ay hindi alam ni Maisie ang totoong nangyari kay Barbara dati, kaya sinadya niyang dalhin dito si Mrs. Salvadore—para ipaniwala sa kaniya na mamamatay tao si Barbara.Pero, sa hindi inaasahan…'Pero sa totoong nangyari sa insidente, kahit na alam ni Barbara ang tungkol doon, wala na ngayon ang video, at patay na ngayon ang tao. Kahit na maghihinala siya na ako ang suspect
Nagulat si Katrina.Hindi nagpakita ng kahit anong ekspresyon si Barbara. "Ayos lang, wala na akong pakialam. Kung gusto mong takutin ako, sige."Tumalikod siya. "Hindi ko alam kung matatakot ba ang mga Chase sa pagbabanta mo."Umalis si Barbara. Tumalikod si Maisid para tingnan sila at nagpahatid sila kay Kennedy.Nagngalit ang ngipin ni Katrina. "Huwag kayong umalis!"Nakatayo si Barbara at nakasandal sa railing ng corridor at nakatingin sa bintana.Nilapitan siya ni Maisie. "Parang maapektuhan talaga nang malala ang pamilya mo pag lumabas yun, no?"Naalala niya na sinabi na ni Barbara dati na susuko na ang Dad niya, at papalit na doon ang tito niya pag nangyari yun.Ang dating video na mayroon si Katrina ay maaaring maging banta sa sikreto ng mga Chase. Kung walang sikreto, malamang hindi siya papansinin ng mga Chase.Matagal ng nagtataka si Maisie bakit laging nagagalit si Katrina kay Barbara at sinisisi siya.Matapos makita ang mga nangyari ngayon, naintindi
Napahinto si Quincy.Ngayon na sinabi na yun ni Nolan, nasanay kasi si Quincy na tawagin si Maisie na 'Ms. Vanderbilt. Pero dahil wala namang pakialam si Nolan sa mga tawag, ngayon niya lang yun naisip. Huli na ba?Tiningnan siya ni Nolan, kaya tumango si Quincy. "Oo, inutusan ako ni Mrs. Goldmann na magpadala ng tao na magbabantay kay Katrina. Siya nga pala, naaalala mo ba si Katrina?"Siguro ay nabalik na nga ni Nolan ang memorya niya pero hindi sugurado si Quincy kung naaalala niya si Katrina.Kalmado si Nolan at walang pakialam. "Kabit ni Eugene?"Kinamot ni Quincy ang ulo niya. "Nagtatago pa rin ang babae na yun sa Bassburgh, at tinulungan mo pa nga si Mrs. Van— Mrs. Goldmann na i-hack ang phone niya at kunin ang mga video. Bumalik siya ulit, siguro may plano na naman siya."Tahimik si Nolan.Malabo niyang naaalala ang nangyari. Nanghingi si Maisie ng tulong sa kaniya para tulungan si Ms. Chase.Kalmado niyang sinabi, "Sige."Tumango si Quincy, at lumabas na sa
Walang impluwensya at kapangyarihan si Katrina. At kung hindi dahil sa proteksyon ni Eugene, magiging madali para sa mga Chase na balikan siya.Si Mr. Zhivkov ang akmang tao para gawin yun.Pumasok ang isang waiter at bumulong sa tainga ni Mr. Zhivkov.Tumigil siya sa pagsisindi ng sigarilyo at napakunot. "Sino?""Hindi ako sigurado, pero mukha silang makapangyarihan at nagtanong para makita ka." Sabi ng waiter.Narinig yun ni Katrina at namutla siya.'Isang makapangyarihan ang gustong makita si Mr. Zhivkov? Sino?'Nilagay ni Mr. Zhivkov ang sigarilyo niya sa ashtray, tumayo, at sinundan ang waiter palabas.Hindi napigilan ni Katrina ang mapakuyom ng kamao.Ilang bodyguard na mga nakaitim ang nakatayo sa labas ng unang VIP room. Mayroong sinabi ang waiter sa isa sa kanila, at binuksan nila ang pinto.Naging alerto si Mr. Zhivkov pero iniisip niya na magulo ang backing ng Glitz, hindi siya gumawa ng eksena at kalamado na pumasok.Madilim ang kwarto. Malawak ang balikat ng lal
At isa pa, umaasa si Mr. Zhivkov sa pamilya ng father-in-law niya. Hindi pwedeng malaman ng asawa niya ang tungkol sa kaniyang affair.Sabi niya, "May isang salita naman ako. Babae lang siya sa club. Hindi ko siya papakialaman sa problema niya sa mga Chases." At umalis na siya.Pumasok si Quincy, at nagbukas ang ilaw sa loob ng kwarto.Tinanggal ni Maisie ang kaniyang mask, bumalik sa couch, umupo sa tabi ni Nolan, at makulit na kumindat. "Hindi ko naisip na makakasama ni Katrina si Peter Zhivkov, na may problema sa mga Chases. Sa tingin mo ba pe-personalin niya 'to dahil sa pagbabanta sa kaniya?"Tinagilid ni Nolan ang ulo niya, tiningnan si Maisie, at tumawa. "Hindi yun pagbabanta."Sabi ni Quincy, "Huwag ka mag-alala, ma'am. Fake identity naman ang ginamit natin. Panigurado na iisipin ni Peter na pinadala tayo ng mga Chases."Wala sa lugar kung makikisali si Nolan sa problema ng mga Chase dahil wala naman siyang kinalaman doon, at isa rin siyang businessman katulad ni Peter.
Tumango si Quincy. "Hindi yun kwarto ni Mr. Zhivkov. Mukhang kilala ng tao sa kabilang kwarto."Naningkit si Nolan at sinabi matapos ang ilang sandali, "Mukhang may nakakaalam na nandito ako ngayong gabi."Niyakap niya si Maisie, at hinalikan ang noo niya. "Hintayin ako rito. Huwag ka lumabas, okay?"Nagdalawang isip si Maisie bago tumango. "Bumalik ka agad."Ngumiti siya at umalis kasama si Quincy.Mag-isang nakaupo si Maisie sa kwarto kasama ang ilang bodyguard. Tumawag si Barbara at nagtanong, "Nasa Glitz ka ba?""Oo, nakita ko si Peter Zhivkov, ang lalaking kasama ni Katrina."Matagal na napatahimik si Barbara, at sinabi, "Kilala ko si Peter. Pinasara ng dad ko ang spa niya noon. Kaya sinusubukan ni Katrina na si Peter ang gumawa ng maduduming trabaho.""Nangako siya na hindi niya tutulungan si Katrina." Sumandal si Maisie sa couch. "Mahigpit ang tali ng asawa niya sa kaniya, kaya panigurado na hindi niya gugustuhin na galitin ang mga Chase dahil sa karelasyon niya.""Nari
Malakas ang naging tunog ng pagkabasag ng bote. Natumba ang matipunong lalaki sa sahig at tinakpan ang dumudugo niyang sugat sa ulo.Nagulat ang ibang tao sa matapang na aksyon niya, at wala sa kanila ang gustong lumapit sa kaniya.Nagmura ng malakas si Peter at sumigaw, "Anong ginagawa niyong mga talunan kayo? Babae lang siya. Hawakan niyo!"Si Maisie ang naunang gumalaw. Kahit na kaya niyang pabagsakin ang dalawa o tatlo sa kanila, mayroong walo na matitira.Nakasuot siya ng pares ng stilettos. Pagkatapos ng ilang sandali, nakaramdam siya ng pagod, at puno ang sahig ng bubog.Nakakita ng pagkakataon ang lalaki at sinugod siya, at tinulak siya sa couch. Tiniklop ni Maisie ang tuhod niya at nagbigay ng malakas na sipa, at bumagsak ang lalaki na nakabaluktot, iniinda ang sakit ng ari niya.Dalawang malakas na lalaki ang humawak sa kaniya at diniin siya sa couch. Sinigaw ni Peter ang utos niya, "Tanggalin niyo ang maskara niya!"Pinapanood ni Katrina ang pagtanggal nila sa maskara
Magalang na sumagot si Peter. "Salamat sa pag intindi mo, Mr. Boucher."Pagkatapos nun, lumingon siya sa dalawang injured na malakas na lalaki at inutos, "Dalhin niyo ang malanding babae na 'yan sa boss ng Glitz Club. Sabihin niyo na turuan siya ng leksyon.""Pasensya na, Mr. Zhivkov. Parang awa mo na, hindi ko na yun gagawin ulit! Please!" Hinawakan ng dalawang lalaki si Katrina patayo sa sahig at hinila siya palabas ng kwarto.Pagkatapos nun, dinala ni Peter ang mga tauhan niya at umalis na sa private room.Biglang lumitaw sa labas ng kwarto sina Nolan at Quincy. Nagdilim ang mukha niya nang makita ang kalat sa private room at ang natatakot na si Maisie, na nakatayo sa harap.Naglakad siya papunta kay Maisie at niyakap siya. Mahigpit niyang pinapagaan ang loob ni Maisie sa kaniyang yakap, lumingon siya kay Yael at sinabing, "Salamat sa tulong mo, Tito Boucher."Pinatigil siya ni Yael sa pagtaas ng kamay niya at sinabing, "Wala yun. Sana ay hindi mo kalimutan ang mga bagay na pi
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini
Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na
Sa oras na ‘yon, biglang pumasok ang butler sa loob bahay. “Sir, may nagsabi na nakita nila si Master Nick sa bayan.”Tumayo si Arthur. “Sigurado ka ba?” Nakabalik na si Nick.“Oo, nasa Winslet Manor.”Galit na hinaplos ni Arthur ang mesa nang marinig na pumunta si Nick sa Winslet Manor. “Pumunta siya doon pagbalik niya mismo. Hindi ba niya kinikilala bilang Wickam ang sarili niya?”Kinakabahan si Martha at gusto lang na makauwi ang anak niya. “Honey, dahil nakabalik na siya, gagamitin natin siya para ipalit kay Noel. Siya ang pinakamatanda sa pamilya, hindi ba? Importante ang buhay Noel!”Kumunot si Arthur at nagkuyom ang kamao.Hindi nagtagal pagkatapos non, dumating si Nick at Mahina sa garden. Nang makita ni Arthur na nakabalik na sila, nagulat siya. “Akala ko wala kang plano na bumalik?”Mukhang kalmado si Nick. “Kung hindi ako babalik, sisisihin mo ako kapag walang naiwan na tagapagmana ang Wickam. Hindi ko pwedeng akuin ang responsibilidad na ‘yon.”Natigil si Arthur at
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo