Mayroong naisip si Barbara bago sumakay ng kotse, lumingon siya at humarap sa camera. “Hindi ko alam kung anong klaseng prinsipyo ang mayroon kayo ngayong ako ang tinuturo niyo. Ako naman ang biktima ng insidenteng ito, hindi ba? Ako dapat ang namatay noon kung hindi ako lumaban at nagpumiglas. Wala akong ginawang mali kung hindi ang ipaglaban ang buhay ko. Hindi ko kailangan ng simpatya niyo, pero hindi ko hahayaan na siraan niyo ako.#Tinanggap ni Barbara Chase ang Appeal ng mga Salvadores# ito ang lumitaw sa bawat trending article sa listahan ng internet, at lahat ng litrato ng eksena ay pinost ng mga reporters sa internet.Sa oras na ito, dalawang grupo ng mga netizens na may magkaibang pananaw ang nabuo sa internet, at nagdedebate at nagsasagutan sila. Karamihan sa mga babae ay pinagtanggol si Barbara at sinagot ang mga komento ng ibang netizens na nagsasabing “‘’yan ang nararapat sa mga babaeng nauunang mang-akit ng mga lalaki.”Bilang resulta, isang article at poll ang lumaba
Tumawa ang abogado ni Barbara. “Nasa korte din ang pamilya ng offenders noong binaba ang verdict. Dahil hindi pala tanggap ng pamilya ng offender ang verdict, bakit ngayon lang nila ito nilabas?”Tiningnan ni Mrs. Salvatore ang judge. “Nandoon nga kami ng oras na yun, pero hindi maikukumpara sa mga ordinayong taong tulad namin ang background ng pamilya ni Ms. Chase. Matagal na rin namin magsumite ng appeal, pero binago ni Ms. Chase ang pangalan niya at nagtago ng ilang taon. Hindi namin siya mahanap, kaya paano kami magsusumite ng appeal?”Binagsak ng judge ang gavel, at ang korte na puno ng bulungan ay agad na natahimik. “Pwede bang ipaliwanag yun sa akin ng defendant?”Tumayo ang abogado ni Barbara at sinenyasan ang isang tao na dalhan siya ng laptop. “Nagkataon naman na mayroon kaming ebidensya mula sa insidente. Bakit hindi natin hayaan na makita yun ng plaintiff?”Nilagay ng staff ang laptop sa desk ng plaintiff, at makikita sa video ang buong nangyari sa biktima at aggressor.
Hindi nilalangaw ang malilinis na prutas.##Sir, mawalang galang na, inaamin mo bang mga langaw ang lahat ng lalaki? Baka masama na ang loob ng mga langaw dahil sa pang-iinsulto mo sa species nila.##Ang alam ko lang ay lumaki ang mga langaw na kumaian ng t*e. Yun ba ang dahilan kaya puro t*e lang ang nasasabi mo!?#Sa isang hotpot restaurant…Kumakain ng beef slices sina Barbara at Maisie habang sumasandok pa mula sa pot ng maanghang na sabaw. Pareho silang pinagpapawisan nang sobra dahil sa anghang.Nagbabasa si Ryleigh ng mga comments sa internet at tumawa nang malakas. “Malaki ang potensyal ng mga netizens ngayon para maging stand-up comedians. Kakaiba silang lahat. Yayakapin nila ang mga keyboard nila at gagawa ng thesis na para bang sila ang kumakatawan sa hustisya sa tuwing mayroong nangyayari, pero magaling din silang magtanga-tangahan kapag nalinis na ng biktima ang pangalan nila.”Tiningnan siya ni Maisie. “Hindi ka ba kakain sa hotpot na ilang araw mo ng iniisip? Bakit
Pinagmasdan siya ni Maisie. “So, mayroon ka bang hinala?"Tumingin sa bintana si Barbara. “Mayroon akong hinala na may kinalaman ang may-ari ng Glitz Club sa mga pwersang nasa likod ni Peter Zhivkov, pero hindi ako sigurado kung magkakampi sila.”Dinagdag pa ni Barbara, “Noong gabing inaway ni Katrina si Peter Zhivkov, ang manager na tumanggap sa akin ay halatang mayroong tinatago sa akin.”Kinagabihan, sa Blue Bay Villa…“Alam mo ba kung sino ang may-ari ng Glitz Club?”Ang kamay ni Nolan na may hawak na dokumento ay biglang napatigil, at saka siya napalingon kay Maisie na nakaupo sa harapan ng dressing table at naglalagay ng night cream."May-ari ng Glitz Club?"Tiningnan siya ni Maisie sa salamin. "Oo."Naningkit ang mga mata ni Nolan. "Bakit mo gustong malaman ang tungkol sa kaniya?"Pagkatapos ni Maisie, lumapit siya kay Nolan at naupo. "Nagtataka lang ako. Sabi nila, kakaibang lalaki ang may-ari ng Glitz Club. Maraming beses ng nagpunta si Barbara sa club na yun, per
Bumaba na sa posisyon si Michael, at ang taong nasa likod ni Peter ay kapareho ng posisyon ni Michael. Maiipit sa dilemma si Mr. Boucher sa oras na mailagay ng taong yun ang sariling tauhan sa posisyon ni Michael.Noong nandoon pa si Michael, nasa pareho silang panig ni Mr. Boucher. Kaya naman hindi nagpapadalos-dalos ang taong nasa likod ni Peter.Saka nagtanong si Maisie. "Kung ganoon, anong gustong ipagawa sa iyo ni Mr. Boucher?"Marahang hinaplos ni Nolan ang buhok ni Maisie at saka ngumiti. "Kung saan magaling ang isang entrepreneur. Sa pagkakaalam ko, mayroong batch ng red wine si Peter na kailangan ng ilabas sa black market. Sinasabi na batch ng red wine yun, pero ang totoo, mga nakaw yun."Nagulat si Maisie. "So, gusto ni Mr. Boucher na bilhin mo ang batch ng red wine na yun?"Sumandal si Nolan sa kaniyang upuan. "Walang koneksiyon si Mr. Boucher sa black market, pero mayroon akong ilang kakilala. Kaya kailangan niya ako para matulungan siya. Isa pang kailangan para g
Nang makasakay siya sa kotse, sinabi ni Saydie, "Dumiretso ka sa black market. Baka nagsususpetya pa sila."Sinabihan ni Gerald ang driver at nakatanggap naman siya ng tawag mula kay Nolan. "Mr. Goldmann, oo, tinanggap ni Mr. Zhivkov ang pera, sige. Okay."Sa Blackgold…Binaba ni Nolan ang phone niya, at si Quincy na nakatayo sa gilid ay nagtanong, "Naghinala ba si Me. Zhivkov?""Hindi siya maghihinala kay Gerald, pero kailangan niyang maniwala na walang nasa likod ni Gerald para maging ligtas."Suminghal si Quincy. "Matalino din pala siya."Tumawa si Nolan."Kung hindi siya matalino, hindi siya makakarating sa kinatatayuan niya ngayon. Kailangan mailipat agad sa ibang kamay ang batch na yun dahil ayaw niyang mahuli. Hindi susugal ng ganon ang mga taong nasa likod niya."Naintindihan ni Quincy. Gusto ng mga Boucher na malagay sa aksidente ang mga gamit bago ito makapasok sa black market para mahuli nila si Zhivkov at ang mga tao sa likod nito. Sa oras na maimbestigahan si
Umangat ang ulo ng manager. “Narinig kong sinubukan nga ni Zhivkov na maglabas ng isang batch ng wine. Kung nagmamadali siya, siguradong mayroong nangyayari.”Ang kamay ng lalaki na mayroong hawak na rosaryo ay napahinto at ilang sandali bago ulit siya nagsalita. “Magmasid lang muna kayo nang tahimik kung mayroong magbabago.”Sa Soul…Nagpunta si Barbara kay Maisie at sinabi niyang bumisita siya sa Glitz pero wala siyang nalaman sa kinaroroonan ni Katrina.Mayroong naisip si Maisie at sinabing, “Kung talagang hawak nila si Katrina, anong makukuha nila sa pagkontrol sa kaniya?”Umiling si Barbara. “Baka masamang balita yun para sa tatay ko. Mayroon ng nangyari sa tito ko. Hindi ako pwedeng maupo na lang at panoorin na mangyari din yun sa dad ko.”Hinarap siya ni Maisie. “Hindi ako naniniwala. Kung mayroon silang gustong gawin sa mga Chase, ikaw ang kukunin nila imbes na si Katrina.”Huminto si Barbara.Seryoso ang mukha ni Maisie. “Hindi mo alam kung bakit ka tinutulungan ng may
Pinagkiskis ni Peter ang mga palad habang mayroong ngiti sa mukha. “Gustong itanong ng boss ko kung gusto mong magtrabaho sa kaniya. Gusto mo ba? Pwede kong kausapin si Gerald tungkol dito.”Walang ekspresyon si Saydie. “Hindi ako nagpapalit ng amo.”Sinubukan siyang kumbinsihin ni Peter. “Paano kung doblehin ng boss namin ang binabayad ni Gerald?”Tumingin si Saydie sa kotse. Nakatago sa dilim ang mukha ng lalaki. Nakasuot ito ng suit, at halata ang mga ugat sa kamay nito. Hula niya ay nasa mga 40’s o 50’s na ito.Sinabi niyang, “Niligtas ni Gerald ang buhay ko, kaya hindi ko siya tatrahidurin kahit na magkano pa ang bayad.”Suminghal si Meg at lumapit para sampalin ng mahina si Saydie. “Maliit na boss lang si Gerald sa black market. Magpasalamat ka at inaalok ka ni Mr. Grant na magtrabaho para sa kaniya, hija, naiintindihan mo—Ah!”Hinawakan ni Saydie ang kamay ni Meg at binaluktot ito. Hindi makatayo si Meg sa sobrang sakit ng nararamdaman, kaya sumigaw siya, “Mr. Zhivkov, tul
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu
Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini
Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na
Sa oras na ‘yon, biglang pumasok ang butler sa loob bahay. “Sir, may nagsabi na nakita nila si Master Nick sa bayan.”Tumayo si Arthur. “Sigurado ka ba?” Nakabalik na si Nick.“Oo, nasa Winslet Manor.”Galit na hinaplos ni Arthur ang mesa nang marinig na pumunta si Nick sa Winslet Manor. “Pumunta siya doon pagbalik niya mismo. Hindi ba niya kinikilala bilang Wickam ang sarili niya?”Kinakabahan si Martha at gusto lang na makauwi ang anak niya. “Honey, dahil nakabalik na siya, gagamitin natin siya para ipalit kay Noel. Siya ang pinakamatanda sa pamilya, hindi ba? Importante ang buhay Noel!”Kumunot si Arthur at nagkuyom ang kamao.Hindi nagtagal pagkatapos non, dumating si Nick at Mahina sa garden. Nang makita ni Arthur na nakabalik na sila, nagulat siya. “Akala ko wala kang plano na bumalik?”Mukhang kalmado si Nick. “Kung hindi ako babalik, sisisihin mo ako kapag walang naiwan na tagapagmana ang Wickam. Hindi ko pwedeng akuin ang responsibilidad na ‘yon.”Natigil si Arthur at
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng