Share

Kabanata 815

Bumaba na sa posisyon si Michael, at ang taong nasa likod ni Peter ay kapareho ng posisyon ni Michael. Maiipit sa dilemma si Mr. Boucher sa oras na mailagay ng taong yun ang sariling tauhan sa posisyon ni Michael.

Noong nandoon pa si Michael, nasa pareho silang panig ni Mr. Boucher. Kaya naman hindi nagpapadalos-dalos ang taong nasa likod ni Peter.

Saka nagtanong si Maisie. "Kung ganoon, anong gustong ipagawa sa iyo ni Mr. Boucher?"

Marahang hinaplos ni Nolan ang buhok ni Maisie at saka ngumiti. "Kung saan magaling ang isang entrepreneur. Sa pagkakaalam ko, mayroong batch ng red wine si Peter na kailangan ng ilabas sa black market. Sinasabi na batch ng red wine yun, pero ang totoo, mga nakaw yun."

Nagulat si Maisie. "So, gusto ni Mr. Boucher na bilhin mo ang batch ng red wine na yun?"

Sumandal si Nolan sa kaniyang upuan. "Walang koneksiyon si Mr. Boucher sa black market, pero mayroon akong ilang kakilala. Kaya kailangan niya ako para matulungan siya. Isa pang kailangan para g
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status