Share

Kabanata 821

Kinawayan ni Barbara si Maisie, at saka siya lumapit rito. Hinila niya ang upuan at naupo.

“Anong nangyari? Parang kinakabahan ka.”

Nilabas ni Barbara ang isang folder mula sa kaniyang bag at nilapag yun sa mesa. “Mayroon akong nalaman tungkol sa nangyari sa tito ko. Nasa Glitz Club siya noong araw na nangyari ang aksidente.”

Kinuha ni Maisie ang folder at binuksan yun. Mayroong nakuhang mga litrato ang surveillance camera. Kinuha ni Barbara ang tasa ng kape at sinabing, “Ang lalaking katabi diyan ng tito ko ay ang may-ari ng Glitz Club.”

“Kung ganoon, naghihinala ka rin na mayroong kinalaman ang mga tao sa likod ng Glitz Club sa mga nangyayari?”

Mapait na ngumiti si Barbara. “Hindi ko talaga maintindihan. Kung gusto nila akong tulungan, bakit tinatago pa rin nila ako sa dilim? Kung may kinalaman sa kanila ang pagkamatay ng tito ko, mayroon talagang pakay ang taong yun sa pagtulong sa akin. Pero, walang alitan ang mga Chase at mga tao sa likod ng Glitz Club, kaya hindi ko maintind
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status