Share

Kabanata 829

Huminto si Barbara sa ginagawa niya.

‘Isang tinidor lang at dalawang lunchbox ang binigay nila sa amin?’

Binaba ni Helios ang lunchbox. “Hayaan mo na. Kaya kong mabuhay ngayong gabi nang hindi kinakain ito.”

Hindi nag-alinlangan si Barbara sa pagputol ng tinidor niya at pagbibigay ng itaas na parte kay Helios. “Magtiis na lang tayo.”

Tiningnan siya ni Helios at kinuha ang tinidor.

Miserable silang kumaing dalawa gamit ang kalahating tinidor.

Umulan nang malakas ng gabing yun, at malabo ang mga ilaw sa paligid dahil sa hamog na dulot ng ulan.

Tanging ang mainit na floor lamp na nasa tabi ng desk lang ang bukas sa study. Pagkatapos mapakinggan ang investigation report ni Quincy, sinara ni Nolan ang hawak na dokumento. “Anong sinabi ni Mr. Boucher?”

Sumagot si Quincy, “Balak ni Mr. Boucher na bumaba sa posisyon niya at gamitin yun bilang kapalit para maligtas ang anak niya. Pero, sa tingin ko ay sobrang delikado nun. Walang kasiguraduhan na pakakawalan nila si Helios kahit na t
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status