Pinagpag ni Tony ang abo ng sigarilyo sa ashtray, galit ang mga mata niya at mukhang may masamang gagawin. "Wala kang kwentang hayop ka."Yumuko ang lalaki na naka-itim.Dinurog niya ang dulo ng sigarilyo sa ashtray. "Hindi na ako makapaghintay. Kamamatay lang ni Peter. Kahit na pwede nitong mapigilan ang shipment, kilala ako ni Yael Boucher. Kung wala lang ang anak niya sa akin, siguro may ginawa na siya sa akin dati pa."Tiningnan siya ng babae na naka-itim. "Edi patayin na lang natin silang dalawa. At saka, hindi malalaman yun ng mga Boucher at mga Chase.Walang awa ang ekspresyon ni Tony. "Hindi, kailangan nandito lang sa atin ang anak ni Yael. Sa anak naman ni Michael, sabihin mo sa kanila na patayin na nila yun."Ngumisi siya. "Unahin muna namin ang aso bago ang lion. Gagawin ko lahat ng akala nilang hindi ko kayang gawin. Hindi ako natatakot kay Michael kahit pa mamatay ang anak niya. Kahit na manghingi pa siya ng tulong kay Yael pagtapos nun, matatakot na sa akin si Ya
Sumigaw si Barbara at galit na galit na humampas. Inangat ng lalaki ang kamay niya, sinampal si Barbara ng dalawang beses, at nagmura. "Ikaw na bwisit ka! Gusto mo bang matulad sa kaniya?" Dalawa hanggang tatlong lalaki ang lumapit at diniin si Barbara sa lupa, at nakulong si Barbara sa ilalim ng mga lalaki umiiyak sa kawalan ng pag-asa.Nakakuyom ang kamao ni Helios at naglabasan ang ugat niya, ginamit niya lahat ng natitirang lakas na mayroon siya para makalaya sa mga lalaking nakahawak sa kaniya at tumakbo palapit sa tatlong lalaki.Binugbog niya ang mga lalaking iyon. Pero bago pa niya maayos ang posisyon niya at maibalik ang kaniyang balanse, agad siyang nasapak sa pisngi ng isang kalaban.Pero habang bumabagsak siya sa lupa, pinatong niya sa tabi ni Barbara ang kamay niya at tinakpan si Barbara gamit ang kaniyang katawan. Kahit na ilang beses na siyang nabugbog, hindi siya sumuko para protektahan si Barbara."Matiyaga at matigas din ang ulo mo, no? Gusto mo pa rin magi
Sumunod si Barbara. "Sino ka? Bakit mo ako niligtas?"Sumagot ang lalaki na naka-itim, "Pinapunta ako ni Mr. Summer para mapalapit kay Mr. Grant. Siya ang nag-utos sa akin na iligtas ka."Siya ay isang undercover agent na nautusang mapalapit kay Tony Grant.Nagpahatid si Tony ng ilang lalaki para patayin na si Barbara, pero may iba silang plano.Nagpapapilit siya kaya hindi siya pinaghinalaan ng kahit ano.Siya ang nagsabi na ihatid si Barbara sa warehouse dahil may nakatagong labasan doon."Sino si Mr. Summer?" Hindi kilala ni Barbara si Mr. Summer."Hindi mo pa kailangan malaman. Ngayon kailangan natin makaalis dito."Hinawakan siya ni Barbara. "Pero nasa kanila pa rin si Helios.""Ms. Chase, walang gagawin na kahit ano si Mr. Grant kay Mr. Boucher. Plano niya lang na gawin kang halimbawa."Hinawakan siya ng lalaki sa kaniyang kamay at seryoso ang ekspresyon. "Malalaman nilang wala ka na pag hindi pa tayo umalis."Lumabas silang dalawa sa natagong labasan, ilang
Nakatutok ang baril sa ulo ni Barbara. Pinigil niya ang kanyang paghinga, at huminto sa pagdaloy ang dugo niya habang madiin siyang nakapikit.Magsasabi na sana ng utos si Tony nang sabihin ni Leon na, "Ako na ang unahin niyong patayin."Tiningnan siya ni Tony. "Haha, sa tingin mo ba mabibigyan mo pa siya ng oras? Magkasabay kayong mawawala. Gawin niyo na."Nakakasa na ang baril ng dalawang bodyguard at sabay na nakatutok kala Leon at Barbara."Mr. Grant!"Narinig sa hindi kalayuan ang boses ni Mr. Sanchez. At dumating siya habang tumatakbo. "Huwag kayo magpaputok!"Kinuha na ni Leon ang pagkakataon nang magambala ang mga lalaki at hinarap sila.Nag-echo sa kakahuyan ang tunog ng baril.Nakita ni Barbara na nabaril si Leon at bumagsak sa lupa, at nagsimula ng manuyo ng kaniyang lalamunan.Agad na lumingon sa likod si Tony at nakita na namutla si Mr. Sanchez. "Hindi…"Agad na sumigaw si Tony, "Takbo!"Sinundan ng mga pulis ang tunog ng baril at pinaligiran sila hab
Lumabas si Nolan sa kwarto at napansin sila. “Bakit hindi kayo pumasok?”Hinawakan ni Maisie ang braso niya. “Titingin lang kami.”Napansin sila ni Helios.Tumingin si Yael sa pinto at sinabi kay Christina, “Umuwi na tayo at nang makapag pahinga na si Helios.”Tumango si Christina.Lumabas sila ng kwarto, at tiningnan ni Yael si Barbara, “Nakausap ko na ang tatay mo tungkol sa sitwasyon mo. Huwag kang mag-alala.”Nagulat si Barbara pero tumango, “Salamat.”Matapos nilang umalis, siniko ni Maisie si Barbara, “Pumasok ka.”Naisip ni Barbara na dapat niyang pasalamatan si Helios, kaya pumasok siya sa kwarto.Dahan-dahang sinara ni Maisie ang pinto, at tiningnan siya ni Nolan at ngumiti. “Anong binabalak mo?”Tiningnan siya ni Maisie at hinaan ang kaniyang boses. “Wala, gusto ko lang sila na mag-usap.”Tumawa si Nolan. “Sigurado ka bang hindi mo sila pinaglalapit?”Binuksan ni Maisie ang bibig niya pero hindi siya nagsalita.Na-kidnap sina Helios at Barbara, at sinubukan niyang
“Helios,” nilapitan siya ni Ryleigh, “Idi-discharge ka na rin?”Napatigil si Helios, humarap siya para tingnan sina Barbara at Maisie, at tumalikod ulit. “Hindi naman malala ang natamo ko, at may trabaho pa akong kailangang tapusin.”Tiningnan ni Maisie si Barbara, na tahimik na nakayuko at binangga niya ang balikat nito, “Anong problema?’Nagtataka si Barbara. “Anong ibig mong sabihin?”“Hindi ka man lang magha-hi?” Naningkit si Maisie. Bakit bigla na lang silang naging ilang pagkatapos magsama sa hospital?Lumibot ang paningin ni Barbara. Hindi na siya ulit nakipagkita kay Helios pagkatapos ng araw na yun. Masaya naman siya sa pagtangka ni Helios na iligtas siya habang pinapahamak ang sarili niya. Naantig siya doon.Kung may nag protekta sa kaniya nang nangyari ang insidente kay Eric, baka pinakasalanan niya ang tao na yun.Pero pagkatapos ng sinabi ni Helios, hindi niya alam kung paano siya haharapin.Handa isakripisyo ng tao ang sarili niya para sa kaniya at handang kunin a
Nagpadala ng message si Maizie kay Officer Zalenski at masayang nakatingin sa kaniyang phone screen.“Sa tingin mo ba mapapadala mo ako sa kulungan dahil lang sa voice recording, Maisie?”Hah, hindi ba’t nakalabas din ako? Maaalala niya ‘to.Nang gabing yun…Pumunta si Barbara ng Glitz Club para makita kung sino ang manager at may ari nito pero ang sabi sa kaniya ay pareho silang wala doon.Umalis siya ng club, pero biglang bumuhos ang ulan. Isang malamig, maulan na gabi, at nakasilong siya sa labas habang nakatingin sa mga sasakyan na dumadaan.Nangingibabaw ang pula at berde na ilaw sa ulan, at ang makikita ang repleksyon nito sa basang kalsada.Isang itim na sasakyan ang nakaparada sa hindi kalayuan ang bahagyang nagbukas ng bintana. Isang may salamin na lalaki ang nakatago sa dilim.Tiningnan siya ng driver. “Sir, hindi ba’t si Ms. Chase yun?”Lumingon si Ian. “Tumawag ka ng tao na magbibigay sa kaniya ng payong, pero huwag mong sabihin na galing sa akin.”Gustong umalis
Nilagay ni Maisie ang kamay niya sa balikat ni Barbara at sinabing, "Umakyat tayo at mag-usap."Doon lang bumalik si Barbara sa katinuan niya at sumunod kay Maisie at Saydie sa elevator.Ganoon pa rin ang dekorasyon at mga bagay sa office sa 5th level. Parang walang nangyari noon.Tumayo si Barbara sa tapat ng opisina at natapos lang sa pag-iisip nang tinawag siya ni Maisie. Pumasok siya sa office at umupo sa couch.Sinara ni Saydie ang pinto at naghintay sa labas kasama ang mga bodyguard.Kinuha ni Maisie ang tasa sa mesa at sinabing, "Nang mawala ka noong araw na yun, pumunta ako sa club para hanapin ka. Tinanggap ako ni Mr. Summer. Binigyan niya ako ng clue, at gusto niyang bigyan ko siya ng pabor."Mahigpit ang hawak ni Barbara sa kaniyang hita. "Bakit hindi mo sinabi sa akin sa hospital?""Pasensya na, Barbara. Nangako ako kay Mr. Summer na sasabihin ko lang sa'yo kapag hawak ko na ang Glitz," sagot ni Maisie habang nakayuko. "Alam din ni Mr. Summer na baka ayaw mo siyang m
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu
Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini
Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na
Sa oras na ‘yon, biglang pumasok ang butler sa loob bahay. “Sir, may nagsabi na nakita nila si Master Nick sa bayan.”Tumayo si Arthur. “Sigurado ka ba?” Nakabalik na si Nick.“Oo, nasa Winslet Manor.”Galit na hinaplos ni Arthur ang mesa nang marinig na pumunta si Nick sa Winslet Manor. “Pumunta siya doon pagbalik niya mismo. Hindi ba niya kinikilala bilang Wickam ang sarili niya?”Kinakabahan si Martha at gusto lang na makauwi ang anak niya. “Honey, dahil nakabalik na siya, gagamitin natin siya para ipalit kay Noel. Siya ang pinakamatanda sa pamilya, hindi ba? Importante ang buhay Noel!”Kumunot si Arthur at nagkuyom ang kamao.Hindi nagtagal pagkatapos non, dumating si Nick at Mahina sa garden. Nang makita ni Arthur na nakabalik na sila, nagulat siya. “Akala ko wala kang plano na bumalik?”Mukhang kalmado si Nick. “Kung hindi ako babalik, sisisihin mo ako kapag walang naiwan na tagapagmana ang Wickam. Hindi ko pwedeng akuin ang responsibilidad na ‘yon.”Natigil si Arthur at
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng