Nagpadala ng message si Maizie kay Officer Zalenski at masayang nakatingin sa kaniyang phone screen.“Sa tingin mo ba mapapadala mo ako sa kulungan dahil lang sa voice recording, Maisie?”Hah, hindi ba’t nakalabas din ako? Maaalala niya ‘to.Nang gabing yun…Pumunta si Barbara ng Glitz Club para makita kung sino ang manager at may ari nito pero ang sabi sa kaniya ay pareho silang wala doon.Umalis siya ng club, pero biglang bumuhos ang ulan. Isang malamig, maulan na gabi, at nakasilong siya sa labas habang nakatingin sa mga sasakyan na dumadaan.Nangingibabaw ang pula at berde na ilaw sa ulan, at ang makikita ang repleksyon nito sa basang kalsada.Isang itim na sasakyan ang nakaparada sa hindi kalayuan ang bahagyang nagbukas ng bintana. Isang may salamin na lalaki ang nakatago sa dilim.Tiningnan siya ng driver. “Sir, hindi ba’t si Ms. Chase yun?”Lumingon si Ian. “Tumawag ka ng tao na magbibigay sa kaniya ng payong, pero huwag mong sabihin na galing sa akin.”Gustong umalis
Nilagay ni Maisie ang kamay niya sa balikat ni Barbara at sinabing, "Umakyat tayo at mag-usap."Doon lang bumalik si Barbara sa katinuan niya at sumunod kay Maisie at Saydie sa elevator.Ganoon pa rin ang dekorasyon at mga bagay sa office sa 5th level. Parang walang nangyari noon.Tumayo si Barbara sa tapat ng opisina at natapos lang sa pag-iisip nang tinawag siya ni Maisie. Pumasok siya sa office at umupo sa couch.Sinara ni Saydie ang pinto at naghintay sa labas kasama ang mga bodyguard.Kinuha ni Maisie ang tasa sa mesa at sinabing, "Nang mawala ka noong araw na yun, pumunta ako sa club para hanapin ka. Tinanggap ako ni Mr. Summer. Binigyan niya ako ng clue, at gusto niyang bigyan ko siya ng pabor."Mahigpit ang hawak ni Barbara sa kaniyang hita. "Bakit hindi mo sinabi sa akin sa hospital?""Pasensya na, Barbara. Nangako ako kay Mr. Summer na sasabihin ko lang sa'yo kapag hawak ko na ang Glitz," sagot ni Maisie habang nakayuko. "Alam din ni Mr. Summer na baka ayaw mo siyang m
Nang oras na yun, naramdaman niyang bumagsak ang mundo niya, at nahirapan siyang huminga.Nang gabing yon, walang pumunta para iligtas siya. Naging isa siyang "makasalanan" at nahulog mula sa langit papuntang impyerno.Bumuntong hininga si Maisie. "Alam niyang may nangyari sa'yo, pero noong ikalawang araw niya lang nalaman na ikaw ang nasa private room noong araw na yun. Kaya… wala siyang lakas ng loob na harapin ka. Alam niya ang tingin mo sa kaniya, at alam din niya na galit ka sa kaniya."Nakatulala na nakaupo si Barbara sa couch. Parang may butas ang kaniyang pusa."Hindi niya magawa na harapin ka, kaya kinakausap ka lang niya sa phone. Alam niyang gusto mong gumanti, kaya tinulungan ka niya kay Katrina. Tumulong siya sa'yo bilang estranghero, at yun lang ang magagawa niya para sa'yo."Inikot ni Maisie ang ulo niya para tingnan si Barbara. "Nasa isa siyang undercover mission noon. Alam niya na noon pa ang nangyayari sa pagitan nina Tony at Peter. Nilapitan ka niya para imbesti
Sumandal si Maisie sa balikat niya at pinulupot ang kaniyang braso kay Nolan. "Sorry, darling. Mali ako.""Mali ka? Anong ginawa mong mali?" Walang emosyon na sagot ni Nolan, habang hinahayaan si Maisie na yakapin siya."Hindi… hindi dapat ako umuwi ng gabing gabi, at hindi ko dapat hinahayaan na hintayin ako ng asawa ko sa bahay ng nag-iisa." Bulong ni Maisie sa tainga niya. Nangungusap ang kaniyang mata, at kaakit-akit siyang tingnan.Pero, nanatiling kalmado si Nolan at walang emosyon. Walang ekspresyon sa kaniyang mukha, at parang walang epekto sa kaniya ang ginagawa ni Maisie.Nang hahalikan na sana siya ni Maisie, iniwas niya ang kaniyang ulo. Pinisil niya ang pisngi ni Maisie at nabubugnot na sinabing, "Zee, hindi mo pwedeng asahan na patatawarin kita pagkatapos mong ibigay sarili mo sa akin sa tuwing magkakamali ka."Ito ang unang beses na nakaramdam ng pagkatalo si Maisie.Tinulak siya palayo ni Nolan, tumayo, at naglakad palayo.Sinundan siya ni Maisie at tinanong, "Sa
Nang makita na natahimik si Maisie, sumubo ng isang karne sa kaniyang bibig at nakangiting sinabi, "Alam mo ba na mayroong kilala bilang 'the best husband material' sa siyudad nang nakaraan? Alam mo ba sino nagsimula nun?"Nagtataka siyang tiningnan ni Maisie.Tumawa si Louis at nagpatuloy. "Si Mr. Goldmann. Ilang babae pa nga ang humihiling na mahalin sila at kahumalingan ng kanilang mga kasintahan katulad ng paghuhumaling ni Mr. Goldmann sa misis niya."Nilagay ni Maisie ang kamay niya sa kaniyang noo at nahihiyang ngumiti. "Talaga ba?""Oo. Hindi pagmamalabis ang pagsabi na si Mr. Goldmann ang pinaka kanais-nais na lalaki sa Bassburgh. Lahat ng socialite sa Bassburgh ay hinihiling na makipag divorce na siya sa lalong madaling panahon. Bilang pinsan mo at fiance ng best friend mo, kailangan kong ipaalala sa'yo na kailangan mong mag ingat."Umupo ng maayos si Maisie at sumagot, "Ano? Sino sa tingin nila ang karapat-dapat para sa asawa ko?"Hindi maaaring hahayaan niya lang ang g
Huminga ng malalim si Nolan, mabilis ang tibok ng kaniyang puso.Hinubad niya ang kaniyang tie at binato yun sa desk. Habang pinipigilan ang sarili niya, sinabi ni Maisie, "Alam kong mali ako, alam ko na hindi ko dapat tinago yun sa'yo. Hindi mo pa rin ba ako kakausapin?"Napuno ng hagulgol ang boses niya habang tumutulo ang luha pababa sa kaniyang pisngi.Tumigil si Nolan sa harap niya, at hindi mabasa ni Maisie ang ekspresyon niya.“Gusto kong asahan mo ako, hindi ipagsa walang bahala.”“Hindi kita ipinagsa walang bahala…” Nagmamakaawa siyang tiningnan ni Maisie.“Talaga?” Tanong niya. Nilagay niya ang kanyang kamay sa desk at lumapit kay Maisie. “Nag desisyon kang mag-isa nang hindi man lang nagsasabi sa akin. Asawa mo pa rin ba ako?”Inunat ni Maisie ang kamay niya at pinulupot kay Nolan. Hindi siya tinulak palayo ni Nolan at hinayaan siyang yumakap sa kaniya.Habang puno ng pag iyak ang boses niya, sinabi niya na, “Pasensya na. Ayaw ko umasa sa’yo na ayusin lahat. Oo, ako
Inunat ni Maisie ang braso niya, pinulupot yun sa leeg ni Nolan, at biglang malakas na tumawa. "Nolan, may sinabi ako sa'yo na sikreto noong nawala ang memorya mo."Tinitigan siya ni Nolan. "At ano yun?"Basa ang pilikmata niya dahil sa luha, at hinalikan niya si Nolan. "Mahal na mahal kita, Nolan Goldmann."Nalaman niya na mas minahal niya pa si Nolan kaysa noong nakaraang taon, mula noong sinakripisyo niya ang buhay niya para harangan ang bala na para sa kaniya. Nagulat si Nolan. Pinikit niya ang mata niya at hinawakan ang likod ng ulo ni Maisie para palalimin ang halik.…Bumalik si Ryleigh sa opisina mula sa classroom, at halos lahat ng estudyante na nakikita niya sa daan ay tinatawag siyang "Mrs. Lucas" sa halip na "Ms. Hill" kapag nakasalubong siya.'Alam ng buong academy na fiancee ako ni Louis!'Nagmamadali siyang bumalik sa opisina at nakita ang maraming pagkain sa kaniyang desk mula sa Michelin-starred restaurant.Ilang professor ang naiinggit siyang tiningnan. "Ms
Inubos ni Ryleigh ang lahat ng pagkain at nag iwan ng maraming dumi at sauce sa kaniyang bibig, na sumisira sa image niya. Gumagalaw pa rin ang bibig niya habang gumagawa ng malakas na tunog ng pagnguya na para bang isa siyang maliit na hamster.Bahagyang naningkit ang mata ni Louis.Inubos niya ang pagkain at inumin pagkatapos ay dumighay. "Buhay na ako ulit."Naglabas ng tissue si Louis at pinunasan ang mantsa ng mantika sa gilid ng labi ni Ryleigh. "Tsk, hindi mo ba kayang kumain na parang matanda? May mga dumi ka sa paligid ng labi mo."Halata namang nandidiri siya, pero iba ang ginagawa niya sa kaniyang sinasabi.Inagaw ni Ryleigh ang tissue sa kamay niya. "Nandidiri ka ba sa table manners ko? Pero wala kang magagawa. Kung hindi mo gusto, pwede kang bumalik kay Ms. Mayweather, 'yung elegante mong ex-girlfriend."Inangat ni Louis ang kilay niya. "Palagi mo siyang binabanggit, nagseselos ka ba sa kaniya?"Tumayo si Ryleigh at ngumiti. "Hindi ko gustong magselos sa iba."Nagl
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu
Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini
Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na
Sa oras na ‘yon, biglang pumasok ang butler sa loob bahay. “Sir, may nagsabi na nakita nila si Master Nick sa bayan.”Tumayo si Arthur. “Sigurado ka ba?” Nakabalik na si Nick.“Oo, nasa Winslet Manor.”Galit na hinaplos ni Arthur ang mesa nang marinig na pumunta si Nick sa Winslet Manor. “Pumunta siya doon pagbalik niya mismo. Hindi ba niya kinikilala bilang Wickam ang sarili niya?”Kinakabahan si Martha at gusto lang na makauwi ang anak niya. “Honey, dahil nakabalik na siya, gagamitin natin siya para ipalit kay Noel. Siya ang pinakamatanda sa pamilya, hindi ba? Importante ang buhay Noel!”Kumunot si Arthur at nagkuyom ang kamao.Hindi nagtagal pagkatapos non, dumating si Nick at Mahina sa garden. Nang makita ni Arthur na nakabalik na sila, nagulat siya. “Akala ko wala kang plano na bumalik?”Mukhang kalmado si Nick. “Kung hindi ako babalik, sisisihin mo ako kapag walang naiwan na tagapagmana ang Wickam. Hindi ko pwedeng akuin ang responsibilidad na ‘yon.”Natigil si Arthur at
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng