"Ikaw…"Narinig ng bodyguard naka-itim ang gulo at pumunta agad doon. "Anong problema?"Sumagot ang guard, "Sinasadya ng taong 'to na gumawa ng gulo rito."Buong pag-uusap ay kalmado lang si Helios. "Hindi ako gumagawa ng gulo. Pero sadyang may heartburn si Ms. Chase ngayon. Sinasabi mo ba sa akin na ayaw ni Mr. Grant na bigyan siya ng gamot?"Tiningnan ng bodyguard si Helios, nilabas ang phone niya, at tumawag. Sabi niya sa guard, "Pumunta ka sa malapit na pharmacy tapos bumili ka ng gamot sa heartburn. Ibigay mo muna lahat ng kailangan nila."Natulala ang guard.Pero naisip niya na nagtatrabaho lang siya, kailangan niya lang talaga sumunod sa utos.Lumakad si Helios sa tabi ni Barbara, nag-squat, at tinulungan si Barbara tumayo. "Ayos ka lang?"Sobrang sakit ng nararamdaman ni Barbara na hindi siya makatayo nang tuwid o makapagsalita, at ilang tulo ng pawis ang dumampi sa pisngi niya.Sampung minuto ang nakalipas, dala na ng guard ang gamot at naghanda ng maligamgam
Umalis si Jaeger sa Glitz Club pero nabugbog at nahuli din siya nang oras na makalabas siya sa lugar.Sa Blackgold…Kumatok si Quincy sa pinto ng opisina. Nang makuha ang permiso binuksan niya na ang pinto at pumasok. "Mr. Goldmann, nahuli na namin siya."Sinara ni Nolan ang mga document sa kamay niya. "Ipunta niyo siya kay Mr. Boucher pag tapos namin.Tumango si Quincy.Nang aalis na dapat siya, may naalala siya at sinabi, "Siya nga pala, Mr. Goldmann, na-locate na ni Mrs. Goldmann si Maizie Hannigan. At tulad ng inaasahan, dapat nagpasama siya kay Saydie sa pagpunta."Kumunot ang noo ni Nolan....Sa ngayon ay hindi pa rin alam ni Maizie ang gulo na nakaabang sa kaniya. Iniisip niya na hindi nila malalaman ang lokasyon niya kaya hindi siya nag-aalala. Naglalakad siya palabas sa isang designer boutique nang bigla siyang makaramdam ng pagkahilo. Kaya, tumakbo siya sa banyo at sumuka sa lababo.Binuksan niya ang gripo para matanggal ang madumi na tubig sa lababo, at
Sumigaw si Maizie, "Maisie Vanderbilt, hinahamon kitang pagbantaan ako ulit!"Hindi pa rin binago ni Maisie ang ekspresyon niya. "Binigyan kita ng pagkakataon magkaroon tayo nang maayos na pag-uusap, pero dahil ayaw mo…"Matapos ito sabihin, nilabas niya ang cell phone niya, tumawag sa 911, at pinakita kay Maizie ang screen. "Hinihintay ko pa rin ang pagpayag mo.""Tigil!" Nataranta sa oras na yun si Maisie. 'Syempre alam ko naman na krimen ang pagtakpan ko sila, pero…'Ayoko pumunta sa kulungan! Pero ayoko rin namang magtaksil sa sugar daddy ko.'"H-hindi ko kayang pumunta sa presinto! Buntis ako!" Bulong ni Maizie.Nanuya si Maisie. "Bakit mo sinasabi sa akin na buntis ka? Hindi naman ako ang ama ng bata."Hindi napigilan ni Maizie ang mahigpit na pagkuyom ng kamay niya, nanginginig siya mula ulo hanggang paa, at nagmakaawa. "Babae ka rin na may anak! Hindi mo ba naiisip na ang sama mo sa isang babaeng magiging nanay na?""Hindi gagana sa akin ang walang kwenta mon
Pinagpag ni Tony ang abo ng sigarilyo sa ashtray, galit ang mga mata niya at mukhang may masamang gagawin. "Wala kang kwentang hayop ka."Yumuko ang lalaki na naka-itim.Dinurog niya ang dulo ng sigarilyo sa ashtray. "Hindi na ako makapaghintay. Kamamatay lang ni Peter. Kahit na pwede nitong mapigilan ang shipment, kilala ako ni Yael Boucher. Kung wala lang ang anak niya sa akin, siguro may ginawa na siya sa akin dati pa."Tiningnan siya ng babae na naka-itim. "Edi patayin na lang natin silang dalawa. At saka, hindi malalaman yun ng mga Boucher at mga Chase.Walang awa ang ekspresyon ni Tony. "Hindi, kailangan nandito lang sa atin ang anak ni Yael. Sa anak naman ni Michael, sabihin mo sa kanila na patayin na nila yun."Ngumisi siya. "Unahin muna namin ang aso bago ang lion. Gagawin ko lahat ng akala nilang hindi ko kayang gawin. Hindi ako natatakot kay Michael kahit pa mamatay ang anak niya. Kahit na manghingi pa siya ng tulong kay Yael pagtapos nun, matatakot na sa akin si Ya
Sumigaw si Barbara at galit na galit na humampas. Inangat ng lalaki ang kamay niya, sinampal si Barbara ng dalawang beses, at nagmura. "Ikaw na bwisit ka! Gusto mo bang matulad sa kaniya?" Dalawa hanggang tatlong lalaki ang lumapit at diniin si Barbara sa lupa, at nakulong si Barbara sa ilalim ng mga lalaki umiiyak sa kawalan ng pag-asa.Nakakuyom ang kamao ni Helios at naglabasan ang ugat niya, ginamit niya lahat ng natitirang lakas na mayroon siya para makalaya sa mga lalaking nakahawak sa kaniya at tumakbo palapit sa tatlong lalaki.Binugbog niya ang mga lalaking iyon. Pero bago pa niya maayos ang posisyon niya at maibalik ang kaniyang balanse, agad siyang nasapak sa pisngi ng isang kalaban.Pero habang bumabagsak siya sa lupa, pinatong niya sa tabi ni Barbara ang kamay niya at tinakpan si Barbara gamit ang kaniyang katawan. Kahit na ilang beses na siyang nabugbog, hindi siya sumuko para protektahan si Barbara."Matiyaga at matigas din ang ulo mo, no? Gusto mo pa rin magi
Sumunod si Barbara. "Sino ka? Bakit mo ako niligtas?"Sumagot ang lalaki na naka-itim, "Pinapunta ako ni Mr. Summer para mapalapit kay Mr. Grant. Siya ang nag-utos sa akin na iligtas ka."Siya ay isang undercover agent na nautusang mapalapit kay Tony Grant.Nagpahatid si Tony ng ilang lalaki para patayin na si Barbara, pero may iba silang plano.Nagpapapilit siya kaya hindi siya pinaghinalaan ng kahit ano.Siya ang nagsabi na ihatid si Barbara sa warehouse dahil may nakatagong labasan doon."Sino si Mr. Summer?" Hindi kilala ni Barbara si Mr. Summer."Hindi mo pa kailangan malaman. Ngayon kailangan natin makaalis dito."Hinawakan siya ni Barbara. "Pero nasa kanila pa rin si Helios.""Ms. Chase, walang gagawin na kahit ano si Mr. Grant kay Mr. Boucher. Plano niya lang na gawin kang halimbawa."Hinawakan siya ng lalaki sa kaniyang kamay at seryoso ang ekspresyon. "Malalaman nilang wala ka na pag hindi pa tayo umalis."Lumabas silang dalawa sa natagong labasan, ilang
Nakatutok ang baril sa ulo ni Barbara. Pinigil niya ang kanyang paghinga, at huminto sa pagdaloy ang dugo niya habang madiin siyang nakapikit.Magsasabi na sana ng utos si Tony nang sabihin ni Leon na, "Ako na ang unahin niyong patayin."Tiningnan siya ni Tony. "Haha, sa tingin mo ba mabibigyan mo pa siya ng oras? Magkasabay kayong mawawala. Gawin niyo na."Nakakasa na ang baril ng dalawang bodyguard at sabay na nakatutok kala Leon at Barbara."Mr. Grant!"Narinig sa hindi kalayuan ang boses ni Mr. Sanchez. At dumating siya habang tumatakbo. "Huwag kayo magpaputok!"Kinuha na ni Leon ang pagkakataon nang magambala ang mga lalaki at hinarap sila.Nag-echo sa kakahuyan ang tunog ng baril.Nakita ni Barbara na nabaril si Leon at bumagsak sa lupa, at nagsimula ng manuyo ng kaniyang lalamunan.Agad na lumingon sa likod si Tony at nakita na namutla si Mr. Sanchez. "Hindi…"Agad na sumigaw si Tony, "Takbo!"Sinundan ng mga pulis ang tunog ng baril at pinaligiran sila hab
Lumabas si Nolan sa kwarto at napansin sila. “Bakit hindi kayo pumasok?”Hinawakan ni Maisie ang braso niya. “Titingin lang kami.”Napansin sila ni Helios.Tumingin si Yael sa pinto at sinabi kay Christina, “Umuwi na tayo at nang makapag pahinga na si Helios.”Tumango si Christina.Lumabas sila ng kwarto, at tiningnan ni Yael si Barbara, “Nakausap ko na ang tatay mo tungkol sa sitwasyon mo. Huwag kang mag-alala.”Nagulat si Barbara pero tumango, “Salamat.”Matapos nilang umalis, siniko ni Maisie si Barbara, “Pumasok ka.”Naisip ni Barbara na dapat niyang pasalamatan si Helios, kaya pumasok siya sa kwarto.Dahan-dahang sinara ni Maisie ang pinto, at tiningnan siya ni Nolan at ngumiti. “Anong binabalak mo?”Tiningnan siya ni Maisie at hinaan ang kaniyang boses. “Wala, gusto ko lang sila na mag-usap.”Tumawa si Nolan. “Sigurado ka bang hindi mo sila pinaglalapit?”Binuksan ni Maisie ang bibig niya pero hindi siya nagsalita.Na-kidnap sina Helios at Barbara, at sinubukan niyang
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa