Share

Kabanata 818

Pinagkiskis ni Peter ang mga palad habang mayroong ngiti sa mukha. “Gustong itanong ng boss ko kung gusto mong magtrabaho sa kaniya. Gusto mo ba? Pwede kong kausapin si Gerald tungkol dito.”

Walang ekspresyon si Saydie. “Hindi ako nagpapalit ng amo.”

Sinubukan siyang kumbinsihin ni Peter. “Paano kung doblehin ng boss namin ang binabayad ni Gerald?”

Tumingin si Saydie sa kotse. Nakatago sa dilim ang mukha ng lalaki. Nakasuot ito ng suit, at halata ang mga ugat sa kamay nito. Hula niya ay nasa mga 40’s o 50’s na ito.

Sinabi niyang, “Niligtas ni Gerald ang buhay ko, kaya hindi ko siya tatrahidurin kahit na magkano pa ang bayad.”

Suminghal si Meg at lumapit para sampalin ng mahina si Saydie. “Maliit na boss lang si Gerald sa black market. Magpasalamat ka at inaalok ka ni Mr. Grant na magtrabaho para sa kaniya, hija, naiintindihan mo—Ah!”

Hinawakan ni Saydie ang kamay ni Meg at binaluktot ito. Hindi makatayo si Meg sa sobrang sakit ng nararamdaman, kaya sumigaw siya, “Mr. Zhivkov, tul
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status