Share

Kabanata 816

Nang makasakay siya sa kotse, sinabi ni Saydie, "Dumiretso ka sa black market. Baka nagsususpetya pa sila."

Sinabihan ni Gerald ang driver at nakatanggap naman siya ng tawag mula kay Nolan. "Mr. Goldmann, oo, tinanggap ni Mr. Zhivkov ang pera, sige. Okay."

Sa Blackgold…

Binaba ni Nolan ang phone niya, at si Quincy na nakatayo sa gilid ay nagtanong, "Naghinala ba si Me. Zhivkov?"

"Hindi siya maghihinala kay Gerald, pero kailangan niyang maniwala na walang nasa likod ni Gerald para maging ligtas."

Suminghal si Quincy. "Matalino din pala siya."

Tumawa si Nolan."Kung hindi siya matalino, hindi siya makakarating sa kinatatayuan niya ngayon. Kailangan mailipat agad sa ibang kamay ang batch na yun dahil ayaw niyang mahuli. Hindi susugal ng ganon ang mga taong nasa likod niya."

Naintindihan ni Quincy. Gusto ng mga Boucher na malagay sa aksidente ang mga gamit bago ito makapasok sa black market para mahuli nila si Zhivkov at ang mga tao sa likod nito. Sa oras na maimbestigahan si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rona Sib-at
magulo ito subrang haba ng kwento nakakaumay na
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status