Hindi nilalangaw ang malilinis na prutas.##Sir, mawalang galang na, inaamin mo bang mga langaw ang lahat ng lalaki? Baka masama na ang loob ng mga langaw dahil sa pang-iinsulto mo sa species nila.##Ang alam ko lang ay lumaki ang mga langaw na kumaian ng t*e. Yun ba ang dahilan kaya puro t*e lang ang nasasabi mo!?#Sa isang hotpot restaurant…Kumakain ng beef slices sina Barbara at Maisie habang sumasandok pa mula sa pot ng maanghang na sabaw. Pareho silang pinagpapawisan nang sobra dahil sa anghang.Nagbabasa si Ryleigh ng mga comments sa internet at tumawa nang malakas. “Malaki ang potensyal ng mga netizens ngayon para maging stand-up comedians. Kakaiba silang lahat. Yayakapin nila ang mga keyboard nila at gagawa ng thesis na para bang sila ang kumakatawan sa hustisya sa tuwing mayroong nangyayari, pero magaling din silang magtanga-tangahan kapag nalinis na ng biktima ang pangalan nila.”Tiningnan siya ni Maisie. “Hindi ka ba kakain sa hotpot na ilang araw mo ng iniisip? Bakit
Pinagmasdan siya ni Maisie. “So, mayroon ka bang hinala?"Tumingin sa bintana si Barbara. “Mayroon akong hinala na may kinalaman ang may-ari ng Glitz Club sa mga pwersang nasa likod ni Peter Zhivkov, pero hindi ako sigurado kung magkakampi sila.”Dinagdag pa ni Barbara, “Noong gabing inaway ni Katrina si Peter Zhivkov, ang manager na tumanggap sa akin ay halatang mayroong tinatago sa akin.”Kinagabihan, sa Blue Bay Villa…“Alam mo ba kung sino ang may-ari ng Glitz Club?”Ang kamay ni Nolan na may hawak na dokumento ay biglang napatigil, at saka siya napalingon kay Maisie na nakaupo sa harapan ng dressing table at naglalagay ng night cream."May-ari ng Glitz Club?"Tiningnan siya ni Maisie sa salamin. "Oo."Naningkit ang mga mata ni Nolan. "Bakit mo gustong malaman ang tungkol sa kaniya?"Pagkatapos ni Maisie, lumapit siya kay Nolan at naupo. "Nagtataka lang ako. Sabi nila, kakaibang lalaki ang may-ari ng Glitz Club. Maraming beses ng nagpunta si Barbara sa club na yun, per
Bumaba na sa posisyon si Michael, at ang taong nasa likod ni Peter ay kapareho ng posisyon ni Michael. Maiipit sa dilemma si Mr. Boucher sa oras na mailagay ng taong yun ang sariling tauhan sa posisyon ni Michael.Noong nandoon pa si Michael, nasa pareho silang panig ni Mr. Boucher. Kaya naman hindi nagpapadalos-dalos ang taong nasa likod ni Peter.Saka nagtanong si Maisie. "Kung ganoon, anong gustong ipagawa sa iyo ni Mr. Boucher?"Marahang hinaplos ni Nolan ang buhok ni Maisie at saka ngumiti. "Kung saan magaling ang isang entrepreneur. Sa pagkakaalam ko, mayroong batch ng red wine si Peter na kailangan ng ilabas sa black market. Sinasabi na batch ng red wine yun, pero ang totoo, mga nakaw yun."Nagulat si Maisie. "So, gusto ni Mr. Boucher na bilhin mo ang batch ng red wine na yun?"Sumandal si Nolan sa kaniyang upuan. "Walang koneksiyon si Mr. Boucher sa black market, pero mayroon akong ilang kakilala. Kaya kailangan niya ako para matulungan siya. Isa pang kailangan para g
Nang makasakay siya sa kotse, sinabi ni Saydie, "Dumiretso ka sa black market. Baka nagsususpetya pa sila."Sinabihan ni Gerald ang driver at nakatanggap naman siya ng tawag mula kay Nolan. "Mr. Goldmann, oo, tinanggap ni Mr. Zhivkov ang pera, sige. Okay."Sa Blackgold…Binaba ni Nolan ang phone niya, at si Quincy na nakatayo sa gilid ay nagtanong, "Naghinala ba si Me. Zhivkov?""Hindi siya maghihinala kay Gerald, pero kailangan niyang maniwala na walang nasa likod ni Gerald para maging ligtas."Suminghal si Quincy. "Matalino din pala siya."Tumawa si Nolan."Kung hindi siya matalino, hindi siya makakarating sa kinatatayuan niya ngayon. Kailangan mailipat agad sa ibang kamay ang batch na yun dahil ayaw niyang mahuli. Hindi susugal ng ganon ang mga taong nasa likod niya."Naintindihan ni Quincy. Gusto ng mga Boucher na malagay sa aksidente ang mga gamit bago ito makapasok sa black market para mahuli nila si Zhivkov at ang mga tao sa likod nito. Sa oras na maimbestigahan si
Umangat ang ulo ng manager. “Narinig kong sinubukan nga ni Zhivkov na maglabas ng isang batch ng wine. Kung nagmamadali siya, siguradong mayroong nangyayari.”Ang kamay ng lalaki na mayroong hawak na rosaryo ay napahinto at ilang sandali bago ulit siya nagsalita. “Magmasid lang muna kayo nang tahimik kung mayroong magbabago.”Sa Soul…Nagpunta si Barbara kay Maisie at sinabi niyang bumisita siya sa Glitz pero wala siyang nalaman sa kinaroroonan ni Katrina.Mayroong naisip si Maisie at sinabing, “Kung talagang hawak nila si Katrina, anong makukuha nila sa pagkontrol sa kaniya?”Umiling si Barbara. “Baka masamang balita yun para sa tatay ko. Mayroon ng nangyari sa tito ko. Hindi ako pwedeng maupo na lang at panoorin na mangyari din yun sa dad ko.”Hinarap siya ni Maisie. “Hindi ako naniniwala. Kung mayroon silang gustong gawin sa mga Chase, ikaw ang kukunin nila imbes na si Katrina.”Huminto si Barbara.Seryoso ang mukha ni Maisie. “Hindi mo alam kung bakit ka tinutulungan ng may
Pinagkiskis ni Peter ang mga palad habang mayroong ngiti sa mukha. “Gustong itanong ng boss ko kung gusto mong magtrabaho sa kaniya. Gusto mo ba? Pwede kong kausapin si Gerald tungkol dito.”Walang ekspresyon si Saydie. “Hindi ako nagpapalit ng amo.”Sinubukan siyang kumbinsihin ni Peter. “Paano kung doblehin ng boss namin ang binabayad ni Gerald?”Tumingin si Saydie sa kotse. Nakatago sa dilim ang mukha ng lalaki. Nakasuot ito ng suit, at halata ang mga ugat sa kamay nito. Hula niya ay nasa mga 40’s o 50’s na ito.Sinabi niyang, “Niligtas ni Gerald ang buhay ko, kaya hindi ko siya tatrahidurin kahit na magkano pa ang bayad.”Suminghal si Meg at lumapit para sampalin ng mahina si Saydie. “Maliit na boss lang si Gerald sa black market. Magpasalamat ka at inaalok ka ni Mr. Grant na magtrabaho para sa kaniya, hija, naiintindihan mo—Ah!”Hinawakan ni Saydie ang kamay ni Meg at binaluktot ito. Hindi makatayo si Meg sa sobrang sakit ng nararamdaman, kaya sumigaw siya, “Mr. Zhivkov, tul
Gayunpaman, sa mga mata ni Maisie, isang 22 taong gulang lang na dala si Saydie. Wala itong pakialam sa sariling buhay, kaya sinama ito ni Strix, pinatakas siya sa magulong buhay niya noon.Alam ni Nolan na lahat ng malapit kay Maisie ay mabubuting tao. Hinalikan niya ang noo nito. “Huwag ka mag-alala. Kapag hinayaan ko siyang tumulong, hindi ko hahayaan na mamatay siya.”Sa sandaling yun, tumawag si Quincy.Sinagot yun ni Nolan, at natatarantang nagsalita si Quincy, “Mr. Goldmann, mayroong nangyari. Hindi nadeliver ang kargamento. Mayroong humarang sa daan, at papunta na ako doon. Nabuko tayo.”Kumunot ang noo ni Nolan. “Nasan sina Saydie ang ibang tauhan?”Sumagot si Quincy, “Hindi ko siya matawagan o mga tauhan ni Gerald. Tinatrack ng mga pulis ang kargamento.”Kumalma si Nolan at sinabing, “Pupunta ako diyan ngayon. Sabihan mo si Gerald at sabihin mong maging alerto siya.”Kumunot ang noo ni Maisie dahil nagkatotoo ang inaalala niya.Pumasok si Nolans a bahay at nagpalit ha
Tumawa ang lalaki. “Isa lang siyang kasangkapan, kaya kailangan niyang harapin ang resulta kapag mayroong nangyari. Gusto niya atang tumakas.”Nagtanong ang bodyguard, “Kami—-”“Utusan mo si Katrina na papuntahin ang lalaki sa club. Nasa atin ang anak niya, kaya hindi siya tatakas.”…Bumiyahe ang truck papunta sa border ng Asperia kasama si Saydie at mga lalaking na-trap sa likod kasama ang kargamento.Ilan sa mga ito ay mga tauhan ni Gerald at iba’t-iba ang lala ng injury. Si Saydie lang ang may gasgas.Mabilis siyang nakatakas sa pagkakatali sa kaniya at habang nasa dilim ay binuksan ang kaniyang phone na mahina ang signal, “Ayos lang ba kayo?” Tanong niya.Sumagot silang lahat.Tumayo si Saydie. “Mayroon ba sa inyong may flashlight?”“Oo,” Isang lalaki ang mahinang sumagot at inabot ang flashlight sa kaniya. Hinawakan yun ni Saydie at saka naglakad sa harapan ng kargamento. Ang mga crates ay para sa wine. Binunot niya ang kaniyang switchblade at binuksan ang isa.Isang
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa