Share

Kabanata 802

Naiilang na napahawak si Maisie sa noo niya at tumingin kay Madam Nera. Halatang siya lang ang nakakaalam ng nangyayari, at walang ideya si Madam Nera.

Saka niya tiningnan si Christina na mukhang hindi apektado nang makita si Tristan. Siya talaga ang lady of the house ng isang kilalang pamilya.

Bumalik si Maisie sa kumpanya niya at nang pumasok siya sa opisina ay nakita niya si Nolan na nakatayo sa harapan ng bintana.

Nagliwanag ang mga mata nito. “Welcome back.”

Tumakbo si Maisie papunta sa mga braso nito. “Niyaya akong mag-tsaa ni Madam Nera. Nandoon din si Mr. Knowles.”

Tinaas ni Nolan ang kamay at hinawakan ang bunbunan ni Maisie. “Alam ko.”

Tiningala siya ni Maisie. “Nakasalubong din namin sina Mr. at Mrs. Boucher. Nagkita silang tatlo, at naiilang ako habang nakaupo don.”

Tumawa si Nolan. “Ang kumplikado siguro ng sitwasyon na yun.”

Tumawa si Maisie. “Hindi naman. Nabanggit ka nila at tinanong kung bakit wala ka dun. Sabi ni Mr. Knowles, magkita-kita raw tayo kapag may
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status