Nagulat si Helios at naguguluhang pinagmasdan si Barbara.Lasing na si Barbara habang nagsasalita, “Dahil alam kong karelasyon ni Katrina ang tito mo. Gusto kong maghiganti sa kaniya, kaya nilantad ko ang scandal nilang dalawa ng tito mo. At saka, ako ang naglabas ng balita tungkol sa nanay mo tungkol sa gem-hunting event.”“Ganoon pala,” Sagot ni Helios.Kung hindi nilantad ni Barbara ang scandal, hindi lang siya, kung pati ang buong pamilya Boucher ay hindi malalaman na mayroon pa lang tinatagong babae si Eugene.Nagtanong ulit si Barbara, “Ako ang dahilan kung bakit nag-divorce ang tito at tita mo. Hindi ka ba galit sa akin?”Tumawa na lang si Helios. “Lasing ka na.”“Helios…” Biglang lumapit si Barbara kay Helios. Tila biglang luminaw ang kaninang malabo niyang mga mata.Tinitigan siya ni Helios nang hindi lumalayo. Ayaw niyang lumalapit sa mga lasing, pero hindi ganun kasama para sa kaniya ang amoy ng alak kay Barbara.Pagkatapos ng maikling sandali, ngumiti si Barbara at
Hindi alam ni Maisie kung kailan yun nangyari, pero si Nolan na lang ang laman ng mga mata niya bago pa naman niya yun mapagtanto.Pagkatapos maghanda ng almusal ni Nolan, nakapalumbaba si Maisie habang puno ng pagmamahal na pinagmamasdan ang mister, “Honey, pagkatapos ng kooperasyon ko sa iyo kagabi at kaninang umaga, hindi ba dapat ay pumayag ka na?”Nilagay ni Nolan ang sunny side up sa plato ni Maisie at sumagot, “Pag-iisipan ko.”Binaba ni Maisie ang mga kamay at tumayo nang diretso. “Ano? Kailangan mo pa rin bang pag-isipan yun?”“Hmm?” Tumaas ang mga kilay ni Nolan at nilapag ang baso ng mainit na gatas sa mesa. “Depende sa magiging performance mo sa mga susunod na araw. Kung masaya ako, baka pumayag ako.”Para gumana ang plano niya, walang nagawa si Maisie kung hindi magngitngit at tumango.Habang pinagmamasdan ang nakasimangot na itsura ni Maisie, nagtanong si Nolan. “Hindi ka ba nagseselos na magso-shoot ng ganoong endorsement ang mister mo kasama ang ibang lalaki?”“S
Gumawa sila ng ingay sa internet gamit ang “HeliosxNolan” noong nasa Winston lsland. Ngayong sabay silang lumabas sa publiko, lahat ng fans nila ay excited.Habang nakapamulsa, sinabi ni Helios, “Akala ko ay hindi ka papayag.”Sinulyapan siya ni Nolan at sumagot, “Sa totoo lang, gusto ko talagang humindi.”Pagkatapos nito, nagpunta muna sila sa lobby.Tumawa si Helios at sumunod sa kaniya.Napakaraming fans ang nasa labas ng Soul, dahilan para lumabas din ang mga empleyado ng mga stores sa labas at sumali sa kasiyahan.“Narinig kong may inimbitang movie star ang Soul Jewelry para mag-shoot ng endorsement. Ang galing no?”“Hindi lang movie star. Nakalimutan na ba si Mr. Goldmann? May-ari ng Soul Jewelry ang misis niya. Nakakainggit sila. Hindi na nakapagtataka kung bakit ang lago ng negosyo nila.”Naghihintay sa kanila sina Kennedy at shooting crew sa lobby. Nang makita ni Maisie na sabay silang dumating, nanlaki ang mga mata niya.‘What a coincidence! Parang nabasa nila ang in
Nagpunta sila sa isang corridor na walang tao. Sinandal siya ni Nolan sa pader, lumapit sa kaniya at saka hinalikan siya nang malalim sa mga labi. “Mukhang masayang-masaya ka, huh? Zee, gusto mo pa rin bang ulitin ang ganito sa susunod?”Hinihingal si Maisie. Malabo ang mga mata niya habang nakasimangot na sinasabi, “Hindi. Hindi ko na uulitin ‘to.”‘Ang sama niya. Alam niya kung paano samantalahin ang pagkakataon para ma-bully ako. Pero gusto ko ‘to.”Hinaplos ni Nolan ang mga mata ni Maisie at tumawa. “Ngayong masaya ka na, ako naman, tama?”Kahit na alam niya ang pinaparating ni Nolan, hindi pa rin niya mapigilang mahiya. “Huwag ngayon.”Lumapit si Nolan at bumulong sa tainga niya. “Mamayang gabi?”Niyakap ni Maisie ang leeg ni Nolan, tinitigan niya ito sa mata, at nginitian. “Dahil cooperative ka ngayon, ako na ang bahala mamayang gabi.”Tumawa si Nolan at hinalikan ang mga kilay ni Maisie. “Kung ganoon, aasahan ko yan.”…#HeliosxNolan’s endorsement##Mr. Goldmann, Helio
Pareho nilang nabalitaan na nabuntis si Maizie, at gusto ni Elder Master Boucher na pakasalan siya ni Francisco. Nagsimula ng mag-ikot-ikot si Maizie at magyabang na magiging miyembro na siya ng mga Boucher. Hindi lang siya bumalik at nakatira na ulit sa mga Hannigan, pero ang mga taong nangutya sa kaniya dati ay nagsimula na siyang palibutan at magpakitang-tao.Pumalatak ang dila ni Ryleigh at sinabing, “Akala ko naman kung sino. Ikaw pala. Ang babaeng ginamit ang baby niya para makapasok sa isang prestihiyosong pamilya.”Hindi nagbigay ng bayolenteng reaksyon si Maizie sa sarkastikong komento ni Ryleigh katulad ng madalas niyang gawin noon. Simula nang mapalayas siya sa mga Hannigan, nagbago na siya. Naging mahinahon na siya.Hinimas niya ang flat niyang tiyan at ngumiti. “Oo, tama ka. Kahit na ginamit ko ang baby ko, hindi mo maitatanggi na apo siya ng mga Boucher. Mahal na mahal siya ni Elder Master Boucher. Malapit na kaming maging pamilya. Hindi ba dapat ay tawagin mo na akong
Nakatanggap si Nolan ng tawag mula sa tatay niya, sinabihan siya nitong dalhin si Maisie sa family estate para magsalu-salo sa birthday niya, at walang sigla naman siyang pumayag.Pagkatapos ibaba ang tawag, nagdilim nang bahagya ang ekspresyon niya.“Hindi ko na-celebrate ang birthday ko nitong mga nagdaang taon. Tinanong nga ako ni Maisie tungkol doon noong nakaraang araw, pero sobrang busy niya ngayon, nakalimutan na niya siguro yun.’Kinagabihan, sinundo ni Maisie ang mga bata sa school nang maaga pagkatapos umalis ng trabaho.Sumakay sina Daisie at Colton sa kotse at agad na nagtanong, “Mommy, malapit na ba ang birthday ni Daddy?”Nagulat si Maisie. “Paano mo nalaman?”Tumawa si Daisie. “Si lolo ang nagsabi sa amin.”Sinilip ni Maisie ang rearview mirror at hindi napigilang tumawa. “Oo, malapit na ang birthday ng daddy niyo. May naisip na ba kayong regalo na gusto niyong ibigay sa daddy niyo?”Nag-isip nang malalim si Daisie.Binuka ni Colton ang mga kamay. “Hay, parang l
Hindi nagsalita si Nolan.Naglakad si Maisie papunta sa harapan ni Nolan at tumingala para titigan ang mister, nakangisi siya. 'Galit ba ang hubby ko?"Huminga nang malalim si Nolan at pinakalma ang kaniyang ekspresyon. Yumuko siya at hinawakan ang kamay ni Maisie. "Ayos lang ako, magsa-shower muna ako. Busy ka maghapon, kaya matulog ka na para makapagpahinga ka nang maayos."Kahit na masama ang loob niya, alam niyang busy talaga si Maisie nitong nakaraan. Misis niya ito, kaya kailangan niya maging mas intindihin ang asawa.Nang makita si Nolan na naglalakad papunta sa banyo, tumawa si Maisie.'Sinasadya kong gamitin ang dahilan na busy ako para hindi siya pansinin at hindi ko binabanggit ang tungkol sa birthday niya. Mukhang sobrang lungkot na niya ngayon.'Baka kailangan kong bumawi ngayong gabi.'Pagkatapos mag-shower ni Nolan at masuot ang kaniyang nightgown, lumabas siya ng banyo at nakita si Maisie na mapang-akit na nakahiga sa kama, nakatitig sa kaniya habang nakap
Sumakay si Maisie sa cruise ship, naka-set up na ang backgrop at dekorasyon ng venue para sa birthday banquet sa malawak na deck ng cruise ship. Makukulay na ilaw ang dekorasyon at napaka-romantic nitong tingnan.Para daw sa isang birthday celebration ang venue na ito, pero mas nagmukha itong set up para sa isang marriage proposal.Naguluhan si Maisie. “Guys…”Lumapit si Ryleigh at tinuro ang buong paligid. “Tingnan mo, inayos na namin lahat para sa iyo. Kasabay ng birthday celebration ang marriage proposal. Ma-eenjoy mo ang night view ng Bass Wave Coast at mag-propose sa napakagandang langit sa gabi. Tsk, tsk, tsk, napaka-romantic, hindi ba?”Natulala nang ilang segundo si Maisie, saka malakas na tumawa at tiningnan ang dalawa. “Kaninong ideya ito?”“Siyempre, sa akin.” Nirolyo ni Louis ang manggas niya at lumabas mula sa likod ng backdrop kasama si Tanner.Nagkakilala na sina Maisie at Tanner three years ago, pero hindi malinaw ang impresyon niya dito. Pamilyar lang ito sa kani
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu
Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini
Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na
Sa oras na ‘yon, biglang pumasok ang butler sa loob bahay. “Sir, may nagsabi na nakita nila si Master Nick sa bayan.”Tumayo si Arthur. “Sigurado ka ba?” Nakabalik na si Nick.“Oo, nasa Winslet Manor.”Galit na hinaplos ni Arthur ang mesa nang marinig na pumunta si Nick sa Winslet Manor. “Pumunta siya doon pagbalik niya mismo. Hindi ba niya kinikilala bilang Wickam ang sarili niya?”Kinakabahan si Martha at gusto lang na makauwi ang anak niya. “Honey, dahil nakabalik na siya, gagamitin natin siya para ipalit kay Noel. Siya ang pinakamatanda sa pamilya, hindi ba? Importante ang buhay Noel!”Kumunot si Arthur at nagkuyom ang kamao.Hindi nagtagal pagkatapos non, dumating si Nick at Mahina sa garden. Nang makita ni Arthur na nakabalik na sila, nagulat siya. “Akala ko wala kang plano na bumalik?”Mukhang kalmado si Nick. “Kung hindi ako babalik, sisisihin mo ako kapag walang naiwan na tagapagmana ang Wickam. Hindi ko pwedeng akuin ang responsibilidad na ‘yon.”Natigil si Arthur at
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng