Pareho nilang nabalitaan na nabuntis si Maizie, at gusto ni Elder Master Boucher na pakasalan siya ni Francisco. Nagsimula ng mag-ikot-ikot si Maizie at magyabang na magiging miyembro na siya ng mga Boucher. Hindi lang siya bumalik at nakatira na ulit sa mga Hannigan, pero ang mga taong nangutya sa kaniya dati ay nagsimula na siyang palibutan at magpakitang-tao.Pumalatak ang dila ni Ryleigh at sinabing, “Akala ko naman kung sino. Ikaw pala. Ang babaeng ginamit ang baby niya para makapasok sa isang prestihiyosong pamilya.”Hindi nagbigay ng bayolenteng reaksyon si Maizie sa sarkastikong komento ni Ryleigh katulad ng madalas niyang gawin noon. Simula nang mapalayas siya sa mga Hannigan, nagbago na siya. Naging mahinahon na siya.Hinimas niya ang flat niyang tiyan at ngumiti. “Oo, tama ka. Kahit na ginamit ko ang baby ko, hindi mo maitatanggi na apo siya ng mga Boucher. Mahal na mahal siya ni Elder Master Boucher. Malapit na kaming maging pamilya. Hindi ba dapat ay tawagin mo na akong
Nakatanggap si Nolan ng tawag mula sa tatay niya, sinabihan siya nitong dalhin si Maisie sa family estate para magsalu-salo sa birthday niya, at walang sigla naman siyang pumayag.Pagkatapos ibaba ang tawag, nagdilim nang bahagya ang ekspresyon niya.“Hindi ko na-celebrate ang birthday ko nitong mga nagdaang taon. Tinanong nga ako ni Maisie tungkol doon noong nakaraang araw, pero sobrang busy niya ngayon, nakalimutan na niya siguro yun.’Kinagabihan, sinundo ni Maisie ang mga bata sa school nang maaga pagkatapos umalis ng trabaho.Sumakay sina Daisie at Colton sa kotse at agad na nagtanong, “Mommy, malapit na ba ang birthday ni Daddy?”Nagulat si Maisie. “Paano mo nalaman?”Tumawa si Daisie. “Si lolo ang nagsabi sa amin.”Sinilip ni Maisie ang rearview mirror at hindi napigilang tumawa. “Oo, malapit na ang birthday ng daddy niyo. May naisip na ba kayong regalo na gusto niyong ibigay sa daddy niyo?”Nag-isip nang malalim si Daisie.Binuka ni Colton ang mga kamay. “Hay, parang l
Hindi nagsalita si Nolan.Naglakad si Maisie papunta sa harapan ni Nolan at tumingala para titigan ang mister, nakangisi siya. 'Galit ba ang hubby ko?"Huminga nang malalim si Nolan at pinakalma ang kaniyang ekspresyon. Yumuko siya at hinawakan ang kamay ni Maisie. "Ayos lang ako, magsa-shower muna ako. Busy ka maghapon, kaya matulog ka na para makapagpahinga ka nang maayos."Kahit na masama ang loob niya, alam niyang busy talaga si Maisie nitong nakaraan. Misis niya ito, kaya kailangan niya maging mas intindihin ang asawa.Nang makita si Nolan na naglalakad papunta sa banyo, tumawa si Maisie.'Sinasadya kong gamitin ang dahilan na busy ako para hindi siya pansinin at hindi ko binabanggit ang tungkol sa birthday niya. Mukhang sobrang lungkot na niya ngayon.'Baka kailangan kong bumawi ngayong gabi.'Pagkatapos mag-shower ni Nolan at masuot ang kaniyang nightgown, lumabas siya ng banyo at nakita si Maisie na mapang-akit na nakahiga sa kama, nakatitig sa kaniya habang nakap
Sumakay si Maisie sa cruise ship, naka-set up na ang backgrop at dekorasyon ng venue para sa birthday banquet sa malawak na deck ng cruise ship. Makukulay na ilaw ang dekorasyon at napaka-romantic nitong tingnan.Para daw sa isang birthday celebration ang venue na ito, pero mas nagmukha itong set up para sa isang marriage proposal.Naguluhan si Maisie. “Guys…”Lumapit si Ryleigh at tinuro ang buong paligid. “Tingnan mo, inayos na namin lahat para sa iyo. Kasabay ng birthday celebration ang marriage proposal. Ma-eenjoy mo ang night view ng Bass Wave Coast at mag-propose sa napakagandang langit sa gabi. Tsk, tsk, tsk, napaka-romantic, hindi ba?”Natulala nang ilang segundo si Maisie, saka malakas na tumawa at tiningnan ang dalawa. “Kaninong ideya ito?”“Siyempre, sa akin.” Nirolyo ni Louis ang manggas niya at lumabas mula sa likod ng backdrop kasama si Tanner.Nagkakilala na sina Maisie at Tanner three years ago, pero hindi malinaw ang impresyon niya dito. Pamilyar lang ito sa kani
Nagtanong si Nathaniel, “Elder Master Boucher, tungkol sa kasal nina Zee at Francisco…”Uminom ng tsaa si Richard at walang ekspresyong sumagot, “Mr. Hannigan, alam mo dapat na magpapakasal lang si Ms. Hannigan sa mga Boucher dahil sa sanggol na dala-dala niya. Base sa reputasyon noon ni Ms. Hannigan, magiging engaged muna silang dalawa. Para naman sa wedding ceremony, gaganapin yun sa spring sa susunod na taon.”‘Susunod na taon?’Nagkatinginan sina Mr. at Mrs. Hannigan, si Mrs. Hannigan ang nagsalita, “Hindi ba’t masiyado na yung huli kung sa susunod na taon pa ang schedule? Hindi ba’t masiyado ng halata ang tiyan ni Zee sa oras na yun?”Paanong hindi maiintindihan ni Nathaniel ang ibig sabihin ni Richard?Malinaw na ayaw ng mga Boucher sa nakaraang reputasyon ng anak nila, lalo na at nauna na nilang sinubukang ipakasal ang anak nila kay Helios.At siyempre, pagkatapos tanggihan ni Helios, agad na nilipat ng anak niya ang atensyon kay Francisco, na hindi nga kaaya-ayang tingnan
Kumunot ang noo ni Helios. “Sinabi ko sa tatay ko na i-suggest yun kay lolo. Dati kang playboy, pero malaki ang pinagbago mo simula nang bumalik ka galing sa training camp, kaya hindi ako naniniwalang gagawin mo yun.”Naantig ang puso ni Francisco nang marinig yun. “Helios, alam kong maniniwala ka sa akin. Pangako, walang nangyari sa amin ni Maizie. Sadyang…”“Sadyang ano?”Napakasama ng loob ni Francisco. “Nawalan ako ng malay pagkatapos kong uminom ng wine. At ang sunod kong naaalala ay katabi ko na sa kama si Maizie nang magising ako. Wala akong malay buong gabi, kaya paano ko yun magagawa sa kaniya?”Naningkit ang mga mata ni Helios at nag-isip nang malalim. Paglipas ng ilang sandali, nagtanong siya, “Sino ang nagbigay sa iyo ng glass wine na yun?”Nag-isip si Francisco at sumagot, “Si Maizie. Yung wine glass lang na inabot niya sa akin ang ininom ko bago ako—”Agad nagbago ang reaksyon niya at nagngalit ang mga ngipin. “Alam ko sa sarili ko na imposibleng mawalan ako ng mala
Nag-book si Maisie ng isang seafood restaurant at sila ni Barbara ang unang dumating, sumunod naman sina Louis at Ryleigh.Lumingon sa pinto si Maisie. “Nasaan si Tanner?”Hinila ni Ryleigh ang upuan at tumabi kay Maisie. Matamis ang kaniyang ngiti. “Kumuha siya ng alak. Inimbita ko rin ang pinsan ko, at sabay silang pupunta.”“Ano? Pupunta rin si Helios?” Malakas na sabi ni Barbara, at napalingon silang tatlo sa kaniya.Walang sinabi si Maisie.Habang si Ryleigh naman ay nagtaka. “Oo, may problema ba?”“Wala…” Tensyunado ang mukha ni Barbara at parang hindi siya komportable.Tinitigan siya ni Ryleigh at tila mayroong naintindihan. “Barbara, may nangyari ba sa inyo ng pinsan ko?”Uminom ng tubig si Maisie at nag-isip habang si Louis naman na nasa tabi ni Ryleigh ay tinitingnan ang menu. “Niligtas ng pinsan mo si Ms. Chase. Ano pa bang pwedeng mangyari?”“Totoo.” Biglang naging excited si Ryleigh. “Naalala ko pala, hindi ko alam na lalaking-lalaki pala ang pinsan ko.”Tumawa n
”Mukha ba akong tatakas sa ganito?” Tinuro ni Ryleigh ang sarili at hinamon si Louis, “Ako ang the best pagdating sa mga laro!”Tumawa si Louis.Tumikhim si Maisie. “Sige na, magsimula na tayo. Barbara, Helios, ayos lang ba sa inyo ‘to?” Sinadya niyang tanungin ang dalawa.Pero ayaw tumanggi ni Barbara kaya pumayag siya.Pinaikot ni Ryleigh ang lazy susan, at lobster naman ang napili nilang pagkain. Huminto ang lobster sa tapat ni Tanner na halatang nagulat. “Truth ang pipiliin ko.”Agad na nagtanong si Ryleigh, “Virgin ka ba?”Nabuga ni Louis ang cognac niya at nasamid. Naiilang ang ekspresyon ng lahat, at kahit si Tanner ay nagulat din. “All out tayo?”Nagpamaywang si Ryleigh. “Yun nga ang masaya. Truth ang pinili mo.”Nagngitngit si Tanner. “Hindi.”Pumili sila ng ibang pagkain at pinaikot ang turntable. Dahan-dahang huminto ang pagkain kay Barbara.Humigpit ang hawak ni Barbara sa wine glass. Nagngalit ang mga ngipin niya at sinabing, “Dare.”Nag-isip muna sandali si Tan
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu
Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini
Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na
Sa oras na ‘yon, biglang pumasok ang butler sa loob bahay. “Sir, may nagsabi na nakita nila si Master Nick sa bayan.”Tumayo si Arthur. “Sigurado ka ba?” Nakabalik na si Nick.“Oo, nasa Winslet Manor.”Galit na hinaplos ni Arthur ang mesa nang marinig na pumunta si Nick sa Winslet Manor. “Pumunta siya doon pagbalik niya mismo. Hindi ba niya kinikilala bilang Wickam ang sarili niya?”Kinakabahan si Martha at gusto lang na makauwi ang anak niya. “Honey, dahil nakabalik na siya, gagamitin natin siya para ipalit kay Noel. Siya ang pinakamatanda sa pamilya, hindi ba? Importante ang buhay Noel!”Kumunot si Arthur at nagkuyom ang kamao.Hindi nagtagal pagkatapos non, dumating si Nick at Mahina sa garden. Nang makita ni Arthur na nakabalik na sila, nagulat siya. “Akala ko wala kang plano na bumalik?”Mukhang kalmado si Nick. “Kung hindi ako babalik, sisisihin mo ako kapag walang naiwan na tagapagmana ang Wickam. Hindi ko pwedeng akuin ang responsibilidad na ‘yon.”Natigil si Arthur at
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng