Nag-book si Maisie ng isang seafood restaurant at sila ni Barbara ang unang dumating, sumunod naman sina Louis at Ryleigh.Lumingon sa pinto si Maisie. “Nasaan si Tanner?”Hinila ni Ryleigh ang upuan at tumabi kay Maisie. Matamis ang kaniyang ngiti. “Kumuha siya ng alak. Inimbita ko rin ang pinsan ko, at sabay silang pupunta.”“Ano? Pupunta rin si Helios?” Malakas na sabi ni Barbara, at napalingon silang tatlo sa kaniya.Walang sinabi si Maisie.Habang si Ryleigh naman ay nagtaka. “Oo, may problema ba?”“Wala…” Tensyunado ang mukha ni Barbara at parang hindi siya komportable.Tinitigan siya ni Ryleigh at tila mayroong naintindihan. “Barbara, may nangyari ba sa inyo ng pinsan ko?”Uminom ng tubig si Maisie at nag-isip habang si Louis naman na nasa tabi ni Ryleigh ay tinitingnan ang menu. “Niligtas ng pinsan mo si Ms. Chase. Ano pa bang pwedeng mangyari?”“Totoo.” Biglang naging excited si Ryleigh. “Naalala ko pala, hindi ko alam na lalaking-lalaki pala ang pinsan ko.”Tumawa n
”Mukha ba akong tatakas sa ganito?” Tinuro ni Ryleigh ang sarili at hinamon si Louis, “Ako ang the best pagdating sa mga laro!”Tumawa si Louis.Tumikhim si Maisie. “Sige na, magsimula na tayo. Barbara, Helios, ayos lang ba sa inyo ‘to?” Sinadya niyang tanungin ang dalawa.Pero ayaw tumanggi ni Barbara kaya pumayag siya.Pinaikot ni Ryleigh ang lazy susan, at lobster naman ang napili nilang pagkain. Huminto ang lobster sa tapat ni Tanner na halatang nagulat. “Truth ang pipiliin ko.”Agad na nagtanong si Ryleigh, “Virgin ka ba?”Nabuga ni Louis ang cognac niya at nasamid. Naiilang ang ekspresyon ng lahat, at kahit si Tanner ay nagulat din. “All out tayo?”Nagpamaywang si Ryleigh. “Yun nga ang masaya. Truth ang pinili mo.”Nagngitngit si Tanner. “Hindi.”Pumili sila ng ibang pagkain at pinaikot ang turntable. Dahan-dahang huminto ang pagkain kay Barbara.Humigpit ang hawak ni Barbara sa wine glass. Nagngalit ang mga ngipin niya at sinabing, “Dare.”Nag-isip muna sandali si Tan
Tinuro ni Ryleigh si Tanner. “Well, kung ganoon,.. Si Helios at Tan?”Kinilabutan si Tanner at tinaas ang kamay para magreklamo. “Hindi pwede, hindi ako humahalik ng lalaki!”Nagtinginan sina Ryleigh at Barbara at tila mayroong naisip, saka sila tumawa nang malakas.Sa huli ay truth na lang ang pinili ni Helios. Nagtanong si Ryleigh, “Matagal ko na gustong itanong, mayroon ka bang crush?”Kinamot ni Barbara ang tungki ng kaniyang ilong at nang marinig niya ang tanong ni Ryleigh, nanigas siya at nakinig nang mabuti.Kinuha ni Maisie ang wine glass at ngumiti. “Gusto ko rin malaman.”Sumali na rin sina Tanner at Louis, “Gusto namin lahat malaman.”Yumuko si Helios. “Wala sa ngayon.”Natahimik ang tatlo.Tahimik lang na nakaupo doon si Barbara, hindi niya alam kung lasing ba siya o hindi, at hindi niya rin alam ang dapat niyang isipin.Tiningnan ni Maisie ang dalawa at hindi nagsalita.Nang makitang hindi pa rin tapos si Ryleigh, tumikhim si Louis. “Wala na tayong alak. Tama na
Tumango si Helios.Nang dumating sila sa apartment niya, tulog si Barbara. Huminga nang malalim si Helios, pinarada ang sasakyan, at naglakad papunta sa passenger side, saka binuhat si Barbara.Nang makarating sila sa pinto, binuksan niya ito gamit ang fingerprint ni Barbara. Malinis ang bahay nito at malawak. Wala masiyadong ekstrang furniture at kung ano-ano pa.Binuhat niya si Barbara papunta sa kwarto nito na kulay puti ang theme. Napakalinis nito. Mayroong mga plushies sa harap ng bintana, at puno ng mga comic books at figurines na limited editions at special editions ang mga book racks at shelves. Kahit ang mga poster sa pader ay mga comic book characters.Kung hindi ito nakita mismo ng mga mata niya, hindi siya maniniwalang may ganitong side si Barbara.Nilapag niya ito sa kama, at nang makahiga na ito, mas nakatulog ito nang mahimbing.Gusto niyang hilain ang kamay niya, pero umikot si Barbara at naipit siya sa ilalim ng katawan nito.Nagulat si Helios. Naipit ang kamay
Sa Royal Crown…Nilapag ni Morgan Lynch ang tablet sa desk ni Helios, pinakita niya kung anong trending sa Twitter.Kinuha ni Helios ang tablet at binasa ang nasa screen. Nasurpresa.Nagtanong si Morgan. “May karelasyon ka ba?”“Wala.” Kumunot ang noo ni Helios. Nakuhanan ito noong araw na hinatid niya sa bahay si Barbara.“Malaki ang argumento online. Nilalabanan ng mga fans mo ang ibang cyber troopers. Kamakailan lang ay nasa magazine covers kayo ni Mr. Goldmann, at ngayon naman ay usapan-usapang may karelasyon ka. Hindi natutuwa ang mga fans na nagshi-ship sa inyo.”Sa oras na mag-ship ng couple ang mga fans, hindi na yun magbabago. Maraming fans ang naaadik sa couple at hindi kayang tanggapin kapag nasira ang ship nila.Walang sinabi si Helios.Nagsalita si Morgan, “Dapat ako mag-post para klaruhin ito.”“Hindi.” Binaba ni Helios ang tablet at kinamot ang tungki ng ilong, “Kung mayroong nagbabayad sa mga cyber troopers, walang silbi ang pagbibigay linaw diyan. At saka…”T
Nagtinginan ang ilang babae sa unahan at nagtanong, “Pinsan mo si Helios? Bakit hindi mo na lang sabihin sa amin na kapatid mo siya?”Taas-noong sumagot si Ryleigh, “Hindi ako pinsan ni Helios? Pwede kayong pumunta sa mga Boucher para malaman niyo.”Pagkatapos nito, tumayo siya sa tapat ng entrance at dinuro sila. “Binabalaan ko kayo. Tumawag na ako ng mga pulis at papunta na sila diro. Kung ayaw niyong makasuhan ng panggugulo at makulong, lumayas na kayo dito ngayon!”“Sino ka para itaboy kami? Ilabas mo yang malandi na yun dito ngayon!” Umabante ang mga babae na yun at nagsimulang itulak si Ryleigh.“Sinong tinatawag niyong malandi, kayo ang mga malalandi!” Sumabog sa galit si Ryleigh at nagsimulang makipag-away.Gayunpaman, imposibleng malabanan ni Ryleigh ang isang grupo ng mga tao. Mayroong biglang sumipa sa kaniya, at nawalan siya ng balanse. Nahulog siya sa hagdanan na nasa likuran niya at tumama ang kaniyang baywang. Agad na namutla ang mukha niya at muntik na siyang mahim
Natulala si Ryleigh. Naiiyak na siya sa sobrang kaba. “Siyempre, hindi ako buntis…”Tila mayroon naman naintindihan si Maisie. Kumunot ang noo niya at sumagot, “Oh sige. Pumunta na tayo sa doktor.”Habang nagpapa-check si Ryleigh sa gynecology department, naghintay naman sa labas sina Maisie at Barbara. Pagkatapos ng ilang sandali, lumabas sa kwarto si Ryleigh kasama ang isang nurse.Namumula ang gilid ng kaniyang mga mata, at para bang katatapos lang niyang umiyak.Nagtanong si Maisie, “Ryleigh, ano…”Nakayuko lang ito at hindi sumagot.Humarap si Barbara sa nurse at nagtanong, “Pwede ba namin malaman kung anong nangyayari sa kaibigan namin?”Tiningnan siya ng doktor at sumagot, “Ayos lang siya. Nag-rupture lang ang hymen niya dahil sa external force at nagdugo nang konti.”Nagulat si Barbara. Natagalan bago siya nakabalik sa sarili at nagtanong, “Pwede bang mangyari yun?”Sumagot naman nang totoo ang nurse, “Iba-iba ang toughness ng hymen ng kada tao. Yung iba nasisira agad
Yumuko si Helios at humingi ng patawad, "Nalaman ko ang lahat ng nangyari, at pasensya na sa naging abala sa iyo. Inimbestigahan ko na, hindi ko sila mga fans."Kilalang-kilala ni Helios ang mga fans niya. Hindi gagawin ng mga fans niya ang ganung klaseng gulo gamit ang pangalan niya."Oo. Alam ko." Tumango si Barbara. Hindi na mahalaga kung naniniwala siya kay Helios o hindi. Kahit na mga fans niya nga talaga yun, maiintindihan din naman niya.Nang hindi na hinihintay pa si Helios na magsalita, tiningnan niya ito at sinabing, "Ako ang umabala sa iyo. Mukhang kailangan ko ng mag-ingat simula ngayon. Kung wala kang ibang gagawin, Mr. Boucher, —""Lumipat tayo," Pagsingit ni Helios na ikinagulat naman ni Barbara. Naguguluhan niyang tiningnan si Helios at tinanong, "Ano?"Tiningnan siya ni Helios at sumagot, "Si Katrina yun. Si Katrina ang kumuha ng litrato natin nang araw na hinatid kita. Alam niya kung saan ka nakatira, kaya hindi ka ligtas dito."Natagalan bago bumalik sa s
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu
Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini
Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na
Sa oras na ‘yon, biglang pumasok ang butler sa loob bahay. “Sir, may nagsabi na nakita nila si Master Nick sa bayan.”Tumayo si Arthur. “Sigurado ka ba?” Nakabalik na si Nick.“Oo, nasa Winslet Manor.”Galit na hinaplos ni Arthur ang mesa nang marinig na pumunta si Nick sa Winslet Manor. “Pumunta siya doon pagbalik niya mismo. Hindi ba niya kinikilala bilang Wickam ang sarili niya?”Kinakabahan si Martha at gusto lang na makauwi ang anak niya. “Honey, dahil nakabalik na siya, gagamitin natin siya para ipalit kay Noel. Siya ang pinakamatanda sa pamilya, hindi ba? Importante ang buhay Noel!”Kumunot si Arthur at nagkuyom ang kamao.Hindi nagtagal pagkatapos non, dumating si Nick at Mahina sa garden. Nang makita ni Arthur na nakabalik na sila, nagulat siya. “Akala ko wala kang plano na bumalik?”Mukhang kalmado si Nick. “Kung hindi ako babalik, sisisihin mo ako kapag walang naiwan na tagapagmana ang Wickam. Hindi ko pwedeng akuin ang responsibilidad na ‘yon.”Natigil si Arthur at
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng