Share

Kabanata 868

Tinuro ni Ryleigh si Tanner. “Well, kung ganoon,.. Si Helios at Tan?”

Kinilabutan si Tanner at tinaas ang kamay para magreklamo. “Hindi pwede, hindi ako humahalik ng lalaki!”

Nagtinginan sina Ryleigh at Barbara at tila mayroong naisip, saka sila tumawa nang malakas.

Sa huli ay truth na lang ang pinili ni Helios. Nagtanong si Ryleigh, “Matagal ko na gustong itanong, mayroon ka bang crush?”

Kinamot ni Barbara ang tungki ng kaniyang ilong at nang marinig niya ang tanong ni Ryleigh, nanigas siya at nakinig nang mabuti.

Kinuha ni Maisie ang wine glass at ngumiti. “Gusto ko rin malaman.”

Sumali na rin sina Tanner at Louis, “Gusto namin lahat malaman.”

Yumuko si Helios. “Wala sa ngayon.”

Natahimik ang tatlo.

Tahimik lang na nakaupo doon si Barbara, hindi niya alam kung lasing ba siya o hindi, at hindi niya rin alam ang dapat niyang isipin.

Tiningnan ni Maisie ang dalawa at hindi nagsalita.

Nang makitang hindi pa rin tapos si Ryleigh, tumikhim si Louis. “Wala na tayong alak. Tama na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Innoscent_Heart
more updates
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status