Share

Kabanata 866

Nag-book si Maisie ng isang seafood restaurant at sila ni Barbara ang unang dumating, sumunod naman sina Louis at Ryleigh.

Lumingon sa pinto si Maisie. “Nasaan si Tanner?”

Hinila ni Ryleigh ang upuan at tumabi kay Maisie. Matamis ang kaniyang ngiti. “Kumuha siya ng alak. Inimbita ko rin ang pinsan ko, at sabay silang pupunta.”

“Ano? Pupunta rin si Helios?” Malakas na sabi ni Barbara, at napalingon silang tatlo sa kaniya.

Walang sinabi si Maisie.

Habang si Ryleigh naman ay nagtaka. “Oo, may problema ba?”

“Wala…” Tensyunado ang mukha ni Barbara at parang hindi siya komportable.

Tinitigan siya ni Ryleigh at tila mayroong naintindihan. “Barbara, may nangyari ba sa inyo ng pinsan ko?”

Uminom ng tubig si Maisie at nag-isip habang si Louis naman na nasa tabi ni Ryleigh ay tinitingnan ang menu. “Niligtas ng pinsan mo si Ms. Chase. Ano pa bang pwedeng mangyari?”

“Totoo.” Biglang naging excited si Ryleigh. “Naalala ko pala, hindi ko alam na lalaking-lalaki pala ang pinsan ko.”

Tumawa n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status