“Sir, pasensya na po. Maglilinis lang po ako. Gagamitin na kasi ang silid na 'to ng bagong pasyente.” Nadismaya ako nang makita kung sino ang pumasok. Akala ko sila Gwin at Widmark na ang bumalik pero hindi. Janitor ang pumasok. Matamlay akong tumayo at lumabas ng silid. Tingin na lang din ang nagawa ko sa janitor. Para akong batang paslit na hindi alam kung ano ang gagawin, hindi alam kung saan pupunta, at hindi alam kung saan magsisimula sa paghahanap sa mag-ina ko. Ang bagal ng kilos ko, yuko ang ulo, at bagsak ang mga balikat na naglakad sa hallway palabas ng hospital. “Excuse me po, Sir. Kayo po ang ama ng batang nawawala kanina sa room niya, hindi po ba?” Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na hinarap ang babaeng kumausap sa akin.“Ako nga. Bumalik na ba sila? Nasaan sila?” Nabuhayan ako ng loob. Nakangiti pa habang nagtatanong.“Bumalik sila, pag-alis niyo kanina lahat, sir. Pumerma lang po ang misis n’yo ng waver na siya mismo ang may gusto na ilabas ang anak niyo sa hospital
Magbasa pa