Kabanata 89Awang-awa ako sa kalagayan ni Ma’am Leanne. Parehong may casts ang mga binti at may benda sa noo. May mga gasgas pa ang braso at mukha.“Kanina ko pa po naririnig ang mga salitang ‘yan. Ano po ba talaga ang nangyari? Bakit lahat na lang kayo ayaw sabihin ang totoo?” Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mag-ina. Pero buntong-hininga ang tugon ni Ma’am Leanne at sandaling sulyap kay Fred. “Bakit ba hirap na hirap kayo na sabihin sa akin ang lahat? Pati si Beth at Brent, ayaw magsabi. Hindi raw nila alam ang totoong nangyari.”“Gwin kasi ayaw lang namin na mag-alala ka. Ayaw namin na matakot ka gaya ng nararamdaman namin ngayon—” "Sa tingin mo ba, Fred, hindi pa ako takot at nag-aalala ngayon? Kanina pa ako alalang-ala. Malapit na nga sumabog 'tong utak ko sa kaiisip kung ano ang nayayri. Ang sikip na rin ng dibdib ko." Mapait akong ngumiti. Tingin pa rin kasi ang tugon nila. Tingin na may kasamang buntong hininga.“Sabihin n’yo na po.” Nakapa ko na lang ang dibdib ko. Napa
“Aling Taning, please sumagot po kayo—” “Wala rito … Tumahimik ako nang marinig ang lalaking nagsalita. Pati ang paghinga ay napigil ko. “Anong wala?” “Halughugin n’yo ang buong bahay!” Mga kalabog at kalampag ang kasunod kong narinig. Paulit-ulit akong napapailing, kasabay ang paglandas ng mga luha. “Hindi Pwedeng wala sila!” “Ang linaw naman ng address na binigay sa atin ni ma’am!” “Natunugan yata ang pagdating natin.” “Malilintikan tayo nito kay ma’am! Bata at dalawang babae lang ang target natin. Matanda pa ang isa, natakasan pa tayo!” Halos bumigay ang mga tuhod ko sa narinig na usapan. Abot-abot ang kabang nararamdaman. Ang tanga ko! Ang tanga-tanga! Hindi ko sana sila iniwan do’n! Kung alam ko lang na sukdulan na pala ang kasamaan ni Mitch. Hindi na sana ako umalis. May nagawa sana ako. Takip na ang palad ko sa bibig. Hawak na kasi ni Fred ang cell phone at naka-loud speaker na. Pero gaya ko, hindi rin muna siya nagsalita. Pati na rin si Ma’am Leanne. “Tara, tingn
Ilang oras na ang dumaan mula nang maka-usap namin si Widmark at Aling Taning. Hanggang ngayon na hating gabi na ay hindi pa rin sila tumatawag uli. Para na akong mababaliw sa kakaisip, sa pag-aalala, at sa kaba. Ano na kaya ang nangyayari sa kanila? Nakailang tawag at text na rin ako, kaya lang hindi na sumasagot si Aling Taning. Maski reply ay wala. Kahit man lang sana malaman namin kung nasaan na sila. Kung nakaalis ba sila ng bahay o hindi. Kaya ang bigat, ang sikip sa pakiramdam. Paulit-ulit na rin akong nagdasal na sana gabayan sila ng panginoon, sana hindi sila mahanap ni Mitch at ng mga tauhan niya. Kaya lang, hindi ko naman maiwasan ang magtanong kung ano ba ang kasalanan ko? Bakit niya ba ako pinarurusahan ng ganito? Sa pagkakaalam ko, wala rin naman akong kasalanan kay Mitch. Oo, alam niya na ayaw ko sa kanya para kay Fred noon. Pero hindi naman ako humantong sa punto na inaaway siya o paghiwalayin sila. Kahit nga ayaw ko sa mga utos ni Fred, ginagawa ko pa rin kasi a
“Dad!” Paulit-ulit ang ginawang pagtawag ni Fred sa Daddy niya. Hindi na kasi nito tinugon ang sinabi niya. Takot na takot na kami, na baka buksan nga niya ang pinto. “Sir Franc! ‘Wag n’yo po buksan.” Sabay naming nakapa ang aming mga dibdib nang marinig ang pagpigil ni Tonyo, kay Sir Franc. Akala kasi namin ay binuksan na nga niya ang pinto kaya hindi na siya tumugon. “Hindi po tayo nakasisiguro kung sino ang nasa labas, Sir Franc. Kahit may mga bantay pa.” “Oo nga po, Uncle Franc. Sabi pa naman ng mga police, wala na sila Mitch sa lugar na pinuntahan nila. Baka napasok na ang mga ‘yon dito sa hospital,” rinig naman naming sabi ni Patrick. Mabuti na lang at matino pa rin ang pag-iisip ng dalawang lalaki, kahit nabugbog ang mga katawan dahil sa aksidente. “Hello, Dad …” “Fred …” “Tama si Tonyo at Patrick, Dad. Ang sabi ni Brent, alam na rin ng taga-hospital ang kalagayan natin. Kaya wala munang pwedeng pumasok sa mga silid natin, kahit doctor at nurse. Makiramdam na muna kayo.
“Ang tigas din talaga ng ulo n’yo! Hindi ba ang sabi ko, ‘wag kayong lumabas—” Inis na lumapit sa amin si Brent. Napapailing pa habang nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Fred. “Para namang hindi mo alam kung sino sa amin ang matigas ang ulo!” dismayang tugon ni Fred. Sandali pa siyang sumulyap sa akin saka bumaling ulit kay Brent. “Gwin naman—” Nakamot niya ang batok. “Alam mo naman na hindi pa nahuhuli si Mitch at mga tauhan niya!” Hawak na niya ang batok. Tumaas yata ang presyon. Sa bagay, sino ba ang hindi tataas ang presyon sa sitwasyon namin ngayon? “Naintindihan ko naman kung ano ang nararamdaman n’yo. Alam ko na nag-aalala kayo para sa anak n’yo. Pero kasi, mga halang ang mga kaluluwa ng mga tauhan ni Mitch. Ngayong lumabas kayo, binibigayan n’yo lang ng dahilan ang babaeng ‘yon na magawan kayo ng masama.” Ako naman ang napakamot sa ulo. Paulit-ulit na lang kasi ang naririnig ko. Nakaka-umay na. Puro bunganga lang ang ginagamit namin. Walang galaw. “Brent, sinabi ko
Abot-abot ang kaba na nararamdaman ko habang patakbong nagtungo sa kumpulan ng mga tao at pilit sumiksik doon. “Gwin—” Hintayin mo ako!” Rinig ko ang pagtawag ni Fred, pero wala na akong panahon na lingunin siya. Alam ko naman na nakasunod lang siya at ang mga bodyguard. “Ma’am, hindi ka pwedeng lumapit!” Hinarang ako ng mga pulis at hinawakan. Sinubukan ko silang iwaksi at itinulak. Pero hindi sila matinag. Ayaw nila akong bitiwan. “Sandali, bitiwan n’yo muna ako!” Bumuhos ang mga luha ko nang makita ang plate number ng taxi na bumungga sa puno. Kahit masama na ang kutob ko kanina, umaasa pa rin ako na hindi iyon ang sinakyan nila. “Ano ba, bitiwan n’yo ako! Anak ko, Widmark!” Buong lakas pa rin akong nagpupumiglas kasabay ang pagsigaw sa pangalan ng anak ko at pag-iyak. “Widmark! Anak ko …” buong lakas kong sigaw. “Bitawan n’yo ako, please! Ang anak ko ang sakay ng taxi …” Inipon ko ang buong lakas ko at pinagtutulak ang mga pulis hanggang sa mabitiwan nila ako. “Aling Tanin
FRED POV “Gwin, saan ka ba nagpunta?” Nakakapanghina ang kabang nararamdaman ko. Buong sistema ko, kinakalampag ng kaba at takot. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin, hindi ko kakayanan kung parehong mawala sa akin ang mag-ina ko. Sa tindi ng galit ko sa mga pulis kanina. Nawala sa isip ko si Gwin. Hindi ko napansin na umalis pa siya. Na wala na pala siya sa tabi ko. “Fred, ano ba? Kumalma ka nga!” sita sa akin ni Brent. Sandali niya akong tinapunan ng tingin at muling bumaling sa harap ng kalsada. “Kung ikaw kaya mong kumalma. Ako hindi! Mag-ina ko ang nawawala, Brent. Hindi ko pa alam kung maayos ba ang lagay ni Widmark. Kung hindi ba siya nasaktan sa aksidente kanina. Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko, kasi hindi mo sila mag-ina!” “ ‘Yan ang sinasabi ko. Pati ako, inaaway mo. Ang gusto ko lang naman ay ipanatag mo ang loob mo, matuto kang kuntrolin ang sarili mo. Hindi ‘yong lahat na lang inaaway mo!” Pabagsak akong sumandal at bumuga ng hangin.”Naintindihan ko k
Kabanata 96 Nagulat man ako sa sabay na pagtalon ni Widmark at putok ng baril, nagawa ko pa rin na saluhin ang anak ko. Bumuhos ang luha ko habang yapos siya. “Ayos ka lang ba, Anak?” Binaba ko siya “Walang masakit sa’yo?” Kinapa ko rin ang buong katawan niya. Sinisiguro ko na hindi siya ang natamaan ng bala. Pero ang tingin ko nasa malaking butas pa rin. Hinihintay kong sumilip si Gwin. Hinintay ko na bumaba siya pero wala. Ang narinig ko ay ang kumusyon mula sa taas. Mga sigaw at da*ng. “Anak, may sakit ba sa’yo?” Hinawakan ko ang sugat sa noo niya. Pinahid ang tuyong dugo sa gilid no’n. “Wala po—’ Kasabay ng sagot niya ay pagpilig ng ulo niya, sabay ang paglandas ng masaganang luha mula sa mga mata niya. ‘Shhh … tahan na Anak, nandito na si Papa. Wala nang mananakit sa’yo—” “Walang hiya ka, Gwin! Sinira mo ang mga plano ko!” Sabay kaming napatingin sa taas ni Widmark nang marinig ang nanggagalaiting sikmat ni Mitch. Kumabog pa lalo ang dibdib ko. Natatakot ako sa maaring