Pasensya pala sa number ng chapter. Nagkamali-mali pala. Na edit ko na po. Pero hindi mag-appear ang edited chapters sa mga old readers. Sa mga bago lang. Maliban nalang kung e remove n'yo muna sa library n'yo ang story, tapos e-add lang uli. Maraming salamat sa pagsubaybay sa kwentong 'to. Sa mga nagbibigay ng gems at mga nag-top up. Thank you!
Kabanata 96 Nagulat man ako sa sabay na pagtalon ni Widmark at putok ng baril, nagawa ko pa rin na saluhin ang anak ko. Bumuhos ang luha ko habang yapos siya. “Ayos ka lang ba, Anak?” Binaba ko siya “Walang masakit sa’yo?” Kinapa ko rin ang buong katawan niya. Sinisiguro ko na hindi siya ang natamaan ng bala. Pero ang tingin ko nasa malaking butas pa rin. Hinihintay kong sumilip si Gwin. Hinintay ko na bumaba siya pero wala. Ang narinig ko ay ang kumusyon mula sa taas. Mga sigaw at da*ng. “Anak, may sakit ba sa’yo?” Hinawakan ko ang sugat sa noo niya. Pinahid ang tuyong dugo sa gilid no’n. “Wala po—’ Kasabay ng sagot niya ay pagpilig ng ulo niya, sabay ang paglandas ng masaganang luha mula sa mga mata niya. ‘Shhh … tahan na Anak, nandito na si Papa. Wala nang mananakit sa’yo—” “Walang hiya ka, Gwin! Sinira mo ang mga plano ko!” Sabay kaming napatingin sa taas ni Widmark nang marinig ang nanggagalaiting sikmat ni Mitch. Kumabog pa lalo ang dibdib ko. Natatakot ako sa maaring
“Bakit ko na naman sasabihin sa’yo kung sino ang tunay na ama ng anak ko?" Ngumisi si Mitch at inangat ang baba ko, saka diniin ang hintuturo niya sa labi ko. "Alam mo, Fred, ang gwapo mo. Pero hindi ka nag-iisip! Bakit ko pa ginagawa ang lahat ng 'to, kung sasabihin ko lang din naman sa inyo kung sino ang tunay na ama ng anak ko?" Lalo lang akong naguguluhan sa sinabi niya. Ayaw n'yang sabihin kung sino ang ama ng bata pero gusto niya na mapalapit ito sa ama niya. Ang ibig sabihin, kasama ko sa bahay ang tunay na ama ng anak niya? “Ibang klase ka pala talagang babae, Mitch.” Napapailing ako at napangisi. “Talagang iba!” sabat ni Gwin. Bakas ang gigil nang sabihin ang salitang ‘yon. Kaagad namang bumaling ang tingin ko sa kanya. Nasa ganoong ayos pa rin siya. Nakaluhod habang may nakatutok na baril sa ulo nito. Pero kahit nakakatakot ang sitwasyon niya. Wala pa rin siyang takot na magsalita. “Tatlo lang naman ang mga lalaki sa mansyon na malapit kay Fred. Si Tonyo, Patrick at Dad
Nahinto ang pagsasalita ni Tonyo, dahil sa sigaw ni Mitch, na nagmamatigas pa rin at ayaw na pumasok sa police car. Kami man ay nagulat din sa narinig. Bakit si Tonyo ang sinisisi niya. Nabaliw na ba talaga siya, at lahat na lang ay sinisisi niya sa mga maling ginawa niya? “Bakit kasalanan ko?” tanong ni Tonyo. Turo niya pa ang sarili, at nanlaki ang mga mata. “Kararating ko nga lang, tapos ako ang pagbibintangan mo sa kasalanang pinaggagawa mo? Wala ka rin sa ayos, Mitch! Ano na baliw ka na talaga?” Nagpalipat-lipat ang tingin namin kay Tonyo at Mitch, pareho pa kaming napanganga at kunot ang mga noo. “Ikaw ang wala sa ayos! Kung hindi mo ako binuntis—” “Huh? Anong binuntis?” Pahapyaw na tawa ang nagawa ni Tonyo. “Paano kita mabuntis? Baliw ka na nga talaga?” Nakamot ni Tonyo ang batok. “Tonyo?” sabay naming sambit sa pangalan nito. Hindi ko maiwasan ang magduda. Pati ako si Tonyo ay nagawa akong iputan noon? “Papaniwala kayo sa baliw na ‘yan!” Duro niya si Mitch. “Sabi na
Ngayon pa nawala si Brent. Alam ko, kung gaano siya ka atat na mahuli at mapakulong si Mitch, dahil sa ginawang panloloko nito sa kanya. Kaya hindi ko maiwasan ang magtaka. “Mr. and Mrs. Calderon, sumunod na lamang po kayo sa presento,” magalang na sabi ng pulis. Imbes na pupunta na sana kami sa kotse na Brent, sabay kaming nahinto dahil sa biglang pagsulpot ng pulis. Sabay din namin siyang hinarap. “Sige, Chief. Susunod po kami. Maraming salamat sa tulong ninyo. At saka, pasenya na rin sa mga nasabi ko noon.” “Wala po ‘yon. Naintindi po namin ang nararamdaman ninyo.” Sumabay pa ang paglingon ko kay Widmark, sa sinabi ng pulis. Yumakap kasi sa akin ang anak ko, sabay ang paghihikab. Niyakap ko na lang din siya at hinaplos ang ulo. “Kung may kailangan pa po kayo, may mga tauhan pa akong naiwan sa loob ng building. Bukod kasi sa dalawang nawalan ng buhay. May nahuli pa kaming dalawang suspek. Nagtatago lang sa likuran ng building.” Nagkatinginan kami ng mga bodyguards. Pareho k
Galit na mukha ni Brent ang bumungad sa amin. Nagtagis pa ang bagang habang nagpalipat-lipat ang tingin sa aming lahat. "Anong atraso ko sa inyo at pinagdidiskitahan n'yo ang kotse ko?" Pinagduduro niya kaming lahat. Pero nahinto ang tingin niya sa mga bodyguard na bumasag sa salamin ng kotse niya. “P-pasensya na po—” Yumuko ang dalawang bodyguards. Nahihiya sa ginawa nila. "Bagong bili ko pa 'yan, tapos sinara n'yo!" Nahagod na lang nito ang buhok. “E bakit ka kasi nand’yan, Brent?” turo siya ni Tonyo. “Malamang wala ako d’yan!” Galit nga siya. Naging pilosopo na.“ E sino ‘yong nasa loob?” Sinilip pa uli ni Tonyo, ang lalaking tulog mula sa basag na salamin.“Tauhan ni Mitch! Nahuli ko kanina nang sinundan ko sila Fred, papasok sa gusali.” Pasikmat pa rin ang pagsasalita niya. Pero mabuti naman at sinagot pa rin niya ang tanong ni Tonyo, kahit bakas ang dismaya niya.Kumunot ang noo ko. Akala ko kasi bahag ang buntot niya. “Seryoso? Sinundan mo kami? Akala ko ba, hihintayin mo
GWIN POVBiglang lingon ang nagawa ni Fred, nang marinig ang sinabi ni Brent. Maski naman ako ay nagulat din. Kung hindi lang talaga malaki ang naitulong niya sa amin, baka nasapak ko na naman siya. Ewan kung anong pumasok sa utak nitong si Brent, at ang e-date pa ako ang hiniling na pambawi sa nagawang tulong niya sa amin.Mabuti na lang at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad papuntang kotse sina Patrick at Tonyo. Anong sabi mo, Brent? Gusto mong e-date si Gwin?" Pahapyaw na tumawa si Fred. "Ayos ah. Hindi ka man lang nahiya na magtanong kahit naririnig ko." Tumalim ang tingin ni Fred sa kaibigan. "Matagal na akong walang hiya, Fred. Nakalimutan mo ba?" mapang-asar sa ang ngiti niya. Naduro ni Fred, si Brent. "Umuwi ka na lang, at matulog! Baka sakaling tumino 'yang utak mo na napasukan yata ng hangin!" Gigil ngunit pabulong ang pagsasalita ni Fred. Karga pa rin kasi niya si Widmark, na mahimbing pa rin ang tulog. Pagod na pagod ang anak namin. Nakakaawa sobra. Bata pa lang pero nak
Takbo lakad ang ginawa ko makarating lang kaagad sa ICU, habang si Fred, nakasunod lang sa akin at karga pa rin si Widmark. “Mama, hintayin mo po kami.” Antok na boses ni Widmark ang nagpabagal sa paglalakad ko. Humihikbi akong lumingon sa kanila. Kaagad naman akong niyapos ni Fred at hinaplos ang balikat. “Kumalma ka naman muna, Gwin—” Bakas rin ang kaba sa boses ni Fred, pero nanatili pa rin siyang kalmado, hindi gaya ko na kanina pa nanginginig sa kaba. Kanina pa nag-aalala. Kung ano-ano na nga ang pumapasok sa utak ko. Naalala ko pa ang mga nagawang tulong sa akin ni Aling Taning; sa amin ni Widmark. “Mama, bakit ka po umiiyak? Saan po tayo pupunta?” Parang maiiyak na tanong ni Widmark. Nagpalinga-linga na rin siya sa paligid. Alam ko nagtataka siya, kung bakit nandito kami sa hospital. Gusto na kasi niyang umuwi, kanina pa. Nakatulog na nga lang ulit sa kotse habang papunta kami rito. “Mama… hindi naman po to bahay ni Papa Fred. Hospital po ‘to. Ipapagamot n’yo po ba ako
FRED POV Kung kanina ay abot-abot ang kaba na naramdaman ko nang mawalan ng malay si Gwin, ngayon ay hindi na maalis ang ngiti ko. Nag-uumapaw ang saya na nararamdaman ko. Kaya kahit nagmumukha na akong nasisiraan ng bait sa kakangiti, wala akong pakialam. Sino ba namang lalaki ang hindi matutuwa, magiging Daddy na naman ako. Magiging kuya na si Widmark. Mabuti na lang, kahit dumaan kami sa maraming pagsubok at paghihirap dahil kay Mitch, naayos din namin kaagad. Kung nagkataon na hindi naayos ang problemang gawa ni Mitch sa buhay namin, siguro ay hindi ko na naman makikita sina Gwin at ang aming bunso. O, kung magkita man kami, baka umabot na naman ng ilang taon. “Oh, Fred, please stop smiling. Hindi pa ba namanhid o nangalay ang panga mo? Kanina ka pa nakangiti. Hindi ka nakakatuwang tingnan.” Irita at nanlilisik ang mga mata ni Mommy, habang sinisita ako. Nakahalukipkip pa siya, at walang ka kurap-kurap na nakatingin sa akin. Pero imbes na sumagot. Ngiti pa rin ang tugon ko.