Thank you. Sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa. Salamat sa walang sawang suporta.
Ngayon pa nawala si Brent. Alam ko, kung gaano siya ka atat na mahuli at mapakulong si Mitch, dahil sa ginawang panloloko nito sa kanya. Kaya hindi ko maiwasan ang magtaka. “Mr. and Mrs. Calderon, sumunod na lamang po kayo sa presento,” magalang na sabi ng pulis. Imbes na pupunta na sana kami sa kotse na Brent, sabay kaming nahinto dahil sa biglang pagsulpot ng pulis. Sabay din namin siyang hinarap. “Sige, Chief. Susunod po kami. Maraming salamat sa tulong ninyo. At saka, pasenya na rin sa mga nasabi ko noon.” “Wala po ‘yon. Naintindi po namin ang nararamdaman ninyo.” Sumabay pa ang paglingon ko kay Widmark, sa sinabi ng pulis. Yumakap kasi sa akin ang anak ko, sabay ang paghihikab. Niyakap ko na lang din siya at hinaplos ang ulo. “Kung may kailangan pa po kayo, may mga tauhan pa akong naiwan sa loob ng building. Bukod kasi sa dalawang nawalan ng buhay. May nahuli pa kaming dalawang suspek. Nagtatago lang sa likuran ng building.” Nagkatinginan kami ng mga bodyguards. Pareho k
Galit na mukha ni Brent ang bumungad sa amin. Nagtagis pa ang bagang habang nagpalipat-lipat ang tingin sa aming lahat. "Anong atraso ko sa inyo at pinagdidiskitahan n'yo ang kotse ko?" Pinagduduro niya kaming lahat. Pero nahinto ang tingin niya sa mga bodyguard na bumasag sa salamin ng kotse niya. “P-pasensya na po—” Yumuko ang dalawang bodyguards. Nahihiya sa ginawa nila. "Bagong bili ko pa 'yan, tapos sinara n'yo!" Nahagod na lang nito ang buhok. “E bakit ka kasi nand’yan, Brent?” turo siya ni Tonyo. “Malamang wala ako d’yan!” Galit nga siya. Naging pilosopo na.“ E sino ‘yong nasa loob?” Sinilip pa uli ni Tonyo, ang lalaking tulog mula sa basag na salamin.“Tauhan ni Mitch! Nahuli ko kanina nang sinundan ko sila Fred, papasok sa gusali.” Pasikmat pa rin ang pagsasalita niya. Pero mabuti naman at sinagot pa rin niya ang tanong ni Tonyo, kahit bakas ang dismaya niya.Kumunot ang noo ko. Akala ko kasi bahag ang buntot niya. “Seryoso? Sinundan mo kami? Akala ko ba, hihintayin mo
GWIN POVBiglang lingon ang nagawa ni Fred, nang marinig ang sinabi ni Brent. Maski naman ako ay nagulat din. Kung hindi lang talaga malaki ang naitulong niya sa amin, baka nasapak ko na naman siya. Ewan kung anong pumasok sa utak nitong si Brent, at ang e-date pa ako ang hiniling na pambawi sa nagawang tulong niya sa amin.Mabuti na lang at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad papuntang kotse sina Patrick at Tonyo. Anong sabi mo, Brent? Gusto mong e-date si Gwin?" Pahapyaw na tumawa si Fred. "Ayos ah. Hindi ka man lang nahiya na magtanong kahit naririnig ko." Tumalim ang tingin ni Fred sa kaibigan. "Matagal na akong walang hiya, Fred. Nakalimutan mo ba?" mapang-asar sa ang ngiti niya. Naduro ni Fred, si Brent. "Umuwi ka na lang, at matulog! Baka sakaling tumino 'yang utak mo na napasukan yata ng hangin!" Gigil ngunit pabulong ang pagsasalita ni Fred. Karga pa rin kasi niya si Widmark, na mahimbing pa rin ang tulog. Pagod na pagod ang anak namin. Nakakaawa sobra. Bata pa lang pero nak
Takbo lakad ang ginawa ko makarating lang kaagad sa ICU, habang si Fred, nakasunod lang sa akin at karga pa rin si Widmark. “Mama, hintayin mo po kami.” Antok na boses ni Widmark ang nagpabagal sa paglalakad ko. Humihikbi akong lumingon sa kanila. Kaagad naman akong niyapos ni Fred at hinaplos ang balikat. “Kumalma ka naman muna, Gwin—” Bakas rin ang kaba sa boses ni Fred, pero nanatili pa rin siyang kalmado, hindi gaya ko na kanina pa nanginginig sa kaba. Kanina pa nag-aalala. Kung ano-ano na nga ang pumapasok sa utak ko. Naalala ko pa ang mga nagawang tulong sa akin ni Aling Taning; sa amin ni Widmark. “Mama, bakit ka po umiiyak? Saan po tayo pupunta?” Parang maiiyak na tanong ni Widmark. Nagpalinga-linga na rin siya sa paligid. Alam ko nagtataka siya, kung bakit nandito kami sa hospital. Gusto na kasi niyang umuwi, kanina pa. Nakatulog na nga lang ulit sa kotse habang papunta kami rito. “Mama… hindi naman po to bahay ni Papa Fred. Hospital po ‘to. Ipapagamot n’yo po ba ako
FRED POV Kung kanina ay abot-abot ang kaba na naramdaman ko nang mawalan ng malay si Gwin, ngayon ay hindi na maalis ang ngiti ko. Nag-uumapaw ang saya na nararamdaman ko. Kaya kahit nagmumukha na akong nasisiraan ng bait sa kakangiti, wala akong pakialam. Sino ba namang lalaki ang hindi matutuwa, magiging Daddy na naman ako. Magiging kuya na si Widmark. Mabuti na lang, kahit dumaan kami sa maraming pagsubok at paghihirap dahil kay Mitch, naayos din namin kaagad. Kung nagkataon na hindi naayos ang problemang gawa ni Mitch sa buhay namin, siguro ay hindi ko na naman makikita sina Gwin at ang aming bunso. O, kung magkita man kami, baka umabot na naman ng ilang taon. “Oh, Fred, please stop smiling. Hindi pa ba namanhid o nangalay ang panga mo? Kanina ka pa nakangiti. Hindi ka nakakatuwang tingnan.” Irita at nanlilisik ang mga mata ni Mommy, habang sinisita ako. Nakahalukipkip pa siya, at walang ka kurap-kurap na nakatingin sa akin. Pero imbes na sumagot. Ngiti pa rin ang tugon ko.
“Mahal na mahal kita, Gwin.” Mabilis na halik sa labi ko ang tugon niya. May kasama pang matamis na ngiti. Nahawa na nga rin ako sa ngiti niya. Sumabay din kasi ang paglapat ng daliri niya sa dimples ko. Pero medyo nagtataka na ako. Hindi pa rin kasi siya nagsasalita. Kanina pa kami tapos at nagkapagpahinga na. Nilapat ko ang palad ko sa pisngi niya. Kaagad naman niya iyong hinawakan. Pero wala pa rin siyang ka kurap-kurap na tumitig sa akin.“Ano na naman ba ang iniisip mo?” Kanina ka pa walang imik. Masyado ba kitang pinagod, kaya ka na tameme ng ganyan?” Hindi na ako nakatiis at nagtanong na. Pero imbes na sumagot. Tipid lang siyang ngumiti at umiling. “Ano ba, Gwin? Malapit na rin akong matunaw sa kakatitig mo. Kanina ang ingay mo, maka-ungol ang lakas—” “Ikaw—” Tampal ang tumapos sa pagsasalita niya. May kasama pandidilat pa.Hinawakan ko ang kamay niya at paulit-ulit iyong hinalikan na nagpangiti na naman sa kanya kaagad. “Ayaw mo pa rin bang magsalita? Masyado ka ba talag
"Bunganga mo naman, Fred—" sikmat ni Patrick. Takip na ang mga palad niya sa tainga ni Widmark. Pero alam kong huli na ang pagtakip niya sa tainga ng anak ko. Narinig na nito ang sinabi ko. Ang lakas kaya ng pagsasalita ko. Patunay ang pagsalubong ng mga kilay ni Widmark na narinig nga niya ang sinabi ko. Bumakas kasi ang pagkalito sa mukha niya. "Bastos mo—" May pahabol pang panduduro si Patrick, na sinabayan ng pabulong na pagsasalita pero may halong panggigigil. Nakamot ko na lang ang leeg ko. Sabay pa naming sinulyapan si Gwin, na ngayon ay balot na balot ang buong katawan sa kumot. Alam kong nahihiya rin siya. Marinig ba naman nitong pinsan ko na s******p ko ang katas niya. Ayan nagkunwaring tulog. "Papa Fed, milk po ang mayr'on si Mama Gwin, hindi po katas." Sinadyang tawa ang ginawa ko. Ang cute-cute talaga nitong anak namin ni Gwin. Kung ano-ano lang din ang lumalabas sa bibig. Parang ako. Paano naman magka-milk ang Mama niya? Ako pa lang naman ang dumede. Hindi na a
“How come, na nawala si Mitch? Nakatakas ba? Nakapagpyansa ba?"Imbes na sumagot si Patrick. Umalis siya sa harap ko. Nagpunta siya sa fridge at kumuha ng tubig doon at uminum. At ako parang tanga na nakatingin sa kanya at naghihintay kung kilan siya sasagot. "Ano ba, Patrick? Nananadya ka ba, ha? Pinaghihintay mo talaga ako?" Nilingon niya ako, kasabay ng pag-inom ng tubig. Sinadya niya talaga na bagalan ang pag-inum. "Teka nga lang, kita mong umiinom pa 'yong tao!" "Bwesit ka rin ano? Paghihintayin mo ako, hanggang kailan mo gustong sumagot? Kung hindi ka ba naman sira-ulo na binibitin ako ng ganito!" "Kasi–" " Ano kasi, Fred –"Sa tuwing nagsasalita si Patrick, parang umuurong ang dila n'ya at hindi na naman itutuloy ang sasabihin. Panay inum niya pa ng tubig na parang nanunuyo ang lalamunan. "Bakit nawala si Mitch, Patrick? Sumagot ka naman, please?!” Hindi ko na napigil ang magtaas ng boses at magalit. Maisip ko lang kasi na nawala si Mitch, sumisikip ang dibdib ko. Nag