Share

Kabanata 87

Paulit-ulit akong bumuntong-hininga. Paulit-ulit ko rin na tinapik-tapik ang dibdib ko. Para kasing may bumara na nagpapahirap sa paghinga ko.

Sandali ko pang natiim ang mga mata. Natanaw ko na kasi ang mansion ng mga Calderon.

Pero imbes na bumilis ang paghakbang ko, mas lalo pang bumagal. Kinakabahan kasi ako. Sobrang kabado, sa puntong rinig ko na ang tunog ng puso ko.

Takot kasi ako sa maaari kong datnan pagpasok ko sa malaking bahay. Natatakot rin ako sa isipin na baka tuluyan na ngang nakuha ni Mitch at ng anak niya ang loob ni Fred, at tuluyan na siyang nawala sa amin ni Widmark.

"Gwin..." Kakahinto ko pa lang sa tapat ng gate. Nakita agad ako ng mga guard.

Kaagad din nila akong pinagbuksan at pinapasok. Sinubukan kong ngumiti. Pero naging ngiting aso ang labas.

"Magandang araw po." Halos pabulong ang salita ko. Bahagya pa akong nahiya.

Makahulugan kasi ang mga tingin nila. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nila. Baka kinukutya na nila ako. Aalis-alis kasi ako pero bumal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Peysf
sna me update ...
goodnovel comment avatar
Nan
Sino kaya Ang dumating at sino Ang na ospital?
goodnovel comment avatar
Analiza Tigre
sinu naman Ang na ospetal
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status