Maski na ako ay nagulat din nang makita ang sinasabing bisita ni Aling Taning. Kapal din ng mukha. Sarap sapakin."Oo nga po, anong ginagawa n'yo rito?"Hindi ko na napigilan na magtanong. Mabuti nga at medyo magalang pa rin ako at hindi ko sinigawan ang lalaking kaharap namin ngayon.'Tsaka, para kasing naging poste si Aling Taning. Hindi na magawang gumalaw o magsalita."Magkakilala kayo?" Nagpalipat-lipat ang daliri niya sa amin ni Aling Taning."Kami ang unang nagtanong. So, pwede po ba, tanong namin sagutin n'yo."Wala na akong pakialam kung sabihin man niya na wala akong modo. Galit nga ako. Mukha ni Mitch ang nakikita ko habang kaharap siya. Papa kasi ni Mitch ang bisitang dumating."Paano—" Turo niya pa rin kaming dalawa ni Aling Taning. Hindi siguro niya mahulaan ang sagot kung paano kami nagkakakilala ni Aling Taning. Namilog ang mga mata. Parang luluwa na nga. Napanganga pa. Sarap pakainin ng buhangin.Nakakapangggil ang mga lalaking sinasamantala ang kahinaan ng mga babae
Paulit-ulit akong bumuntong-hininga. Paulit-ulit ko rin na tinapik-tapik ang dibdib ko. Para kasing may bumara na nagpapahirap sa paghinga ko. Sandali ko pang natiim ang mga mata. Natanaw ko na kasi ang mansion ng mga Calderon. Pero imbes na bumilis ang paghakbang ko, mas lalo pang bumagal. Kinakabahan kasi ako. Sobrang kabado, sa puntong rinig ko na ang tunog ng puso ko.Takot kasi ako sa maaari kong datnan pagpasok ko sa malaking bahay. Natatakot rin ako sa isipin na baka tuluyan na ngang nakuha ni Mitch at ng anak niya ang loob ni Fred, at tuluyan na siyang nawala sa amin ni Widmark."Gwin..." Kakahinto ko pa lang sa tapat ng gate. Nakita agad ako ng mga guard. Kaagad din nila akong pinagbuksan at pinapasok. Sinubukan kong ngumiti. Pero naging ngiting aso ang labas."Magandang araw po." Halos pabulong ang salita ko. Bahagya pa akong nahiya.Makahulugan kasi ang mga tingin nila. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nila. Baka kinukutya na nila ako. Aalis-alis kasi ako pero bumal
Yumakap na rin ako ng mahigpit sa kaibigan ko. Si Beth, ang tumawag at yumakap sa akin. Lumakas pa lalo ang paghikbi ko. Pakiramdam ko, nakatagpo ako ng kakampi sa lungkot na nararamdaman ko."Tahan na Gwin." Tapik niya ang likod ko. Pero sumabay naman ang paghikbi niya sa paghikbi ko. "Beth, sabi ni Nana Puring nandito silang lahat. Bakit sila nandito? Sino ba ang naka-confine?" Pinahid ko na ang mga luha ko. Bumitiw na rin si Beth sa pagyakap sa akin.Pero ang mga tanong ko, parang lumusot lang sa kabilang tainga niya. Hindi niya ako sinagot tumitig lang siya sa mga mata ko. Nakagat pa ang pang-ibabang labi niya."Gwin, puntahan na lang natin sila." Bumaling ang tingin ko sa lalaki na biglang sumabat—Si Brent. Hindi ko siya napansin kanina dahil sa biglang pagyakap sa akin ni Beth. "Pati ikaw, nandito rin?" Napahawak ako sa noo ko. "Ano ba talaga ang nangyari? Bakit ayaw n'yong sabihin sa akin?" Medyo tumaas ang boses ko. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ayaw pa nilang sabi
Kabanata 89Awang-awa ako sa kalagayan ni Ma’am Leanne. Parehong may casts ang mga binti at may benda sa noo. May mga gasgas pa ang braso at mukha.“Kanina ko pa po naririnig ang mga salitang ‘yan. Ano po ba talaga ang nangyari? Bakit lahat na lang kayo ayaw sabihin ang totoo?” Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mag-ina. Pero buntong-hininga ang tugon ni Ma’am Leanne at sandaling sulyap kay Fred. “Bakit ba hirap na hirap kayo na sabihin sa akin ang lahat? Pati si Beth at Brent, ayaw magsabi. Hindi raw nila alam ang totoong nangyari.”“Gwin kasi ayaw lang namin na mag-alala ka. Ayaw namin na matakot ka gaya ng nararamdaman namin ngayon—” "Sa tingin mo ba, Fred, hindi pa ako takot at nag-aalala ngayon? Kanina pa ako alalang-ala. Malapit na nga sumabog 'tong utak ko sa kaiisip kung ano ang nayayri. Ang sikip na rin ng dibdib ko." Mapait akong ngumiti. Tingin pa rin kasi ang tugon nila. Tingin na may kasamang buntong hininga.“Sabihin n’yo na po.” Nakapa ko na lang ang dibdib ko. Napa
“Aling Taning, please sumagot po kayo—” “Wala rito … Tumahimik ako nang marinig ang lalaking nagsalita. Pati ang paghinga ay napigil ko. “Anong wala?” “Halughugin n’yo ang buong bahay!” Mga kalabog at kalampag ang kasunod kong narinig. Paulit-ulit akong napapailing, kasabay ang paglandas ng mga luha. “Hindi Pwedeng wala sila!” “Ang linaw naman ng address na binigay sa atin ni ma’am!” “Natunugan yata ang pagdating natin.” “Malilintikan tayo nito kay ma’am! Bata at dalawang babae lang ang target natin. Matanda pa ang isa, natakasan pa tayo!” Halos bumigay ang mga tuhod ko sa narinig na usapan. Abot-abot ang kabang nararamdaman. Ang tanga ko! Ang tanga-tanga! Hindi ko sana sila iniwan do’n! Kung alam ko lang na sukdulan na pala ang kasamaan ni Mitch. Hindi na sana ako umalis. May nagawa sana ako. Takip na ang palad ko sa bibig. Hawak na kasi ni Fred ang cell phone at naka-loud speaker na. Pero gaya ko, hindi rin muna siya nagsalita. Pati na rin si Ma’am Leanne. “Tara, tingn
Ilang oras na ang dumaan mula nang maka-usap namin si Widmark at Aling Taning. Hanggang ngayon na hating gabi na ay hindi pa rin sila tumatawag uli. Para na akong mababaliw sa kakaisip, sa pag-aalala, at sa kaba. Ano na kaya ang nangyayari sa kanila? Nakailang tawag at text na rin ako, kaya lang hindi na sumasagot si Aling Taning. Maski reply ay wala. Kahit man lang sana malaman namin kung nasaan na sila. Kung nakaalis ba sila ng bahay o hindi. Kaya ang bigat, ang sikip sa pakiramdam. Paulit-ulit na rin akong nagdasal na sana gabayan sila ng panginoon, sana hindi sila mahanap ni Mitch at ng mga tauhan niya. Kaya lang, hindi ko naman maiwasan ang magtanong kung ano ba ang kasalanan ko? Bakit niya ba ako pinarurusahan ng ganito? Sa pagkakaalam ko, wala rin naman akong kasalanan kay Mitch. Oo, alam niya na ayaw ko sa kanya para kay Fred noon. Pero hindi naman ako humantong sa punto na inaaway siya o paghiwalayin sila. Kahit nga ayaw ko sa mga utos ni Fred, ginagawa ko pa rin kasi a
“Dad!” Paulit-ulit ang ginawang pagtawag ni Fred sa Daddy niya. Hindi na kasi nito tinugon ang sinabi niya. Takot na takot na kami, na baka buksan nga niya ang pinto. “Sir Franc! ‘Wag n’yo po buksan.” Sabay naming nakapa ang aming mga dibdib nang marinig ang pagpigil ni Tonyo, kay Sir Franc. Akala kasi namin ay binuksan na nga niya ang pinto kaya hindi na siya tumugon. “Hindi po tayo nakasisiguro kung sino ang nasa labas, Sir Franc. Kahit may mga bantay pa.” “Oo nga po, Uncle Franc. Sabi pa naman ng mga police, wala na sila Mitch sa lugar na pinuntahan nila. Baka napasok na ang mga ‘yon dito sa hospital,” rinig naman naming sabi ni Patrick. Mabuti na lang at matino pa rin ang pag-iisip ng dalawang lalaki, kahit nabugbog ang mga katawan dahil sa aksidente. “Hello, Dad …” “Fred …” “Tama si Tonyo at Patrick, Dad. Ang sabi ni Brent, alam na rin ng taga-hospital ang kalagayan natin. Kaya wala munang pwedeng pumasok sa mga silid natin, kahit doctor at nurse. Makiramdam na muna kayo.
“Ang tigas din talaga ng ulo n’yo! Hindi ba ang sabi ko, ‘wag kayong lumabas—” Inis na lumapit sa amin si Brent. Napapailing pa habang nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Fred. “Para namang hindi mo alam kung sino sa amin ang matigas ang ulo!” dismayang tugon ni Fred. Sandali pa siyang sumulyap sa akin saka bumaling ulit kay Brent. “Gwin naman—” Nakamot niya ang batok. “Alam mo naman na hindi pa nahuhuli si Mitch at mga tauhan niya!” Hawak na niya ang batok. Tumaas yata ang presyon. Sa bagay, sino ba ang hindi tataas ang presyon sa sitwasyon namin ngayon? “Naintindihan ko naman kung ano ang nararamdaman n’yo. Alam ko na nag-aalala kayo para sa anak n’yo. Pero kasi, mga halang ang mga kaluluwa ng mga tauhan ni Mitch. Ngayong lumabas kayo, binibigayan n’yo lang ng dahilan ang babaeng ‘yon na magawan kayo ng masama.” Ako naman ang napakamot sa ulo. Paulit-ulit na lang kasi ang naririnig ko. Nakaka-umay na. Puro bunganga lang ang ginagamit namin. Walang galaw. “Brent, sinabi ko