Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Hindi naman kami magkakaganito kung hindi dahil sa inarte niya. Kagat labi at pabalibag kong binuksan ang pinto."Sira-ulo ka!" Duro ko na si Fred. "Hindi mo bahay 'to, para sabihing sisirain mo!" Gigil ngunit pabulong ang pagsasalita ko. Ayoko kasi na marinig kami ng mga kaibigan namin na nagtatalo, lalo na ni Widmark na alam kong malulungkot kapag nag-aaway kami ng Papa niya. "Sorry, ayaw mo kasing buksan. Gusto ko lang naman, mag-usap tayo." Mahinahon na ang pagsasalita niya. Bakas rin ang lungkot sa mga mata niya. "Pakialam mo ba kung ayaw kong buksan? Ayaw nga kitang makita—""Gwin naman, eh ... sorry na. Hindi ko naman gusto na mag-away tayo. Kaya lang, selos kasi ako—" "Selos, mukha mo!" Pigil ang pagbuntong-hininga ko. Pinilit kong huminahon, kahit inis pa rin talaga ako. Yuko na ang ulo niya. Ilang beses ko ring nakita ang pagtaas at pagbaba ng balikat niya. "Ewan ko sa'yo, Fred! Ngayon, may maganda bang dulot 'yang selos mo? Hindi ba,
Magbasa pa