"Paano Opaw, alis na kami. Ikaw na naman ang bahala sa kotse." Tumango si Opaw, at ngumiti pero ang tingin na kay Gwin. 'Wag kang mag-alala, Fred, aalagaan ko ang kotse mo. Sana gano'n din ang gawin mo sa kaibigan ko at kay Widmark." Ngumiti ako at tinapik siya sa balikat. "Hindi mo na ako kailangang paalahanan tungkol d'yan. Tungkulin kong alagaan sila. Ikaw, ingat ka rin." Na kay Gwin na rin ang tingin ko na bagaman nakangiti, may bakas pa rin ng lungkot sa mga mata. Ayaw pa nga sana kasi niyang bumalik kami sa Maynila, dahil gusto niya pang hintayin si Aling Taning."Tama na nga 'yang usapan n'yo, baka maiwan pa tayo ng eroplano. Magkikita pa rin naman ulit tayo. Kaya simpleng paalam lang, okay na! Ang dadrama n'yo!" Hila na ni Tonyo ang suitcase namin ni Gwin. Sabay na lang kaming natawa ni Opaw. Dati ako 'yong parang may regla lagi. Ngayon, si Tonyo naman. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa kanya."Opaw, tawagan mo ako kapag bumalik si Aling Taning. 'Tsaka mag-iingat ka rin l
Huling Na-update : 2023-06-26 Magbasa pa