Share

Kabanata 71

Author: sweetjelly
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

"Wala, nagbebenta lang ng life insurance." Kaagad kong sinuksok sa bulsa ko ang cell phone nang akmang titingin si Gwin.

Ayokong mabasa niya ang mensahe na alam kong galing kay Mitch.

Hindi ko alam ang motibo ng babaeng 'yon. Sa loob ng limang taon ay wala akong balita tungkol sa kanya. Ngayon ay bigla na lang siyang magparamdam.

Ngayon pa na masaya na ako kasama si Gwin at tuluyan na siyang nakalimutan.

"Sigurado ka? Bakit ang tagal mong tinitigan?" Bakas ang pagdududa sa mukha ni Gwin.

Ngumiti ako. Ayokong magduda siya. Ayokong magkaroon ng dahilan na mag-away kami.

"Oo, life insurance nga 'yong nag-message." Hawak ko na rin ang kamay niya at muli ko iyong hinal¡kan pero hindi ko na magawang tumingin sa kanya ng deritso.

"Sabi ng respeto sa mga single!" Napapailing na tumayo si Opaw. "Alis na nga ako, baka hanapin na ako ng Anak ko." Inisahang lagok muna ni Opaw ang hawak niyang beer saka iyon nilapag sa lamesa.

"Masaya ako para sa inyo, Fred at Gwin. Kahit medyo masakit pa rin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Peysf
aminin mo Yan Fred, wag mong itatanggi nakow
goodnovel comment avatar
Nan
baka yon nanaman Ang dahilan sa kanilang pag-asway Kasi nagsinungsling si Fred n Gwin.
goodnovel comment avatar
sweetjelly
Kakatuwa naman, mga silent readers nagsilabas. Hehe
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 72

    "Gwin, saan n'yo gustong kumain?" Kalalabas lang namin mula sa civil registrar. Dapat masaya kami dahil dala na ni Widmark ang apilyedo ko, pero hindi iyon ang nangyayari. Ayaw pa rin kasi akong pansinin ni Gwin. Kasalanan ko naman, kasi naglihim ako at nagsinungaling pa. Nakalimutan ko kasi na kabisado nga niya ako. Alam niya kung nagsisinungaling ako o hindi."Gwin, kausapin mo na naman ako, please." Pabulong ang pagsasalita ko. Hinapit ko rin ang baywang niya para mas lalo pa akong mapapalapit sa kanya.Napapatingala pa sa amin si Widmark. Na sabay naming nginitian. Wala kasing alam ang bata na may tampuhan kami ng Mama niya. Kaya kahit may tampo sa akin si Gwin, pinipilit pa rin niyang ngumiti. Ginagawa ko naman lahat mapatawad niya lang ako."Sorry na—" Nilingon niya ako at tinaasan ng isang kilay. Napalabi ako. Ang hirap din magkaroon ng amasonang girlfriend. Tingin pa lang nakakaubos hininga na."Tinanong kita ng maayos pero pinili mo pa rin ang magsinungaling. Sa tingin mo

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 73

    "Paano Opaw, alis na kami. Ikaw na naman ang bahala sa kotse." Tumango si Opaw, at ngumiti pero ang tingin na kay Gwin. 'Wag kang mag-alala, Fred, aalagaan ko ang kotse mo. Sana gano'n din ang gawin mo sa kaibigan ko at kay Widmark." Ngumiti ako at tinapik siya sa balikat. "Hindi mo na ako kailangang paalahanan tungkol d'yan. Tungkulin kong alagaan sila. Ikaw, ingat ka rin." Na kay Gwin na rin ang tingin ko na bagaman nakangiti, may bakas pa rin ng lungkot sa mga mata. Ayaw pa nga sana kasi niyang bumalik kami sa Maynila, dahil gusto niya pang hintayin si Aling Taning."Tama na nga 'yang usapan n'yo, baka maiwan pa tayo ng eroplano. Magkikita pa rin naman ulit tayo. Kaya simpleng paalam lang, okay na! Ang dadrama n'yo!" Hila na ni Tonyo ang suitcase namin ni Gwin. Sabay na lang kaming natawa ni Opaw. Dati ako 'yong parang may regla lagi. Ngayon, si Tonyo naman. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa kanya."Opaw, tawagan mo ako kapag bumalik si Aling Taning. 'Tsaka mag-iingat ka rin l

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 74

    "Gwin, 'wag mo naman akong iwan, please." Pinigil ko siya nang akmang susundan niya si Mommy. "Sorry, gago ako dahil pinagduhan kita." Hawak ko na ang kamay niya at nilapat iyon sa labi ko. Pero hindi pa rin siya salita. Hinablot niya rin ang kamay niya at nag-iwas ng tingin.May namumuong luha rin sa mga mata niya. "Gwin, alam kong galit ka. Alam kong masama ang loob mo. Ilabas mo! Sigawan mo ako, murahin mo ako, at sampalin mo ako." Hinawakan ko nga ang kamay niya at hinampas iyon sa mukha ko. Paulit-ulit ko iyong ginawa pero para siyang walang pakiramdam na pinanonood lang ako. "Gwin naman. Ano pa ba ang gusto mong gawin ko, mapatawad mo lang ako?""Wala! Wala ka nang dapat gawin—" Marahas niyang pinahid ang mga luha niya na nag-uunahan na namang pumutak mula sa mga mata niya.Pumapadaosdos ako paupo sa sahig kasabay ang pagyuko. Ang sakit panoorin na umiiyak siya dahil sa kabaliwan ko. Paluhod akong yumakap sa tiyan niya. Parang maiiyak na rin. "Sorry, Gwin. Alam ko hindi sapa

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 75

    "Kumusta ka na Fred?" Sandali akong napatitig sa babaeng kaharap. Ang amo ng mukha at may matamis na ngiti. "Hindi ka pa rin nagbago, ang guwapo ko pa rin—""Wala akong panahon na makipagkumustahan o makipagplastikan sa'yo! Ang tanong ko ang sagutin mo!"Kahit pasikmat ang pagsasalita ko, hindi pa rin nawala ang ngiti niya. Panakanaka rin niyang sinusulyapan si Gwin, na alam kong nasasaktan habang nakatingin ang babaeng iniisip niya na karibal pa rin niya sa pagmamahal ko."Bawal ka na ba ngayong makita, makumusta at makausap?"Malumanay ang pagsasalita niya, pati nga ang postura at kilos niya ay nagbago rin. Naging pino at mahinhin. Malayong-malayo sa dating Mitch na kilala at minahal ko.Pero kahit anong laki ng ipinagbago niya, kahit maging santa pa siya sa pangin ng iba. Ang tingin ko sa kanya, hindi pa rin nagbabago. Siya pa rin ang dating Mitch na walang hiyang nagpaikot at gumago at ginawa akong tanga ng paulit-ulit. Ang babaeng kati lang sa katawan ang iniisip. Babaeng hindi

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 76

    "Fred, ano na ang gagawin natin?" Niyapos ko si Gwin. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi ako natatakot sa maaring gawin ni Mitch. Kahit na ang totoo ay takot din ako, balisa, at nalilito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.Rinig pa rin namin ang sigaw Mitch. Kahit kasi kusa na siyang naglakad papunta sa gate, hindi pa rin tumitigil ang pagbabanta niya na babalik siya at gagawin ang lahat, kikilalanin ko lang ang anak niya."Fred, bakit ngayon pa 'to nangyari?" Haplos ko na ang likod ni Gwin na umaalog dahil sa mahinang pag-iyak. "Tahan na Gwin. 'Wag ka nang umiyak. Sisiguraduhin kong hindi na muling makakaapak ang Mitch na 'yon dito. Hindi niya tayo magugulo. Hindi mo na uli siya makikita."Humigpit lalo ang yakap ni Gwin sa akin na may kasabay pa rin na paghikbi. "Fred, paano kung anak mo nga ang batang 'yon? Anong gagawin mo?" Hindi ko magawang sagutin kaagad ang tanong niya. Natiim ko ang mga mata ko at nakagat ang pang-ibabang labi, pero haplos ko na ang buhok niya. Ay

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 77

    Ilang buwan na ang lumipas matapos magpakita sa amin si Mitch, dala ang bata na sinasabi niyang anak ko, at simula ng araw na 'yon, hindi na siya bumalik o nagpakita pang muli.Tuloy ang masayang buhay kasama ang mag-ina ko. Hindi na rin natuloy ang plano ng pinsan ko, at ni Tonyo na kuhanan ng sample ang bata para sa gagawing DNA.Hindi kasi ako pumayag sa gusto nila. Kaya hindi na rin sila nagpupumilit. Ayoko kasing bigyan ng dahilan si Mitch na lalo kaming guluhin ni Gwin dahil sa paglapit ko sa kanila, makakuha lang ng sample. Siguro, natauhan na rin ang babaeng 'yon. Na realize niya, na hindi na nga ako ang dating Fred na kaya niyang utuin, paikutin at kayang gawing tanga. Kaya kusa na lang siyang tumahamik at hindi na nanggulo."Fred ..." Malambing na boses ang nagbalik sa diwa ko na kung saan-saan na nakarating. Pero imbes na lambing din ang tugon. Simangot ang naging tugon ko. Paanong hindi ako sisimangot?Ang ganda kasi ni Gwin, sa suot niyang black deep v-neck gown na ang

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 78

    Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang sinabi ni Mitch. Kita ko pa na halos matumba si Daddy dahil din sa pagkabigla. Hindi ko inaasahan na ito pala ang plano ni Mitch, kaya ilang buwan din siyang nanahimik. "Sorry ... sorry, Gwin—" Pag-iling lang ang tugon ni Gwin. Nanginginig ang kamay niya habang punas ang mga luhang pipinilit niyang pigilan. Yakap na rin nila Mommy at Daddy si Widmark. Ang laking kahihiyan ng nangyayari ngayon. Hindi lang ang business namin ang masisira at maapektuhan, lalo na ang mga buhay namin."Mitch! Pinagsasabi mo?" Bumaling ang tingin ko kay Brent. Karga niya ang batang sinasabi Mitch na anak ko. "Anong apo nila?" naguguluhang tanong nito.Hawak na rin niya ang braso ni Mitch at akmang kakaladkarin palabas. "Let go of me, Brent!" Winaksi niya ang kamay ni Brent at tinulak ni ito. Binaba ni Brent ang bata at muling hinarap si Mitch"Akala ko ba, masaya ka para kay Gwin at Fred, kaya nga tayo narito para congratulate sila, di' ba? Ano 'tong ginag

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 79

    "Fred! Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin tinatawagan, hindi mo naman sinasagot." Salubong ni Mommy sa akin. Hindi kaagad ako nakasagot. Nagulat kasi ako na makita ang mga magulang ko dito sa hallway ng hospital."Bakit ba hindi mo sinasagot ang tawag namin, hah? Doble-dobleng pag-aalala ang nararamdaman namin, alam mo ba 'yon?"Kahit nalilito ako kung bakit din sila narito sa hospital at kung bakit hysterical si Mommy. Hindi na ako nagtanong. Palakad-lakad ang mga magulang ko habang si Tonyo, nakaupo lang pero matalim naman ang tingin sa akin."Sorry, Mom, Dad. Nawala kasi ang cellphone ko. Nahulog yata sa pool kanina." Kalmado kong sabi na nagpatigil sa lakad nila."Nawala? So, paano mo nalamang nandito kami?"Nagsalubong ang mga kilay ko. Napatayo na rin si Tonyo, kuyom ang kamao na humarap sa akin.Pero hindi ko siya pinansin. Alam kong galit siya dahil sa mga nasabi ko kay Gwin kanina. Galit din naman ako sa sarili ko. Galit ako sa mga nangyayari ngayon." 'Yon din sana ang

Pinakabagong kabanata

  • My Best Friend's Baby   Special Chapter

    "Francine, dahan-dahan naman," mahinahong sabi ni Tonyo sa Anak niya. Oo, sa wakas ay natanggap na rin ni Tonyo ang Anak nila ni Mitch na si Francine. Naisip nga kasi niya, wala namang kinalaman ang bata sa maling ginawa ng Ina nito. At kahit ilang beses pa niya itanggi o pagbaliktarin ang mundo, dugo at laman pa rin niya ang bata. Mabuti na lang at mababait na rin ang mga magulang ni Mitch. Sa katuyan nga ay tanggap na rin siya ng mga ito, bilang ama ng Apo nila. Kaya masasabi na hindi lang ang mga kaibigan ni Tonyo ang masaya, siya rin. Hindi man gaya ng saya na nararamdaman ng mga kaibigan niya ang saya na nararamdaman niya ngayon, masasabi namang kumpleto na rin ang buhay niya kahit anak lang ang mayro'n siya. Anak na nagpapasaya ng buhay niya. Isang taon matapos ang kasal nina Patrick at Beth, ay nagpakasal din kaagad sina Gwin at Fred, at ngayon nga ay pareho ng buntis ang mga kaibigan niyang babae. Si Gwin ay buntis sa pangatlong anak nina Fred, at si Beth naman ay bun

  • My Best Friend's Baby   Wakas

    Tahimik na nakatayo, at maluha-luha ang mga mata ng mag-ama na Fred at Widmark habang hawak ang puting rosas.Bakas ang lungkot habang nakatingin kay Gwin na nakasalampak sa damuhan at umiyak habang himas ang lapida ni Aling Taning. Isang buwan na ang lumipas matapos ang trahedyang nangyari sa mga buhay nila. Sariwang-sariwa pa sa mga alaala nila ang sakit, takot, at galit. Akala ni Gwin, no'ng araw na 'yon ay magtatapos na ang buhay niya pero hindi pala, sakto kasi na dumating si Fred, at nailigtas siya.Si Fred ang bumaril sa lalaki na nangahas na e-hostage siya. 'Yon nga lang ay nahimatay naman siya dahil sa sobrang takot at pagod. "Gwin, tahan na," mahinahon na sabi ni Fred. Umupo na rin siya sa tabi ni Gwin at hinaplos ang likod nito, saka naman niya nilagay ang bulaklak sa lapida ni Aling Taning. Gano'n din ang ginawa ni Widmark, na humiga pa sa lap ng Mama niya matapos ilagay ang bulaklak sa lapida ng Lola Taning niya. "Don't cry na po, Mama," malambing na sabi ni Widmark.

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 119

    Kahit nanginginig ang buong katawan at halos hindi na maihakbang ang mga paa, sinisikap pa rin ni Gwin na tumakbo ng mabilis habang hawak ang tiyan. Sa isip niya hindi pwedeng mahuli na naman siya ng tauhan ni Brent. “Mitch—” Awtomatiko huminto ang pagtakbo niya nang makarinig ng putok ng baril mula sa bahay kung saan niya iniwan si Mitch. Iba kaagad ang naisip niya. May tama na nga kasi si Mitch, alam ni Gwin na hindi na nito kayang protektahan ang sarili.Napatakip ng bibig si Gwin, kasabay ang pagpatak ng mga luha. Kita nga rin niya kung paano pinigilan ni Mitch ang demonyong si Brent. Kahit nasasaktan na at may tama pa, buong lakas pa rin nitong pinigil si Brent, hindi lang siya nito mahabol. “Mitch— a-anong gagawin ko?” Napahawak sa ulo si Gwin. Hindi na rin siya maperme sa kinatatayuan niya. Akmang babalik siya sa bahay at aatras naman. Walang tigil ang pagpatak ng luha niya habang tanaw ang bahay. Nalito pa rin siya kung babalik ba o hindi. Pero alam niya naman na kapag b

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 118

    Habang nakakaputukan sa loob ng Farm. Dahan-dahan namang gumalaw si Fred. Siniguro niya na hindi siya mahuhuli ng mga naka-antabay na mga pulis. Kanina pa siya kating-kati na pumasok kasama ang mga pulis pero ayaw siyang payagan. Kanina niya pa gustong alamin kung okay lang ba si Gwin. Kung hindi ba siya nasaktan o buhay pa ba siya. Sa isip niya, para siyang inutil. Parang lumpo na hindi makagalaw na naghihintay lang sa tabi at nagtatago habang si Gwin ay nasa panganib.“Fred, dito ka lang sabi! Sana talaga, hindi ka na sumama,” pigil ni Patrick, sabay hawak sa braso niya. "Pabayaan n'yo ako!" Winaksi niya ang kamay ni Patrick. Ayaw na niya talagang paawat. Hindi na niya kayang maghintay na lang kung kilan lalabas si Gwin sa Farm. "Fred naman! 'Wag ka na ngang dumagdag sa problema! Dito ka na lang, hayaan mo na lang ang mga pulis na gawin ang trabaho nila," giit ni Patrick, determinado siya na hindi papayagan ang pinsan na ipahamak na naman ang sarili niya. "Hindi n'yo ako naiin

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 117

    Abot-abot ang kaba na nararamdaman nina Gwin at Mitch habang naririnig ang nanggalaiting sigaw ni Brent mula sa labas. Ilang ulit na rin nitong sinuktok at pinagsisipa ang pinto. Kung walang harang, siguradong kanina pa ito nakapasok at malamang ay kinaladkad na sila palabas o ‘di kaya ay sinaktan na sila.Buong lakas na diniin ng dalawang babae ang kama sa pinto, para kahit paano ano ay hindi kaagad mabuksan ni Brent. Pero hindi nila maiwasan na mapapikit sa tuwing maririnig ang umalingawngaw na sigaw nito. Tinatawag ang mga tauhan niya. “Ano? Sisilip na lang ba kayo riyan? Buksan n’yo ang pinto mga inutil!” utos ni Brent sa mga tauhan niya. Maya maya ay nagmamadaling mga yabag na ang naririnig nina Gwin at Mitch. Kapwa may luha na sa mga mata ang dalawa at nanginginig na ang mga kamay.Habang ginagawa nina Gwin at Mitch ang lahat, hindi lang mabuksan kaagad ang pinto. Humaharorot naman ang mga police car, papunta sa lugar na tinutumbok ng tracker sa hawak nilang cell phone. Cel

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 116

    "Anong pagkamatay ng Nanay mo? Sinong Nanay ang sinasabi mo?" naguguluhan na tanong ni Gwin. Alam naman niya na walang ibang tinatawag na Nanay si Mitch, kung hindi si Aling taning lang. Pero hindi niya kayang tanggapin ang narinig. Hindi kayang e-absurb sa utak niya. Hindi niya matanggap na wala na si Aling Taning. Sobrang pagpipigil na rin ang ginagawa niya, huwag lang mapahagulgol at huwag sumigaw. Paulit-ulit niya rin na pinilig-pilig ang ulo. “Gwin—” Tinangka ni Mitch na hawakan si Gwin, pero tinampal lang nito ang kamay niya. Walang salita na lumabas mula sa bibig niya pero ang mga tingin naman ay parang sinasaksak ang puso ni Mitch sa talim. Yumuko na lamang si Mitch at sandaling nagtiim ng mga mata. "Gwin, si Nanay Taning—" Sinubukan ni Mitch na magsalita pero hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin. Pumipiyok ang boses niya sa kada salita niya. "Mitch?!" pigil na sigaw ni Gwin. Na ikinataranta ni Mitch. “Gwin–" nasambit niya. Pero nasa pinto ang tingin. Na

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 115

    "Mitch! Nahihibang ka na ba? Tanggalin mo nga 'yan!" Hindi napigil ni Gwin ang magtaas ng boses. Nagtataka kasi siya sa ginagawa ni Mitch. At saka, natatakot din na baka madamay siya sa galit ni Brent dahil sa kalokohang pinaggagawa nito. Pero imbes na sumunod, pinandilitan lang siya nito habang tuloy pa rin sa pagsigaw sa pangalan ni Brent. Hindi maintindihan ni Gwin kung ano ang binabalak ni Mitch. Nilagyan ba naman ng harang ang pinto. At paminsan-minsan din niya iyong hinahampas na parang nagwawala pa rin siya. Sinasabayan niya pa ng sipa. "Brent, let me out! Nakakasakal rito sa loob–" "Mitch, tumigil ka na nga! Ano bang ba kasing drama 'tong ginagawa mo? Pwede ba, tigilan mo na 'yan bago pa pumasok ang demonyong si Brent dito at pati ako madamay sa galit niya!" sita na naman ni Gwin. Nilakasan niya pa lalo ang boses. Intensyon niya talaga na marinig ni Brent ang pagsaway niya kay Mitch, para hindi siya madamay, sakaling maubos ang pasensya nito dahil sa ginagawa ni Mitch.

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 114

    THIRD PERSON POVHinablot ni Brent mula sa kamay ni Gwin ang hawak nitong cell phone at kaagad lumabas. Naiwang tulala si Gwin sa loob ng kwarto. Kahit sandali niya lang narinig ang boses ng babae sa kabilang linya. Kilala na kaagad niya kung sino ang tumawag–si Mitch.Ang pinagtatakahan niya ay kung bakit umiiyak ito at parang takot na takot?Lumapit si Gwin sa pinto at diniin ang tainga niya doon. Gusto niyang marinig ang mga sasabihin ni Brent, magkaroon man lang siya ng clue kung ano ang nangyayari. O baka, makakuha rin siya ng balita tungkol kay Fred, at sa pamilya niya. Umaasa pa rin kasi siya na buhay si Fred, kahit paulit-ulit at pinagdidiinan ni Brent na wala na nga ito.Sa kabilang banda, galit na kinausap ni Brent si Mitch. Naiinis siya lalo't alam na nito na kasama niya si Gwin, at siya ang dumukot dito. “Anong pumasok sa utak mo at tumawag ka—” "Brent, tama ba ang narinig ko? Kasama mo si Gwin? Ikaw ang dumukot sa kanya?" gulat na tanong ni Mitch. Bakas na bakas ang

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 113

    Brent's words paralyzed me. Nanigas ang dila ko and I was unable to speak. I just gazed at him, shaking my head as tears streamed down my cheeks. Gusto kong sumigaw at gusto kong magwala pero hinang-hina na ako. Habang nakatingin kay Brent, nandoon ang kagustuhan kong saktan siya, at iparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Pero paano? Paano ko kakalabanin ang demonyong gaya niya? Sa lakas pa lang niya, wala na akong laban. Parang gusto ko na lang mawalan ng buhay. Wala na rin naman si Fred, at kasalanan ko. Kasalanan ko kaya nangyari ang lahat ng ’to. Kasalanan ko kaya napahamak si Fred. Kung hindi lang sana ako nagtiwala ng sobra kay Brent, hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Kung nakinig lang ako, wala sana ako rito ngayon, at walang nangyaring masama kay Fred. “Hayop ka, Brent! Ang sama mo, Demonyo ka—” “Shut up, Gwin! Ang sakit na sa tainga ng mga ngawa mo. Nakakarindi nang marinig ang mga sinasabi mo! Puro ka pa rin Fred. Wala na nga ang tarant

DMCA.com Protection Status