Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Hindi naman kami magkakaganito kung hindi dahil sa inarte niya. Kagat labi at pabalibag kong binuksan ang pinto."Sira-ulo ka!" Duro ko na si Fred. "Hindi mo bahay 'to, para sabihing sisirain mo!" Gigil ngunit pabulong ang pagsasalita ko. Ayoko kasi na marinig kami ng mga kaibigan namin na nagtatalo, lalo na ni Widmark na alam kong malulungkot kapag nag-aaway kami ng Papa niya. "Sorry, ayaw mo kasing buksan. Gusto ko lang naman, mag-usap tayo." Mahinahon na ang pagsasalita niya. Bakas rin ang lungkot sa mga mata niya. "Pakialam mo ba kung ayaw kong buksan? Ayaw nga kitang makita—""Gwin naman, eh ... sorry na. Hindi ko naman gusto na mag-away tayo. Kaya lang, selos kasi ako—" "Selos, mukha mo!" Pigil ang pagbuntong-hininga ko. Pinilit kong huminahon, kahit inis pa rin talaga ako. Yuko na ang ulo niya. Ilang beses ko ring nakita ang pagtaas at pagbaba ng balikat niya. "Ewan ko sa'yo, Fred! Ngayon, may maganda bang dulot 'yang selos mo? Hindi ba,
"Fred—" Kaagad kong itinago ang larawang nakita ko nang pumasok si Fred. Umupo na rin siya sa tabi ko, ipinatong ang baba sa balikat ko, sabay halik sa pisngi ko. "Ano ba ang ginagawa mo rito? Akala ko nasa labas ka lang, pumasok ka na pala sa bahay ng may bahay." Nilingon ko siya at tipid na ngumiti. "Na miss ko nga kasi si Aling Taning, kaya heto at tinitingnan ko ang mga larawan niya." Muli ko pa iyong binuklat kahit nakita ko na. Nakikitingin na rin siya sa mga larawan. "Talagang close pala kayo no Aling Taning?""Oo, siya nga kasi ang tumulong sa akin no'ng dumating ako rito. Wala nga kasi ako sa wesyo no'ng panahong 'yong." Napabuntong-hininga ako matapos sabihin 'yon. "Ang laki ng utang na loob ko sa matandang 'yon, Fred. Alam mo ang hirap mabuhay mag-isa, lalo't may dala-dala pa akong mabigat na bagahi no'n. Bagahing bigay mo." Inirapan ko siya pero matamis na ngiti naman ang tugon niya. "Pati pala ako, malaki din ang utang na loob kay Aling Taning, kasi siya ang karamay
FRED POVHindi ko mapigil ang mapahagikhik nang papadyak na pumasok si Gwin sa bahay. Kailangan niya lang palang kulitin at inisin para kusang pumasok sa bitag na kanina niya pa iniiwasan. "Fred, buksan mo nga 'yan!" Turo niya ang pinto. Pero pag-iling ang tugon ko. Sinadya ko pang hindi kaagad umalis sa tapat ng pinto. Alam ko kasi na susubukan pa rin niyang umiwas. "Fred, ano ba?" Nakagat niya ang pang ibabang labi at naningkit ang mga mata habang nakatingin sa akin. Ngayon ay bahagya na siyang umatras.Alam niya na kasi na wala na siyang kawala. Matagal ko na nga gustong mangyari 'to. Matagal ko nang gusto na mapag-isa kami at magawa ko ang gusto ko."Fred, baka dumating na sila. Tapos, ni lock mo ang pinto." Tumawa ako. Natutuwa kasi talaga ako sa hitsura niya ngayon, takot na may kasamang hiya." 'Wag kang mag-alala, pati naman gate ay ni-lock ko. Hindi sila kaagad makakapasok, kaya safe pa rin tayo." Kindat ang tumapos sa sinasabi ko, sinabayan ko pa ng nang-aakit na ngiti.
"Anak ..." Sumabay ang pagsasalita ko sa pagbagsak sa sahig.Tinulak ba naman ako ng mahal kong si Gwin. Kahit masakit ang mga tuhod ko, nagpanggap akong hindi nasasaktan. "Papa Fred, bakit ka po walang damit?" Ngumiti ako. Ngiting aso nga lang. Takip na rin ang mga palad ko sa harapan ko. Nilingon ko rin si Gwin na nagkunwaring tulog at nagtakip ng unan sa mukha. "Maliligo kasi ako, Anak." Pagapang kong pinulot ang mga damit ko at kaagad tinakpan ang kuyupos kong talong. Buhay pa 'to kanina, ngayon ay kuyupos na."Si mama po?" Akmang lalapitan niya sana si Gwin, pero pinigil ko."Tulog si mama mo, Anak, 'wag mo na lang muna siya gisingin, okay?" Kita ko ang matalim na tingin ni Gwin nang bahagya siyang sumilip sa nakatakip na unan sa mukha niya. "Labas na lang po muna ako, Papa Fred. 'Tsaka maligo ka na po." Sumabay ang pagsasalita ni Widmark sa paglabas niya mula sa kwarto.Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang tuluyang maisara ang pinto. Kaagad ko na rin iyong ni-lock. Dur
"Wala, nagbebenta lang ng life insurance." Kaagad kong sinuksok sa bulsa ko ang cell phone nang akmang titingin si Gwin. Ayokong mabasa niya ang mensahe na alam kong galing kay Mitch. Hindi ko alam ang motibo ng babaeng 'yon. Sa loob ng limang taon ay wala akong balita tungkol sa kanya. Ngayon ay bigla na lang siyang magparamdam.Ngayon pa na masaya na ako kasama si Gwin at tuluyan na siyang nakalimutan. "Sigurado ka? Bakit ang tagal mong tinitigan?" Bakas ang pagdududa sa mukha ni Gwin.Ngumiti ako. Ayokong magduda siya. Ayokong magkaroon ng dahilan na mag-away kami. "Oo, life insurance nga 'yong nag-message." Hawak ko na rin ang kamay niya at muli ko iyong hinal¡kan pero hindi ko na magawang tumingin sa kanya ng deritso."Sabi ng respeto sa mga single!" Napapailing na tumayo si Opaw. "Alis na nga ako, baka hanapin na ako ng Anak ko." Inisahang lagok muna ni Opaw ang hawak niyang beer saka iyon nilapag sa lamesa. "Masaya ako para sa inyo, Fred at Gwin. Kahit medyo masakit pa rin
"Gwin, saan n'yo gustong kumain?" Kalalabas lang namin mula sa civil registrar. Dapat masaya kami dahil dala na ni Widmark ang apilyedo ko, pero hindi iyon ang nangyayari. Ayaw pa rin kasi akong pansinin ni Gwin. Kasalanan ko naman, kasi naglihim ako at nagsinungaling pa. Nakalimutan ko kasi na kabisado nga niya ako. Alam niya kung nagsisinungaling ako o hindi."Gwin, kausapin mo na naman ako, please." Pabulong ang pagsasalita ko. Hinapit ko rin ang baywang niya para mas lalo pa akong mapapalapit sa kanya.Napapatingala pa sa amin si Widmark. Na sabay naming nginitian. Wala kasing alam ang bata na may tampuhan kami ng Mama niya. Kaya kahit may tampo sa akin si Gwin, pinipilit pa rin niyang ngumiti. Ginagawa ko naman lahat mapatawad niya lang ako."Sorry na—" Nilingon niya ako at tinaasan ng isang kilay. Napalabi ako. Ang hirap din magkaroon ng amasonang girlfriend. Tingin pa lang nakakaubos hininga na."Tinanong kita ng maayos pero pinili mo pa rin ang magsinungaling. Sa tingin mo
"Paano Opaw, alis na kami. Ikaw na naman ang bahala sa kotse." Tumango si Opaw, at ngumiti pero ang tingin na kay Gwin. 'Wag kang mag-alala, Fred, aalagaan ko ang kotse mo. Sana gano'n din ang gawin mo sa kaibigan ko at kay Widmark." Ngumiti ako at tinapik siya sa balikat. "Hindi mo na ako kailangang paalahanan tungkol d'yan. Tungkulin kong alagaan sila. Ikaw, ingat ka rin." Na kay Gwin na rin ang tingin ko na bagaman nakangiti, may bakas pa rin ng lungkot sa mga mata. Ayaw pa nga sana kasi niyang bumalik kami sa Maynila, dahil gusto niya pang hintayin si Aling Taning."Tama na nga 'yang usapan n'yo, baka maiwan pa tayo ng eroplano. Magkikita pa rin naman ulit tayo. Kaya simpleng paalam lang, okay na! Ang dadrama n'yo!" Hila na ni Tonyo ang suitcase namin ni Gwin. Sabay na lang kaming natawa ni Opaw. Dati ako 'yong parang may regla lagi. Ngayon, si Tonyo naman. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa kanya."Opaw, tawagan mo ako kapag bumalik si Aling Taning. 'Tsaka mag-iingat ka rin l
"Gwin, 'wag mo naman akong iwan, please." Pinigil ko siya nang akmang susundan niya si Mommy. "Sorry, gago ako dahil pinagduhan kita." Hawak ko na ang kamay niya at nilapat iyon sa labi ko. Pero hindi pa rin siya salita. Hinablot niya rin ang kamay niya at nag-iwas ng tingin.May namumuong luha rin sa mga mata niya. "Gwin, alam kong galit ka. Alam kong masama ang loob mo. Ilabas mo! Sigawan mo ako, murahin mo ako, at sampalin mo ako." Hinawakan ko nga ang kamay niya at hinampas iyon sa mukha ko. Paulit-ulit ko iyong ginawa pero para siyang walang pakiramdam na pinanonood lang ako. "Gwin naman. Ano pa ba ang gusto mong gawin ko, mapatawad mo lang ako?""Wala! Wala ka nang dapat gawin—" Marahas niyang pinahid ang mga luha niya na nag-uunahan na namang pumutak mula sa mga mata niya.Pumapadaosdos ako paupo sa sahig kasabay ang pagyuko. Ang sakit panoorin na umiiyak siya dahil sa kabaliwan ko. Paluhod akong yumakap sa tiyan niya. Parang maiiyak na rin. "Sorry, Gwin. Alam ko hindi sapa