FRED POVNanlaki ang mga mata ko at napalunok pa ng paulit-ulit. Tama ba ang rinig ko o nabingi lang ako dahil sa matagal na pagsisid sa ilalim ng tubig?"T-tulog tayo? Sa kwarto ko? Sigurado ka? Seryoso ka?" Putol-putol kong tanong. Wala akong paki-alam kung magmukha man akong tanga dahil sa pinagsasabi ko. Gusto ko lang makasiguro kung tama ba talaga ang dinig ko. "Nabingi ka na ba?" Hindi ko na magawang tumugon. Tumitig na lang ako sa kanya. Nag-rumble na kasi ang utak ko. Kung ano-ano kaagad ang pumasok isip ko. Kaming dalawa, magkatabi sa iisang kama. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. "Gwin, magsalita ka naman," bagot kong sabi. Gusto ko nga na marinig ulit ang sinabi niya.Kagat ng pang-ibabang labi ang tugon. Humigpit pa ang pagkapit niya sa batok ko at lalong dumiin ang katawan niya sa akin.Muli akong napalunok. May pakagat labi pa kasi, sinabayan pa ng kapit na mahigpit. Hindi ko tuloy mapigil ang paggalaw ng ulong walang utak na nasa baba ko at ngayon ay bahagyang kumiski
Sandaling sulyap sa isa't-isa ang ginawa namin ni Gwin saka dahan-dahan kaming humarap kay Mommy. Nakahalukipkip si Mommy habang seryosong nakatitig sa amin. Talagang walang ka ngiti-ngiti. Tingin ko nga gusto niya pa kaming pagkukurutin sa singit. "Mga hitsura ninyong dalawa! Para kayong mga bata." Nilingon niya pa ang bakas ng mga paa namin sa sahig. "Tingnan n'yo 'yang ginawa ninyo sa sahig. Ang dudumi ng mga paa n'yo, hindi man lang muna kayo naglinis ng mga paa bago pumasok. Ano ba ang pumasok sa mga utak ninyo?" Simula ng mahaba niyang talak."Mommy—""Tumahimik ka!" Duro niya ako. Napakibot na lamang ako ng bibig."Pinakaba n'yo na nga kami sa kahahanap sa inyo kanina. Nagbabad lang pala kayo sa pool, hindi man lang kayo sumagot. Ngayon, binigyan n'yo pa ng trabaho ang mga kasambahay ng dis oras ng gabi."Nakamot ko ang tainga ko. Alam ko kasi na simula pa 'to sa mahabang sermon ni Mommy."Kaya nga po, Mommy. Gabi na po, kaya awat na po sa sermon at talak, please.""Awat sa s
"Teka nga lang, Fred." Nilapat niya ang mga palad niya sa dibdib ko. "Masyado ka namang hot." Kagat niya na rin ang pang-ibabang labi matapos sabihin 'yon pero ang mga mata, namumungay gaya ng sa akin. Para kaming mga lasing; lasing sa pagmamahal."Dati pa naman akong hot, ngayon mo lang ba napansin." Hawak ko na ang mga kamay niya at pinulupot iyon sa baywang ko."Hindi lang pansin kitang-kita pa ng dalawang mata ko. Kapal ba naman ng mukha mong humarap sa akin na lantad ang katawan mo." Napabungisngis siya. Lalo ko namang diniin ang katawan ko sa kanya. Sinabayan ko na rin ng kunting hagod."Gano'n talaga, kapag may ibubuga—" "Hindi ka rin mahangin 'no?""Talagang hindi, sabi mo nga ang hot ko, hindi ba? 'Tsaka, kita naman ang ebidensya." Nilingon ko si Widmark. "Ang gwapo at ang cute ng obra natin." Haplos ko na naman ang pisngi niya, saka marahan kong nilapat ang labi ko sa puno ng tainga niya. "Kaya gawa na tayo ng isa pang obra." Pinahangin ang pagsasalita ko. Halos kapusin na
GWIN POVKanina pa ako nakatayo sa tapat ng pinto sa loob ng kwarto ko. Hawak ko na ang door knob pero nag-aalangan naman akong lumabas. Maaga nga akong gumising at bumalik dito sa kwarto ko na walang nakaka-alam, kahit na ang mag-ama ko ay hindi alam na iniwan ko na pala sila. Takot akong mahuli ng mga magulang ni Fred na sumalisi kami kagabi. Ayokong mag-agahan ng sermon.Kaya lang, wala pa rin pala kaming lusot ni Fred. Nagkalat nga pala ang CCTV sa loob at labas ng mansyon. Sa malamang, naghahanda na si Ma'am Leanne ng mahaba-habang sermon para sa amin mamaya. " 'Ma." Antok na boses at mahinang katok ni Widmark, ang nagpauntag sa akin. Bumuga muna ako ng hangin, bago binuksan ang pinto. "Good morning, Anak." Kahit kabado, nakuha ko pa rin na ngumiti ng matamis nang makita ang Anak kong nakangiti rin habang kusot ang mga mata."Good morning, 'Ma—""Good morning, 'Ma." Matamis na ngiti at mabilis na halik sa labi ang kasabay ng sinabi ni Fred. Bigla din kasing sumulpot at gaya n
Kaagad bumitiw sa akin si Opaw. Mabuti na lang at hindi niya nakita ang nagbabagang mga tingin ni Fred. Bumaba kasi ang paningin niya sa kamay ni Fred, na ngayon ay pisil na ang balikat niya. Kita ko rin ang paggalaw ng panga niya. Alam kong lumiyab pa lalo ang selos niya dahil sa ginawang pagyakap sa akin ni Opaw. Hindi ko naman gusto 'yon dahil alam kong dagdag 'yon sa selos niya. "Fred!" Imbes na magalit dahil sa ginawa ng nobyo kong bugnutin. Lalo pa itong ngumiti at biglang niyakap sila ni Widmark. Sekreto na lamang akong natawa. Umawang kasi ang labi Fred, akmang magsasalita pero dahil biglang pagyakap ni Opaw, natameme na lang."Congats, sa wakas ay napasagot mo rin ang supladang 'yan. Ang tigas ng puso ng babaeng 'yan pero nagawa mong palambutin." Nasa akin na ang tingin ni Opaw, habang yakap pa rin si Fred at Widmark. "Uncle Opaw, na miss po kita." Nakangiting hinawakan ni Widmark ang ulo ng uncle niya at hinaplos-haplos iyon.Hinuli naman ni Opaw ang kamay ng Anak ko.
Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Hindi naman kami magkakaganito kung hindi dahil sa inarte niya. Kagat labi at pabalibag kong binuksan ang pinto."Sira-ulo ka!" Duro ko na si Fred. "Hindi mo bahay 'to, para sabihing sisirain mo!" Gigil ngunit pabulong ang pagsasalita ko. Ayoko kasi na marinig kami ng mga kaibigan namin na nagtatalo, lalo na ni Widmark na alam kong malulungkot kapag nag-aaway kami ng Papa niya. "Sorry, ayaw mo kasing buksan. Gusto ko lang naman, mag-usap tayo." Mahinahon na ang pagsasalita niya. Bakas rin ang lungkot sa mga mata niya. "Pakialam mo ba kung ayaw kong buksan? Ayaw nga kitang makita—""Gwin naman, eh ... sorry na. Hindi ko naman gusto na mag-away tayo. Kaya lang, selos kasi ako—" "Selos, mukha mo!" Pigil ang pagbuntong-hininga ko. Pinilit kong huminahon, kahit inis pa rin talaga ako. Yuko na ang ulo niya. Ilang beses ko ring nakita ang pagtaas at pagbaba ng balikat niya. "Ewan ko sa'yo, Fred! Ngayon, may maganda bang dulot 'yang selos mo? Hindi ba,
"Fred—" Kaagad kong itinago ang larawang nakita ko nang pumasok si Fred. Umupo na rin siya sa tabi ko, ipinatong ang baba sa balikat ko, sabay halik sa pisngi ko. "Ano ba ang ginagawa mo rito? Akala ko nasa labas ka lang, pumasok ka na pala sa bahay ng may bahay." Nilingon ko siya at tipid na ngumiti. "Na miss ko nga kasi si Aling Taning, kaya heto at tinitingnan ko ang mga larawan niya." Muli ko pa iyong binuklat kahit nakita ko na. Nakikitingin na rin siya sa mga larawan. "Talagang close pala kayo no Aling Taning?""Oo, siya nga kasi ang tumulong sa akin no'ng dumating ako rito. Wala nga kasi ako sa wesyo no'ng panahong 'yong." Napabuntong-hininga ako matapos sabihin 'yon. "Ang laki ng utang na loob ko sa matandang 'yon, Fred. Alam mo ang hirap mabuhay mag-isa, lalo't may dala-dala pa akong mabigat na bagahi no'n. Bagahing bigay mo." Inirapan ko siya pero matamis na ngiti naman ang tugon niya. "Pati pala ako, malaki din ang utang na loob kay Aling Taning, kasi siya ang karamay
FRED POVHindi ko mapigil ang mapahagikhik nang papadyak na pumasok si Gwin sa bahay. Kailangan niya lang palang kulitin at inisin para kusang pumasok sa bitag na kanina niya pa iniiwasan. "Fred, buksan mo nga 'yan!" Turo niya ang pinto. Pero pag-iling ang tugon ko. Sinadya ko pang hindi kaagad umalis sa tapat ng pinto. Alam ko kasi na susubukan pa rin niyang umiwas. "Fred, ano ba?" Nakagat niya ang pang ibabang labi at naningkit ang mga mata habang nakatingin sa akin. Ngayon ay bahagya na siyang umatras.Alam niya na kasi na wala na siyang kawala. Matagal ko na nga gustong mangyari 'to. Matagal ko nang gusto na mapag-isa kami at magawa ko ang gusto ko."Fred, baka dumating na sila. Tapos, ni lock mo ang pinto." Tumawa ako. Natutuwa kasi talaga ako sa hitsura niya ngayon, takot na may kasamang hiya." 'Wag kang mag-alala, pati naman gate ay ni-lock ko. Hindi sila kaagad makakapasok, kaya safe pa rin tayo." Kindat ang tumapos sa sinasabi ko, sinabayan ko pa ng nang-aakit na ngiti.
"Francine, dahan-dahan naman," mahinahong sabi ni Tonyo sa Anak niya. Oo, sa wakas ay natanggap na rin ni Tonyo ang Anak nila ni Mitch na si Francine. Naisip nga kasi niya, wala namang kinalaman ang bata sa maling ginawa ng Ina nito. At kahit ilang beses pa niya itanggi o pagbaliktarin ang mundo, dugo at laman pa rin niya ang bata. Mabuti na lang at mababait na rin ang mga magulang ni Mitch. Sa katuyan nga ay tanggap na rin siya ng mga ito, bilang ama ng Apo nila. Kaya masasabi na hindi lang ang mga kaibigan ni Tonyo ang masaya, siya rin. Hindi man gaya ng saya na nararamdaman ng mga kaibigan niya ang saya na nararamdaman niya ngayon, masasabi namang kumpleto na rin ang buhay niya kahit anak lang ang mayro'n siya. Anak na nagpapasaya ng buhay niya. Isang taon matapos ang kasal nina Patrick at Beth, ay nagpakasal din kaagad sina Gwin at Fred, at ngayon nga ay pareho ng buntis ang mga kaibigan niyang babae. Si Gwin ay buntis sa pangatlong anak nina Fred, at si Beth naman ay bun
Tahimik na nakatayo, at maluha-luha ang mga mata ng mag-ama na Fred at Widmark habang hawak ang puting rosas.Bakas ang lungkot habang nakatingin kay Gwin na nakasalampak sa damuhan at umiyak habang himas ang lapida ni Aling Taning. Isang buwan na ang lumipas matapos ang trahedyang nangyari sa mga buhay nila. Sariwang-sariwa pa sa mga alaala nila ang sakit, takot, at galit. Akala ni Gwin, no'ng araw na 'yon ay magtatapos na ang buhay niya pero hindi pala, sakto kasi na dumating si Fred, at nailigtas siya.Si Fred ang bumaril sa lalaki na nangahas na e-hostage siya. 'Yon nga lang ay nahimatay naman siya dahil sa sobrang takot at pagod. "Gwin, tahan na," mahinahon na sabi ni Fred. Umupo na rin siya sa tabi ni Gwin at hinaplos ang likod nito, saka naman niya nilagay ang bulaklak sa lapida ni Aling Taning. Gano'n din ang ginawa ni Widmark, na humiga pa sa lap ng Mama niya matapos ilagay ang bulaklak sa lapida ng Lola Taning niya. "Don't cry na po, Mama," malambing na sabi ni Widmark.
Kahit nanginginig ang buong katawan at halos hindi na maihakbang ang mga paa, sinisikap pa rin ni Gwin na tumakbo ng mabilis habang hawak ang tiyan. Sa isip niya hindi pwedeng mahuli na naman siya ng tauhan ni Brent. “Mitch—” Awtomatiko huminto ang pagtakbo niya nang makarinig ng putok ng baril mula sa bahay kung saan niya iniwan si Mitch. Iba kaagad ang naisip niya. May tama na nga kasi si Mitch, alam ni Gwin na hindi na nito kayang protektahan ang sarili.Napatakip ng bibig si Gwin, kasabay ang pagpatak ng mga luha. Kita nga rin niya kung paano pinigilan ni Mitch ang demonyong si Brent. Kahit nasasaktan na at may tama pa, buong lakas pa rin nitong pinigil si Brent, hindi lang siya nito mahabol. “Mitch— a-anong gagawin ko?” Napahawak sa ulo si Gwin. Hindi na rin siya maperme sa kinatatayuan niya. Akmang babalik siya sa bahay at aatras naman. Walang tigil ang pagpatak ng luha niya habang tanaw ang bahay. Nalito pa rin siya kung babalik ba o hindi. Pero alam niya naman na kapag b
Habang nakakaputukan sa loob ng Farm. Dahan-dahan namang gumalaw si Fred. Siniguro niya na hindi siya mahuhuli ng mga naka-antabay na mga pulis. Kanina pa siya kating-kati na pumasok kasama ang mga pulis pero ayaw siyang payagan. Kanina niya pa gustong alamin kung okay lang ba si Gwin. Kung hindi ba siya nasaktan o buhay pa ba siya. Sa isip niya, para siyang inutil. Parang lumpo na hindi makagalaw na naghihintay lang sa tabi at nagtatago habang si Gwin ay nasa panganib.“Fred, dito ka lang sabi! Sana talaga, hindi ka na sumama,” pigil ni Patrick, sabay hawak sa braso niya. "Pabayaan n'yo ako!" Winaksi niya ang kamay ni Patrick. Ayaw na niya talagang paawat. Hindi na niya kayang maghintay na lang kung kilan lalabas si Gwin sa Farm. "Fred naman! 'Wag ka na ngang dumagdag sa problema! Dito ka na lang, hayaan mo na lang ang mga pulis na gawin ang trabaho nila," giit ni Patrick, determinado siya na hindi papayagan ang pinsan na ipahamak na naman ang sarili niya. "Hindi n'yo ako naiin
Abot-abot ang kaba na nararamdaman nina Gwin at Mitch habang naririnig ang nanggalaiting sigaw ni Brent mula sa labas. Ilang ulit na rin nitong sinuktok at pinagsisipa ang pinto. Kung walang harang, siguradong kanina pa ito nakapasok at malamang ay kinaladkad na sila palabas o ‘di kaya ay sinaktan na sila.Buong lakas na diniin ng dalawang babae ang kama sa pinto, para kahit paano ano ay hindi kaagad mabuksan ni Brent. Pero hindi nila maiwasan na mapapikit sa tuwing maririnig ang umalingawngaw na sigaw nito. Tinatawag ang mga tauhan niya. “Ano? Sisilip na lang ba kayo riyan? Buksan n’yo ang pinto mga inutil!” utos ni Brent sa mga tauhan niya. Maya maya ay nagmamadaling mga yabag na ang naririnig nina Gwin at Mitch. Kapwa may luha na sa mga mata ang dalawa at nanginginig na ang mga kamay.Habang ginagawa nina Gwin at Mitch ang lahat, hindi lang mabuksan kaagad ang pinto. Humaharorot naman ang mga police car, papunta sa lugar na tinutumbok ng tracker sa hawak nilang cell phone. Cel
"Anong pagkamatay ng Nanay mo? Sinong Nanay ang sinasabi mo?" naguguluhan na tanong ni Gwin. Alam naman niya na walang ibang tinatawag na Nanay si Mitch, kung hindi si Aling taning lang. Pero hindi niya kayang tanggapin ang narinig. Hindi kayang e-absurb sa utak niya. Hindi niya matanggap na wala na si Aling Taning. Sobrang pagpipigil na rin ang ginagawa niya, huwag lang mapahagulgol at huwag sumigaw. Paulit-ulit niya rin na pinilig-pilig ang ulo. “Gwin—” Tinangka ni Mitch na hawakan si Gwin, pero tinampal lang nito ang kamay niya. Walang salita na lumabas mula sa bibig niya pero ang mga tingin naman ay parang sinasaksak ang puso ni Mitch sa talim. Yumuko na lamang si Mitch at sandaling nagtiim ng mga mata. "Gwin, si Nanay Taning—" Sinubukan ni Mitch na magsalita pero hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin. Pumipiyok ang boses niya sa kada salita niya. "Mitch?!" pigil na sigaw ni Gwin. Na ikinataranta ni Mitch. “Gwin–" nasambit niya. Pero nasa pinto ang tingin. Na
"Mitch! Nahihibang ka na ba? Tanggalin mo nga 'yan!" Hindi napigil ni Gwin ang magtaas ng boses. Nagtataka kasi siya sa ginagawa ni Mitch. At saka, natatakot din na baka madamay siya sa galit ni Brent dahil sa kalokohang pinaggagawa nito. Pero imbes na sumunod, pinandilitan lang siya nito habang tuloy pa rin sa pagsigaw sa pangalan ni Brent. Hindi maintindihan ni Gwin kung ano ang binabalak ni Mitch. Nilagyan ba naman ng harang ang pinto. At paminsan-minsan din niya iyong hinahampas na parang nagwawala pa rin siya. Sinasabayan niya pa ng sipa. "Brent, let me out! Nakakasakal rito sa loob–" "Mitch, tumigil ka na nga! Ano bang ba kasing drama 'tong ginagawa mo? Pwede ba, tigilan mo na 'yan bago pa pumasok ang demonyong si Brent dito at pati ako madamay sa galit niya!" sita na naman ni Gwin. Nilakasan niya pa lalo ang boses. Intensyon niya talaga na marinig ni Brent ang pagsaway niya kay Mitch, para hindi siya madamay, sakaling maubos ang pasensya nito dahil sa ginagawa ni Mitch.
THIRD PERSON POVHinablot ni Brent mula sa kamay ni Gwin ang hawak nitong cell phone at kaagad lumabas. Naiwang tulala si Gwin sa loob ng kwarto. Kahit sandali niya lang narinig ang boses ng babae sa kabilang linya. Kilala na kaagad niya kung sino ang tumawag–si Mitch.Ang pinagtatakahan niya ay kung bakit umiiyak ito at parang takot na takot?Lumapit si Gwin sa pinto at diniin ang tainga niya doon. Gusto niyang marinig ang mga sasabihin ni Brent, magkaroon man lang siya ng clue kung ano ang nangyayari. O baka, makakuha rin siya ng balita tungkol kay Fred, at sa pamilya niya. Umaasa pa rin kasi siya na buhay si Fred, kahit paulit-ulit at pinagdidiinan ni Brent na wala na nga ito.Sa kabilang banda, galit na kinausap ni Brent si Mitch. Naiinis siya lalo't alam na nito na kasama niya si Gwin, at siya ang dumukot dito. “Anong pumasok sa utak mo at tumawag ka—” "Brent, tama ba ang narinig ko? Kasama mo si Gwin? Ikaw ang dumukot sa kanya?" gulat na tanong ni Mitch. Bakas na bakas ang
Brent's words paralyzed me. Nanigas ang dila ko and I was unable to speak. I just gazed at him, shaking my head as tears streamed down my cheeks. Gusto kong sumigaw at gusto kong magwala pero hinang-hina na ako. Habang nakatingin kay Brent, nandoon ang kagustuhan kong saktan siya, at iparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Pero paano? Paano ko kakalabanin ang demonyong gaya niya? Sa lakas pa lang niya, wala na akong laban. Parang gusto ko na lang mawalan ng buhay. Wala na rin naman si Fred, at kasalanan ko. Kasalanan ko kaya nangyari ang lahat ng ’to. Kasalanan ko kaya napahamak si Fred. Kung hindi lang sana ako nagtiwala ng sobra kay Brent, hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Kung nakinig lang ako, wala sana ako rito ngayon, at walang nangyaring masama kay Fred. “Hayop ka, Brent! Ang sama mo, Demonyo ka—” “Shut up, Gwin! Ang sakit na sa tainga ng mga ngawa mo. Nakakarindi nang marinig ang mga sinasabi mo! Puro ka pa rin Fred. Wala na nga ang tarant