Share

Kabanata 82

Author: sweetjelly
last update Huling Na-update: 2023-07-05 22:46:34

GWIN POV

Parang dinudurog ang puso ko habang nakatingin sa anak ko na kahit tulog, hindi pa rin nawawala ang panakanakang paghikbi.

Marahan kong hinaplos ang pisngi niya na may bakas ng kamay ni Mitch.

"Sorry, Anak ko—" Tinakpan ko ang bibig ko. Pinilipit na pigilin ang pag-iyak.

"Hindi ako papayag na hindi mananagot si Mitch sa ginawa niya sa'yo Anak. Kahit kampihan pa siya ni Fred, gagawin ko pa rin ang lahat pagbayaran lang niya ang ginawa niya sa'yo."

Hinihintay ko na lang si Patrick. Bumalik kasi siya sa hotel para tingnan ang CCTV at mapatunayan kay Fred na mali ang nakita niya.

Ang sakit na nang naramdaman ko. Nakita mismo na sinaktan ni Mitch si Widmark, at hindi pa siya nakonteto, itinulak niya pa sa pool ang anak ko.

Anong klaseng tao siya? Anong klaseng ina siya? Sinaktan niya ang anak ko, sa harap pa mismo ng anak niya. Walang siyang puso.

Paano kong hindi ako dumating? Paano kung tuluyang nawala ang anak ko dahil sa impaktang si Mitch? Hindi ko kakayanin. Baka maging
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
verona delrosario
ay sino....????baka c patrick
goodnovel comment avatar
Imee Nabalde Itura
first..cguro c brent ung tumulong sa kanila o kya yong friend nya na desinger
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 83

    Hindi na ako tumutol pa sa sinabi niya na aalis kami. Dahil kanina pa lang ay gusto ko na talagang umalis. Maski na si Widmark ay hindi rin tumutol. "Gwin, sige na pumasok na kayo at pupunta lang ako sa nurse station." Haplos niya ang balikat ko."Maraming salamat, Aling Taning, dumating ka. Hindi ko po kasi alam kung ano ang gagawin.""Tahan na sabi—"Pinahid ko na nga ang luha ko at pinigil ang pag-iyak. "Paano n'yo nga pala nalamang nandito kami?" Tipid siyang ngumuti. "Puro ka pa tanong. Mamaya ko na sasabihin sa'yo. Sige na pumasok na kayo." Sumabay na ang paghakbang ni Aling Taning sa sinabi niya.Pinalitan ko lang ng damit si Widmark. Wala din kasi kaming dala na maraming gamit kasi nga emergency ang nangyari kanina. Bigla na lang nagdeleryo ang anak ko pagdating namin sa bahay."Mama, saan po tayo pupunta? Paano si Papa Fred—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin. Yumuko siya at mahinang humikbi.Niyakap ko siya kaagad at hinaplos ang buhok."Bakit po galit sa atin si Papa F

    Huling Na-update : 2023-07-05
  • My Best Friend's Baby   Kabanata 84

    "Sino ka po ba, Aling Taning? Bakit bigla ka na lang dumating sa buhay ko, sa panahong lugmok ako?"Mapait siyang ngumiti, saka pinilig ang ulo ng paulit-ulit. Bumakas din ang dismaya sa mukha niya. Alam ko naman na talagang nakakadismaya ang mga tanong. Pinagduduhan ko kasi siya. Siya na walang ibang ginawa kung hindi ang tulungan at damayan ako."Maniwala ka man o sa hindi, Gwin, hindi kita kilala. Nagkataon lang ang pagkikita natin. Pero hindi ko ipagkakaila na minsan na kitang nakita noon, kayo ni Fred." Napatitig ako sa kanya. Lumala pa ang pagdududa ko. "Nakita? Saan mo kami nakita, Aling Taning?"Matiim niya akong tinitigan. Kita at ramdam ko rin na hindi nga siya nagsisinungaling. Pero alam kong nagpipigil siya na 'wag magsabi ng totoo. "Saan n'yo po ba kami nakita?" Inulit ko ang tanong ko. "Gusto kong erespeto ang desisyon mo na 'itago hanggang sa huli ang sinasabi mong mabigat na bagaheng dala mo. Pero kasi, involved na ang pangalan ni Fred. Nakita mo kami, saan po?"Bu

    Huling Na-update : 2023-07-07
  • My Best Friend's Baby   Kabanata 85

    "Gwin, tara na sa bahay. Kanina ka pa rito. Malamig na ang hangin." Tipid na ngiti lang ang tugon ko kay Aling Taning, saka binalik ko kaagad ang tingin sa malawak na dagat."Gwin, hanggang kailan ka ba magmumokmok ng ganyan? Alam mo, hindi maaayos ang problema kung wala kang gagawin. Kung puro tingin lang sa dagat ang gagawin ko."Imbes na sumagot. Bumuntong-hininga ako. "Dinala ko kayo rito, para makapag-isip ka ng maayos. Makapagplano kung ano ba dapat ang gawin mo. Hindi para magtago ka hanggang sa gusto mo."Umupo na rin siya sa buhangin, katabi ko. Bahagya niya pa akong siniko pagkatapos."Isang buwan na tayo rito, Gwin—""Oo nga po, isang buwan na tayo rito pero ang sakit pa rin." Buntong-hininga na naman ang tumapos sa salita ko.Isang buwan na nga kami rito sa La Union. Isang buwan nang hindi namin kasama si Fred. Isang buwan na pinipilit kong hindi siya ma miss. Isang buwan na rin na hindi nawala si Aling Taning sa tabi namin."Asa ka pang mawala kaagad ang sakit, e umalis

    Huling Na-update : 2023-07-07
  • My Best Friend's Baby   Kabanata 86

    Maski na ako ay nagulat din nang makita ang sinasabing bisita ni Aling Taning. Kapal din ng mukha. Sarap sapakin."Oo nga po, anong ginagawa n'yo rito?"Hindi ko na napigilan na magtanong. Mabuti nga at medyo magalang pa rin ako at hindi ko sinigawan ang lalaking kaharap namin ngayon.'Tsaka, para kasing naging poste si Aling Taning. Hindi na magawang gumalaw o magsalita."Magkakilala kayo?" Nagpalipat-lipat ang daliri niya sa amin ni Aling Taning."Kami ang unang nagtanong. So, pwede po ba, tanong namin sagutin n'yo."Wala na akong pakialam kung sabihin man niya na wala akong modo. Galit nga ako. Mukha ni Mitch ang nakikita ko habang kaharap siya. Papa kasi ni Mitch ang bisitang dumating."Paano—" Turo niya pa rin kaming dalawa ni Aling Taning. Hindi siguro niya mahulaan ang sagot kung paano kami nagkakakilala ni Aling Taning. Namilog ang mga mata. Parang luluwa na nga. Napanganga pa. Sarap pakainin ng buhangin.Nakakapangggil ang mga lalaking sinasamantala ang kahinaan ng mga babae

    Huling Na-update : 2023-07-08
  • My Best Friend's Baby   Kabanata 87

    Paulit-ulit akong bumuntong-hininga. Paulit-ulit ko rin na tinapik-tapik ang dibdib ko. Para kasing may bumara na nagpapahirap sa paghinga ko. Sandali ko pang natiim ang mga mata. Natanaw ko na kasi ang mansion ng mga Calderon. Pero imbes na bumilis ang paghakbang ko, mas lalo pang bumagal. Kinakabahan kasi ako. Sobrang kabado, sa puntong rinig ko na ang tunog ng puso ko.Takot kasi ako sa maaari kong datnan pagpasok ko sa malaking bahay. Natatakot rin ako sa isipin na baka tuluyan na ngang nakuha ni Mitch at ng anak niya ang loob ni Fred, at tuluyan na siyang nawala sa amin ni Widmark."Gwin..." Kakahinto ko pa lang sa tapat ng gate. Nakita agad ako ng mga guard. Kaagad din nila akong pinagbuksan at pinapasok. Sinubukan kong ngumiti. Pero naging ngiting aso ang labas."Magandang araw po." Halos pabulong ang salita ko. Bahagya pa akong nahiya.Makahulugan kasi ang mga tingin nila. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nila. Baka kinukutya na nila ako. Aalis-alis kasi ako pero bumal

    Huling Na-update : 2023-07-10
  • My Best Friend's Baby   Kabanata 88

    Yumakap na rin ako ng mahigpit sa kaibigan ko. Si Beth, ang tumawag at yumakap sa akin. Lumakas pa lalo ang paghikbi ko. Pakiramdam ko, nakatagpo ako ng kakampi sa lungkot na nararamdaman ko."Tahan na Gwin." Tapik niya ang likod ko. Pero sumabay naman ang paghikbi niya sa paghikbi ko. "Beth, sabi ni Nana Puring nandito silang lahat. Bakit sila nandito? Sino ba ang naka-confine?" Pinahid ko na ang mga luha ko. Bumitiw na rin si Beth sa pagyakap sa akin.Pero ang mga tanong ko, parang lumusot lang sa kabilang tainga niya. Hindi niya ako sinagot tumitig lang siya sa mga mata ko. Nakagat pa ang pang-ibabang labi niya."Gwin, puntahan na lang natin sila." Bumaling ang tingin ko sa lalaki na biglang sumabat—Si Brent. Hindi ko siya napansin kanina dahil sa biglang pagyakap sa akin ni Beth. "Pati ikaw, nandito rin?" Napahawak ako sa noo ko. "Ano ba talaga ang nangyari? Bakit ayaw n'yong sabihin sa akin?" Medyo tumaas ang boses ko. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ayaw pa nilang sabi

    Huling Na-update : 2023-07-11
  • My Best Friend's Baby   Kabanata 89

    Kabanata 89Awang-awa ako sa kalagayan ni Ma’am Leanne. Parehong may casts ang mga binti at may benda sa noo. May mga gasgas pa ang braso at mukha.“Kanina ko pa po naririnig ang mga salitang ‘yan. Ano po ba talaga ang nangyari? Bakit lahat na lang kayo ayaw sabihin ang totoo?” Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mag-ina. Pero buntong-hininga ang tugon ni Ma’am Leanne at sandaling sulyap kay Fred. “Bakit ba hirap na hirap kayo na sabihin sa akin ang lahat? Pati si Beth at Brent, ayaw magsabi. Hindi raw nila alam ang totoong nangyari.”“Gwin kasi ayaw lang namin na mag-alala ka. Ayaw namin na matakot ka gaya ng nararamdaman namin ngayon—” "Sa tingin mo ba, Fred, hindi pa ako takot at nag-aalala ngayon? Kanina pa ako alalang-ala. Malapit na nga sumabog 'tong utak ko sa kaiisip kung ano ang nayayri. Ang sikip na rin ng dibdib ko." Mapait akong ngumiti. Tingin pa rin kasi ang tugon nila. Tingin na may kasamang buntong hininga.“Sabihin n’yo na po.” Nakapa ko na lang ang dibdib ko. Napa

    Huling Na-update : 2023-07-12
  • My Best Friend's Baby   Kabanata 90

    “Aling Taning, please sumagot po kayo—” “Wala rito … Tumahimik ako nang marinig ang lalaking nagsalita. Pati ang paghinga ay napigil ko. “Anong wala?” “Halughugin n’yo ang buong bahay!” Mga kalabog at kalampag ang kasunod kong narinig. Paulit-ulit akong napapailing, kasabay ang paglandas ng mga luha. “Hindi Pwedeng wala sila!” “Ang linaw naman ng address na binigay sa atin ni ma’am!” “Natunugan yata ang pagdating natin.” “Malilintikan tayo nito kay ma’am! Bata at dalawang babae lang ang target natin. Matanda pa ang isa, natakasan pa tayo!” Halos bumigay ang mga tuhod ko sa narinig na usapan. Abot-abot ang kabang nararamdaman. Ang tanga ko! Ang tanga-tanga! Hindi ko sana sila iniwan do’n! Kung alam ko lang na sukdulan na pala ang kasamaan ni Mitch. Hindi na sana ako umalis. May nagawa sana ako. Takip na ang palad ko sa bibig. Hawak na kasi ni Fred ang cell phone at naka-loud speaker na. Pero gaya ko, hindi rin muna siya nagsalita. Pati na rin si Ma’am Leanne. “Tara, tingn

    Huling Na-update : 2023-07-12

Pinakabagong kabanata

  • My Best Friend's Baby   Special Chapter

    "Francine, dahan-dahan naman," mahinahong sabi ni Tonyo sa Anak niya. Oo, sa wakas ay natanggap na rin ni Tonyo ang Anak nila ni Mitch na si Francine. Naisip nga kasi niya, wala namang kinalaman ang bata sa maling ginawa ng Ina nito. At kahit ilang beses pa niya itanggi o pagbaliktarin ang mundo, dugo at laman pa rin niya ang bata. Mabuti na lang at mababait na rin ang mga magulang ni Mitch. Sa katuyan nga ay tanggap na rin siya ng mga ito, bilang ama ng Apo nila. Kaya masasabi na hindi lang ang mga kaibigan ni Tonyo ang masaya, siya rin. Hindi man gaya ng saya na nararamdaman ng mga kaibigan niya ang saya na nararamdaman niya ngayon, masasabi namang kumpleto na rin ang buhay niya kahit anak lang ang mayro'n siya. Anak na nagpapasaya ng buhay niya. Isang taon matapos ang kasal nina Patrick at Beth, ay nagpakasal din kaagad sina Gwin at Fred, at ngayon nga ay pareho ng buntis ang mga kaibigan niyang babae. Si Gwin ay buntis sa pangatlong anak nina Fred, at si Beth naman ay bun

  • My Best Friend's Baby   Wakas

    Tahimik na nakatayo, at maluha-luha ang mga mata ng mag-ama na Fred at Widmark habang hawak ang puting rosas.Bakas ang lungkot habang nakatingin kay Gwin na nakasalampak sa damuhan at umiyak habang himas ang lapida ni Aling Taning. Isang buwan na ang lumipas matapos ang trahedyang nangyari sa mga buhay nila. Sariwang-sariwa pa sa mga alaala nila ang sakit, takot, at galit. Akala ni Gwin, no'ng araw na 'yon ay magtatapos na ang buhay niya pero hindi pala, sakto kasi na dumating si Fred, at nailigtas siya.Si Fred ang bumaril sa lalaki na nangahas na e-hostage siya. 'Yon nga lang ay nahimatay naman siya dahil sa sobrang takot at pagod. "Gwin, tahan na," mahinahon na sabi ni Fred. Umupo na rin siya sa tabi ni Gwin at hinaplos ang likod nito, saka naman niya nilagay ang bulaklak sa lapida ni Aling Taning. Gano'n din ang ginawa ni Widmark, na humiga pa sa lap ng Mama niya matapos ilagay ang bulaklak sa lapida ng Lola Taning niya. "Don't cry na po, Mama," malambing na sabi ni Widmark.

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 119

    Kahit nanginginig ang buong katawan at halos hindi na maihakbang ang mga paa, sinisikap pa rin ni Gwin na tumakbo ng mabilis habang hawak ang tiyan. Sa isip niya hindi pwedeng mahuli na naman siya ng tauhan ni Brent. “Mitch—” Awtomatiko huminto ang pagtakbo niya nang makarinig ng putok ng baril mula sa bahay kung saan niya iniwan si Mitch. Iba kaagad ang naisip niya. May tama na nga kasi si Mitch, alam ni Gwin na hindi na nito kayang protektahan ang sarili.Napatakip ng bibig si Gwin, kasabay ang pagpatak ng mga luha. Kita nga rin niya kung paano pinigilan ni Mitch ang demonyong si Brent. Kahit nasasaktan na at may tama pa, buong lakas pa rin nitong pinigil si Brent, hindi lang siya nito mahabol. “Mitch— a-anong gagawin ko?” Napahawak sa ulo si Gwin. Hindi na rin siya maperme sa kinatatayuan niya. Akmang babalik siya sa bahay at aatras naman. Walang tigil ang pagpatak ng luha niya habang tanaw ang bahay. Nalito pa rin siya kung babalik ba o hindi. Pero alam niya naman na kapag b

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 118

    Habang nakakaputukan sa loob ng Farm. Dahan-dahan namang gumalaw si Fred. Siniguro niya na hindi siya mahuhuli ng mga naka-antabay na mga pulis. Kanina pa siya kating-kati na pumasok kasama ang mga pulis pero ayaw siyang payagan. Kanina niya pa gustong alamin kung okay lang ba si Gwin. Kung hindi ba siya nasaktan o buhay pa ba siya. Sa isip niya, para siyang inutil. Parang lumpo na hindi makagalaw na naghihintay lang sa tabi at nagtatago habang si Gwin ay nasa panganib.“Fred, dito ka lang sabi! Sana talaga, hindi ka na sumama,” pigil ni Patrick, sabay hawak sa braso niya. "Pabayaan n'yo ako!" Winaksi niya ang kamay ni Patrick. Ayaw na niya talagang paawat. Hindi na niya kayang maghintay na lang kung kilan lalabas si Gwin sa Farm. "Fred naman! 'Wag ka na ngang dumagdag sa problema! Dito ka na lang, hayaan mo na lang ang mga pulis na gawin ang trabaho nila," giit ni Patrick, determinado siya na hindi papayagan ang pinsan na ipahamak na naman ang sarili niya. "Hindi n'yo ako naiin

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 117

    Abot-abot ang kaba na nararamdaman nina Gwin at Mitch habang naririnig ang nanggalaiting sigaw ni Brent mula sa labas. Ilang ulit na rin nitong sinuktok at pinagsisipa ang pinto. Kung walang harang, siguradong kanina pa ito nakapasok at malamang ay kinaladkad na sila palabas o ‘di kaya ay sinaktan na sila.Buong lakas na diniin ng dalawang babae ang kama sa pinto, para kahit paano ano ay hindi kaagad mabuksan ni Brent. Pero hindi nila maiwasan na mapapikit sa tuwing maririnig ang umalingawngaw na sigaw nito. Tinatawag ang mga tauhan niya. “Ano? Sisilip na lang ba kayo riyan? Buksan n’yo ang pinto mga inutil!” utos ni Brent sa mga tauhan niya. Maya maya ay nagmamadaling mga yabag na ang naririnig nina Gwin at Mitch. Kapwa may luha na sa mga mata ang dalawa at nanginginig na ang mga kamay.Habang ginagawa nina Gwin at Mitch ang lahat, hindi lang mabuksan kaagad ang pinto. Humaharorot naman ang mga police car, papunta sa lugar na tinutumbok ng tracker sa hawak nilang cell phone. Cel

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 116

    "Anong pagkamatay ng Nanay mo? Sinong Nanay ang sinasabi mo?" naguguluhan na tanong ni Gwin. Alam naman niya na walang ibang tinatawag na Nanay si Mitch, kung hindi si Aling taning lang. Pero hindi niya kayang tanggapin ang narinig. Hindi kayang e-absurb sa utak niya. Hindi niya matanggap na wala na si Aling Taning. Sobrang pagpipigil na rin ang ginagawa niya, huwag lang mapahagulgol at huwag sumigaw. Paulit-ulit niya rin na pinilig-pilig ang ulo. “Gwin—” Tinangka ni Mitch na hawakan si Gwin, pero tinampal lang nito ang kamay niya. Walang salita na lumabas mula sa bibig niya pero ang mga tingin naman ay parang sinasaksak ang puso ni Mitch sa talim. Yumuko na lamang si Mitch at sandaling nagtiim ng mga mata. "Gwin, si Nanay Taning—" Sinubukan ni Mitch na magsalita pero hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin. Pumipiyok ang boses niya sa kada salita niya. "Mitch?!" pigil na sigaw ni Gwin. Na ikinataranta ni Mitch. “Gwin–" nasambit niya. Pero nasa pinto ang tingin. Na

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 115

    "Mitch! Nahihibang ka na ba? Tanggalin mo nga 'yan!" Hindi napigil ni Gwin ang magtaas ng boses. Nagtataka kasi siya sa ginagawa ni Mitch. At saka, natatakot din na baka madamay siya sa galit ni Brent dahil sa kalokohang pinaggagawa nito. Pero imbes na sumunod, pinandilitan lang siya nito habang tuloy pa rin sa pagsigaw sa pangalan ni Brent. Hindi maintindihan ni Gwin kung ano ang binabalak ni Mitch. Nilagyan ba naman ng harang ang pinto. At paminsan-minsan din niya iyong hinahampas na parang nagwawala pa rin siya. Sinasabayan niya pa ng sipa. "Brent, let me out! Nakakasakal rito sa loob–" "Mitch, tumigil ka na nga! Ano bang ba kasing drama 'tong ginagawa mo? Pwede ba, tigilan mo na 'yan bago pa pumasok ang demonyong si Brent dito at pati ako madamay sa galit niya!" sita na naman ni Gwin. Nilakasan niya pa lalo ang boses. Intensyon niya talaga na marinig ni Brent ang pagsaway niya kay Mitch, para hindi siya madamay, sakaling maubos ang pasensya nito dahil sa ginagawa ni Mitch.

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 114

    THIRD PERSON POVHinablot ni Brent mula sa kamay ni Gwin ang hawak nitong cell phone at kaagad lumabas. Naiwang tulala si Gwin sa loob ng kwarto. Kahit sandali niya lang narinig ang boses ng babae sa kabilang linya. Kilala na kaagad niya kung sino ang tumawag–si Mitch.Ang pinagtatakahan niya ay kung bakit umiiyak ito at parang takot na takot?Lumapit si Gwin sa pinto at diniin ang tainga niya doon. Gusto niyang marinig ang mga sasabihin ni Brent, magkaroon man lang siya ng clue kung ano ang nangyayari. O baka, makakuha rin siya ng balita tungkol kay Fred, at sa pamilya niya. Umaasa pa rin kasi siya na buhay si Fred, kahit paulit-ulit at pinagdidiinan ni Brent na wala na nga ito.Sa kabilang banda, galit na kinausap ni Brent si Mitch. Naiinis siya lalo't alam na nito na kasama niya si Gwin, at siya ang dumukot dito. “Anong pumasok sa utak mo at tumawag ka—” "Brent, tama ba ang narinig ko? Kasama mo si Gwin? Ikaw ang dumukot sa kanya?" gulat na tanong ni Mitch. Bakas na bakas ang

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 113

    Brent's words paralyzed me. Nanigas ang dila ko and I was unable to speak. I just gazed at him, shaking my head as tears streamed down my cheeks. Gusto kong sumigaw at gusto kong magwala pero hinang-hina na ako. Habang nakatingin kay Brent, nandoon ang kagustuhan kong saktan siya, at iparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Pero paano? Paano ko kakalabanin ang demonyong gaya niya? Sa lakas pa lang niya, wala na akong laban. Parang gusto ko na lang mawalan ng buhay. Wala na rin naman si Fred, at kasalanan ko. Kasalanan ko kaya nangyari ang lahat ng ’to. Kasalanan ko kaya napahamak si Fred. Kung hindi lang sana ako nagtiwala ng sobra kay Brent, hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Kung nakinig lang ako, wala sana ako rito ngayon, at walang nangyaring masama kay Fred. “Hayop ka, Brent! Ang sama mo, Demonyo ka—” “Shut up, Gwin! Ang sakit na sa tainga ng mga ngawa mo. Nakakarindi nang marinig ang mga sinasabi mo! Puro ka pa rin Fred. Wala na nga ang tarant

DMCA.com Protection Status