Nagsipagtayuan ang lahat, matapos na tumango ni Reyman."Kumusta, Mr. Fernandez? Ano nang balita sa hinaharap nating problema?" tanong ng isa sa Board Member."Sa ngayon, under observation pa ang lahat ng tauhan dito sa kumpanya, kapag nalaman ko kung sino ang trydor ay hindi ako makakapayag na hindi niya ito pagbayaran." "Mr. Fernandez, habang naghihintay tayo, naaantala ang lahat ng project natin. Baka puwedeng gawan mo ng paraan upang matapalan ang nawawalang pera, nang sa ganun ay sapat lang ang budget ng kumpanya." Suhestyon ni Mr. Roque,"What do you mean, Mr. Roque?"Nakakalokong ngumiti ito bago nagsalita. "Bakit hindi ka na lang makipagsanib sa kumpanya ng asawa mo? Total naman, at pamilya na kayo. Mas malaki ang kikitain natin kung—" Natigilan si Mr. Roque, ng biglang sinuntok ni Reyman ang lamesa at tumayo 'to, tumitig kay Mr. Roque, na para bang hindi nagustuhan ang sinabi."Huwag mong idamay sa problema natin ang ibang kumpanya! Kung wala kang tiwala sa ginagawa kong pa
Read more