Home / Romance / Maid Ako Ng Amo Ko / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Maid Ako Ng Amo Ko: Chapter 51 - Chapter 60

85 Chapters

Chapter 51

"Kumusta ka mommy?" "Ito, nahihirapan ako anak, namimiss ko ang daddy mo, namimiss ko ang pagsilbihan siya. Hindi ako sanay matulog na wala siya sa tabi ko. Kahit na minsan mainit ang ulo n'ya ay sanay na ako, dahil minahal ko siya kahit na gano'n siya... hindi naman niya pinaramdam sa akin na hindi niya ako mahal, palagi siyang nag-aalala kapag may sakit ako. Palagi niya akong inilalabas sa tuwing may free siyang oras. Hindi ko naramdaman na nagkaroon siya ng ibang babae, dahil ramdam ko naman na mahal niya ako. Hindi ko akalain na magkakaroon pa siya ng babae, sa kabila ng magandang pagsasama namin." Umiyak si Mommy, at maging ako'y naiyak na rin. Hinawakan ko siya sa kamay at pinisil-pisil iyon. "Mahal ko rin po si Dad, kaya naman hindi ko rin siya kayang tiisin," nagtatakang tumitig sa akin si Mommy. "Kasama ko po siya, mom." Nagulat ito at napalingon sa likod. Nakatayo si Dad sa bukana ng pinto. Sinenyasan ko siya, kaya lumapit si Dad at tumayo kami ni Mommy. Nang nasa harapan
Read more

Chapter 52 Part 2

“Kim, nariyan na ang inaantay natin,” bulong ni Donna sa akin. Napasulyap naman ako sa tinutukoy nito na si Alisha. Ang babaeng pinaka-sosyal sa party na ’yon.Ang ganda niya sa suot niyang red dress. Bakat na bakat ang hubog ng kaniyang katawan, dahil fitted ito sa kaniya. Nangingintab din ang diamond earrings nito, at ganoon din ang necklace nitong suot na lalong nagpatingkad sa cleavage nitong ubod ng lalim at puti. Ngumiti ako bago lumapit kay Alisha, dala ang isang baso na may lamang wine. “O hi, Alisha! How are you? Long time no see,” bati ko sa kaniya na ikinakunot naman ng noo ng kaharap ko. Mukhang nangangapa ito sa isipan kung kilala ba niya ako.“O my God! Don't tell na nalimutan mo na ako, magka-batch tayo noong college. Remember?” saad ko rito pero napapangiti na lang itong napatango-tango. “I'm sorry, medyo nakalimutan ko kasi ang name mo e. What's your name again?” tanong nito sa akin. “I'm Jane, nalimutan mo na nga ako. Pero it's okay, ikaw tandang-tanda ko
Read more

Chapter 53 Part 2

    KINABUKASAN ay muli kaming nagkita ni Donna sa labasan upang alamin kung nabenta na ba ang alahas na nakulimbat namin kagabi. Ngunit nakasimangot itong dumating sa aming tagpuan.         “Malas talaga ang araw ko ngayon. Hindi kinuha ang necklace dahil masyado raw mahal ang kuwintas na ’to. Binabarat ako kaya naman hindi ko na lang ibinigay,” saad ni Donna na halata pa rin sa mukha nito ang pagkainis na nararamdaman.         Nakaupo ako sa mahabang silya at umiinom ng softdrinks. Ito ang almusal ko sa umaga dahil sanay na akong malamig kaagad ang hinahanap pagkakagising ko.        Kinuha ko ang necklace at tinitigan ko ang pendant.         “Impyernes, maganda talaga ang kuwintas na ito. Sige, hindi muna natin ibebenta ang isang ’to para magamit ko sa mga susunod nating target. Para namang magmukha akong class.” Wala kasi akong borloloy na nilalagay sa katawan, dahil sa pananamit at manipis na make-up na lang ako bumabawi.  
Read more

CHAPTER 3

    HINDI ko malimutan ang sinabi ng lalaking yon sa akin. Dahil hanggang sa makauwi ako ng bahay ay iritang-irita pa rin ang mukha ko.         Ano naman ang nangyari sa pinuntahan mo, at busangot ang mukha mo? tanong ni Donna sa akin. Kasama nito si Alice, kaibigan ni Donna.        Pabagsak na naupo ako sa kahoy na upuan kaharap nilang dalawa. Alas-onse na ng gabi kaya naman halos wala ng tao sa paligid.         Naiinis ako sa antipatikong lalaki na pamangkin ni Mr. Angon. Sabihan ba naman akong bayarang babae, kung hindi ka naman maiimbyerna! Kapal ng mukha, porke guwapo kala mo kung sinong makapagsalita! inis na inis na kuwento ko kay Donna.         Ha-ha-ha. Kaya naman pala nagkakaganyan ka, kasi hindi ka pinansin ng guwapo. At sino naman si Mr. Angon? Parang nakinig ko na ang pangalan niya... Napaisip
Read more

CHAPTER 55

#TarantadongBabaeKabanata 4     MATAPOS ang trabaho ni Joshua sa opisina ay kaagad siyang nagtungo sa opisina ng ninong niya. Pinatatawag kasi siya nito dahil may importante raw itong sasabihin. Tamang-tama lang dahil makakausap niya ang ninong niya at makakapagpaalam siya na magli-leave muna siya ng ilang linggo para asikasuhin ang pagpapakasal nila ni Alisha. Ilang buwan na kasi siyang kinukulit ni Alisha at kung hindi niya magagawa ito'y muli na namang babalik ito sa ibang bansa upang magtrabaho. Pigilan man niya itong pumunta sa ibang bansa ay wala naman siyang magagawa dahil kahit nga siya ay hindi kayang tuparin ang pangako niyang magpapakasal sila. Ninong, bungad ni Joshua sa pintuan. O, nariyan ka na pala Joshua. Halika, pumasok ka at may importante tayong pag-uusapan. Tumuloy naman si Joshua at komportableng naupo sa harapan ng table nito. Kumusta, Joshua. Congratulations nga pala sa successful ng team n
Read more

CHAPTER 56

   NILALAMIG ako... nanunuot ang lamig sa loob ng katawan ko kaya naman namaluktot ako upang mabawasan ang nararamdaman kong lamig. Pero ganoon pa rin, kaya naman nagmulat na ako ng mata at hinila ko ang kumot na nasa paanan ko lang. Isinaklob ko iyon sa aking katawan hanggang sa aking leeg, kaya naamoy ko ang kakaibang aroma na naamoy mula sa kumot. Napangiti ako dahil kakaiba ang amoy at nakaka-refresh ng pakiramdam. Iba rin pa lang maglaba si Donna. Pero napansin ko na parang iba ang paligid ng kuwarto. Kulay puti ang ding-ding at nakikita ko sa gilid ko ang mga kagamitan na parang hindi pamilyar sa akin. Doon ako napabalikwas nang bangon at kaagad na pinagmasdan ng maayos ang paligid. Nananaginip ba ako? Bakit ang ganda ng kuwartong tinutulugan ko? bulalas ko sa sarili. Pinisil-pisil ko pa ang pisngi ko upang magising ako, ngunit hindi... dahil totoo lahat ang nakkita kot nararanasan. O my God! Anong nangyari? Nasaan ak
Read more

CHAPTER 57

   MATAPOS maibenta ang mga nakulimbat na relo ay ipinabenta ko na ’yon kay Donna. Natulog maghapon at nang magising ay naroon na si Nanay—nakikiusap na umuwi na ako ng bahay. “Anak, patawarin mo ako kung naglihim kami sa ’yo. Hindi ko pinaalam sa ’yo ang katotohanan dahil natatakot akong umalis ka katulad na lang nito,” umiiyak na saad ni Nanay sa akin. Umiiyak din ako, ngunit tahimik dahil kinikimkim ko lahat ng sama ng loob. Hindi ako tumitingin sa kaniya dahil sa galit na nararamdaman ko. “Kaya pala ganiyan kayo sa akin, palagi ninyong sinasabi na hindi ako nagmana sa sipag ninyo. ’Yon pala ay dahil hindi n'yo ako tunay na anak. Nay, ang sakit malaman na ampon lang pala ako. Ngayon nangangapa ako kung sino ba talaga ako. Saan ako nanggaling, at ano ang tunay kong pagkatao?” “Anak, alam ko na mahirap sa ’yong patawarin ako. Pero nagbabakasakali pa rin ako
Read more

CHAPTER 58

    NATAWA si Joshua sa sinabi ko, kaya naman nagtatakang napatingin ako sa kaniya.         “What's funny?” mataray na tanong ko sa kaniya. Nameywang pa ako dahil parang nairita ako sa tawa niyang iyon. Para kasing nakakaloko e!        “First kiss? Really?” Muling tumawa ito, kahit na ang cute-cute niyang tumawa ay napipikon pa rin ako.         “Ang kapal mo ha?! Hoy lalaki, hindi mo ako kilala kaya kung ayaw mong maniwala diwag! Tse!” Tumalikod ako at akmang magwo-walk-out na sana nang pigilan niya akong muli sa kamay.         “Hep! Hep! Saan ka pupunta? Kung inaakala mo na makakatakas ka pa ngayon, no way! Hindi ko hahayaan na makaalis ka pa, dapat sa 'yo ay makulong para maparusahan ka sa masamang ginagawa mo!” anito.     &nb
Read more

CHAPTER 59

    GALIT na galit ako nang hindi ako sunduin ni Joshua sa bahay. Kaya naman kinabukasan ay ako ang gumawa ng paraan upang magtagpo ulit kami. Pumunta ako sa mismong pinagtatrabahuhan niya upang doon siya komprontahin.         “Akala yata ng mokong na ’yon maiisahan niya ako! Hindi niya alam na marami akong plano at walang makakapigil sa akin dahil ako yata si Kim.” Pasakay na sana ako ng elevator nang makasabay ko ang taong pakay ko kung bakit lumalapit ako kay Joshua— si Leo Angon.        “O iha, nandito ka pala!” gulat na saad ni Leo.         Napangiti ako sa matanda. Pagka-buenas ko nga naman o! Akalain mong magtatagpo ulit kami.        “Sir, kumusta po kayo?” bati ko.         Pumasok si Leo sa elevator, kaming dalawa l
Read more

CHAPTER 60

Kabanata 9    MATAPOS na maituro sa akin ni Gerlie ang mga gagawin ko ay naiwan na ako sa aking sariling table. Si Gerlie ay ang isang empleyado rin ng kumpanya at ito ang inatasan ni Joshua upang magturo sa akin ng mga dapat kung gawin sa araw-araw. Madali naman akong matuto ngunit may ilang mga bagay na hindi ko lubos na maunawaan lalo na’t hindi naman ako nag-aral ng kolehiyo.         Sa labas ng malaking opisina ni Joshua nakatayo ang table ko. Walang makakaraan sa kaniyang pintuan na hindi dumadaan sa akin. May sariling computer at may sariling gamit na roon. Halos kompleto na lahat, isa na lang ang kulang.        Tumayo ako at pumasok sa personal kitchen, malapit lang iyon sa table ko dahil naroon ang mga personal things ni Joshua. May sarili itong ref, oven, rice cooker, heater at kung anu-ano pang appliances na puwedeng magamit para sa paghahanda ng pagkain. Saad ni Gerlie, h
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status