Semua Bab Maid Ako Ng Amo Ko: Bab 1 - Bab 10

85 Bab

Chapter 1

NAKASILIP ako sa maliit na siwang ng aking pintuan. Naririnig ko ang pagtatalo ng aking mga magulang."Hon, huwag mong pilitin ang anak mo kung ayaw pa niya. Hindi pa siya handa para sa pag-aasawa. Maawa ka naman sa anak mo!" nakikiusap na sabi ni mommy kay dad.Ngunit mukhang hindi madadala si dad sa pakiusap sapagkat matigas ang paninindigan nitong ipakasal ako sa lalaking hindi ko pa nakikita."Hindi maaari Rosa, dahil tumatanda na ako. Kailangan nang mag-asawa ng anak natin upang magkaroon na tayo ng apo na siyang magmamana ng lahat ng pinaghirapan ko. Hindi ko naman puwedeng ipagkatiwala kung kanino lang ang malaking business natin. Saka hindi na bata si Fara, she is 21 years old. Hindi pa ba sapat iyong idad niya para makapag-asawa na siya?" "Hon, hindi naman natin puwedeng ipilit ang gusto natin. May karapatan pa rin siyang piliin ang gusto niyang makasama habang buhay. Huwag mo naman siyang ipitin sa taong hindi niya gusto," ani mommy na patuloy pa rin na kinukuha ang loob ni
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-01-23
Baca selengkapnya

Chapter 2

Ngunit bago pa mahuli ang lahat ay kinabig ko ang cellphone niya kaya parang laruan 'tong tumilapon sa sahig at nabasag ang screen. Nanlaki ang mata ko sa nagawa ko, lalo na nang makita ko ang awra ng lalaking kaharap ko. Nanlilisik ang mata nito at nagtatagis bagang. Lumabas din ang litid nito sa leeg at marahas na hinawakan niya ako sa kamay."Talaga bang inuubos mo ang pasensya ko ha?!" singhal nito sa akin.Hindi ako nakaimik at napalumod laway ako sa tensyon na nararamdaman ko. Hinila ako nito patungo sa upuan at doon ay pabagsak na pinaupo ako."Huwag mong tatangkain na tumayo riyan. Kun'di makakatikim ka sa akin!" anito na nahintatakutan naman ako. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nasinghalan ng lalaki. At ngayon lang ako nakakilala nang lalaking parang walang interest manlang sa akin. Hindi ba siya nagagandahan sa akin? Hindi manlang ba siya nakaramdam ng attraction? Kahit naman basa ang suot kong damit ay hindi pa rin maikakaila na maganda ako."Huwag po kayong tumawag ng
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-01-23
Baca selengkapnya

Chapter 3

Kinabukasan. Nakarinig ako nang malakas na kalampog ng kaldero na parang bumasak sa sahig. Nagulat ako at biglang napabagon sa higaan."Wah! Sino iyan?" nakita kong nakaarko ang kilay ng boss ko. Nakabihis na ito pangpasok at ang mas lalong hindi ko kinaya ang sikat nang araw na tumatama sa bintana."Oh shit! Anong oras na sir? Bakit hindi mo ako ginising? Tinanghali tuloy ako." Dali-dali na akong tumayo at lumabas ng kuwarto. Nakita ko pa ang nakaarkong kilay ng boss ko. Hays, ano ba iyan. Palibhasa gumigising ako ng alas diyes ng umaga kaya naman hindi ako sanay gumising ng maaga. Pagdating ko sa kusina ay hindi ko alam ang gagawin ko. Ano ba ang kakainin niya? Napapitlag pa ako nang may magsalita sa likuran ko."Coffee." Umupo ito sa upuan at hinintay ang kape niya. Agad naman akong nahintatakutan ng makita kong tumitig ito sa akin na para bang sinasabing bilisan mo! Lumapit na ako sa lababo. At agad na nagtimpla ng kape. Mabuti naman at kape lang, hindi gaanong mahirap.Matap
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-01-23
Baca selengkapnya

Chapter 4

"KUMUSTA ang meeting? Nakuha mo ba ang simpatya ng mga board member?" Bungad ni Miguel, ang nag-iisang kaibigan niya. Nanlaki ang mata ni Reyman at napatayo siyang bigla sa kanyang upuan."Bro! Kailan ka pa dumating?" Tumayo si Reyman at sinalubong niya ang kaibigan niyang si Miguel. "Hahaha. Kakauwi ko lang noong isang araw bro. Kumusta? Balita ko mag-aasawa ka na?" Natatawang sabi ni Miguel. "Hahaha. Kukuha ka lang nang spy iyong pangsinungaling. Wala pa sa isip ko iyan bro. Ikaw? Kumusta? Balita ko marami ka nang nabuntis na babae sa USA ah!" ani Reyman."Hahaha. Magaling ang spy mo bro!" anito sabay upo sa sofa at itinaas ang kanyang paa."Sira ulo ka talaga. Bakit naman naisipan mong umuwi? Akala ko tuluyan ka nang nalulong sa bisyo mo." "Hay naku! Bro, wala na nga sana akong balak umuwi e, pero itong si dad. Pilit na pinauuwi ako, ipapakilala raw ako sa babaeng pakakasalan ko. Nakakatawa pare, uso na pala ang arrange marriage rito sa Pilipinas ha. Akala ko sa Chinese lan
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-01-23
Baca selengkapnya

Chapter 5

DAHIL sa nangyari, nahirapan na akong makatulog nang gabing iyon. Para bang, may mga naririnig akong yabag sa labas. Nagtaklob ako nang kumot at ipinikit ko nang mariin ang talukap ng mata ko."Diyos ko! Huwag po kayong umalis sa tabi ko. Natatakot ako sa mga naririnig ko!" nanginginig ang boses ko sa pagdadasal.Mayamaya pa ay nakaramdam ako nang kalabog sa labas. Agad akong napabalikwas nang bangon at nagsumiksik sa tabi ng higaan. "Ano iyon?! Huwag mo naman akong takutin oh! Hindi ba't friends tayo? Huhuhu." Mangiyak-ngiyak na ako dahil sa takot.Sa loob nang kuwarto, pinahid ni Reyman ang pawis na namuo sa kanyang noo. "Anong klaseng babae ba siya at talagang sinasabi pa niya sa akin ang nararamdaman niya? Inaakit talaga niya siguro ako, ramdam pala niya na nakatingin ako sa kanyan kagabi, pero ipinagpatuloy pa niya ang paghuhubad. Anong palagay niya sa akin? Aakitin niya ako para perahan? Tsk! Mapagpanggap! Akala mo yata papatulan kita, puwes nagkakamali ka." Kinuha ni Reyman
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-01-23
Baca selengkapnya

Chapter 6

Sa loob nang kuwarto, pinahid ni Reyman ang pawis na namuo sa kanyang noo. "Anong klaseng babae ba siya at talagang sinasabi pa niya sa akin ang nararamdaman niya? Inaakit talaga niya siguro ako, ramdam pala niya na nakatingin ako sa kanyan kagabi, pero ipinagpatuloy pa niya ang paghuhubad. Anong palagay niya sa akin? Aakitin niya ako para perahan? Tsk! Mapagpanggap! Akala mo yata papatulan kita, puwes nagkakamali ka." Kinuha ni Reyman ang kape at tensyon na tensyon na ininom iyon. Halos maubos pa niya ang kape at hindi na naramdaman ang init dahil mas nakaramdam siya ng init sa sinabi ng dalaga sa kanya.Isa pang iniisip ngayon ni Reyman ay ang trabaho niya sa opisina. Ngayon lang siya hindi nakapasok sa trabaho at dahil iyon sa babaeng burara. Napakasakit nang balakang niya na para bang napasama ang pagkadulas niya sa sahig. Baka madoktor pa siya nito kapag lumala ang sakit na iyon kaya't hanggang maaga pa ay magpapahinga na lang muna siya.Pagsapit nang tanghali ay sinubukan kong
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-02-01
Baca selengkapnya

Chapter 7

Habang kumakain ay napapasulyap sa akin si sir, hindi ko alam pero parang kinikilig ako. Nagagandahan siguro siya sa akin, well hindi naman ako magtataka at sadyang alam ko na iyon.    "Sigurado ka ba na talagang naghahanap ka nang trabaho?" basag ni sir sa katahimikan.    "Po? O-opo sir, salamat po pala at tinaggap mo ako."    Muli na namang tumitig sa akin si sir, parang hindi ako makakain sa ginagawa niyang pagtitig.    "Para kasing... para kasing hindi ka sanay sa gawaing bahay." Bigla akong nahinto sa pagkain at namumutlang tumitig kay Sir Reyman.    "Ba-bakit po sir? Pa-paano mo naman po nasabi. Nagagawa ko naman po ang lahat. Medyo naninibago lang po ako kasi... kasi..."&nb
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-02-02
Baca selengkapnya

Chapter 8

Napahinto naman si Reyman sa pagsigaw. Lalo na nang makita niya akong umiiyak at takot na takot. Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa balikat.  "Sorry. I lost my temper."  Imbis na tumugon ay nagtatakbo na lang ako at nagtungo sa kuwarto saka roon nag-iiyak. Bakit ba kahit saan ako magpunta, palagi na lang ipanamumukha sa akin na wala akong alam? Bakit ba kahit na lahat naman ay ginagawa ko, palagi pa ring nagiging mali? Sinusubukan ko naman ang lahat e. Pero kulang pa rin. Habang buhay na lang ba akong sisinghalan at gagawing bobo nang mga nakakasalamuha ko?  Naalala ko si dad, noong bata ako. Gustong-gusto kong makipaglaro sa mga batang naglalaro sa aming hardin. Naroon kasi ang mga kaibigan ni dad at masayang umiinom habang ang mga anak ng kumpare niya ay nagtatakbuhan sa hardin namin. Nagpaalam ako na gusto kong lumabas upang sana'y makipagkilala sa dalawang batang lalaki. Nguni
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-02-03
Baca selengkapnya

Chapter 9

Tumungga si Reyman ng alak bago nagsalita. "Bro, hindi ko pa nakikita ang babaeng karapatdapat kong mahalin. Alam mo naman na ayoko nang problema, kaya naman iniiwasan ko ang mga babae dahil malaking distraction lang sila sa business. Business against relationship, maraming nagseselos sa ganoon bro, kaya kapag nagmahal ako dapat handa na akong maglaan nang panahon sa kanya," aniya. "No bro, hindi ikaw ang magdedecide kung kailan ka maglalaan ng panahon sa babae. Ito tandaan mo bro, once na makilala mo na ang babaeng iyan, mawawalan ka ng pakialam sa lahat ng nasa paligid mo. Alam mo ba kung bakit? Dahil makapangyarihan ang pag-ibig, hindi mo maididikta kung sino, saan at kailan mo ito matatagpuan. Kusa mo itong mararamdaman sa hindi tamang pagkakataon at panahon."  Natawa si Reyman sa sinabi nang kaibigan. May mga natutunan din pala ito sa US kahit na papaano. "Really huh? So where is she? Nasaa
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-02-04
Baca selengkapnya

Chapter 10

 "AYOS lang po ba kayo sir?"  Napapitlag si Sir Reyman sa tanong ko. Kaya't agad nitong binawi ang tingin.  "Yes. Excuse me." Kinabig ako nito para makadaan siya at naiwan ako sa pintuang mag-isa. Hinabol ko siya ng tingin hanggang makapasok siya sa kuwarto niya.Pasuring-suring pa itong naglalakad, gusto ko man siyang tulungan ay hindi ko naman magawa. Sapagkat parang ayaw naman ni sir na magpatulong sa akin. Ano bang nangyayari sa akin at parang nag-aalala ako kay sir. Isinara ko ang pinto at umakyat na ako upang pumasok na rin sana sa kuwarto, ngunit napahinto ako sa paglalakad nang marinig kong parang may nagtatawag ng uwak sa loob ng kuwarto ni Sir Reyman.  "Hala! Gabing-gabi na nagsisisigaw pa si sir?" Lumapit ako sa pintuan niya at kinatok ko iyon. "Sir! Sir! Ayos lang po ba kayo?" tanong ko pero wala akong narinig na tugon. "Sir?" muli kong tawa
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-02-05
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
...
9
DMCA.com Protection Status