Share

Chapter 3

Author: Author Bhelle
last update Huling Na-update: 2023-01-23 07:40:39

Kinabukasan. 

Nakarinig ako nang malakas na kalampog ng kaldero na parang bumasak sa sahig. Nagulat ako at biglang napabagon sa higaan.

"Wah! Sino iyan?" nakita kong nakaarko ang kilay ng boss ko. Nakabihis na ito pangpasok at ang mas lalong hindi ko kinaya ang sikat nang araw na tumatama sa bintana.

"Oh shit! Anong oras na sir? Bakit hindi mo ako ginising? Tinanghali tuloy ako." Dali-dali na akong tumayo at lumabas ng kuwarto. Nakita ko pa ang nakaarkong kilay ng boss ko. 

Hays, ano ba iyan. Palibhasa gumigising ako ng alas diyes ng umaga kaya naman hindi ako sanay gumising ng maaga. 

Pagdating ko sa kusina ay hindi ko alam ang gagawin ko. Ano ba ang kakainin niya? Napapitlag pa ako nang may magsalita sa likuran ko.

"Coffee." Umupo ito sa upuan at hinintay ang kape niya. 

Agad naman akong nahintatakutan ng makita kong tumitig ito sa akin na para bang sinasabing bilisan mo! 

Lumapit na ako sa lababo. At agad na nagtimpla ng kape. Mabuti naman at kape lang, hindi gaanong mahirap.

Matapos kong maitimpla ay ibinigay ko na iyon sa kanya. Hinintay ko pang matikman niya ang kape at gusto kong malaman ang sagot niya.

Medyo nailang naman ito sa akin nang makitang nakatitig ako.

"Anong tinitingin-tingin mo?" bulyaw nito sa akin.

"Hehehe. Wala naman sir, baka kasi hindi mo gusto iyong taste ko e. Gusto kong malaman kung tama ba ang timpla ko,"aniya.

Ininom niya iyon bago ko nakita ang itsura niyang nag-iba ang timpla.

"Anong klaseng kape ba ito? Bakit ang tabang?" galit na tanong nito sa akin.

"Matabang? Oppss! Naku nalimutan kong lagyan ng asukal sir, wait lang." Kinuha ko ang kape at nilagyan ko ng asukal bago ko muling inabot sa kanya. 

Kabado pa ako nang abutin niya iyon at inumin mismo sa harapan ko. 

Agad itong tumayo at nagtatakbo sa lababo para idura ang ininom na kape.

"Si-sir! Ba-bakit po?" nauutal kong tanong.

"Shit! Papatayin mo ba ako ha? Ilang kutsarang asukal ba ang nilagay mo sa kape ko ha!" singhal nito sa akin.

"Ha? Dalawang kutsara sir, dapat po ba tatlo? So-sorry sir!" takot na takot na sabi ko.

Inis na nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay ko at mariing kinapitan iyon.

"Ako ba talaga ay niloloko mo ha?!" 

"Hi-hindi sir! Bakit naman po kita lolokohin?" 

"Grrr! Umalis ka na nga sa harapan ko!" utos nito sa akin.

Dali-dali na akong umalis at baka atakihin pa sa puso ang amo ko.

Bago mag alas-nuebe ay umalis na ito kaya naman naiwan na akong mag-isa sa bahay. Salamat naman at wala siya. Pero bawal akong umupo kaya dapat nakatayo lang ako. Grabe naman ang rules niya. Nakita ko ang numero ni sir sa ibabaw ng table. Ganoon din ang mga nakadisplay na larawan nito at mga certificate. 

"Uy! Ang ganda naman pala ng name niya. Reyman Fernandez. Puwede na. Puwede nang ilagay sa lapida sa sobrang sungit niya mapapadali ang pagkamatay niya. 

Natatawa na lang ako sa iniisip ko. Kaya upang mawala ang pagkainip ko'y naglinis na lang ako nang bahay.

Sa kabilang banda. Kasalakuyang nasa meeting si Reyman nang biglang tumunog ang cellphone niya. Saglit niya iyong tiningnan at laking gulat niya nang makita ang numero ng kanyang telepono sa bahay. Agad niya iyong sinagot, baka nagkaroon nang problema kaya't tumatawag ang babaeng iniwan niya sa bahay.

"Excuse me." Paalam niya sa mga kameeting niya. 

Pinindot niya ang bagong cellphone niya at agad na sinagot iyon.

"Hello?" 

"Sir, ikaw ba 'to?" tanong ko.

"Yes. Bakit? Anong kailangan mo?" 

"Sir, magtatapon ako ng basura sa labas. Puwede ba akong lumabas?" deretsong tanong ko.

"What? Magtatapon ka lang nang basura itinawag mo pa sa akin? Are you—"

"Sir, huwag ka namang magalit. Nalimutan mo po ba na bawal akong lumabas nang walang pahintulot mo? Sige sir, salamat. Ingat ka riyan," aniya na binaba na ang telepono. 

Naiwan namang natulala si Reyman. At napapailing na bumalik sa meeting. "Mamaya ka sa akin!" anito sabay baling sa mga kameeting niya.

Kabanata 2.B

    Matapos kong tawagan si Sir Reyman. Ay muli kong sinipat ang mga display sa tabi nang telepono. Naroon kasi ang litrato ng binata. 

"Ang guwapo niya, kaya lang masungit. Saan kaya ipinaglihi iyon?" kausap ko ang sarili ko.

Muli kong tiningnan ang mga nakasabit na certificate ni Reyman. At doon ko lang napansin na iisa pala ang kurso na natapos namin. (BSBA) Bachelor of Science in Business Administration. Napangiti ako sa nakita ko, kaya pala masungit ito ay dahil palaging stress sa business, parang si dad. 

Muli ko tuloy naalala ang daddy ko. 

Flash Back.

"Pare, iyong anak ko nag-aaral ng Bussiness Ads. I'm sure na pagdating nang panahon, siya na ang tatayong CEO nang aming kumpanya." Pagyayabang nang kumpare ni dad.

"Hahaha. E iyong anak ko nga, sa USA pa dumayo para mas maraming matutunan tungkol sa business namin. Ako naman bilang ama, siyempre nakakaproud lang dahil alam kong pagdating nang panahon, kampante na akong mahihiga sa wheelchair ko." Saad naman ng isa pang kaibigan ni dad. 

Tahimik lang si dad at panay ang ngiti sa mga kumpare niya. Paano kasi sa kanilang tatlo si dad lang ang may anak na babae at wala siyang anak na lalaki.

"Pare, wala ba kayong balak pang mag-anak ni mare? Aba'y bata ka pa naman, sigurado akong makakabuo pa kayo nang lalaki!" sabay tawa nang pare ni dad.

"Hindi na kailangan mga pare, dahil sa anak kong si Fara na ang sasalo nang lahat nang maiiwan ko. Kahit na babae ang anak ko, matalino siya at maaasahan. Wala naman sa genre makikita ang husay sa business mga pare e. Nasa diskarte iyan, kaya proud na proud ako sa anak kong si Fara." Napangiti ako sa sulok kung saan nakikinig ako nang usapan nila. Sobrang saya ko noon dahil proud sa akin si Dad. Lalo na nang makatapos ako nang college, hindi lang ako nakagraduate kasi nag-uwi pa ako nang isang certificate na isa ako sa rank 1 nang aming University. Cum Laude lang naman ako at may mga iba't ibang parangal pa akong natanggap mula sa aming University. 

Iyon ay dahil inspiration ko si Dad. Na kahit babae ako'y makakaya ko ang lahat. 

Pero pagdating nang isang taon, naramdaman ko na parang may kulang sa sarili ko. Inisip ko lang na gusto ko ba talaga ang Bussiness? Noong bata ako, tinatanong ako nang teacher ko kung ano raw ang pangarap ko sa buhay. Ang sagot ko ay isang doktor. Ngunit bakit tila nabalewala ang pangarap ko dahil inuna ko ang pangarap nang magulang ko? Kaya naman lakas loob akong nagpaalam kay dad na mag-aaral ako ng medicine. Ngunit hindi siya pumayag. Kaya't para akong sinampal nang pangarap kong kailanman ay hindi na matutupad.

"Napasobra ba ang katalinuhan mo Fara kaya lahat ng kurso na maisipan mo ay kukunin mo? Sinasayang mo ang mga panahon! Ang sabi ko sa 'yo magfocus ka sa negosyo natin. Pero palagi ka na lang nagfafailed sa mga pinupuntahan mong meetings? Puro pagpapacute ba ang ginagawa mo sa buhay? Tumigil ka na muna sa pagtatrabaho at mag-aral ka ulit kung paano patatakbuhin ang business natin. Common Fara, hindi mo ba naisip na nag-aaksaya ka nang panahon sa walang katuturan mong pinag-gagagawa sa buhay? Kailan ka magmamatured? Kapag nakahiga na ako sa kama at uugod-ugod na? Kung ayaw mong intindihin ang negosyo namin then do me a favor. Magpakasal ka sa lalaking hahalili sa 'yo sa kumpanya!" singhal sa akin ni Dad.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni dad. Akala ko kasi magiging malaya na ako kapag nakatapos na ako nang kolehiyo. Pero nagkamali ako dahil mas lalo pa akong sinakal nang pagkakataon.

Sa dami nang nanliligaw sa akin, hindi ko inisip na sagutin maalin man sa kanila, dahil gusto kong matupad muna ang pangarap ko. Pero paano ko naman magagawa iyon kung si dad na lang palagi ang masusunod.

Makalipas ang ilang taon wala pa rin akong natitipuhan na lalaki. Iniisip ko kasing kung pipiliin ko ay isang magaling sa business, paano naman ang puso ko? Lalo na at ang tingin ko sa sarili ko'y isang alahas na pinag-aagawan dahil oras na magpakasal ako, mamanahin lang naman nila ang kumpanya ng dad ko. Pakiramdam ko tuloy pera lang ang habol sa akin ng mga lalaki. Alam ko naman na maganda ako pero kulang pa rin iyon at hindi sapat iyon para mapatunayan kong seryoso nga sa akin ang lalaking pakakasalan ko.

Lalo na at bago manligaw ay dumaraan muna kay dad. Para bang isang trabaho na kailangan i-briefing muna bago makapasa sa panliligaw sa akin. 

Kaya lahat iniisip kong bastedin. Dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi pa ako handa. Bakit ko naman pipilitin ang sarili ko sa taong hindi ko gusto. 

Hanggang isang araw kausapin ako ni dad.

"Fara, may lalaki akong gusto para sa 'yo. He is a businessman, at malaki ang maitutulong niya sa kumpanya natin. Anak siya ng kumpare ko na nag-aral sa USA. Siya na ang nagmamanage nang kumpanya nang kanyang ama, at kapag nakilala mo siya maaaring pag-isahin na namin ang kumpanya namin upang sa ganoon ay mas lalo pang umangat ang business natin. Fara, ito na ang pagkakataon para makabawe ka sa akin, magpakasal ka sa kanya." 

Tumayo ako sa pinagkakaupuan ko at galit na nagsalita.

"No! Ayoko na dad, ilang beses mo po bang irereto ako sa mga lalaking hindi ko naman gusto? Akala ko ba proud kayo sa akin? Bakit ngayon pipilitin ninyo akong ipakasal sa hindi ko gusto? Dad, hindi n'yo ba alam na hindi na ako masaya sa mga ginagawa ninyo? Oo, maganda nga ang buhay ko dahil sa business ninyo. Naibibigay ninyo ang mga materyales na bagay na gusto ko, maganda nga ang pananamit ko at masarap na pagkain ang tinatamasa ko! But dad, hindi mo ba naitanong sa akin kung masaya ba ako? Palagi na lang patakaran ninyo ang nasusunod. Lahat nang kaibigan ko, nagawa na nila ang mga pangarap nila sa buhay. Pero ako? Heto, sinusundan ang yapak ninyo kahit na alam naman ninyong nahihirapan na ako. Dad, hindi ba puwedeng maging proud ka sa akin dahil kahit kailan hindi ako nalululong sa kahit na anong bagay na mapapariwara ang buhay ko? Hindi pa ba sapat ang mga nagawa ko? Sa tingin mo dad, masaya bang magpakasal sa lalaking hindi mo gusto? Ganiyan ba ang nangyari sa inyo ni mommy kaya ngayon ginagawa mo rin sa akin dad?!" 

Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko. At galit na galit ang mukha ni dad na tinitigan ako. Nagtatakbo naman ako sa kuwarto at doon nagkulong. Hindi ko na kinausap si dad dahil alam ko naman na wala ring silbi ang sasabihin ko.

Flash end.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa mga naalala ko, pinahid ko ang luha ko at humugot ng malalim na hininga. Bago nagpasyang lumabas upang magtapon nang basura.

Kaugnay na kabanata

  • Maid Ako Ng Amo Ko   Chapter 4

    "KUMUSTA ang meeting? Nakuha mo ba ang simpatya ng mga board member?" Bungad ni Miguel, ang nag-iisang kaibigan niya. Nanlaki ang mata ni Reyman at napatayo siyang bigla sa kanyang upuan."Bro! Kailan ka pa dumating?" Tumayo si Reyman at sinalubong niya ang kaibigan niyang si Miguel. "Hahaha. Kakauwi ko lang noong isang araw bro. Kumusta? Balita ko mag-aasawa ka na?" Natatawang sabi ni Miguel. "Hahaha. Kukuha ka lang nang spy iyong pangsinungaling. Wala pa sa isip ko iyan bro. Ikaw? Kumusta? Balita ko marami ka nang nabuntis na babae sa USA ah!" ani Reyman."Hahaha. Magaling ang spy mo bro!" anito sabay upo sa sofa at itinaas ang kanyang paa."Sira ulo ka talaga. Bakit naman naisipan mong umuwi? Akala ko tuluyan ka nang nalulong sa bisyo mo." "Hay naku! Bro, wala na nga sana akong balak umuwi e, pero itong si dad. Pilit na pinauuwi ako, ipapakilala raw ako sa babaeng pakakasalan ko. Nakakatawa pare, uso na pala ang arrange marriage rito sa Pilipinas ha. Akala ko sa Chinese lan

    Huling Na-update : 2023-01-23
  • Maid Ako Ng Amo Ko   Chapter 5

    DAHIL sa nangyari, nahirapan na akong makatulog nang gabing iyon. Para bang, may mga naririnig akong yabag sa labas. Nagtaklob ako nang kumot at ipinikit ko nang mariin ang talukap ng mata ko."Diyos ko! Huwag po kayong umalis sa tabi ko. Natatakot ako sa mga naririnig ko!" nanginginig ang boses ko sa pagdadasal.Mayamaya pa ay nakaramdam ako nang kalabog sa labas. Agad akong napabalikwas nang bangon at nagsumiksik sa tabi ng higaan. "Ano iyon?! Huwag mo naman akong takutin oh! Hindi ba't friends tayo? Huhuhu." Mangiyak-ngiyak na ako dahil sa takot.Sa loob nang kuwarto, pinahid ni Reyman ang pawis na namuo sa kanyang noo. "Anong klaseng babae ba siya at talagang sinasabi pa niya sa akin ang nararamdaman niya? Inaakit talaga niya siguro ako, ramdam pala niya na nakatingin ako sa kanyan kagabi, pero ipinagpatuloy pa niya ang paghuhubad. Anong palagay niya sa akin? Aakitin niya ako para perahan? Tsk! Mapagpanggap! Akala mo yata papatulan kita, puwes nagkakamali ka." Kinuha ni Reyman

    Huling Na-update : 2023-01-23
  • Maid Ako Ng Amo Ko   Chapter 6

    Sa loob nang kuwarto, pinahid ni Reyman ang pawis na namuo sa kanyang noo. "Anong klaseng babae ba siya at talagang sinasabi pa niya sa akin ang nararamdaman niya? Inaakit talaga niya siguro ako, ramdam pala niya na nakatingin ako sa kanyan kagabi, pero ipinagpatuloy pa niya ang paghuhubad. Anong palagay niya sa akin? Aakitin niya ako para perahan? Tsk! Mapagpanggap! Akala mo yata papatulan kita, puwes nagkakamali ka." Kinuha ni Reyman ang kape at tensyon na tensyon na ininom iyon. Halos maubos pa niya ang kape at hindi na naramdaman ang init dahil mas nakaramdam siya ng init sa sinabi ng dalaga sa kanya.Isa pang iniisip ngayon ni Reyman ay ang trabaho niya sa opisina. Ngayon lang siya hindi nakapasok sa trabaho at dahil iyon sa babaeng burara. Napakasakit nang balakang niya na para bang napasama ang pagkadulas niya sa sahig. Baka madoktor pa siya nito kapag lumala ang sakit na iyon kaya't hanggang maaga pa ay magpapahinga na lang muna siya.Pagsapit nang tanghali ay sinubukan kong

    Huling Na-update : 2023-02-01
  • Maid Ako Ng Amo Ko   Chapter 7

    Habang kumakain ay napapasulyap sa akin si sir, hindi ko alam pero parang kinikilig ako. Nagagandahan siguro siya sa akin, well hindi naman ako magtataka at sadyang alam ko na iyon."Sigurado ka ba na talagang naghahanap ka nang trabaho?" basag ni sir sa katahimikan."Po? O-opo sir, salamat po pala at tinaggap mo ako."Muli na namang tumitig sa akin si sir, parang hindi ako makakain sa ginagawa niyang pagtitig."Para kasing... para kasing hindi ka sanay sa gawaing bahay." Bigla akong nahinto sa pagkain at namumutlang tumitig kay Sir Reyman."Ba-bakit po sir? Pa-paano mo naman po nasabi. Nagagawa ko naman po ang lahat. Medyo naninibago lang po ako kasi... kasi..."&nb

    Huling Na-update : 2023-02-02
  • Maid Ako Ng Amo Ko   Chapter 8

    Napahinto naman si Reyman sa pagsigaw. Lalo na nang makita niya akong umiiyak at takot na takot. Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa balikat."Sorry. I lost my temper."Imbis na tumugon ay nagtatakbo na lang ako at nagtungo sa kuwarto saka roon nag-iiyak.Bakit ba kahit saan ako magpunta, palagi na lang ipanamumukha sa akin na wala akong alam? Bakit ba kahit na lahat naman ay ginagawa ko, palagi pa ring nagiging mali? Sinusubukan ko naman ang lahat e. Pero kulang pa rin. Habang buhay na lang ba akong sisinghalan at gagawing bobo nang mga nakakasalamuha ko?Naalala ko si dad, noong bata ako. Gustong-gusto kong makipaglaro sa mga batang naglalaro sa aming hardin. Naroon kasi ang mga kaibigan ni dad at masayang umiinom habang ang mga anak ng kumpare niya ay nagtatakbuhan sa hardin namin. Nagpaalam ako na gusto kong lumabas upang sana'y makipagkilala sa dalawang batang lalaki. Nguni

    Huling Na-update : 2023-02-03
  • Maid Ako Ng Amo Ko   Chapter 9

    Tumungga si Reyman ng alak bago nagsalita."Bro, hindi ko pa nakikita ang babaeng karapatdapat kong mahalin. Alam mo naman na ayoko nang problema, kaya naman iniiwasan ko ang mga babae dahil malaking distraction lang sila sa business. Business against relationship, maraming nagseselos sa ganoon bro, kaya kapag nagmahal ako dapat handa na akong maglaan nang panahon sa kanya," aniya."No bro, hindi ikaw ang magdedecide kung kailan ka maglalaan ng panahon sa babae. Ito tandaan mo bro, once na makilala mo na ang babaeng iyan, mawawalan ka ng pakialam sa lahat ng nasa paligid mo. Alam mo ba kung bakit? Dahil makapangyarihan ang pag-ibig, hindi mo maididikta kung sino, saan at kailan mo ito matatagpuan. Kusa mo itong mararamdaman sa hindi tamang pagkakataon at panahon."Natawa si Reyman sa sinabi nang kaibigan. May mga natutunan din pala ito sa US kahit na papaano."Really huh? So where is she? Nasaa

    Huling Na-update : 2023-02-04
  • Maid Ako Ng Amo Ko   Chapter 10

    "AYOS lang po ba kayo sir?"Napapitlag si Sir Reyman sa tanong ko. Kaya't agad nitong binawi ang tingin."Yes. Excuse me." Kinabig ako nito para makadaan siya at naiwan ako sa pintuang mag-isa.Hinabol ko siya ng tingin hanggang makapasok siya sa kuwarto niya.Pasuring-suring pa itong naglalakad, gusto ko man siyang tulungan ay hindi ko naman magawa. Sapagkat parang ayaw naman ni sir na magpatulong sa akin. Ano bang nangyayari sa akin at parang nag-aalala ako kay sir. Isinara ko ang pinto at umakyat na ako upang pumasok na rin sana sa kuwarto, ngunit napahinto ako sa paglalakad nang marinig kong parang may nagtatawag ng uwak sa loob ng kuwarto ni Sir Reyman."Hala! Gabing-gabi na nagsisisigaw pa si sir?" Lumapit ako sa pintuan niya at kinatok ko iyon."Sir! Sir! Ayos lang po ba kayo?" tanong ko pero wala akong narinig na tugon. "Sir?" muli kong tawa

    Huling Na-update : 2023-02-05
  • Maid Ako Ng Amo Ko   Chapter 11

    "Sir, puwede bang ako naman ang magtanong sa 'yo? Magkano na po ba ang utang ko?" Natigilan sa pagkain si Sir Reyman at tumitig ito sa akin."Bakit? Balak mo pa bang dagdagan?" nakaarko ang kilay na tanong nito."Kung puwede sana sir, gusto kong umutang sa inyo. May balak kasi akong bilhin. Gusto ko sanang bilhin ang ngiti mo sir, magkano ba iyan at baka kaya ko pang pag-ipunan?" Makaraan ang ilang segundo na wala akong narinig na tugon ay nagpasya na akong umalis sa kusina. Mukhang mahal ang ngiti ni sir kaya hindi niya mapresyuhan. Naiwang nakatulala si Sir Reyman habang ako naman ay napapangiting lumabas nang kusina.Sa wakas. Nakatakas din ako sa mga tanong niya.Sa opisina. "Sir, may meeting po kayo mamayang lunch. At siya nga pala sir, may kailangan po kayong malaman. Iyong isa po nating board member na si Mr. Gregorio ay nagkaroon po nang problema. May sakit po siya ngayon at medyo malala yata sir." "Ha? Sino ang tatayong spokesman niya mamaya?" ani Reyman. Mr. Gregorio is

    Huling Na-update : 2023-02-17

Pinakabagong kabanata

  • Maid Ako Ng Amo Ko   CHAPTER 84

    #TARANTADONG_BABAE#LAST_CHAPTERKabanata 29 ISANG mainit na gabi ang pinagsaluhan naming dalawa ni Joshua. Sa pag-aakala kong magiging simpleng gabi lang ito’y doon ako nagkamali. Isang bagay na natuklasan ko kaya muling nagkaroon ng maraming katanungan sa aking isipan.“Are you ready?” bulong nito sa akin matapos ang mainit naming paghahalikan. Magkalapat ang aming katawan, parehong walang saplot kaya ramdam na ramdam ko ang init ng katawan nito, lalo tuloy akong nagiging mapusok dahil nagiging sabik ako sa mga mangyayari.Tumango ako bilang tugon kay Joshua, kaya mabilis itong nagsimula. Akala ko puro sarap lang ang mangyayari ngunit nagkamali ako. Dumaloy ang sakit sa aking pagkababae ng magsimula ng ibaon ni Joshua ang kaniyang pagkalalaki. Medyo napaatras pa ako dahil sa pag-aakala na baka sala lang ang pagpasok nito, ngunit talagang naiiyak ako dahil ramdam na ramdam kong pinupunit ang aking ba

  • Maid Ako Ng Amo Ko   CHAPTER 83

    Kabanata 28 NANG matapos akong magpasukat ay nagtungo naman kami ni Donna sa office. Gusto ko lang makita si Joshua dahil ilang araw na itong abala sa trabaho.“Ikaw na lang muna ang umakyat sa taas may pupuntahan lang ako,” paalam ni Donna sa akin.“Ha? Saan ka pupunta?”“May tatapusin lang akong trabaho— naiwan kong trabaho kahapon.” Pagkasabi nito ay dali-dali na itong umalis. Napakunot-noo na lang ako sa ginawa ni Donna. Ayaw lang niya siguro akong samahan sa loob.Nagtuloy na ako papuntang elevator at nang magbukas iyon ay kaagad na akong pumasok. Mag-isa lang ako sa loob, tila pumapanig sa akin ang panahon. Naaalala ko pa ’yong nangyari sa akin noong nakaraan. Kung paano ako ipinahiya ni Alisha. Ganoon pa man ay gagampanan ko na lang ang nagawa ko, total naman ginawa ko lang iyon para mailayo na rin si Joshua kay Alisha.Tumunog na ang operato

  • Maid Ako Ng Amo Ko   CHAPTER 82

    Kabanata 27 ILANG ORAS ang lumipas ngunit wala pa rin si Joshua. Umalis kasi ito kasama si Alisha. Siguro'y naisip ni Joshua na umalis upang mailayo si Alisha sa akin."Ano kayang nangyari? Bakit hanggang ngayon, hindi pa sila bumabalik?" Pabalik-balik ako sa bintana upang alamin kung nariyan na si Joshua. Ngunit palagi akong bigo. Inabot na ako ng gabi sa paghihintay ay wala pa ring Joshua na dumadating, kaya nagpasya na akong umalis sa bahay ni Joshua. Nag-taxi na lang ako upang makauwi sa bahay. Pagdating sa bahay ay si Uncle ang kaagad kong nasalubong. Nag-aalala itong lumapit at nagtanong sa akin. "Iha, are you alright? Nabalitaan ko ang nangyari kanina, sinubukan kong tawagan ka pero hindi mo naman sinasagot ang phone mo.""Sorry po, Uncle Leo. Naiwan ko po 'yong phone ko sa office. Okay naman po ako gusto ko lang po magpahinga ngayon. Excuse me po..." Malungkot na umakyat ako sa hagdan patungo sa kuwarto. Pagdating sa

  • Maid Ako Ng Amo Ko   CHAPTER 81

    Kabanata 26 DINALA ako ni Joshua sa bahay niya, kung saan solo na naman namin ang isa’t isa. Pinaupo ako ni Joshua sa sofa.“Maupo ka lang diyan, kukuha ako ng yelo.”Naupo naman ako sa upuan at hinintay si Joshua na nagpunta sa kusina. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari sa akin ito. First time kong hindi gumanti sa kaaway ko. Siguro ay dahil nagi-guilty ako sa ginawa ko.Mayamaya pa'y dumating na si Joshua. Umupo ito sa tabi ko at hinawi ang buhok ko na nakataklob sa aking noo.“A-anong gagawin mo?” tanong ko.“May bukol ka sa noo, lalagyan ko ng yelo para bumalik sa dati.” Inilapat nito ang yelo sa noo ko at doon ko lang naramdaman na nagkaroon pala ako ng bukol. Medyo manhid pa kasi ang ulo ko dahil sa pagsabunot sa akin ni Alisha. Parang biglang humapdi ang mukha ko. May maliliit Palawan akong kalmot sa noo. Mabuti na lang at hindi nabawasan ang ganda ko ka

  • Maid Ako Ng Amo Ko   CHAPTER 81

    Kabanata 25 PAGMULAT ng mata ko’y si Joshua ang una kong nakita.“Hanggang sa panaginip, ikaw pa rin ang nakikita ko. Sana hindi na ako magising...” saad ko sa sarili ko.Naalipungatan ito dahil sa pagbulong ko. Napatingin ito sa akin at napatitig.Nagkurap-kurap ako ng mata.“Bakit parang totoo ka?” tanong ko sa kaniya.Hindi ito nagsalita, bagkus hinaplos nito ang mukha ko.Naramdaman ko ang kamay nito, kaya mabilis akong napabangon.“Hindi ito panaginip?!” gulat na gulat kong tanong.Doon na tumambad sa akin ang hubad na katawan ko. Ganoon din ito na naka-boxer short lang ang pang-ibaba.“O my God! A-anong nangyari?!” Hinila ko ang blanket at siyang itinabon sa katawan ko. Pasalamat na lang ako at nakasuot ako ng panty. Tanging iyon lang ang natabunan.Seryoso ang mukha nitong napatitig sa akin.&nbs

  • Maid Ako Ng Amo Ko   CHAPTER 80

    #tarantadong_babae_updatesKabanata 24 NAPAHINTO ito at muling napatitig sa akin, para ko itong nahi-hypnotize. Napatango-tango ito at muling naupo sa kaniyang inuupuan.Napangiti ako bago nagtungo sa swimming pool. Talagang nagpapa-cute ako sa kaniya. Alam kong nakatitig siya sa akin habang nagsi-swimming ako. At iyon ang gustong-gusto ko— ang makuha ko ang atensyon niya. Humanda ka sa akin, sisiguraduhin kong mababaliw ka sa akin at makakalimutan mo iyang Alisha mo.Ilang minuto ang lumipas, nagsawa na ako sa paglalangoy. Umahon na ako sa tubig, pero ang hindi ko inaasahan ay ang biglang abutan ako ni Joshua ng towel.“Sa-salamat.” Inabot ko ang tuwalya at isinaklob sa katawan ko.“Ang sarap maligo, kung sana ay naligo ka... E ’di sana'y nawala iyang init ng katawan mo.”Napakunot-noo ito sa sinabi ko, pero hindi nagsalita. Baka nahuli nito ang ibig kong

  • Maid Ako Ng Amo Ko   CHAPTER 79

    HALOS malaglag ang panga ko sa sinabi ni Uncle Leo. Hindi man lang ako tinanong nito bago siya nagdesisyon, kaya parang nakaramdam ako ng pagkadismaya.“May problema ba sa pagsama sa 'yo ni Joshua, ha iha?” tanong nito sa akin.“Wa-wala naman po, baka lang po kasi makaabala ako sa kaniya. Kailangan po siya sa office hindi po ba?”“No iha. Ako na bahala sa office ngayon. Sa ngayon, gusto ko munang matapos ’yong pinaggagawa ko sa iyo.”Napatingin ako kay Joshua. Nahuli ko ang mata nitong nakatitig sa akin. Kaya parang nailang ako sa suot ko. Nakapantalon at t-shirt lang naman ako. Ito ang sinuot ko ngayon dahil feeling ko, masyado namang pangit ang outfit kung naka-dress ako or naka-short.“So may problema pa ba, iha?” muling tanong ni Uncle sa akin ng hindi ako kaagad nakasagot.“Wala po. Sige, Uncle. Aalis na po kami para makarating kaagad

  • Maid Ako Ng Amo Ko   CHAPTER 79

    #TARANTADONG_BABAE UPDATESKabanata 22 ILANG ORAS din akong ginambala ng utak ko, palaging laman noon ay Joshua. Paulit-ulit kong naaalala ang ginawa ko. Nahihiya pa rin ako sa sarili ko kapag naiisip ko iyon. Ganoon na ba ako kadesperada, at tinangka ko siyang halikan?Nagulat na lang ako nang biglang may nagsalita sa harapan ko.“Ano girl, tulala?” nakangising pukaw sa akin ni Donna.“Kanina ka pa ba riyan?!” gulat na gulat kong tanong.“Oo. Kanina pa, ano bang iniisip mo't hindi mo naramdaman ang pagpasok ko sa opisina mo ha?”“Ha? Ah, wala naman... medyo hang over lang siguro.”Saka ko lang napansin na may dala itong paper bag.“Ano iyan?” tanong ko.“Lunch na kaya, wala ka bang balak kumain? Anyways, alam ko naman na ganito ang mangyayari, kaya heto... may dala akong pagkain para sa ating dalawa.” Inil

  • Maid Ako Ng Amo Ko   CHAPTER 78

    Tarantadong BabaeKabanata 21 “WILBERT?! A-anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong.“Katulad ng ginagawa mo, nagpapalipas ng oras— umiinom upang saglit na makalimot.” Ngumiti ito sabay lagok ng alak.“Ah...” tamad kong sagot.“Mukhang mabigat ang problema mo ngayon a, may maitutulong ba ako?” anito.“Wala naman, nagpapalipas lang ako ng oras.”Hindi ko ugaling i-share sa iba ang nararamdaman ko—lalo na kay Wilbert na alam kong may pagtingin din sa akin.“Ibang-iba ka na talaga ngayon, Kim.”“Ha? Anong iba? Ako pa rin naman ito...” Ngumiti ako ng bahagya.“No. I mean malayong-malayo na ang Kimberly na nakilala ko noon kaysa ngayon. Look at you now, lalo kang gumanda sa paningin ko. Kung noon ay hangang-hanga na ako sa 'yo, ano pa kaya ngayon?”Napangiti ako sa sinabi

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status