DAHIL sa gusto kong matutong magluto. Kinuha ko lang naman iyong laptop ni Sir Reyman na nakapatong sa table nito sa kuwarto at sinerch kung paano magluto nang adobo. Makailang beses na tinitigan bago ibinalik sa lagayan at sinimulang magluto nang ulam. Actually, alas-tres ako nagsimulang maggayat nang panamya. At matapos ang dalawang oras na preparation. Naihanda na ko na ang lahat nang sangkap. Sinimulang painitin ang kawali bago ilagay ang langis. Sinunod ang bawang. Hinalo-halo at nang makitang medyo mapula na ang bawang ay saka inilagay ang sibuyas, sinunod ang manok bago tinakluban. "Sigurado akong masarap 'to kapag natapos ko. Sana naman maperpek ko."Matapos ang ilang minuto, nakikita ko nang mapula na ang manok. Sinunod ko na ang ibang panamya bago ko muling tinakluban. "Yes! Malapit na. Natatakam na akong tikman ang unang putaheng natutunan mo Fara. Siguradong mapapangiti mo na si Sir mo nito. Teka? Bakit ba iyong ngiti niya ang inaaalala ko? Dapat ang alalanin ko e kung
"Kusina ba ito?" tanong nito sabay hakbang palapit sa akin. Kaya napaatras ako dahil nakaramdam ako nang takot kay sir."Pa-pasensya na sir! Hi-hindi ko na po uulitin." Tumalikod ako at akmang aalis na nang muling tawagin ako ni Sir Reyman."Affy!"Napahinto ako at dahan-dahang napatingin sa kanya. Lumapit ito sa akin at nakaramdam na naman ako nang malakas na kaba sa dibdib. Bakit ganoon ba siya makatitig? Nang makalapit ito sa akin ay huminto ito na may isang hakbang ang layo sa akin."Si-sir?" "Bukas lumabas ka nang bahay. Dalhin mo sa laundry ang mga damit ko at doon mo palabhan. Naiintindihan mo ba?" "Po? Ka-kaya ko naman pong maglaba sir, sayang pa—" natigilan ako nang muling magsalita 'to."Ano ang sayang? Iyong ginawa mo sa damit ko? O 'yung magbayad ako nang maliit na halaga para sa maayos na paglalaba?" sarkastikong tanong nito."Po? Ahmm..." napaisip ako sa tanong ni sir."Gawin mo ang utos ko. Okey?" Napatango-tango na lang ako bago muling pumasok sa kuwarto si sir at i
Napanganga naman ako. "Akala ko pa naman sinapian na siya nang mabait na kaluluwa at nag-aalala na siya sa akin. Iyon pala natatakot lang siyang mahawaan ko siya nang sakit. Grabe siya! Naiwwn na akong mag-isa kaya naman inayos ko na ang pinagkainan ni sir at nagsimulang mag-ayos na para dalhin sa Laundry ang mga damit niya. Pagdating sa Laundry."Hello ma'am, magpapa-Laundry po kayo?" "Ah.. Laundry po ito hindi ba? So yes magpapa-Laundry po ako." Napapakamot nang buhok na kinuha nang babae ang dala ko."Teka ma'am, parang kilala ko kung kaninong mga damit ito. Kay Sir Reyman po ba ito? Iyong guwapo nakatira sa kabilang subdivision?" Nakangiting tanong nang babae. Ngumiti ako bago tumango. "Yes. Sa kanya iyan." "Oh my gosh! Kayo po ba ang asawa niya ma'am?" Namula ako sa tanong nang babae. Asawa? Ako? Mukha ba akong asawa ni Sir Reyman."Paano mo naman nasabi?" tanong ko sa kanya. Namumula na ang mukha ko at siyempre nahihiya na rin."Ang ganda mo po kasi ma'am," anito. Kamuntikan
Ano naman ang ginagawa mo rito? Kumusta? Naback-out na ba iyang bride mo?" tanong ni Reyman."Hahaha. Ako? Hi-hindian nang mga babae? Mukhang bago iyon sa pandinig ko bro, wala pang umayaw sa akin. Bukod sa guwapo ako, magaling pa ako sa lahat nang bagay. Kung sa bilihan lang din naman, 3-in-1 ako bro!" "Talaga? So kailan ang kasal? Bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang babaeng sinasabi mo." "Alam mo bro, may mga bagay talagang hindi maunawaan. Iyon nga ang problema nila dad at ni tito ngayon. Nag-aalala na sila dahil nawawala si Fara." Natawa si Reyman sa nalaman. "Tinakasan ka? You mean ayaw niyang magpakasal sa 'yo?" nakangiting tanong ni Reyman."Sira ulo ka bro! Hindi pa nga kami nagkikita e. Noong nalaman daw ni Fara na ikakasal siya, tumakas ito para hindi matuloy ang kasal. Ang malas niya bro, kasi hindi niya alam na guwapo at romantiko ang pakakasalan niya. E 'di sana'y hindi niya iisipin na magsisi pa." "Tumakas? Bakit tumakas?" pagtataka tanong ni Reyman.
Malinis sa kuwarto si Reyman. Disiplinado at maingat sa mga gamit. Kahit yata matagal na ang mga gamit nito'y mukhang bago pa rin. Siya lang ang lalaking nakilala kong napakadisiplinado pagdating sa lahat nang bagay. Napasulyap ako sa kama nito. Malawak ang higaan ni sir, siguro malikot itong matulog. Kaya naman hindi puwede sa kanya ang maliit na kama. Lumapit ako at kinuha ang unan na ginagamit nito. Inamoy ko at magiliw na niyakap pa iyon. "Hmmm ang bango-bango mo Sir Reyman, amoy baby. Ano kaya ang ginagamit mong sabon at parang nakakaaddict sa ilong." Humiga ako sa kama at nagpagulong-gulong doon. "Ahhh. Ang sarap matulog dito." Pumikit ako at komportableng nahiga. "Hanggang kailan kaya ako magtatago? Sana hindi magsawa sa akin si Sir Reyman. Dahil kapag pinaalis niya ako rito sa bahay. Wala na akong mapupuntahan. Bumuntong hininga ako bago niyakap ko nang mahigpit ang unan ni sir. Ang lambot nang unan niya, iniisip ko tuloy na sana si sir na lang ang yakap ko...Hindi namalayan
"Affy! Ano bang—" natigilan si sir nang bigla akong sumigaw."Wahhhh! Hindi ko nakita sir, huwag mo akong pagalitan. Hindi ko naman sinasadya e!" takot na takot kong sabi. Hinawakan ako ni sir sa balikat at inalog-alog. "Ano ka ba! Ano bang nangyayari sa 'yo ha?" tanong nito.Natigilan naman ako. Bigla kong naitikom ang bunganga ko dahil napasulyap ako sa kamay ni sir na nakahawak sa balikat ko. Dumadampi ang mainit niyang palad sa balikat ko, at dahil nakasando lang ako'y ramdam ko ang init na nananalaytay sa kaibuturan ko.Tumingin ako kay Sir Reyman. At nakita kong nakatitig din ito sa akin. Napakalakas nang tibok nang puso ko. Parang pabibingi ako sa sobrang ingay noon. Mamamatay na ba ako kaya parang kinakapos ako nang hininga."Affy... okey ka lang ba?" muling tanong ni Reyman. Napatango-tango ako pero wala sa sarili. "Kung okey ka, bakit parang namumula ka? Kumakain ka ba nang tama ha?" Tumango ulit ako na parang wala sa sarili. Hinawakan ni sir ang noo ko na lalong nagpa
"Ano ka ba Lyn? Dapat hindi mo nilalagyan nang dahilan ang mga bagay na iyon! Akala ko pa naman malinaw na ang lahat sa atin." Tumayo si Reyman at imbis na inumin ang juice na tinimpla ko sa kanila ay lumapit ito sa akin at inagaw ang kapeng tinimpla ko. Ininom niya iyon mismo sa harapan ko kaya napanganga akong tinitigan siya.Gusto ko sanang sabihin na hindi para sa kanya iyon pero hindi ako makapagsalita. Lalo na at matapos inumin iyon ni Reyman ay tumingin ito sa akin at nagsalita. "Initin mo iyong adobo mamayang lunch okey?" Npatango-tango ako at nakita kong ngumiti ito sa akin bago tumalikod at lumabas nang kusina.Totoo ba iyong nakita ko? Ngumiti sa akin si Sir Reyman? Hala! Nananaginip ba ako? Napangiti akong bigla at napansin iyon ni Lyn. "Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Hugasan mo 'tong mga pinagkainan!" bulyaw nito sa akin. Habang hinuhugasan ko ang mga plato ay hindi ko pa rin maiwasan na mapangiti. First time ko kasing makitang ngumiti si Sir Reyman. Kaya naman isang
"Ahm... sir? Para saan po ito?" takang tanong ko."Paglalagyan nang bibilhin natin sa bayan. Wala na tayong stock kaya mamamalengke tayo. Bakit ba pumorma ka pa e palengke lang naman ang pupuntahan natin? O sige na, sakay na at tanghali na." Tumalikod na ito at sumakay na nang sasakyan. Naiwan akong nakatulala. Mamamalengke? Hindi date? Joke ba 'to? HABANG nasa sasakyan kami. Napapatawa ako sa sarili ko. Ano bang katangahan ang pumasok sa isip ko at naisip kong magdadate kami ni sir? Napapailing ako habang tinatakluban ko ang mukha ko nang kamay. Napapasulyap naman sa akin si sir at napapakunot ang noo dahil sa ginagawa ko."Ano bang nangyayari sa 'yo Affy? Ayos ka lang ba?" tanong nito.Napapitlag naman ako't biglang napatingin sa kanya. "Ah... o-opo sir, ayos lang po ako." Bumaling ulit ako sa bintana at doon napangiwi.Mayamaya pa ay muli akong tumingin kay sir. At lakas loob na nagtanong. "Sir, matagal na po ba kayo ng girlfriend mo?" Napasulyap 'to sa akin at nakita ko
#TARANTADONG_BABAE#LAST_CHAPTERKabanata 29 ISANG mainit na gabi ang pinagsaluhan naming dalawa ni Joshua. Sa pag-aakala kong magiging simpleng gabi lang ito’y doon ako nagkamali. Isang bagay na natuklasan ko kaya muling nagkaroon ng maraming katanungan sa aking isipan.“Are you ready?” bulong nito sa akin matapos ang mainit naming paghahalikan. Magkalapat ang aming katawan, parehong walang saplot kaya ramdam na ramdam ko ang init ng katawan nito, lalo tuloy akong nagiging mapusok dahil nagiging sabik ako sa mga mangyayari.Tumango ako bilang tugon kay Joshua, kaya mabilis itong nagsimula. Akala ko puro sarap lang ang mangyayari ngunit nagkamali ako. Dumaloy ang sakit sa aking pagkababae ng magsimula ng ibaon ni Joshua ang kaniyang pagkalalaki. Medyo napaatras pa ako dahil sa pag-aakala na baka sala lang ang pagpasok nito, ngunit talagang naiiyak ako dahil ramdam na ramdam kong pinupunit ang aking ba
Kabanata 28 NANG matapos akong magpasukat ay nagtungo naman kami ni Donna sa office. Gusto ko lang makita si Joshua dahil ilang araw na itong abala sa trabaho.“Ikaw na lang muna ang umakyat sa taas may pupuntahan lang ako,” paalam ni Donna sa akin.“Ha? Saan ka pupunta?”“May tatapusin lang akong trabaho— naiwan kong trabaho kahapon.” Pagkasabi nito ay dali-dali na itong umalis. Napakunot-noo na lang ako sa ginawa ni Donna. Ayaw lang niya siguro akong samahan sa loob.Nagtuloy na ako papuntang elevator at nang magbukas iyon ay kaagad na akong pumasok. Mag-isa lang ako sa loob, tila pumapanig sa akin ang panahon. Naaalala ko pa ’yong nangyari sa akin noong nakaraan. Kung paano ako ipinahiya ni Alisha. Ganoon pa man ay gagampanan ko na lang ang nagawa ko, total naman ginawa ko lang iyon para mailayo na rin si Joshua kay Alisha.Tumunog na ang operato
Kabanata 27 ILANG ORAS ang lumipas ngunit wala pa rin si Joshua. Umalis kasi ito kasama si Alisha. Siguro'y naisip ni Joshua na umalis upang mailayo si Alisha sa akin."Ano kayang nangyari? Bakit hanggang ngayon, hindi pa sila bumabalik?" Pabalik-balik ako sa bintana upang alamin kung nariyan na si Joshua. Ngunit palagi akong bigo. Inabot na ako ng gabi sa paghihintay ay wala pa ring Joshua na dumadating, kaya nagpasya na akong umalis sa bahay ni Joshua. Nag-taxi na lang ako upang makauwi sa bahay. Pagdating sa bahay ay si Uncle ang kaagad kong nasalubong. Nag-aalala itong lumapit at nagtanong sa akin. "Iha, are you alright? Nabalitaan ko ang nangyari kanina, sinubukan kong tawagan ka pero hindi mo naman sinasagot ang phone mo.""Sorry po, Uncle Leo. Naiwan ko po 'yong phone ko sa office. Okay naman po ako gusto ko lang po magpahinga ngayon. Excuse me po..." Malungkot na umakyat ako sa hagdan patungo sa kuwarto. Pagdating sa
Kabanata 26 DINALA ako ni Joshua sa bahay niya, kung saan solo na naman namin ang isa’t isa. Pinaupo ako ni Joshua sa sofa.“Maupo ka lang diyan, kukuha ako ng yelo.”Naupo naman ako sa upuan at hinintay si Joshua na nagpunta sa kusina. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari sa akin ito. First time kong hindi gumanti sa kaaway ko. Siguro ay dahil nagi-guilty ako sa ginawa ko.Mayamaya pa'y dumating na si Joshua. Umupo ito sa tabi ko at hinawi ang buhok ko na nakataklob sa aking noo.“A-anong gagawin mo?” tanong ko.“May bukol ka sa noo, lalagyan ko ng yelo para bumalik sa dati.” Inilapat nito ang yelo sa noo ko at doon ko lang naramdaman na nagkaroon pala ako ng bukol. Medyo manhid pa kasi ang ulo ko dahil sa pagsabunot sa akin ni Alisha. Parang biglang humapdi ang mukha ko. May maliliit Palawan akong kalmot sa noo. Mabuti na lang at hindi nabawasan ang ganda ko ka
Kabanata 25 PAGMULAT ng mata ko’y si Joshua ang una kong nakita.“Hanggang sa panaginip, ikaw pa rin ang nakikita ko. Sana hindi na ako magising...” saad ko sa sarili ko.Naalipungatan ito dahil sa pagbulong ko. Napatingin ito sa akin at napatitig.Nagkurap-kurap ako ng mata.“Bakit parang totoo ka?” tanong ko sa kaniya.Hindi ito nagsalita, bagkus hinaplos nito ang mukha ko.Naramdaman ko ang kamay nito, kaya mabilis akong napabangon.“Hindi ito panaginip?!” gulat na gulat kong tanong.Doon na tumambad sa akin ang hubad na katawan ko. Ganoon din ito na naka-boxer short lang ang pang-ibaba.“O my God! A-anong nangyari?!” Hinila ko ang blanket at siyang itinabon sa katawan ko. Pasalamat na lang ako at nakasuot ako ng panty. Tanging iyon lang ang natabunan.Seryoso ang mukha nitong napatitig sa akin.&nbs
#tarantadong_babae_updatesKabanata 24 NAPAHINTO ito at muling napatitig sa akin, para ko itong nahi-hypnotize. Napatango-tango ito at muling naupo sa kaniyang inuupuan.Napangiti ako bago nagtungo sa swimming pool. Talagang nagpapa-cute ako sa kaniya. Alam kong nakatitig siya sa akin habang nagsi-swimming ako. At iyon ang gustong-gusto ko— ang makuha ko ang atensyon niya. Humanda ka sa akin, sisiguraduhin kong mababaliw ka sa akin at makakalimutan mo iyang Alisha mo.Ilang minuto ang lumipas, nagsawa na ako sa paglalangoy. Umahon na ako sa tubig, pero ang hindi ko inaasahan ay ang biglang abutan ako ni Joshua ng towel.“Sa-salamat.” Inabot ko ang tuwalya at isinaklob sa katawan ko.“Ang sarap maligo, kung sana ay naligo ka... E ’di sana'y nawala iyang init ng katawan mo.”Napakunot-noo ito sa sinabi ko, pero hindi nagsalita. Baka nahuli nito ang ibig kong
HALOS malaglag ang panga ko sa sinabi ni Uncle Leo. Hindi man lang ako tinanong nito bago siya nagdesisyon, kaya parang nakaramdam ako ng pagkadismaya.“May problema ba sa pagsama sa 'yo ni Joshua, ha iha?” tanong nito sa akin.“Wa-wala naman po, baka lang po kasi makaabala ako sa kaniya. Kailangan po siya sa office hindi po ba?”“No iha. Ako na bahala sa office ngayon. Sa ngayon, gusto ko munang matapos ’yong pinaggagawa ko sa iyo.”Napatingin ako kay Joshua. Nahuli ko ang mata nitong nakatitig sa akin. Kaya parang nailang ako sa suot ko. Nakapantalon at t-shirt lang naman ako. Ito ang sinuot ko ngayon dahil feeling ko, masyado namang pangit ang outfit kung naka-dress ako or naka-short.“So may problema pa ba, iha?” muling tanong ni Uncle sa akin ng hindi ako kaagad nakasagot.“Wala po. Sige, Uncle. Aalis na po kami para makarating kaagad
#TARANTADONG_BABAE UPDATESKabanata 22 ILANG ORAS din akong ginambala ng utak ko, palaging laman noon ay Joshua. Paulit-ulit kong naaalala ang ginawa ko. Nahihiya pa rin ako sa sarili ko kapag naiisip ko iyon. Ganoon na ba ako kadesperada, at tinangka ko siyang halikan?Nagulat na lang ako nang biglang may nagsalita sa harapan ko.“Ano girl, tulala?” nakangising pukaw sa akin ni Donna.“Kanina ka pa ba riyan?!” gulat na gulat kong tanong.“Oo. Kanina pa, ano bang iniisip mo't hindi mo naramdaman ang pagpasok ko sa opisina mo ha?”“Ha? Ah, wala naman... medyo hang over lang siguro.”Saka ko lang napansin na may dala itong paper bag.“Ano iyan?” tanong ko.“Lunch na kaya, wala ka bang balak kumain? Anyways, alam ko naman na ganito ang mangyayari, kaya heto... may dala akong pagkain para sa ating dalawa.” Inil
Tarantadong BabaeKabanata 21 “WILBERT?! A-anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong.“Katulad ng ginagawa mo, nagpapalipas ng oras— umiinom upang saglit na makalimot.” Ngumiti ito sabay lagok ng alak.“Ah...” tamad kong sagot.“Mukhang mabigat ang problema mo ngayon a, may maitutulong ba ako?” anito.“Wala naman, nagpapalipas lang ako ng oras.”Hindi ko ugaling i-share sa iba ang nararamdaman ko—lalo na kay Wilbert na alam kong may pagtingin din sa akin.“Ibang-iba ka na talaga ngayon, Kim.”“Ha? Anong iba? Ako pa rin naman ito...” Ngumiti ako ng bahagya.“No. I mean malayong-malayo na ang Kimberly na nakilala ko noon kaysa ngayon. Look at you now, lalo kang gumanda sa paningin ko. Kung noon ay hangang-hanga na ako sa 'yo, ano pa kaya ngayon?”Napangiti ako sa sinabi