"Ano ka ba Lyn? Dapat hindi mo nilalagyan nang dahilan ang mga bagay na iyon! Akala ko pa naman malinaw na ang lahat sa atin." Tumayo si Reyman at imbis na inumin ang juice na tinimpla ko sa kanila ay lumapit ito sa akin at inagaw ang kapeng tinimpla ko. Ininom niya iyon mismo sa harapan ko kaya napanganga akong tinitigan siya.Gusto ko sanang sabihin na hindi para sa kanya iyon pero hindi ako makapagsalita. Lalo na at matapos inumin iyon ni Reyman ay tumingin ito sa akin at nagsalita. "Initin mo iyong adobo mamayang lunch okey?" Npatango-tango ako at nakita kong ngumiti ito sa akin bago tumalikod at lumabas nang kusina.Totoo ba iyong nakita ko? Ngumiti sa akin si Sir Reyman? Hala! Nananaginip ba ako? Napangiti akong bigla at napansin iyon ni Lyn. "Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Hugasan mo 'tong mga pinagkainan!" bulyaw nito sa akin. Habang hinuhugasan ko ang mga plato ay hindi ko pa rin maiwasan na mapangiti. First time ko kasing makitang ngumiti si Sir Reyman. Kaya naman isang
"Ahm... sir? Para saan po ito?" takang tanong ko."Paglalagyan nang bibilhin natin sa bayan. Wala na tayong stock kaya mamamalengke tayo. Bakit ba pumorma ka pa e palengke lang naman ang pupuntahan natin? O sige na, sakay na at tanghali na." Tumalikod na ito at sumakay na nang sasakyan. Naiwan akong nakatulala. Mamamalengke? Hindi date? Joke ba 'to? HABANG nasa sasakyan kami. Napapatawa ako sa sarili ko. Ano bang katangahan ang pumasok sa isip ko at naisip kong magdadate kami ni sir? Napapailing ako habang tinatakluban ko ang mukha ko nang kamay. Napapasulyap naman sa akin si sir at napapakunot ang noo dahil sa ginagawa ko."Ano bang nangyayari sa 'yo Affy? Ayos ka lang ba?" tanong nito.Napapitlag naman ako't biglang napatingin sa kanya. "Ah... o-opo sir, ayos lang po ako." Bumaling ulit ako sa bintana at doon napangiwi.Mayamaya pa ay muli akong tumingin kay sir. At lakas loob na nagtanong. "Sir, matagal na po ba kayo ng girlfriend mo?" Napasulyap 'to sa akin at nakita ko
"Ano po iyon sir?" tanong ko.Lumapit ito sa tenga ko at saka nagsalita. Medyo napaatras pa ako dahil akala ko hahalikan ako ni sir, bubulong lang pala. "Nagugutom ka na ba?" tanong nito.Napatango naman akong bigla kahit hindi pa naman talaga ako nagugutom, medyo natense ako sa bulong niya. Tumango ito at matapos na bayaran ang pinamili ay nilagay namin iyon sa likuran ng sasakyan at muli akong niyaya ni sir. Hindi ba siya napapagod? Ako pagod na kakalakad e. Pero masaya naman kasi kasama ko si sir, saan naman kaya kami pupunta? Pumasok kami sa restaurant at doon ay pinaupo ako ni sir sa upuan na bakante."Upo ka roon at ako na ang oorder." Lumapit 'to sa stante nang mga pagkain at pumili ng pagkain. Sa restaurant walang aircon at walang magandang lamesa at upuan. Pero mapapansin naman ang kalinisan sa paligid. Ngayon lang ako nakakain sa ganitong kainan. Napasulyap ako kay sir, at bigla akong napangiti. Siya na ba ang lalaking matagal ko nang hinihintay? Sa kabila ng pagiging may
"Okey lang po ako sir, huwag na po tayong huminto. Sa bahay na lang po." Namumutalang sabi ko. Sana hindi ako nakita ni dad, sana hindi niya malaman kung nasaan ako. Ayoko pang-umuwi, ayokong magpakasal sa lalaking hindi ko mahal.Napapasulyap sa akin si Sir Reyman. Pero hindi naman niya magawang magtanong dahil parang balisa akong nagpapalinga-linga. Binuhay nito ang radyo, kaya naman medyo nakampante ako dahil sa musikang nanggagaling sa maliit na radyo. Nakarating kami sa bahay. Pagbaba ko'y muli akong sumilip sa labas. At nang malamang hindi kami nasundan ay nakahinga na ako ng maluwag.Kinuha ko ang ibang pinamili namin sa kotse at isinunod sa loob. Nasa loob na si sir dahil una na niyang kinuha ang mabigat na kahon na binili namin sa grocery. Pagpasok sa kusina'y nagtanong sa akin si sir."Akala ko ba natatae ka?" tanong nito. "Ah... eh... okey na pala ako sir, biglang nawala." Nakangiti kong sabi. Napatango-tango ito pero mukhang naghihinala. "Ahm sige po, kukunin ko lang ang
"Anong palagay mo sa akin? Bobo? At mapapaikot mo ako sa mga kasinungalingan mo?" Napatitig ako sa mata nitong titig na titig din sa akin."Sir...""Huwag ka nang magsalita! Hindi ko na kailangan ang paliwanag mo. Hindi mo ba naisip na baka nag-aalala sa 'yo ang nanay mo? Hindi mo ba naisip na kaya ayaw ka nilang pagtrabahuhin ay dahil gusto lang nilang huwag kang malayo sa kanila?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni sir. Ano bang ibig niyang sabihin?"A-ano po iyon sir? Ano pong—" natigilan ako ng bigla niya akong bulyawan."Itigil mo na ang kasinungalingan mo! Tumakas ka sa probinsya ninyo dahil hindi sang-ayon ang nanay mo na magtrabaho ka! Puwede ba Affy! Sa susunod sabihin mo na lang sa akin ang totoo? Paano kita pagkakatiwalaan kung ngayon palang nagsisinungaling ka na? Tsk!" Tumalikod na ito at padabog na umakyat sa hagdan. Naiwan akong nakatulala at napapaisip. Akala ko, alam na ni sir na tumakas ako para takasan ang pakakasalan ko. Bigla akong natawa at napakamot sa ulo. Ma
Nang masigurado na wala na ang mga naghahanap ay saka nag-doorbell si Lyn. Pero hindi ko ito pinagbuksan, dahil sa takot kong si Daddy pa rin iyon. Nagkulong na ako sa kuwarto at hindi nagpakalabas-labas. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa mapagod. Sa kabilang banda."Kumusta pare? Dinalaw mo ba ang Tatay mo sa libingan?" natatawang tanong ni Miguel.Napakunot-noo si Reyman at napapailing na ininom ang alak. Tumawa nang pagak si Miguel. "Hanggang ngayon ba, nagkikimkim ka pa rin nang galit sa Ama mo? Common bro, hindi nakakatulong sa 'yo iyan! You only to do para sumaya ka na is to accept the past. Hindi mo maibabalik pa ang lahat." "Stop nonsense topic bro, mas hindi ka nakakatulong sa akin!" iritang saad niya.Kahit hindi pa patay ang Daddy niya. Itinuturing niyang patay na ito sapagkat hindi pa niya kayang patawarin ang Ama niya sa mga nagawang kasalanan sa kanila ng Mommy niya. Hindi pa siya handang tanggapin ulit ito sa buhay niya. At sa ngayon naman ay wala siyang balita sa k
Tumango ito bago nagpasyang umalis nang kuwarto ko. Napabuntong-hininga ako matapos na mawala sa harapan ko si sir, medyo kumalma na ako dahil hindi pa niya alam ang lahat. Alam kong darating ang oras na sasabihin iyon ni Lyn, sana naman manatiling tahimik si Lyn. Pagpasok ni Reyman sa kuwarto niya ay isinara niya agad ang pinto. Bago naupo sa kama at saglit na nag-isip. Oo, hindi siya naniniwala na walang problema si Affy, dahil hindi siya manhid para hindi maramdaman iyon. Napatingin siya sa kamay niya at naalala niya ang nakalipas. Nang yakapin siya ni Affy ay iba ang naramdaman niya, medyo nainis pa siya nang matapos ang tagpong iyon at lumayo na sa kanya si Affy. Gusto sana niyang gantihan ito nang yakap pero ayaw naman niyang mag-isip ito nang kung ano sa kanya. Hindi niya magagawang gumawa ng masama kay Affy lalo na at dadalawa lang sila sa bahay niya. Kinabukasan; Nakarinig muli ako nang doorbell sa labas nang bahay. Kasalukuyan akong nasa sala noon at nagpupunas nang mg
"Sir?" sambit ko."Sinungaling ka rin talaga no!" anito na umarko pa ang kilay. Bigla akong kinabahan, sinabi na yata ni Lyn ang lahat."Sir..." napatungo ako. "Hindi mo naman kailangang bolahin si Lyn para lang magpa-impress. Dapat nga, sinabi mo ang totoo," anito na sadyang kinugulat ko. Nagtaka ako, akala ko'y alam na niya ang lahat. Iyon pala ay sa ulam ang tinutukoy ni sir, napangiti akong bigla. At ganoon din si sir sa akin. Ang guwapo talaga niya kapag nakangiti.Napabuntong-hininga ito, bago kumuha nang baso at nagtimpla nang kape. Sa 'di kalayuan, tanaw pala kami ni Lyn na nagngingitian, kaya ngitngit na ngitngit 'to sa galit."Talagang sinusubukan ako nang babaeng 'to ah!" bulong ni Lyn.Lumabas na nang kusina si Reyman at naupong muli sa sofa. Hindi niya gustong paasahin si Lyn, pero hindi rin niya 'to maitaboy."Reyman, may gusto ka ba sa katulong mo?" tanong ni Lyn. Natigilan si Reyman sa tanong nito.Tumingin si Reyman, tinitigan si Lyn bago muling bumaling sa tv. "Com