Bago bumalik ng probinsiya ang dalawa, ipinasyal muna niya ang mga ito sa magandang pasyalan sa Maynila. Ipinag-shopping din niya nang kaunti ang tiya niya, ganoon din si Carl. Tutal, sa weekend pa ang kaniyang next flight papuntang Netherlands, nilubos na niya ang oras para sa tiya niya.“Tiya Alice, huwag na po kayong magpagod doon. Tapos ayusin na ninyo ang mga gamit na p’wede pa ibenta sa bahay para mabilis na kayong makabalik dito. Sa mga gamit ko po, itapon o ipamigay niyo na lang po lahat.”Napatingin ang tiya niya sa kaniya maging si Carl. Nasa isang restaurant sila at kumakain ng dinner, matapos ang mahabang lakaran kaiikot sa mall.“Sigurdo ka ba, anak? Wala akong dadalhin sa mga gamit mo?”Mabilis siyang tumango.“Opo, ipamigay na lang ho ninyo. Kung walang kukuha o magkagusto, sunugin niyo na lang po. At ’yung bahay, ibenta niyo na lang din.” Ngumiti siya pero habang sinasabi niya iyon ay may kirot sa puso niya. Maiiwan ang alaala ng magulang niya roon. Malungkot, pero wa
Last Updated : 2024-06-21 Read more